You are on page 1of 2

Pangalan: Ashley G.

Tago Taon at Seksyon: 11-MAXWELL Petsa: 9/4/23

Basahin ang maiksing teksto na isinulat ni Virgilio Almario na pinamagatang


Pahábol: Kuwarentena O Quarentina? Ito ay paliwanag batay sa isinulat
niyang antolohiya ng mga tula sa panahon ng pandemya.

Pahábol: Kuwarentena O Quarentina?


NITÓNG 16 MAYO ay ipinost ko sa FB ang pabalát ng libro kong
]Kuwarentena[ na koleksiyon ng mga nasúlat kong tula sa loob ng 22 Marso–15
Mayo 2020. Sa loob ng araw na iyon, nagpost din si Abdon Jun Balde, Jr. ng
pabalát ng libro niyang Quarentina, koleksiyon naman ng naipon niyang
maikling-maikling kuwento o dagli sa panahon ng ECQ.
Kinabukasan, may nakapansin sa aming pamagat at nagtanong. Ano raw ba
ang wasto: Kuwarentena o quarentina? Medyo nagulo ang ilang netizen, at dahil
lubhang nagmamadalî ay medyo nakatatawa ang kaniláng reaksiyon.
Ang ginámit kong kuwarenténa ay mula sa orihinal na Español na
cuarentena. Matagal na itong ginagámit sa Filipinas kapag may epidemyang
kolera. Ang anyong ginámit ni Jun ay Italian, ang totoo, old Italian, quarentina.
Dahil ang mas ginagámit ngayon ng mga Italian ay quarentena. Bakit Italian ang
ginámit ni Jun Balde? May hinalà ako na ibig ikonekta ni Jun ang kaniyang mga
dagli sa Decameron (sk. 1350)—ang dakilang obra ni Giovanni Boccaccio at
koleksiyon ng 100 kuwento hábang nagpapalípas ng malawakang peste, ang
tinatawag na “Kamatayang Itim” sa Europa.
Ang kuwarentena ay hango sa tawag noon para sa 40 araw na pag-aayuno
at penitensiya. “Kuwarénta” (cuarenta) ang apatnapu sa Español, at maging sa
Italian. Ito ang panahong kailangan para sa pagpigil sa isang barko kapag may
epidemya o ibáng problemang pang-adwana. (Ito rin ang ugat ng “kuwarésma”
nating mga Katoliko.) Nakatatawa nga, dahil tinatawag pa ring “kuwarenténa” ang
paghihigpit kapag may epidemya ngunit labing-apat (14) na araw na lang. Bakâ
mas angkop ang “katorsena” para sa quarantine? Kung sa bagay, sa buong
panahon ng COVID-19 ay mas naririnig ko sa teleradyo ang Ingles. Hindi ako
magtataká, kung lumaganap din ang anyong kuwárantín.
Bago ako magtapós, hindi “nagbi-viro” si Pangulong Duterte sa bigkas
niyang “vírus.” Iyon ang bigkas Español sa salitâng virus, na mas gusto nating
bigkasing pa-Ingles—“váyrus.”
https://www.facebook.com/notes/virgilio-senadren-almario/pah%C3%A1bol-kuwarentena-o-quarentina/3056641704382037/
Katanungan:
1. Ano ang pinagmulan ng salitang kuwarentena?

Mula ito sa orihinal na español na cuarentena. Matagal na itong ginagamit sa Pilipinas kapag may
epidemyang kolera.

2. Anong mahalagang impormasyon ang makukuha sa teksto?

hango ang kuwarentena at quarentina sa 40 araw na pag-aayuno at penitensya. Higit pa roon, 40 rin ang
ibig sabihin ng kuwarenta sa espanyol at italian. May ibang wika rin ay may taglay na magkaparehas na
salita na akala natin mali dahil hindi lang natin ito nakasanayan.

3. Anong aral naman ang mahihita rito?

Masasabi ko na ang wika ay talagang malawak. Kahit magkaiba ang dalawang wika, may mga salita pa
ring magkasingtulad at tila hiniram lang din sa ibang wika.

4. Bakit mahalaga na magkaroon ng katuturan ang salitang ginagamit?

Upang ang atin mang mga saloobin ay mas maipahayag nang maayos. Sa pamamagitan nito, mas
tatratuhin tayo nang seryoso at maayos kapag may halaga ang ating mga sinasabi. Maiiwasan din natin
ang anumang hindi pagkakasundo o hindi pagkakaintindi sa ating kapwa.

You might also like