Professional Documents
Culture Documents
III.
May dalawang kategorya na pagtutuunan sa bahaging ito para ilarawan ang ilang tanging katangiang
panglingguwistikong Tagalog-Angono. Ito ang ponolohiya sa aspekto ng punto at pagbigkas; at sa
leksikon sa aspekto ng pagbanghay ng salitang pang-uri at pandiwa at tiyak na gamit ng mga ito sa
pangungusap o pahayag.
Bawat bayan sa Rizal ay may sariling punto o intonasyon sa pagsasalita na kadalasang sanhi ng mga
biruan at tuksuhan ng mga taga-ibang bayan. Malinaw ang pagkakaiba ng diyalekto ng bawat bayan sa
Rizal lalo na sa punto o tono ng tagapagsalita. Ang taga-Morong ay ginagaya ng taga-Angono bilang
panunukso at sinosobrahan pa upang maging lalong katawa-tawa. Subalit para sa taga-Morong o taga-
ibang bayan katawa-tawa rin ang punto ng taga-Angono na matigas at parang
galit Sa mga hindi nakakaalam o nakakaintindi na ganito pala talaga ang puntong Angono, tuwina'y nag-
aakalang ang nagsasalita ay galit at masungit. May ilang mga salaysay na naglalarawan sa katangiang ito
ng punto ng bayan.
Unang kuwento. Tatlong araw na sa kawayanan ang pusang-Morong ay ayaw pang umalis doon sa
matinding takot at gulat sa puntong Angono.
Pangalawang kuwento. Nag-uusap hanggang sa magtalo ang isang taga-Paete at taga-Angono. Sabi ng
taga-Pacte sa puntong malambing at mahinay, "Ay huwag po kayong magalit."
Ang sagot ng taga-Angono sa puntong matigas na talagang parang galit. "Hindi ako galit,
nagpapaliwanag lang ako."
Ang sagot uli ng taga- Paete, "ay huwag po kayong magalit." Sagot uli ng taga-Angono sa puntong
matigas na parang galit. "Hindi nga ako galit, nagpapaliwanag lang ako." "Hindi nga ako galit,
nagpapaliwanag lang ako."
Dahil naiirita na rin talaga siguro yong taga-Angono kaya lalong naging matigas ang tono, mapapaiyak
na raw 'yong taga-Paete, "ay talaga Dong huwag kayong magalit." Hanggang sa dumating ang ibang tao
na namagitan at umayos sa hindi nila pagkakaintindihan na dahil lamang sa punto o intonasyon ng
pagsasalita.
Ikatlong kuwento. May isang pangkat ng mga taga-Angono na nagkukuwentuhan tungkol sa napanood
na sine lalo kung aksiyon at bakbakan, ay napagkakamalang parang nag-aaway o malapit nang
magsuntukan.
Sa pandinig ng taga-Angono, ang puntong hindi nila punto ay tinatawag na puntong-Maynila. Kapag ang
isang taga-Angono ay puntong-Maynila, pinagtatawanan ng taga-Angono at lihim na inaalipusta.
May mga salita na binibigkas na pinahahaba ang patinig sa ikalawang pantig buhat sa hulihan (vowel
lengthening) sa halip na maikli at may impit lamang sa dulo. Ilang halimbawa ang sumusunod:
a. tunog na /w/
b. tunog na /y/
c. tunog na /m/
lamang→ laang
nito ang:
leeg embay-embay
setaw totobe
gegewang-gewang langgonesa
Makikita rin ang mga salitang patinig na /o/ ang ginagamit sa pagbigkas sa halip na /u/. Halimbawa,
daungan→doongan suob→soob
kulong-kulong→kolong-kolong suot→soot
suong→soong tutubi→totobe
ugoy-ugoy→ogoy-ogoy
Mayroon ding mga salitang, nagdaragdag ng patinig/katinig bago ang malapatinig. Makikita ito sa mga
salitang:
balasubas→barasubas kalsada→karsada
pulgas → purgas almirol→ armirol
May pagbigkas na tangi lang sa Angono. Halimbawa nito ang sumusunod na salita:
V.
