You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
DIVISION OF SARANGANI
Maasim 3 District
NOMOH INTEGRATED SCHOOL

Banghay Aralin sa Filipino III


Ikaapat na Markahan
I.Layunin
a. Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan at
pamayanan.
b. Naiuugnay ang mga salitang kilos sa iba’t ibang gawain sa sariling karansan.
c. Nagagamit ang mga salitang kilos sa pagsasakilos o pagtatanghal.

II.Paksang Aralin
A. Paksa : PANDIWA
B. Sanggunian: MELCS code: F3WG-IVe-f-5, Baybayin 4 : Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino 4
C. Mga Kagamitan : Mga Larawan, Laptop(PowerPoint Presentation)
D. Pagpapahalagang Moral : Mabubuting gawa sa kapwa
E. Integrasyon sa ibang Asignatura:
Arts – Pagkulay sa mga salitang kilos
Music – Pag-awit at pagsasayaw ng mga salitang kilos
Science – Mga kalamidad
Araling Panlipunan – Magagandang Lugar sa Bicol
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Tanong:
Ano ang talata? Ibigay ang mga dapat tandaan sa paggawa ng talata.
2. Pagganyak
Isang Laro: CHARADES
Hatiin ang grupo sa apat. Bigyan ang bawat grupo ng ‘flaglets’. Tumawag ng isang miyembro. Bubunot sa kahon.
Iaarte sa harap ng klase ang sinasaad na kilos ng nabunot na papel. Ang grupo na handang sumagot ay magtatas
ng kanilang ‘flaglet’. Grupong makatama ng sagot ang magkakaroon ng pagkakataon na pumunta sa harap at
magpahula ng salitang kilos.
B. Paglinang ng Gawain
1. Paglalahad
Paglalahad ng guro ng mga salitang kilos mula sa “charades”. Basahin ang bawat salita.
Tanungin: Ano ang ipinapakita ng bawat salita? Ipakita ang larawan sa bawat sagot ng mga bata.
2. Aktibiti/Gawain

Panuto: Hatiin ang klase sa apat na grupo. Bigyan ng kahon activity sheets ang bawat grupo. Paunahang sumagot at
paramihan ng tamang sagot. Pagkatapos masagutan ng bawat grupo ay ipagamit ang bawat salita.
Hanapin ang mga salitang kilos na ginamit sa talata.
Maagang gumising si Ana. Mamamasyal kasi sila ng kanyang pamilya. Maglilibot sila sa Bicol.
Sumakay na sila sa kanilang sasakyan.
Una nilang pinuntahan ang mayon Volcano sa Albay. Nakita nila ang perpektong hugis ng bulkan. Sunod
nilang binisita ang Cagsawa Ruins isang lumang simbahan na nasira noong sumabog ang bulkan noong 1814.
Pagkatapos nito ay pumunta sila sa Donsol,Sorsogon kung saan nakita nila ang Butanding, ang
pinakamalaking pating sa buong mundo. Pagkatapos dito ay nagtungo sila sa Lake Buhi kung saan natagpuan
nila ang ang sinarapan, ang pinakamaliit na isda sa mundo.
Kumain sila sa may lawa ng bicol express. Bago sila umuwi, dumaan sila sa Our Lady of Penafrancia Church
upang magpasalamat sila sa ligtas at masayang paglalakbay.
3. Analisis/Pagsususi
Base sa aktibiti na ginawa, magbibigay ulat ang bawat grupo at pag-usapan ito sa klase.
4. Abstraksiyon/Paghahango
Talakayin ang mga halimbawa o mga salitang binigay. Ipaliwanag kung ano ang Pandiwa. Magpakita ng
ibat –ibang sitwasyon at halimbawa.
C. Pagpapayamang Gawain
1. Pangkatang Gawain (Differentiated Activity)
Pagpangkat-pangkatin ang mga bata. Ibigay ang mga pamantayan sa paggawa ng grupo. Ibigay ang
mga panuto sa paggawa.Ipaskilsa pisara ang nataposna gawa ng bawat pangkat. Pagkatapos masagutan
ay isasakilos ng bawat grupo ang mga pandiwa sa pamamagitan ng pagtatanghal.

Pangkat 1: Hanapin ang pandiwa na isinasad ng larawan. (Sayaw)

RUBRIKS
KAHANDAAN NG 25%
PANGKAT
Pangkat B: Kulayan ang mga pandiwa. (Pagsasadula) KAAYUSAN NG 25%
PAGTATANGHAL
KAGANDAHAN 25%
KOOPERASYON 25%
TOTAL: 100%
Pangkat C: Sumulat ng mga pangungusap
Tungkol sa mga gawain sa paaralan,tahanan at pamayanan.(Awit)

3. Paglalahat
Ano ang Pandiwa? Magbigay ng halimbawa. Gamitin ito sa pangungusap.
4. Aplikasyon/Paglalapat
WORD SEARCH
Magpaskil ng Word Search sa pisara Hahanapin ng mga bata ang mga pandiwa na nakalista.Gamitin ang mga
salitang ito sa pangungusap

5. Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral, anak at bata bakit mahalaga mabubuting gawa sa kapwa sa paaralan. Tahanan at
pamayanan?
IV. Pagtataya
Panuto: Gamitin ang wastong salitang kilos o pandiwa sa bawat pangungusap. Pumili ng sagot sa kahon sa ibaba.

nagdidilig sinusulat naglilinis

nagluluto naglalaro nagbabasa

1. _____________ namin ang aming pangalan sa papel.


2. _____________ kami ng iba’t ibang kwento sa paaralan.
3. Si nanay ay _______________ ng masarapna almusalaraw-araw.
4. Kami ay _______________ng aming kapaligiran sa pamayanan.
5. Tuwing umaga ay ____________kami ng mga tanim.
V. Takdang Aralin
Magtala ng mga pandiwaang ginagamit mo kung ikaw ay nasa bahay. Gamitin ito sapangungusap.
VI. Mga Tala
VI. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagatataya

B. Bilang ng mag- aaral na nangangailangan ng iba pang


gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba nag remediation? Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation
Prepared by:

Ruby Flor M. Dela Cruz


Teacher I

Noted:
Warlito A. Goyha, HT-III
School Head

You might also like