You are on page 1of 8

BANGHAY ARALIN SA ARAL PAN 7

I. Layunin:

- Naihahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus, Shang)


- Nakapagbubuo ng talahanayan na naglalarawan sa mga katangian ng bawat
kabihasnan
- Napapahalagahan ang mga nagawa at impluwensya ng mga sinaunang kabihasnang
Asyano sa sangkatauhan

II. Paksang Aralin : Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya

III. Mga Kagamitan:


Sanggunian: Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 7 p.112-114, laptop, projector,
cartolina, pentel pen, manila paper

IV. PAMAMARAAN NG PAGTUTURO

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN

 Panalangin
 Checking of Attendance

B. BALIK -ARAL
Sa ating nkaraang aralin, ating
pinag-aralan at tinalakay ang
tungkol sa kabihasnan at
sibilisasyon. Bilang pagbabalik Ang kabihasnan ay pamumuhya na nakagawian at
tanaw sa ating nakaraang paksa, pinipino ng maraming pangkat ng tao.
Ano ba ang kabihasnan?
C. PAGGANYAK
Magkakaroon tayo ng isang Gawain
na tinatawag na “Hula-
Rawan”,mayroong akong video na
ipapakita. Suriin at alamin kung ano
ang makikita at masasabi mo tungkol
sa video.
Mga gabay na tanong na dapat
sagutin pagkatapos ng presentasyon.
1.Ano ang nakikita mula sa video?
2.Ano ang pangunahing paksa na
nais ipabatid ng video?
D. PAGLALAHAD
Mula sa mga larawan na nasa video
na ating sinuri at bingyang pansin,
tungkol saan kaya ang ating paksa
ngayong hapon? Kabihasnan, Pamana, Nagawa, Kontribusyon
Tama.. Very Good
Kung kayat ngayong hapon ating
tatalakayin ang mga Sinaunang
Kabihasnan sa Asya ang Sumer, Indus,
at Shang.
Mula ditto layunin nating:
1.Naihahambing ang mga sinaunang
kabihasnan sa Asya ( Sumer , Indus ,
Shang)
2.Nakapagbubuo ng talahanayan na
naglalarawan sa mga katangian ng
bawat kabihasnan
3. Napapahalagahan ang mga nagawa
at impluwensiya ng mga sinaunang
kabihasnang Asyano sa
sangkatauhan.
E. PAGTATALAKAY
1. Mga Gawain
• Pangkatang Gawain.
Upang lubos nating maunawaan
ang tungkol sa ma sinaunang Asyano.
Magkakaroon tayo ng pangkatang
Gawain. Papangkatin ko kayo sa
tatlo.. Ang bawat pangkat ay pipili ng
kanilang lider at tagapag ulat. Gamit
ang babasahin na aking ibibigay
bilang inyong sanggunian, buuin ang
talahayan na nagpapakita ng mga
katangian ng kabihasnan. Ang unang
Pangkat ay mag-uulat tungkol sa (1)
Kabihasnang Sumer Ang ikalawang
pangkat ay tungkol sa (2)
Kabihasnang Indus at ang ikatlong
pangkat ay (3) Kabihasnang Shang.
Narito ang pangunahing pamantayan
sa ating Gawain:
1.Bibilang tayo ng isa hanggang tatlo.
2.Pumunta sa inyong pangkat.Pumili
ng lider at tagapag-ulat.Sundin ang
talahanayan na nka flash s
screen.Gawin ang Gawain ng tahimik Sinaunang Lugar Sistema Sistema Mga
3.Bigyan ko kayo ng 5minuto na Kabihas na ng pa Ng pag Naga
makatapos. Sa mga nakatapos na nan pinag Mumu susulat Wa o
pangkat idikit sa pisara ang natapos usbu hay Kontri
na Gawain at humanda sa pag-uulat. ngan busyon
A.Kabihasnag
Sumer
B.Kabihasna
n
Indus
C.Kabihasnan
Shang

Okey..Naunawaan na ba ang lahat?


Mayroong pa bang mga katanungan? Opo Maam.
Bago tayo magsisimula sa ating Wala na Po maam.
Gawain , narito muna ang Rubrics sa
pagtataya ng inyong pangkatang
Gawain.
Mayroong bang dapat baguhin o
palitan sa ating rubircs?
Naunawaan ba ng lahat?
Okey simulan ng tahimik ang inyong
gawain
Rubric sa Pagsulat

 5 - angkop sa paksa ang nilalaman… malinaw ang pagkakasulat at pagbigkas ng mga detalye
sa pag-uulat..,. Nakatapos bago ang itinakdang oras

 4 – angkop sa paksan ang ilalaman… malinaw ang pagkakasulat at pagbigkas ng mga


detalye… nakatapos sa oars na itinakda.

 3 – hindi masyadong angkop ang nilalaman… hindi masyadong malinaw ang pagbigkas ng
mga detalye… Huli ng 3 minuto sa oars na itinakda.

 2 – hindi angkop ang nilalaman… walang kalinawan ang mga detalye… huli ng 5 minuto sa
oras na itinakda.

 1 – walang detalye na pinapakita… walang kaangkupan sa paksa.

