You are on page 1of 2

Filipino I

Pangngalan

I. Layunin

Matapos ang aralin, ang mga bata ay inaasahang:

A. Malaman ang kahulugan ng salitang pangngalan.


B. Matukoy ang iba’t-ibang pangngalan.
C. Mapangkat-pangkat ang bawat pangngalan.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Pangngalan
B. Talasanggunian: Brainly.ph.mhtml
https://www.slideshare.net/
Gintong Diwa 3 pahina 119-120
CG pahina 23, Filipino LM pahina 28-30
C. Kagamitan: kahon, mga larawan, video clip, PowerPoint
D. Pagpapahalaga: Matutong pahalagahan at igalang ang bawat pangngalan ng tao, bagay, hayop,
lugar at pangyayari.

III. Pamamaraan

A. 1. Drill
Pagmasdan ang inyong paligid sa labas at loob ng inyong silid-aralan. Anu-ano ang inyong
nakikita? Ano kaya ang tawag sa inyong mga nakita?

2. Balik – aral
Natatandaan niyo pa ba ang napag-aralan natin kahapon? Tungkol saan ang napag-aralan
natin kahapon? Tingnan ang nasa larawan. Anu-ano ang ipinapakita sa bawat larawan?

3. Pagganyak
Sa kahon, kumuha ng isang larawan at tukuyin kung ito ay tao, bagay, hayop, lugar o
pangyayari.

B. 1. Paglalahad/Pagtalakay
Ipaliwanag ang kahulugan ng salitang pangngalan. Palawakin ito sa pamamagitan ng
pagpresenta ng maikling video clip.

2. Paglalahat
Ano ang kahalagahan ng pangngalan?

3. Pagsasanay
Panuto: Tukuyin ang kategorya ng pangkat ng mga pangngalan sa bawat bilang. Itaas ang
letrang T kung tao, H kung hayop, B kung bagay, L kung lugar at P kung pangyayari.

______ 1. plasa bayan ospital


______ 2. ibon baka kalabaw
______ 3. lapis papel bag
______ 4. pasko piyesta kaarawan
______ 5. lolo guro ate

IV. Pagtataya
Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga larawan sa Hanay A sa mga salitang nasa Hanay B.
Hanay A Hanay B

tao
1.

bagay

2.

i.
lugar
3.

pangyayari
4.

5. hayop

V. Takdang Aralin
Gumupit ng mga larawan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari at idikit sa papel.

Prepared by:

JOHANNA T. CANIMO
Teacher I
Observer:

ANNA LOU N. PUETES


Principal I

You might also like