You are on page 1of 6

LESSON PLAN IN ESP VI

SCHOOL VILLARICA ELEMENTARY QUARTER THIRD


SCHOOL
TEACHER ANALIE D. BAYNOSA Teaching Week WEEK 6
DATE March 21, 2023
TEACHING DURATION 1 Hour 40 minutes
I. LAYUNIN
Naipamamalas ang mas malalim na pag-unawa at
A. Pamantayang Pangnilalaman pagpapahalaga sa pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo
sa pagtugon sa mga suliranin , isyu at hamon ng
kasarinlan
Nakakapagpakita ng pagmamalaki sa kontribusyon ng
B. Pamantayan sa Pagganap mga nagpunyaging mga Pilipino sa pagkamit ng ganap
na kalayaan at hamon ng kasarinlan
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t
Isulat ang code sa bawat ibang administrasyon sa pagtugon sa mga suliranin at
kasanayan hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang
1972
 Naisa-isa ang mga programang ipinatupad ni
Ferdinand E. Marcos sa pagtugon sa mga
suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino.
Mga Programa ng Iba’t Ibang Pangulo sa Ikatlong
II. NILALAMAN Republika (1946-1972)
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan –
Modyul 2: Week 5 Aralin 1 (Division of CARCAR CITY)
Araling Panlipunan – Ika-anim na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 4 (SLM Davao City)
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula


sa portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo PowerPoint Presentation, Video Clip, Activity Sheet, Score
sheet

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa Nakaraang Aralin Paglalaro
at/o Pagsisimula ng Bagong Aralin Pamagat: Sagot Ko Tanong Ko Relay !
Mekanika:
1. Hahatiin ang buong klase sa limang pangkat.
2. Bawat pangkat ay may dalawampung tanong na
sasagutan sa loob ng 2 minuto.
3. Ang bawat miyembro ay bubunot ng isang tanong
mula sa box at sasagutan gamit ang sagutang
papel at ididikit sa pisara bago pumunta sa likod
na bahagi ng linya.
4. Susundan ito ng susunod na miyembro na din
gagawin ang ginawa ng nauna hanggang lahat ay
matapos.(Pag natapos na ang lahat at wala pang
oras babalik ang unang miyembro at gawin ulit
ang ginawa noong una.
5. Ang pangkat na may pinakamadaming tamang
sagot na makukuha pagkatapos ng nakalaang oras
ang siyang mananalo.
Pagpapaalala sa Panuntunan sa Paggawa ng
Pangkatang Gawain:
Sundin ang mga pamantayan
Unawin at irespeto ang ideya ng nakakarami
Makiisa at pagtulungan sa gawain
Aktibong gampan ang iniatang na tungkulin
Laging pumirme sa grupo
Ibahagi ang nalalaman

Paghawan ng Balakid:
Kilalanin Mo!
Pagtambalin ang mga salita sa Hanay A sa kanyang
kahulugan sa Hanay B. Piliin ang titik ng iyong sagot.
Hanay A Hanay B
1. Pagpataw a. pamumulubi
2. Amnestiya b. Naghuhusga o nagdedesisyon
3. Paghikahos c. Magara o nakukuha ang gusto
4. Kawani d. Kapatawarang may kondisyon
5. Karangyaan e. Kunwari
f. Namamasukan o trabahador
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin Pagpabuo ng larawan ni Pangulong Marcos.
Mekanika: Buuin ang larawan sa loob ng isang minute.
Kilalanin kung sino ang nasa larawan.

Itanong kung ano ang nagging papel niya sa bansang


Pilipinas.
Sabihin: Ngayong ang pag-aaralan ay ang mga
Programang ipinatupad ni Pangulong Marcos na
naging tugon sa problemang pangkabuhayan at
pampolitikamatapos ang panunungkulan ng
nakaraang 5 pangulo ng Ikatlong Republika ng
Pilipinas.
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Pangkatang Gawain: Programa Ko, Hulaan Mo!
Bagong Aralin Mekanika:
1. Bumuo ng limang pangkat.
2. Bawat pangkat ay bibigyan ng pitong (7) programa
ng pagpipilian kung saan ididikit nila ang sa
palagay nilang angkop na programang ipinatupad
ni Pangulong Ferdinand E.Marcos.
3. Gagawin lamang ng bawat pangkat ang Gawain sa
loob ng dalawang(2) minuto.
4. Pagkatapos ng nakalaang oras ay ididikit ng bawat
grupo ang kanilang Gawain sa pisara.
5. Ihanda ng taga-ulat ang sarili sa pag-uulat.
Panuntunan:
Palaging pumirmi sa grupo.
Atupagin ang gawain ng buong puso
Naising magmungkahi ng nalalaman
Gawin ang nakaatang na tungkulin
Unawain ang bawat miyembro ng grupo
Linisin ang mga kalat pagkatapos ng gawain
Obligado kang makialam at makiisa sa Gawain
Paalala: Laging alalahanin na sumunod sa panuntunan
ng pagiging ligtas lagi kagaya ng pagtakip ng bunganga
pag bumabahing.
At laging dumistansiya at magpaalam pag may di
magandang nararamdaman.

Rubrik:

Sabihin:
Handa na ba ang lahat?
Ang inyong oras ay magssisimula. NGAYON NA!

