You are on page 1of 10

SAT.

MARIA INTEGRATED SCHOOL


TAGBINA II DISTRICT

PERIODIC TEST IN ESP 8

TABLE OF SPECIFICATIONS
Q2 ESP VIII

ITEM PLACEMENT NO. OF


ITEM ITEMS
EASY AVERAGE DIFFICULT
COMPETENCY CODE PLACE
MENT REMEMBER/ UNDERSTAND/ APPLY/ ANALYZE/ EVALUATE/ CREATE/

KNOWLEDGE COMPREHENSION APPLICATION ANALYSIS SYNTHESIZE EVALUATION

Natutukoy ang mga taong EsP8PI


1-3 2 1,3 3
itinuturing niyang kapwa Ia-5.1
Nasusuri ang mga
impluwensya ng kanyang
kapwa sa kanya sa EsP8PI
4-6 5,6 4 6
aspektong intelektwal, Ia-5.2
panlipunan,
pangkabuhayan, at pulitikal
Nahihinuha na: a. Ang tao
ay likas na panlipunang
nilalang, kaya’t nakikipag-
ugnayan siya sa kanyang
kapwa upang malinang
siya sa aspektong
intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan, at
politikal. b. Ang birtud ng EsP8PI
7-10 7,8,9,10 4
katarungan (justice) at Ib-5.3
pagmamahal (charity) ay
kailangan sa pagpapatatag
ng pakikipagkapwa. b. Ang
pagiging ganap niyang tao
ay matatamo sa
paglilingkod sa kapwa -
ang tunay na indikasyon
ng pagmamahal.
Naisasagawa ang isang
gawaing tutugon sa
pangangailangan ng mga
mag-aaral o kabataan sa EsP8PI
11-13 11,12,13 3
paaralan o pamayanan sa Ib-5.4
aspektong intelektwal,
panlipunan,
pangkabuhayan, o pulitikal
6.1 Natutukoy ang mga
taong itinuturing niyang
EsP8PI
kaibigan at ang mga 14-16 14,15,16 3
Ic-6.1
natutuhan niya mula sa
mga ito
6.2. Nasusuri ang kanyang
EsP8PI
mga pakikipagkaibigan 17-19 18 19 17 3
Ic-6.2
batay sa tatlong uri ng
6.3 Nahihinuha na: a. Ang EsP8PI 20-22 21 22 20 3
pakikipagkaibigan ay Id-6.3
nakatutulong sa paghubog
ng matatag na
pagkakakilanlan at
pakikisalamuha sa lipunan.
b. Maraming kabutihang
naidudulot ang
pagpapanatili ng mabuting
pakikipagkaibigan: ang
pagpapaunlad ng pagkatao
at pakikipagkapwa at
pagtatamo ng
mapayapang
lipunan/pamayanan. c. Ang
pagpapatawad ay
palatandaan ng
pakikipagkaibigang batay
sa kabutihan at
pagmamahal.
Nakatutulong ito sa
pagtamo ng integrasyong
pansarili at pagpapaunlad
ng pakikipagkapwa.
Naisasagawa ang mga
angkop na kilos upang
EsP8PI
mapaunlad ang 23-25 25 23 24 3
Id-6.4
pakikipagkaibigan (hal.:
pagpapatawad)
Natutukoy ang magiging
epekto sa kilos at
pagpapasiya ng wasto at EsP8PI
26-28 26 27,28 3
hindi wastong Ie-7.1
pamamahala ng
pangunahing emosyon
Nasusuri kung paano
naiimpluwensyahan ng
isang emosyon ang EsP8PI 29,30,
29-31 3
pagpapasiya sa isang Ie-7.2 31
sitwasyon na may krisis,
suliranin o pagkalito
Napangangatwiranan na:
a. Ang pamamahala ng
emosyon sa pamamagitan
ng pagtataglay ng mga
birtud ay nakatutulong sa
pagpapaunlad ng sarili at
EsP8PI
pakikipagkapwa. b. Ang 32-34 33,34 32 3
If- 7.3
katatagan (fortitude) at
kahinahunan (prudence)
ay nakatutulong upang
harapin ang matinding
pagkamuhi, matinding
kalungkutan, takot at galit.
Naisasagawa ang mga
angkop na kilos upang EsP8PI
35-36 35,36 2
mapamahalaan nang If-7.4
wasto ang emosyon
Natutukoy ang
kahalagahan ng pagiging EsP8PI 37,38,
37-39 3
mapanagutang lider at Ig-8.1 39
tagasunod
Nasusuri ang katangian ng
mapanagutang lider at EsP8PI
40-41 40,41 2
tagasunod na nakasama, Ig-8.2
naobserbahan o napanood
Nahihinuha na ang
pagganap ng tao sa
kanyang gampanin bilang
lider at tagasunod ay
nakatutulong sa EsP8PI 42,43,44,
42-46 5
pagpapaunlad ng sarili Ih-8.3 45,46
tungo sa mapanagutang
pakikipag-ugnayan sa
kapwa at makabuluhang
buhay sa lipunan
Naisasagawa ang mga
angkop na kilos upang
mapaunlad ang EsP8PI 47,48,49,
47-50 3
kakayahang maging Ih-8.4 50
mapanagutang lider at
tagasunod
STA. MARIA INTEGRATED SCHOOL
TAGBINA II DISTRICT

