You are on page 1of 11

OUR LADY OF MERCY ACADEMY, Inc.

Junior Department Grade 8 ESP

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
SY 2020 - 2021

Prepared by:

Jeremy O. Larowa - Our Lady of Mercy Academy – mercedarian_olma@yahoo.com

Checked by:

Cluster Coordinator: Melecia A. Zara - Our Lady of Mercy Academy

Noted by:

Principal: Mercedita T. Driz - Our Lady of Mercy Academy

1|Page
OUR LADY OF MERCY ACADEMY, Inc.
Junior Department Grade 8 ESP

Quarter II/ Unang Linggo


IKAW AT AKO…
KAPUWA-TAO

PAMANTAYAN SA ANTAS NG GRADO: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa


sa layunin at kahalagahan ng pamilya at pakikipagkapwa upang maging mapanagutan
sa pakikipag-ugnayan sa iba tungo sa makabuluhang buhay sa lipunan.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: MGA KAKAYAHAN SA PAG-


Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- AARAL/TATAS:
unawa sa konsepto ng 1. Natutukoy ang mga taong
pakikipagkapwa. itinuturing niyang kapwa at
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: kahalagahan ng pagpapaunlad ng
Naisasagawa ng mag-aaral ang isang pakikipag-ugnayan sa kapwa
pangkatang gawaing tutugon sa
pangangailangan ng mga magaaral o 2. Nasusuri ang mga impluwensya
kabataan sa paaralan o pamayanan. ng kanyang kapwa sa kanya sa
aspetong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan, at politikal

3. Nahihinuha na ang:
a. Ang tao ay likas na panlipunang
nilalang, kaya’t nakikipag-ugnayan
siya sa kanyang kapwa upang
malinang siya sa aspetong
intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan, at politikal.
b. Ang birtud ng katarungan
(justice) at pagmamahal
(charity) ay kailangan sa
pagpapatatag ng
pakikipagkapwa

2|Page
OUR LADY OF MERCY ACADEMY, Inc.
Junior Department Grade 8 ESP
c. Ang pagiging ganap niyang tao ay
matatamo sa paglilingkod sa
kapwa – ang tunay na indikasyon
ng pagmamahal.

KAHALAGAHANG PANGKATAUHAN:
Pakikisama - pagpapanatili ng maayos na relasyon sa kapwa, at nauugnay ang ito sa
pakikibagay, pakikitungo, at pagkakasundo

Gawaing Pagganap: Layunin – Mabigyang ang mga konsepto ng


pakikipagkapwa upang mas maintindihan at
Video Presentation mas mabigyang-pansin ng mga
makakapanood
Tungkulin – Computer Expert
Tagapanood – Ang bawat mag-aaral sa
ikalimang baitang
Sitwasyon – Ang Peer Facilitators’ Club ng
inyong paaralan ay magkakaroon ng lecture
tungkol sa pakikipagkapwa
Produkto – Video presentation na
nagpapakita ng pakikipagkapwa

Pamantayan 4 3 3 2 1
Lahat ay Marami Ilan lang Madami Walang
nakikita. ang ang ang gawa.
nakakakita. nakakakita. kulang.
1. Mahusay ang
organisasyon at
pagkakasunud-sunod ng
mga pangyayari sa
video.

3|Page
OUR LADY OF MERCY ACADEMY, Inc.
Junior Department Grade 8 ESP
2. Ang ginawang video
ay naaayon sa
makabago at
natatanging paksa, hindi
gasgas ang konsepto.
3. Ang boses/tinig ng
tagapagsalaysay ay
maayos at malinaw para
sa mga
tagapakinig/tagapanood.
Gumagamit ng iba’t
ibang himig sa
pagpapahayag ng
damdamin.
4. Malakas ang
hatak/dating sa mga
manonood at nag-iiwan
ng isang magandang
impresyon o kakintalan.
5. Makikita ang pagiging
sinsero ng
tagapagkwento sa
bawat salitang
binibitawan.
6. Ang paggamit ng font
style, font size,
transitions at animations
ay magandang tingnan
at nababasa ng mga
tagapanood kahit na
nasa malayo.
7. Ang music at sound
effects ay mas lalong

4|Page
OUR LADY OF MERCY ACADEMY, Inc.
Junior Department Grade 8 ESP
nagpapaganda sa
kinalabasan ng
pagtatanghal.
8. Ang background
music ay akma sa
sitwasyon sa video.

