You are on page 1of 4

Mariano Marcos Memorial High School

Dr. M. Carreon St., Sta. Ana Manila

Senior High School Department

Wikang Filipino sa batas at legal na mga dokumento


Mark Anthony Salvador

“ Ang mga opisyal ng gobyerno na nagsasalita sa Ingles ang dapat na magpalit ng wika sa pagganap sa
kanilang tungkulin.”

Dalawang usaping hinggil sa wika ang maugong sa unang buwan ng bagong administrasyon at
pagbubukas ng ika-19 na kongreso, at sa pagpasok ng Buwan ng Wikang Pambansa: ang una ay hinggil sa wika sa
pamahalaaan, samantalang ang ikalawa ay hinggil sa wikang panturo.

Ang unang isyu na pagtutuunan ng talakay ay bunga sa mga pahayag at panukalang batas ni Senador
Robin Padilla, na naglalayong isalin sa Filipino ang batas at legal na dokumento. Umani ng panlilibak sa mundo
ng social media ang mga pahayag ng baguhang senador. At mapapansin sa social media na ginawang batayan ng
mga tao ang pagiging hindi matataas ni Sen. Robin Padilla sa Ingles para sabihing hindi maalam sa lehislatura ang
senador, bagay na hindi naman makatuwiarang sabihin (sapagkat hindi naman kinakailangang maging matatas sa
Ingles para maging mahusay na mambabatas sa gobyerno ng Pilipinas, dahil ang aakdain na mga batas ay para
naman sa mga Pilipino.)

Makatuwiran lamang ang mga punto ni Sen. Padilla Para sa ano pa ang batas kung hindi ito nauunawaan
ng kalakhan ng mga Pilipino? Salik kaya laksang Pilipino ang bumoboto pa rin sa mga trapo dahil hindi malinaw
sa marami ang naging kontribusyon nila sap ag-akda sa anti-mamamayang mga batas, dulot ng patuloy na
paggamit sa Ingles sa pamahalaan.

Malinaw ang nakasaad sa Artikulo XIV Seksyon 7 ng Saligang Batas ng Pilipinas, “ Ukol sa mga layunin
ng komuikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon
at magsisilbi na mga wikang panturo roon.” Ibig sabihinm Filipino ang wikang prayoridad sa komunikasyon, hindi
lamang sa paaralan, kundi maging sa pamahalaan. Hindi dapat makahigit sa Filipino ang Ingles, Ngunit malinaw,
salungat ito sa nangyayari. Primaryang salik sa katatasan sa Ingles ang estado sa lipunan. Kadalasang mas matatas
sa Ingles ang mga nasa gitnang uri at mas matatas ang estado sapagkat sila ang may akses sa pormal na edukasyon.
Sa kaso ng mga nasa mga pambansang pamahalaan- sa alin man sa tatlong sangay ng gobyerno- Ingles ang mas
ginagamit dahil karamiha sa kanila mula sa naghaharing-uri. Mangilan-gilan lamang sa kasaysayan ng gobyerno
ng Pilipinas ang mula sa marhinalisado. Sa maiksing sabi, ang mga opisyal ng gobyerno na nagsasalita ng Ingles
ang dapat na magpalit ng wika sa pagganap sa kanilang tungkulin.

Hindi nakakatawa ang hangarin ni Sen. Robin Padilla na ilapit sa sambayanang Pilipino ang mga legal na
usapin. Kung may nakakatawa man dito—at ito ay higit na nakakalungkot—ito ay ang mababaw at
napakaproblematikong pagtingin ng marami sa atin hinggi sa papel ng wika sa lipunan
WIkang Filipino sa batas at legal na mga dokumento (2022, Agosto 3). http://www.rappler.com/voices/ispeak/opinion-filipino-
language-law-legal-documents/
GABAY NA MGA TANONG

1. Sino ang senador ang naging usap-usapan sa social media dahil ayon sa mga tao, ang pagiging hindi raw
matatas nito sa paggamit ng wikang Ingles ang naging dahilan sa pagsulong nito sa paggawa ng bagong
batas?
A. Sen. Riza Hontiveros
B. Sen. Robin Padilla

2. “Umani ng panlilibak sa mundo ng social media ang mga pahayag ng baguhang senador” Ang kahulugan ng
salitang may salungguhit ay_________
A. Kalungkutan C. Katatawanan
B. Komento D. Usap-usapan