PERIODIC TEST IN ESP 8

Pangalan: ____________________________________ Baitang at Pangkat: ______ Iskor:________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa bawat aytem. Piliin ang titik ng pinakaangkop
na sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Iiral ang tunay na pakikipagkapwa-tao kapag bukal sa ating puso ang:


A. Magpatawad ng may kondisyon. C. Kumilos, magbigay, at magpatawad.
B. Magmatyag at manghusga ng iba. D. Hayaang magdusa ang iba dahil sa sarilin katamaran.
2. Sino sa mga sumusunod ang tunay na “kapwa”?
i. Si Marites na hindi kailanman nagpapakalat ng fake news sa social media.
ii. Si Titser Jessie na handang matutunan ang mga makabagong pamamaraan ng pagtuturo para sa
kanyang mga estudyante.
iii. Si Balong na gagawing 1 oras na lamang (mula 5 oras) ang paglalaro ng Mobile Legends para
magkaroon ng panahong tumulong sa mga gawaing bahay at gumawa ng mga leksyon.
A. i B. ii C. iii D. Lahat ng nabanggit
3. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay :
A. Nakabatay sa estado ng tao sa lipunan
B. Nakasasalay sa kalagayang pang-ekonomiya
C. Pagtrato sa kanya na may paggalang at dignidad
D. Pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa
4. Ano ang dapat gawin kapag nakatanggap ng fake news?
A. Ikalat para masaya. C. I-share at i-post sa social media.
B. Suriin at huwag ikalat. D. Tangkilikin ang mga nakakatuwa.
5. Ngayong panahon ng pandemya, kasama sa mga “pananagutan” ko sa kapwa ang mga sumusunod
MALIBAN sa:
A. Siguraduhing magsuot ng face mask at face shield.
B. Manatili sa bahay kung wala namang importanteng lakad.
C. Hindi pagsunod sa mga alituntuning pangkalusugan dahil ako ay malaya.
D.Maging mapanuri sa bawat mensaheng natatanggapupang maiwasang makapagkalat ng fakenews.
6. Ang isang mabuting kapwa ay handang gawin ang mga sumusunod MALIBAN ang:
A. Kumilos at magsakripisyo
B. Mangarap at maglingkod sa ibang tao.
C. Humilata at maghintay ng rasyon mula sa gobyerno.
D. Magmatyag at mapanuri sa mga impormasyon na nasasagap sa social media.
7. Aling aspeto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay?
a. Panlipunan b. Pangkabuhayan c. Politikal d. Intelektwal
8. Ang pakikipagkapwa ay maipapakita sa pamamagitan ng sumusunod maliban lamang sa _________.
a. pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
b. kakayahan ng taong umunawa
c. pagtulong at pakikiramay sa kapwa
d. espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
9. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang ugnayan sa ibang tao?
a. Magiging tanyag ka sa iyong pamayanan.
b. Magiging mabisa ang pakikipagtulungan at paggawa kasama ang ibang tao.
c. Magkakaroon ng pagkakaisa ang mga tao sa pamayanan.
d. Parehong b at c.
10. Sinu-sino ang iyong kapwa-tao?
a. Ang Pangulo ng Pilipinas, ang militar at manggagawang panlipunan o social worker.
b. Ang mga pulubi, batang lansangan, at drug addict.
c. Ang mga kapitbahay, mga taong may kapansanan, at mga batang “espesyal” o special children.
d. Lahat ng nasa itaas.
11. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ________.
a. pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa.
b. pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad.
c. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
d. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
12. Ano ang hindi kabilang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao.
b. Pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka.
c. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan.
d. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa.
13. Ang mga sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa diyalogo, maliban lamang sa isa:
a. Naipakikita ang kakayahang makipag-diyalogo sa pamamagitan ng wika.
b. Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsasaliksik ng kasanayan.
c. Naipahahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang tunay na pagkalinga.
d. Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag-ugnayan sa kapwa.
14. Matagal nang inuunawa ni Minda ang pagiging palaasa ni Lucy. Madalas sa klase, si Minda ang
kinokopyahan ng mga takdang aralin ng kaibigan. Minsan, sinabi nito kay Lucy na mas makabubuting
pag-aralan niya na gawing mag-isa ang mga proyekto at iba pang gawain sa klase ngunit hindi pa rin
niya ito ginawa. Kaya, nagpasiya si Minda na hindi na siya magpapakopya sa kaibigan. Mula noon,
hindi na siya pinansin ni Lucy. Anong uri ng pagkakaibigan ang ipinakitang halimbawa ni Lucy?
A. Pagkakaibigang nakabatay sa kakayahang interpersonal
B. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
C. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
D. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan
15.Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Pakikipagkaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan?
A. Kapag gusto ni Via na mag-hiking, tumatawag siya kay Lea dahil mas masaya ito kasama
mag-hike kaysa sa kaibigan niyang si Rose.
B. Hinahatdan ni Mia si Lyn ng pagkain tuwing may sakit ito.
C. Nakikipagkaibigan si Leo kay Vince dahil may pera ito.
D. Sumasabay si Joy kay Cris dahil may sasakyan ito.
16. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng pakikipagkaibigang nakabatay sa kabutihan, maliban sa
____.
A. Sumasama si Rey sa kaibigan niya kung malungkot lamang siya.
B. Kasama palagi sa dalangin ni Diane ang kanyang kaibigan.
C. Pinagsasabihan ni Sally ang kaibigan kapag nagkamali ito.
D. Iniintindi ni Tom ang minsang katigasan ng ulo ni Jim.
Para sa bilang 17 -19. Basahin at suriin ang sitwasyon sa ibaba:

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Zeny at Cely sa paaralang kanilang pinapasukan.


Nagustuhan ni Cely ang pagkamasayahin, makuwento, at maalalahanin ni Zeny. Masaya sila sa
kanilang relasyon bilang magkaibigan at magkaklase. Habang tumatagal mas nakilala ng dalawa ang
isa’t isa; ang mabubuting katangian pati na rin ang ilang kapintasan. Para kay Cely, lubos at walang
kondisyon ang kaniyang pagmamalasakit sa kaibigan. Subalit ng tumagal, napansin niya na kapag
natataasan niya ang iskor ni Zeny sa kanilang pagsusulit, naiinis ito. Kapag ang kanilang guro ay
pumupuri sa magagandang gawaing naipamalas ni Cely, sa ibang kaklase sumasama ang huli.
Nasasaktan si Cely pero wala siyang lakas ng loob sabihin ito kay Zeny. Ang lahat ng kaniyang saloobin
ay sinasarili na lamang niya.

17. Kung ikaw si Cely ano ang pinakamakatwirang hakbang upang maging malinaw ang katayuan ng
kaniyang pakikipagkaibigan kay Zeny?
A. Makipagkaibigan sa iba at balewalain ang kaibigang naiinggit sa kaniya
B. Ipagpatuloy ang pananahimik hanggang kaya pang tiisin ang ugali ng Kaibigan
C. Ipakita kay Zeny na hindi siya apektado sa negatibong kilos at asal na ipinamamalas sa kaniya
DMaglaan ng sapat na panahon sa pakikipag-usap nang matapat kaugnay sa negatibong asal / ugali
ng kaibigan
18. Ano ang pangunahing dahilan ng hindi magandang pakikitungo ni Zeny sa kaniyang kaibigan?
A. Hindi niya mahal ang kaniyang kaibigan
B. May nabubuong kompetisyon sa kanilang dalawa
C. Nagsasawa na siya sa kabaitang ipinakikita ng kaibigan
D. Isa lang sa kanila ang sumisikat at napapansin sa klase
19. Mula sa kuwento ng pagkakaibigan nina Zeny at Cely, alin sa sumusunod na konsepto ang angkop
dito?
A. Ang tunay na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayang
namamagitan.
B. Ang pagkakaibigan ay pagbabahagi ng sarili na hindi naghihintay ng kapalit sa mga bagay na
hatid ng pakikipag-ugnayan sa kapwa
C. Lahat ng pagkakaibigan ay may mabuti at di mabuting naidudulot sa tao subalit ang mga ito’y
maaaring maging dahilan ng ating paglago.
D. Sa pagpili ng kaibigan, kailangan nating bumuo ng pamantayan at inaaasahan sa kanila na
makakatulong sa pagpapabuti ng pagkatao.
20. Paano nagiging makabuluhan ang pagiging lider at tagasunod?
A. Pagsasawalang-bahala sa pangkat na kinabibilangan.
B. Pagsasawalang-kibo sa upang hindi mapagalitan ng ibang kasapi ng pangkat.
C. Pagiging mapagsang-ayon sa anumang desisyon labag man sa kalooban.
D. Pagiging tapat,makatarungan,at pagpapakita ng paggalang sa pakikipag-ugnayan sa pangkat.
21. Sa aling pagkakataon na ang namumuno ay nawawalan ng direksyon sa pagkamit ng mga layunin
ng pangkat?
A. Karamihan ng nasa pangkat ay ang maging tagasunod.
B. Karamihan ay gustong maging lider.
C. Kakulangan sa mga katangian ng isang lider.
D. Kawalan sa interes ng mga tagasunod.
22. Gampanin ng isang lider ang pagsaalang-alang sa kabutihan ng nakakarami. Ano ang ibig sabihin
nito?
A. Pagbigyan ang interes ng mga mamalapit sa iyo.
B. Sang-ayunan ang unang naglahad sa mga hakbangin.