Kinikilala ng mga linguist na "hindi kailanman uniporme ang anumang wika" (Bloomfield 1914); na
"bawat wika ay may mahigit sa isang varyti, lalo na sa pananalita" (Yule 1985). May natutukoy na
istandard na wika subalit may mga baryasyon sa paggamit ng wika sa pang-araw-araw na napakahalaga
sa iba't ibang rehiyonal at panlipunang pamayanan. Isang anyo ng heograpikong lingguwistiks ang
maikakatha at papaloob dito ang mga terminong tulad ng panto o aksent, dayalek, hanggahang dayalek,
kontinuum na dayalek, isogloss bidayalektal, bilingguwal. Samantala, ang panlipunang varayti at
baryasyon ay nakasalalay hindi sa lokasyong heograpiko kundi ayon sa uri, edukasyon, trabaho, edad,
kasarian, at iba pang panlipunang sukatan. Dito naman nakikita ang mga terminong panlipunang
dayalek, idyolek, estilo at register, diglossia, at iba pang katulad (Yule 1985).
Paano ba nailalapat ang mga obserbasyong ito sa kaso ng pambansang wika ng Pilipinas?
Itinakda ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1986 na "ang parabansang wika ay Filipino.
Habang ito'y nabubuo, patuloy itong pauunlarin at payayamanin batay sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas at iba pang wika."
Ibig sabihin, sa pahayag ng palisi sa wika ng Unibersidad ng Pilipinas, "isang realidad at isang ideal," isa
nang katotohanan subalit dinamiko pa ring nabubuo. May mga unibersal na nukleus ang Filipino kung
kaya nagagamit ito bilang pambansang lingua franca. Sa paggamit nito ng mga Filipino na may iba't
ibang wika at rehiyonal na lingua franca, namamalas ang naiibang gamit bunga na nga ng gayong mga
lokal na sitwasyon.
Liyamado bilang istandard ang ginagamit sa punongbayan o kapital (Metro Manila, batay sa Tagalog)
subalit puwede ring igiit na may nalilikhang "kapatid" na ito na Ilokanong Filipino, Bikolanong Filipino,
Sebwanong Filipino, Hiligaynong Filipino, Tausug na Filipino atbp. (Paz 1990; Alcantara 1991; Rubin
1991). Masasabi ring may sari-saring antas ng gamit depende sa panlipunang uri, trabaho, pangkatin,
edad, atbp.
Sa isang banda, natatanto ang papel ng Tagalog-Filipino sa pagpapalaganap ng pambansang wika, subalit
sa kabilang banda naman ay nakikilala ang modifikasyon at kontribusyong dulot ng ibang paggamit sa
kapuluan. Isang "ideal" na pakaaasamin na magkakapuwesto sa pambansang wika ang mga ambag ng
huli tungkol sa pambansang komunikasyong susog sa etnikong kapantayan.
Nararapat na mulat ang mga tagaplano at tagapagtaguyod ng pambansang wika sa kahingiang ito sa
bawat yugto ng pagpili, kodipikasyon, implementasyon, at paglilinang.
Palagiang papel ng linguist o sinumang seryosong mananaliksik ang pagiging descriptivist (synchronic
linguistics) na nagbibigay ng tiyak na pagkalarawan ng aktuwal na pang-araw-araw na gamit, kapuwa
pasalita at pasulat, ng pamayanang kasangkot. Bilang dialect geographer (nagmamapang dayalek batay
sa lugar) lumilikom siya ng impormasyon tungkol sa kaisahan at varayti ng pananalitang pangmadla.
Bilang mag-aaral ng panlipunang dayalek, natutukoy niya ang halagang pamprestihiyo ng iba't ibang
anyo. Naoobserbahan at nauuri niya ang mga salik kaugnay ng istandard na salita at sulat, kaya
nalalaman ang aktuwal na gamit ng komunidad. Nailalabas ang mga tuklas ng saliksik sa isang
ortograpiya, gramar, at diksiyonaryo (Haugen 1966).