3. Anong artikulo sa Saligang Batas ng Pilipinas ang nagsasabing “ Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay
Filipino…”
A. XIV, Sek. 6 C. XVI, Sek. 6
B. XIV, Sek. 7 D. XVI, Sek. 7

4. Ayon sa akdang binasa, sino raw ang mas matatas gumamit ng wikang Ingles?
A. Gitnang Uri C. Mataas na uri
B. Mababang uri D. Gitna at mataas na uri

5. Ano ang minungkahi ng may-akda sa paggamit ng wikang Filipino?


A. Gumuwa nang tuluyan ng bagong batas.
B. Hayaan na lamang ang mga opisyal na gamitin ang wika kung saan sila komportable.
C. Hikayatin ang mga nasa gobyerno na gumamit ng wikang labis na maiintindihan ng mga
Pilipino.
D. Ang mga opisyal ng gobyerno na nagsasalita ng Ingles ng Ingles ang dapat na magpalit ng
wika sa pagganap sa kanilang tungkulin.
Kakulangan ng tulog at pagpupuyat, maaari nga bang maging sanhi ng iba’t ibang sakit?

Para ipaalam sa publiko ang kahalagahan ng sapat na oras ng tulog, idinaraos taon-taon
ang World Sleep Day. Maaari nga bang pagmulan ng malulubhang karamdaman ang kakulangan
sa tulog at labis na pagpupuyat?

Ayon sa mga eksperto, may masamang epekto sa kalusugan ang pagpupuyat at ang hindi
pagkakakaroon ng sapar na oras ng tulog. Inihayag ng Philippine Society of Sleep Medicine, na
depende sa age group angg dapat na haba ng tulog ng isang tao.

Ang mga batang nasa edad 1-2, dapat ay 11-14 oras ang tulog sa isang araw. Nasa 10
hanggang 13 oras nama dapat ang tulog mga batag nasa edad 3-5. Ang mga batang 6-13 ang
edad, dapat malatulog ng 9-11 oras. Samantalang 8-10 oras naman sa mga edad 14-17. Sa mga
adult na 18-25 kailangan ang 7-9 na oras ng tulog, gayundin sa mga nasa edad 26-64.

Taong 2022, idinaos noong Maro 18, ang World Sleep Day, “ Sleep has a lot of functions.
It improves our memory, our decisions making skills,” Ani ni Dr. April Fatima Fernandez

Ang kakulangan sa tulog ay maaaring umanong magdulot ng iba’t ibang medical


conditions tulad ng cardiovascular disease, increase risk sa stroke, sa cancer, at neurocognitive
disorder tulad ng dementia.

Para magkaroon ng maayos na tulog, kailangan da gawin ang tinatawag na sleep hygiene.
Kabilang dito ang paggsising sa parehong oras araw-araw, paglimita sa iniinom na tubig bago
matulog, at huwag uminom ng caffeinated drink gaya ng kape o soda, anim hanggang siyam na
oras bago matulog.

Maganda rin umano ang 20 minutong sun exposure kada umaga, mag-ehersisyo, huwag
gumamit ng gadgets isang oras bago ang bedtime, at huwag matutulog ng gutom.

Kakulangan ng tulog at pagpupuyat, maaari nga bang maging sanhi ng iba’t ibang sakit? (2022, Marso 22).
GMANetworks.com. http;//www.gmanetwork.com/news/balitambayan/talakayan/825904/kakulangan-ng-tulog-at-
pagpupuyat-maaari-nga-bang-maging-sanhi-ng-iba-t-ibang-sakit/story/

GABAY NA MGA TANONG:

1. Anong partikular na petsa sa isang taon ipinagdiriwang ang World Sleep Day?
2. Sa iyong kasalukuyang edad, batay sa binasang artikulo, ilang oras ang maituturing na “ sapat na tulog?”
3. Alin sa mga nabanggit na mungkahi sa artikulo tungkol sa pagkakaroon ng maayos na pagtulog ang
hindi mo nagagawa? Paano mo ito mabibigyan ng solusyon?
4. May mga pagkakataon ba sa iyong buhay na, nang magkaroon ka ng sapat na tulog ay nag-function ka
nang maayos sa iyong mga gawain sa araw-araw? Magbanggit ng iyong karanasan.
5. Bukod sa iyo, sino pang pinakamalapit sa iyong buhay ang nararapat mong payuhan sa kanilang sleep
hygiene at bakit?

You might also like