C. Ang gagawing hakbang ay nakasalalay sa higit na kabutihang maidudulot sa nakakarami hindi
man sang-ayon ang iba.
D. Kung saan mas mapadali ang hakbangin ito ang piliin.
23. Si Chris ay nagtapos na may mataas na karangalan. Dahil sa angking talino,,agad siyang naluklok
bilang tagapamahala ng isang kompanya.Dahil sa pagnanais na mapadali ang mga gawain,siya ang
nagdidesisyon at gumagawa sa mga kinakailangang gagawin. Ano ang magiging damdamin ng
kanyang mga tagasunod?
A. Magiging masaya dahil wala na silang gagawin.
B. Mangangamba dahil baka masisante sila.
C. Sasama ang loob dahil hindi sila nabigyan ng pagkakataon sa pagggawa at makilala ang kanilang
kakayahan.
D. Maawa ky Chris sa sa marami siyang gawain.
24. Dahil galing sa promenenteng pamilya ng kanilang bayan,naluklok siya bilang alkalde. Napansin ng
kanyang mga nasasakupan ang palagiang pagpunta sa abroad pag sinusubok ng kalamidad ang
kanilang lugar. Iniaasa niya ang lahat sa kanyang bise-alkalde. Sa sumunod na halalan,natalo si
Eddie. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang pamumuno ay dapat may impluwensya sa nasasakupan.
B. Ang mamumuno ay dapat mahusay at amatalino.
C. Ang lider ay dapat hindi magpunta sa ibang bansa.
D.Ang lider ay dapat maasahan sa sitwasyon na siya ay kailangan.
25. Ano ang kadalasang dahilan kung bakit nawawalan ng interes sa mga gawain,nagrereklamo,at
humihiwalay sa grupo ang isang tagasunod?
A. Katamaran sa paggawa C. Walang tiwala sa sarili
B. Kawalan ng tiwala sa lider D. Karamdamang iniinda sa katawan
26. Si Marie ay nakaranas ng krisis sa buhay mahalaga na magrelax. Alin sa sumusunod ang hindi
magandang paraan ng pagre-relax?
A. Pagbabakasyon C. Paglakad-lakad sa parke
B. Pagtatanim ng halaman D. Kumain ng labis o mukbang
27. Nakita ni Ruel si Ana na dati niyang hinahangaan. At nahalata rin ni Ana ang motibo ni Ruel. Anong
nagbibigay palatandaan sa ibang tao ng tunay mong nararamdaman?
A. Ang ating opinion C. Ang ating ugnayan sa kapwa
B. Ang ating mga kilos at galaw D. Ang mabilis na pagtibok ng ating puso
28. Labis na nasaktan ang iyong Ina dahil hindi mo nagawang sagutan ang mga modyul, para bang
binabalewala mo ang kanyang sakripisyo na pag-aaralin ka. Ano ang idinulot ng iyong kilos?
A. Nailabas mo ang iyong sama ng loob
B. Hindi ka na pag-aaralin ng iyong Ina
C. Gumaan ang iyong loob dahil ikaw ay nakaganti
D. Nagkaroon ng suliranin sa ugnayan sa iyong Ina.
29. Tumalon sa tuwa si Alvin na hindi makapaniwala sa inaasahang sagot ni Melanie na “Oo” sa
wedding proposal. A. Galit B. Takot C. Kasiyahan D. Pagkamangha
30. Si Carlo ay may mga bagay na inaayawan at taong kinakalaban. Siya ay handang makikipaglaban
tulad ng pagbuo ng kamao, pagsingkit ng mga mata, at pagtaas ng balikat. Kapag labis ang kanyang
emosyong nararamdaman ay nagbubunga ito ng personal o panlipunang problema.
A. Galit B. Takot C. Kalungkutan D. Pagkadiri o Pagkarimarim
31. Mahimik ng umuwi sa bahay si Jan, nakikita sa kanyang katawan ang nahuhukot, kagat ang labi, at