5|Page
OUR LADY OF MERCY ACADEMY, Inc.
Junior Department Grade 8 ESP

ARALIN 1: ANG PAKIKIPAGKAPUWA

Introduksyon
Ano ang pagkakaintindi mo sa kasabihang: “No man is an island?” Naniniwala ka
bang hindi mabubuhay ang tao nang nag-iisa? Magiging ganap kaya ang pagkatao ng isang
indibiduwal kung wala siyang kapwa tao na mamuhay kasama niya?

Ang tao ay itinuturing na sosyal na nilalang. Ibig sabihin taglay niya ang kakahayang
makasalamuha sa iba pang indibiduwal. Nakikihalubilo ang tao hindi lamang sa kaganapan
ng kaniyang pagkatao kundi maging sa kaganapan din ng kapuwa tao niya.

______________________________________________________________________

Mga Tiyak na Layunin ng Pagkatuto

1. Natutukoy ang kahalagahan ng pakikipagkapuwa

2. Nasusuri ang kahalagahan ng Golden Rule

3. Natutukoy ang kahalagahan ng komunikasyon sa pakikipagkapuwa

______________________________________________________________________

Pangunahing Pag-unawa

1. Taglay ng tao ang kakahayang makasalamuha sa iba pang indibiduwal.


2. Sa mabuting pakikipagkapuwa laging isaalang-alang ang golden rule.
3. “Ang lahat ay nadadaan sa mabuting usapan.”

Mahalagang Tanong

Bakit mahalaga ang pakikipagkapwa?

6|Page
OUR LADY OF MERCY ACADEMY, Inc.
Junior Department Grade 8 ESP

Pag-unlad na Gawain

Ang talahanayan sa ibaba ay kilala bilang Johari Window. Punan ng hinihinging


impormasyon ang kahon. Hingin mo rin ang tulong ng iba mong kaibigan o kaklase kaugnay
ng kanilang persepsyon sa iyo.

Open Self Blind Self


(impormasyon sa iyong sarili na alam mo at (impormasyon sa iyong sarili na hindi mo
alam din ng kapwa mo) alam subalit alam ng kapwa mo)

Hidden Self Unknown Self


(impormasyon sa iyong sarili na alam mo (impormasyon sa iyong sarili na hindi mo
subalit hindi alam ng kapwa mo) alam at di rin alam ng kapwa mo)

Matapos ang gawain, ano ang napagtanto mo sa iyong sarili? Sa iyong


pakikipagkapwa? Bumuo ng isang maikling sanaysay na naglalahad ng iyong realisasyon
bunsod ng gawain.

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

7|Page
OUR LADY OF MERCY ACADEMY, Inc.
Junior Department Grade 8 ESP

PAGLALAHAD
Bilang isang indibidwal, ikaw ay nakikipagkapwa rin. Nagsisimula ang pakikipagkapwa mo
sa inyong tahanan. Sa tahanan ay tinuturuan ka ng iyong pamilya kaugnay ng tamang pakikitungo
sa kapwa. Ang kaalaman at pagpapahalagang ibinabahagi sa iyo sa tahanan ay dala-dala mo sa
iyong paglaki.

Kahalagahan ng pakikipagkapwa
1. Nalalaman mo ang iyong mga kalakasan at kahinaan
• Naihahambing mo ang sarili mong kakayahan dahil sa mga kapwang nakakasalamuha
mo. Natutukoy mo ang mahusay at hindi mahusay dahil sa iyong pakikipag-ugnayan sa
iyong kapwa.

2. Nagkakaroon ka ng sandalan
• Sa pamamagitan ng iyong kapwa – maging sila man ay kaibigan, kapamilya, o kakilala,
ay makakasumpong ka ng inspirasyon; makakahanap ka ng dahilan upang ang mga
suliraning dumatal sa iyo ay iyong pagsumikapang lutasin at malampasan.

3. Napapayabong ang iyong kaalaman


• Nariyan ang iyong kapwa – ang mga kaklase, mga guro, mga diyanitor, at iba pang tao
sa inyong paaralan na magtuturo at magpapayabong ng iyong kaalaman. Matutuhan
mo ang mga bagay na magiging sandata mo sa iyong pagharap sa buhay.

4. Naging mapanagutan ka
• Sa pakikipagkapwa ay matututuhan mong tumulong. Bilang isang mapanagutang
indibidwal ay tutulungan mo ang kapwa mo sa abot ng iyong makakaya. Ang pagiging
mapanagutang nilalang ay bunsod ng iyong pakikipagkapwa.