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto


at Paglalahad ng Bagong
Kasanayan #1

1. Paglulunsad ng Luntiang Himagsikan o (Green


Revolution)
2. Programang Pang-impraestruktura
3. National Energy Program
4. Programang Pabahay
5. Programang Pangkalusugan
6. Programang Pang-edukasyon
7. “Gintong Alay” program (Paglinang sa Kulturang
Pilipino )
8. Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.
9. Manila Summit Conference
10. Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)
11. Programang sa Reporma sa Lupa
E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto Pagpanood ng Vidyo tungkol sa Programang ipinatupad ni
at Paglalahad ng Bagong Pangulong Marcos.
Kasanayan #2 Paalala bago manood:
⮚ Makinig ng mabuti at unawain ang nilalaman ng
video
⮚ Magsulat ng importand paksa o impormasyon
⮚ Gabay sa tanong na pasasagutan pagkatapos
1. Ano ang paksang napanood ninyo?
2. Anu-ano ang mga programang kanyang ipinatupad?
3. Ano ang paksang nagging tumatatak sa inyong isipan
pag napag-usapan ang Programa ni Pangulong Marcos?
F. Paglinang sa Kabiihasaan Gawain: Isaayos Mo!
(Tungo sa Formative Assessment) (Mula sa Gawain 2)
1. Pumili ng isang miyembro ang bawat grupo upang
ayusin ang mga programa ni Pangulong Marcos at
tanggalin ang hindi.
2. Ang napiling grupo ay tatayo sa gilid ng inyong
ginawa kanina at sa pagsisimula ng oras ay gawin
ang Gawain.
3. Bibigyan lamang kayo ng tatlumpung Segundo
(30S) para ayusin ito.
4. Pagkatapos ng nakalaang oras ay babalik ang
lahat sa upuan.

Pangkatang Gawain: MAGKAIBA, MAGKAISA


Pangkat 1- √ at X
Pangkat 2-Pagbuo ng salita
Pangkat 3-Pagsagot sa Tanong
Pangkat 4-Pagpili ng Titik
Pangkat 5- Isa-isahin
Mekanika
1. Ang bawat grupo ay bibigyan ng tig-iisang
magkaibang Gawain.
2. Gagawin ng bawat pangkat ang Gawain sa loob
ng dalawang minuto.
3. Babanggitin ang “tagline” ng grupo pagkatapos
ng ng Gawain nang sa gayon maitala ang bilang
ng oras na nagamit.
4. Pagkatapos, ipaskil ang ginawa sa pisara.
5. Humanda sa pangkalahatang pagsusuri.

Ipaalala ang Pamantayan sa Pangkatang Gawain:


Ipresenta ang Rubrik

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang- Itanong:


Araw-araw na Buhay Kumusta ang inyong ginawa?
May natutunan ba kayo sa inyong aralin?
Bilang mag-aaral, Paano mo pahahalagahan ang mga
programang ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos sa
panahon ngayon?
H. Paglalahat ng Aralin Paglalahat: Itanong sa mga bata kung
1. Sino si Ferdinand Marcos Sr.?
2. Ano ang nagging suliranin niya sa kanyang pag-upo
bilang pangulo ng Pilipinas?
3. Anu-ano ang mga programang kanyang ipinatupad
sa kanyang panunungkulan?

Pagpapahalaga:
Naniniwala ba kayo sa kasabihang: “Ang mabigat ay gumagaan,
kung pinagtututulungan”.
Ipaliwanag.
I. Pagtataya ng Aralin Basahin ang mga tanong. Pag-isipang mabuti ang tamang
sagot at isulat lang ang titik sa patlang.
___1. Sinong pangulo ang namahala sa Pilipinas sa loob
ng 20 taon at nagdiklara ng Batas Militar?
A. Corazon C. Aquino C. Ferdindand E. Marcos
B. Ramon Magsaysay D. Fidel V. Ramos
___2. Isa sa mga pangunahing programa ng
administrasyon ni Pang. Ferdinand E. Marcos ay ang
Green Revolution. Ano ang layunin ng programang ito?
A. Maisulong ang pag-unlad ng agrikultura
B. Mapataas ang produksyon ng bigas
C. Mapaunlad ang mga pamayanang rural
D. Mapabuti ang ugnayang panlabas ng bansa
___3. Itinatag ni Ferdinand E. Marcos ang National
Energy Program para mabigyan solusyon ang kakulangan
natin sa enerhiya. Isa nito ay ang enerhiya mula sa ilalim
ng lupa na matatagpuan sa Tiwi, Albay. Ano ang tawag sa
enerhiyang ito?
A. Magnetic Energy C. Geothermal Energy
B. Solar Energy D. Hydroelectric Energy
___4. Paano pinadali ng pamahalaan ni Pangulong
Marcos ang pagdadala ng mga produktong pansakahan
sa pamilihan?
A. Nagpatayo ng mga paaralan C. Nagsagawa ng mga
daan at tulay
B. Nagpatao ng pamilihang bayan D. Nagsanay ng mga
mangagawa
___5. Ano ang tawag sa Programang Pabahay na itinatag
ni Pangulong Ferdinand E. Marcos para sa mga walang
bahay?
A. Bagong Lipunan Sites and Services o (BLISS)
B. Camella
C. Dancing Sun Subdivision
D. Lahat na binanggit

J. Karagdagang Gawain para sa Sumulat ng 5-7 pangungusap sa isang sagutang papel ng maikling
Takdang-Aralin at Remediation sanaysay tungkol sa mga Programang Ipinatupad ng Pangulong
Ferdinand E. Marcos at ang ambag nito sa pag-unlad ng lipunan at
bansa.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasan na solusyunan sa tulong
ng aking punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Prepared by:
ANALIE D. BAYNOSA
Teacher III

Checked and observed by:

JOSEPHINE R. GUARINO
Master Teacher II

EMILY SOCORRO G. SALANATIN


Principal I

You might also like