kung minsan ay kasabay ang luha na para bang nasa kawalan o kahirapan. Maging sa hapag kainan
ay walang ganang kumain dahil hiniwalayan siya ni Mitch.
A. Galit B. Kasiyahan C. Kalungkutan D. Pagkadiri o Pagkarimarim
32. Si Nana ay may kakayahang kumilala, gumamit, umunawa, at mamahala ng emosyon sa positibong
paraan upang mawala ang suliranin, maramdaman ang damdamin ng iba, mapaglabanan ang mga
hamong darating, at makaiwas sa gulo.
A. Katalinuhan C. Pamamahala ng emosyon
B. Birtud ng emosyon D. Katalinuhang pang-emosyonal
33. Sa gitna na pandemya, pinagpatuloy parin ni Maya ang kanyang pag-aaral, hindi siya susuko sa
hamon ng buhay kahit damang-dama niya ang matinding pagod sa gawaing bahay at pagtuturo sa
kanyang mga nakababatang kapatid. Anong birtud ang taglay ni Maya?
A. Palaban B. Katatagan C. Pagmamahal D. Kahinahunan
34. Kahit anong trash talks o paninirang puri sa social media ang inabot ni Aldous kaya pa rin niyang
pamahalaan ang emosyon at may displina gamit ang tamang katuwiran na hindi siya gaganti sa
kalaban. Anong birtud ang taglay ni Aldous?
A. Palaban B. Katatagan C. Pagmamahal D. Kahinahunan
35. Sa tuwing nagpupuyos sa galit si Franco na parang bulkan na sasabog dahil sa huwad na balita o
fake news na kanyang narinig mula sa kanyang kaibigan na si Alucard, pinipigilan parin niya ang
kanyang galit dahil pinapahalagahan niya ang kanilang pagkakaibigan.
A. Pagkakakilala sa Sarili (Self-Awareness)
B.Pamamahala sa Sarili (Self-Management)
C.Panlipunang Pagkakakilala (Social Awareness)
D.Pamamahala sa Relasyon (Relationship Management)
36. Nilalabanan ni Layla ang matinding galit sa papagitan ng pagyoyoga. Ang pagrerelax sa
pamamagitan ng pag-ehersisyo ay isang paraan ng pamamahala ng emosyon.
A. Pagkakakilala sa Sarili (Self-Awareness)
B.Pamamahala sa Sarili (Self-Management)
C.Panlipunang Pagkakakilala (Social Awareness)
D.Pamamahala sa Relasyon (Relationship Management)
37. Bilang isang lider nagkaroon ka ng magkasalungat na opinyon sa iyong mga tagasunod. Ano ang
maari mong gawin?
A. Idaan sa diskusyon na may bukas na isipang tanggapin ang suhestiyon ng iba.
B. Huwag nalang itong intindihin at ipagpapatuloy ang iyong paninindigan.
C. Ipakita na ang iyong paninindigan ay di kailanman masama.
D. Iasa ang paglutas nito sa mga tagasunod.
38. Nakatanggap ka ng negatibong kritisismo ukol sa iyo. Paano ka sasagot?
A. Sasabihan ang nagbigay ng kritisismo na direkta itong sabihin sa iyo.
B. Iisiping naging mababaw ang kanilang pagkaintindi.
C. Iisiping lilipas lang din ang mga narinig ng tao.
D. Magagalit at ipagtatanggol ang sarili.
39. Sa naganap na pandemya, marami sa iyong mga tagasunod ang naghirap. Nais mong makatulong
sa inyong organisasyon subalit ikaw ay tagasunod lamang. Ano ang maaari mong gawin?
A. Huwag nalang kumibo, di rin naman ikaw ang lider.
B. Magtatag ng ibang grupo para pamunuan.
C. Isangguni ang iyong mungkahi sa lider.
D. Magpatawag ng pagpupulong.
40. Nagkaroon ng ‘lockdown’ sa inyung lugar, hindi maaaring lumabas ng bahay ang maga batang may
edad dalawampu pababa. Ano ang iyong gagawin?