5. Nakikilala mo ang mga pagpapahalagang moral


• Sa pamamagitan ng pakikipagkapwa, nakikilala mo ang mali at tama. Natututuhan
mong tangkilikin ang tama at iwaksi ang mali. Nagiging mulat ka sa konsepto ng
moralidad.

6. Napapayabong ang iyong karanasan


• Ang karanasan mong ngumiti, tumawa, umiyak, malungkot at marami pang iba ay
makakatulong sa iyo upang maging ganap ang iyong pagkatao. Tuturuan ka ng iyong
karanasan upang maging matatag na indibidwal.

7. Naihihiwalay mo ang tama at mali


• Nakikilatis mo ang mga bagay na mali at tama. Nagiging malinaw sa iyo kung ang
gagawin mo ay mali o hindi.

8. Natututo kang magpatawad


• Dahil sa pakikipagkapwa ang matututo kang magpatawad. Ang pagpapatawad ay hindi
para sa taong nakagawa nang masama sa iyo. Ang pagpapatawad ay para sa iyong
sarili – upang magkaroon ka ng katahimikan at katiwasayan; at maging malinis ang
iyong konsensiya.

8|Page
OUR LADY OF MERCY ACADEMY, Inc.
Junior Department Grade 8 ESP

9. Nabibigyan ka ng aral sa buhay


• Sa pamamagitan ng mga karanasang pinagdaanan mo sa pakikipagkapwa ay
makapupulot ka ng aral. Sa pamamagitan nito, natututo tayo.

10. Nagiging makulay ang iyong mundo


• Dahil sa pakikipagkapwa ay nararamdaman natin ang saya, lungkot, hapdi, tagumpay,
at kabiguan. Mas malawak ang karanasan ng tao sa pakikipagkapwa mas marami
siyang natutuklasan, mas marami siyang maibabahagi.

Golden Rule: Susi sa Mabuting Pakikipagkapwa

Confucius: “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin nila sayo.”
Hesus: “Gawin mo sa iyong kapwa ang ibig mong gawin nila sa iyo.”

Sa mabuting pakikipagkapwa laging isaalang-alang ang golden rule. Bago ka magsagawa ng isang
bagay lagi mong itanong sa sarili: “Ano kaya ang mararamdaman ko kung sa akin ito gagawin?”
Kung sa pagninilay mo ay napagtanto mong ikasasama ng loob o ikagagalit mo ang paggawa ng
bagay na ito sa iyo, huwag mo itong gawin sa kapwa mo.

Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pakikipagkapwa

“Ang lahat ay nadadaan sa mabuting usapan.”

Walang alitan; walang di pagkakaintindihan; walang tampuhan na hindi nalulunasan kung ang bawat
panig ay handing magpaliwanag at makinig sa isa’t isa. Sa pakikipagkapwa, mahalaga ang
komunikasyon. Sa pamamagitan nito ay nabibigyang-linaw ang lahat. Nabibigyan ng pagkakataon
ang bawat panig na maipahayag ang kanyang saloobin, damdamin, at opinyon. Ang bukas na
komunikasyon ay nakapagdudulot ng mabuting pakikipagkapwa.

Salitang Dapat Tandaan:


Golden Rule – batas na pinaiiral upang magkaroon ng mabuting
pakikipagkapwa

9|Page
OUR LADY OF MERCY ACADEMY, Inc.
Junior Department Grade 8 ESP

Pakikipag-ugnay na Gawain

Ipaliwanag sa sariling pananalita ang Golden Rule. Maaaring magbigay ka ng mga halimbawa
batay sa sariling karanasan.

Golden Rule

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Paglalagom/Ebalwasyon
Isulat sa patlang ang T kung tama ang pangungusap at M kung mali.
______ 1. Ang Tao ay isang sosyal na nilalang.
______ 2. Sa pamamagitan ng pakikipagkapwa ay natututo ako sa maraming bagay.
______ 3. Marapat lamang na hindi patawarin ang isang taong may mabigat na kasalanan.
______ 4. Ang lahat ng bagay ay nadadaan sa mabuting usapan.
______ 5. Ayon kay Hesus, “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin nila
sayo.”

10 | P a g e
OUR LADY OF MERCY ACADEMY, Inc.
Junior Department Grade 8 ESP

Repleksyon

Nauunawaan ko na ____________________________________________

Naniniwala ako na _______________________________________________

REFERENCE
For additional information, refer to the following website:

Textbook
Setubal (2016) Marangal (Edukasyon sa Pagpapakatao) pahina 56-73

11 | P a g e

You might also like