You are on page 1of 1

Ang wika ay parang yapak sa ating buhay

Walang tigil sa pag-ikot gaya ng paglalakbay


Sa nakaraan at hinaharap, nagsisilbing tulay
Maging sa kasalukuyang alita at pagsulat nating pang araw-araw

Ang lakbay kong, pagiging estudyante ay puno din ng yapak


Mga pagsusulit, exam, takdang aralin ay pruweba ng aking paghihirap
Pati rin ang mga araw na sumisigaw at umiiyak
Ngunit pwede kong balikan tong lugar kung saan ako nakaapak

Dahil sa wika na babalikan ko yapak ng buhay ko


Marami akong pwedeng pag-aralan sa nakaraan
Hindi naman palaging mahusay ang aking naranasan
Sa kasalukuyan kong ipinapahayag ang aking naintindihan

Hanggang ngayon nag-iiwan akong yapak bilang estudyante


Sa aking pag ka-chat sa aking kaklase
Sa pananaliksik sa mga gawain
At ang tulang aking sinusulat

Babalikan ko ba ang mga karanasan na to


Sa yapak ng wika, ito ay sigurado
Lahat ng pagsisikap, pagsulat, pagsasalita, at aking mga grado
Mahalagang impormasyon sa pagka bagong buhay ko

You might also like