A. Sumama sa mga nagkumpolang kapitbahay para iwas bagot.
B. Sumunod at gumawa ng mga bagay na kapaki-pakinabang.
C. Huwag intindihin ang mga batas sapagkat bata ka pa.
D. Magkulong sa bahay at umiwas makipag-usap.
41. Sa panahon ng ‘quarantine’ para maiwasan ang pagkalat ng sakit, marami sa iyong mga kapitbahay
ang hindi sumusunod sa inyong purok lider. Bilang isang mapanagutang tagasunod ano ang maaari
mong gawin?
A. Hikayatin ang aking mga kaibigan na sumunod sa batas.
B. Pagalitan sila dahil sa pagiging maatigas ang ulo.
C. Sumama at makihalubilo sa kanila.
D. Isumbong sila sa mga awtoridad.
42. Aling aspeto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay?
a. Panlipunan b. Pangkabuhayan c. Politikal d. Intelektwal
43. Ang pakikipagkapwa ay maipapakita sa pamamagitan ng sumusunod maliban lamang sa
_________.
a. pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
b. kakayahan ng taong umunawa
c. pagtulong at pakikiramay sa kapwa
d. espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
44. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang ugnayan sa ibang tao?
a. Magiging tanyag ka sa iyong pamayanan.
b. Magiging mabisa ang pakikipagtulungan at paggawa kasama ang ibang tao.
c. Magkakaroon ng pagkakaisa ang mga tao sa pamayanan.
d. Parehong b at c.
45. Ano ang magandang halimbawa ng pakikisama?
a. Pagtanggi sa kaklase.
b. Pangtanggap ng mga suhol.
c. Pagbabahagi ng iyong talino sa ibang tao.
d. Pumasok sa paaralan ng mag-isa.
46. Sinu-sino ang iyong kapwa-tao?
a. Ang Pangulo ng Pilipinas, ang militar at manggagawang panlipunan o social worker.
b. Ang mga pulubi, batang lansangan, at drug addict.
c. Ang mga kapitbahay, mga taong may kapansanan, at mga batang “espesyal” o special children.
d. Lahat ng nasa itaas.
47. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod ng ________
bilang paglilingkod sa kapwa at sa kabutihang panlahat.
a. pagtutulungan b. hanapbuhay c. libangan d. kultura
48. Nalilinang ng tao ang kaniyang ________ sa pamamagitan ng kaniyang pakikiisa at pakikibahagi sa
mga samahan.
a. tungkulin at karapatan b. kusa at pananagutan c. sipag at tiyaga d. talino at kakayahan
49. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ________.
a. pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa.
b. pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad.
c. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
d. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
50. Ano ang hindi kabilang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao.
b. Pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka.
C. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan.
d. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa.
ANSWER KEY
1. C 26. C
2. D 27. B
3. C 28. D
4. B 29. D
5. C 30. A
6. C 31. C
7. B 32. D
8. D 33. B
9. D 34. D
10. D 35. D
11. B 36. B
12. A 37. A
13. B 38. A
14. C 39. C
15. A 40. B
16. A 41. A
17. B 42. B
18. B 43. D
19. C 44. D
20. D 45. C
21. C 46. D
22. C 47. A
23. C 48. D
24. D 49. B
25. B 50. A

You might also like