You are on page 1of 1

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Ano ang Pagbasa?

“Be more, Read more”

“The man who reads is the man who leads”


-Lord Chesterfield

Pagbasa
Ayon Kay:
Austero, et Al:1999
-Ang Pagbasa ay Ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag
na nakalimbag upang mabigkas ng pasalita.

Bernales
-Bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng pakikinig, pagsasalita at pagsulat.

Goodman (Badayos, 2000)


-Ang Pagbasa ay Isang psycholinguistic guessing game.

Proseso at katangian:
1.Persepsyon
2.Komprehensyon
3.Reaksyon
4. Asimilasyon

1.Persepyon-Pagkilala sa mga nakalimbag na simbolong nabasa.


2.Komprehensyon- Pag proseso at pag unawa sa binasa.
3. Reaksyon-Paghatol o pagpasya Ng kawastuhan, kahusayan at aral sa teksto.
4. Asimilasyon- Iniuugnay ang kaalamang nabasa sa dating kaalamang o karanasan.

Paglalarawan sa Pagbasa na inilahad ni Badayos


 Walang kahingiang imposible para hindi ito maisagawa ng isang mambabasa.
 Isang proseso ng pag iisip.
 Ang epektib na mambabasa ay isang interaktib na mambabasa.
 Maraming hadlang sa pag-unawa

Teorya sa Pagbasa
1.Bottom-Up
-Ang Pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbolo upang
maibigay ang katumbas nitong tugon.
Teksto-Mambabasa

2. Top Down
-Ang mambabasa ay may taglay na dating kaalaman na nakaimbak sa kaniyang isipan
at may sariling kakayahan sa wika. (Language proficiency)

3. Interaktib
-Pagsasama ng teoryang bottom up at top down.

4. Iskima
-Bawat bagong impormasyong nakuha sa Pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang
iskisma. Bago pa man basahin ng mambabasa ang teksto ay may taglay na siyang
ideya sa nilalaman ng Teksto.

You might also like