You are on page 1of 2

ANG PAGTUTURO NG PAGSASALITA

M.A.K Halliday (1973)

Sa kanyang Explorations in the Functions of Language binigyang-diin niya ang pagkakategorya sa wika batay sa
mga tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay.

7 Tungkulin ng Wika

TUNGKULING KATANGIAN HALIMBAWA


PANGWIKA PASALIT PASULAT
1.PANG-INTERAKSYONAL Nakapagpanatili Pormularyong Liham-pang
nakapagpapatatag ng relasyong Panlipunan, kaibigan
sosyal Pangungumusta,
Pagpapalitan ng
biro

2. PANG-INSTRUMENTAL Tumutugon sa pangangailangan Pakikiusap, panuto


Pag-uutos

3. PANREGULATORI kumukontrol/ gumagabay sa kilos o pagbibigay- panuto


asal ng iba direksyon, paalala
o babala

4. PAMPERSONAL nakapagpapahayag ng sariling pormal o di- liham patnugot


damdamin o opinyon pormal na
talakayan

5. PANG-IMAHINASYON nakapagpapahayag ng imahinasyon pagsasalaysay o akdang pam-


sa malikhaing paraan pakikipanayam panitikan

6. PANG-HEURISTIKO naghahanap ng mga impormasyon pagtatanong o sarbey,


o datos pakikipanayam pananaliksik

7. PANG-IMPORMATIB nagbibigay ng mga impormasyon o pag-uulat o ulat,


datos pagtuturo pamanahong
papel

Mga Layunin sa Pagtuturo ng Pagsasalita

1. Tungkuling Interaksyunal

Pinahahalagahan ang tagapakinig, layunin ng tungkuling ito ang pagpapanatili ng magandang pakikipag-
ugnayang sosyal: maiparamdam sa tagapakinig ang paggalang ng tagapagsalita, mapanatili ang magandang ugnayang
sosyal.

2. Tungkuling Transakyunal

nakapokus sa paghahatid ng impormasyon o mensahe.

3. Tungkuling Estetiko o Libangan


Simulain sa Pagtuturo ng Pagsasalita

1. Isaalang-alang ang buong pagkatao ng bawat mag-aaral.

Sa apat na makrong kasanayang nalilinang sa pagtuturo ng wika, ang kasanayan sa pagsasalita ay higit na
nakakaapekto sa personalidad ng mag-aaral. Kaya’t kailangan ng guro na:

a. maging sensitibo, maunawain at mapangganyak.

b. ang kagamitang panturo ay kailangang angkop sa edad, interes, karanasan at kaalaman ng mga mag-aaral.

2. Bawasan ang pagkabahala o pag-aalala ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalahad ng mga aralin mula madalu
patungo sa mga mahirap.

3. Maging isang magaling na modelo sa mga mag-aaral.

a. paulit-ulit na pagpaparinig ng tamang indayog, diin at wastong bigkas ng mga salita

b. tuwirang pagtuturo ng tamang pagnigkas, intonasyon upang matutuhan ng mga mag-aaral ang tamang pagsasalita.

4. Paglaan ng angkop na istimulo para sa pagtatamo ng wastong pagsasalita.

5. Pag-iba-ibahin ang mga kaparaanan ng interaksyon sa klase.

6. Tiyaking malinaw ang mga panuto at nauunawaan ng lahat.

7. I-monitor ang mga gawain ng mga mag-aaral.

8. Tiyaking may sapat na paghahanda ang guro.

9. Maging sensitibo sa pangangasiwa ng mga pagkakamali sa pagsasalita.

You might also like