Ngayon bigyan natin ng


pagkakataon na iulat ng Sinaunang Lugar na Sistema Sistem Mga
bawat pangkat ang kanilang Kabihas pinag ng pa a Naga
Gawain. nan usbu Mumu Ng pag Wa o
Magsisimula tayo sa unang
ngan hay susulat Kontri
pangkat
busyon
A.Kabihasnag Ilog ng Pagsasa Cunei Ziggurat,
Sumer Tigris ka form Calendar,
At Araro
Euphrate gulong
s
B.Kabihasnan Ilog ng Pagsasa Pictog Pictogram
Indus Ganges ka ram Palayok
palamuti
C.Kabihasnan Ilog ng Pagsasa Calligra Calligraphy
Shang Huang ka phy Lipunan
Ho tapayan
F. PAGLALAHAT
Batay sa inyong mga pag-
uulat nalalaman natin ang
katangian ng bawat
Kabihasnang Asyano. Sa
kabuuan Saan at paano
magkakatuld at magkakaiba
ang mga Sinaunang
Kabihasnang Asyano?
Sa pagsagot sa ating
katanungan magkakaroon
tayo ng paligsahan, may
inihanda akong meta strips
dito.. Papangkatin ko kayo
sa tatlo at unahan sa
pagsagot at paramihan ng
tamang sagot. Isulat sa meta
strips kung ano ang
pagkakaiba at pagkakatulad
ng mga kabihasnang Asyano
pagkatapos idikit sa
harapan.
Nauunawaan ba kung an Opo ma’am
ang inyong Gawain?
Pagkakatulad:
• Sistema at paraan ng pamumuhay
• Ilog lambak na lugar na pinagusbungan at nagsimula ang
pag-unlad
• Sistema ng pagsusulat sa nalilinang
Pagkakaiba:
• Mga naiwang impluwensya sa sangkatauhan
• Kontribusyon nagawa
• Pamana sa sangkatauhan

G. PAGLALAPAT
Ating naunawaan na ang
bawat Kabihasnan ay may
pagkakaiba at
pagkakatulad .Sa panahon
natin ngayon na ang buong
sanlibutan ay nakaranas ng
mga paghihirap dahil sa
pandemya.Iba-iba man ang
ating kultura at
paniniwala,magkakaiba man
ang ating mga karanasan at
sitwasyon sa buhay,
Paano mo pahahalagahan
ang mga nagawa o
kontribusyon ng mga
sinaunang Kabihasnan sa
Sangkatauhan?
Bakit pa kayang nararapat
itong pahalagahan pa
hanggang sa kasalukuyan?
Sa pagsagot ng mga
katanungan ay ipapakita sa
pamamagitan ng pagsulat
ng
Tula, Balagtasa, o Jingle.
Ano nga ba ang Tula Ang Tula ay isang sanaysay o pahayag na nagbibigay ng
Sa inyong Filipino napag- pagpapahalaga sa isang paksa.
aralan niyo na ba ang bahgi Opo ma’am…
ng Tula?
Anu-ano ang mga bahagi ng Saknong, Taludtod, at may mga sukat at tugma
tula?
Tama?
Okey . Tama. Very Good.
Mayroon ba kayong ideya Ang balagtasan ay pagpapalitan ng kuro-kuro hinggil sa isang
kung ano ang balagtasan? paksa.
Tama…
Subalit ang inyong gagawin
ngayon ay magsulat at
itanghal ang isang malayang
tula, o tulang may sukat at
may tugma, jingle, o
balagtasan.

Maaring itanghal niyo ito sa


wikang Filipino, English, o
kinaray-a. Bibigyan ko kayo
ng 3 minute sa pagbuo ng
inyong Gawain. Ang bawat
pangkat ay malayang
makapagpili kung ano ang
nais nilang itanghal, ito ay
maaring tula, jingle o
balagtasan
Mayroon pa bang Wala na po ma’am
katanungan?
Bago tayo magsisimula,
narito muna ang basehan
nati sa pagtataya ng inyong
tula,jinle at balagtasan.

Pagtataya ng Tula, Jingle, at Balagtasan


Content – 40%
Delivery – 50%
(interpretation)
Audience Impact - 10%
100%
V. PAGTATAYA:
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong,piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.Ang Kabihasnang Indus,ay kabihasnang umusbong sa lambak-ilog ng Ganges,alin sa mga


sumusunod ang naglalarawan tungkol sa katangian ng Kabihasnang Indus?
a. nalilinang ang Sistema ng pagsusulat na Pictogram
b.naging sandigan ng pag unlad ang Fertile Crescent
c.umunlad ang kabihasnang ito dahil sa pagkakaisa ng mg mamamayang Tsino
d.walang kabuluhan ang pag usbong ng kabihasnang ito
2. Ano ang tawag sa Sistema ng pagsusulat na nalilinang ng mga Shang?
a.Pictogram b.Calligraphy c.Cuneiform d.Clay Table
3. Natutong mag alaga ng mga hayop at mangaso,simple at payak na pagsasaka ang sistema
ng pamumuhay,subalit sa kalaunan naimbento ang teknolohiya sa pagsasaka tulad ng araro
na nagpapatunay na naging maunlad ang kanilang kabihasnan..,anong kabihasnan ang
inilalarawan ng pahayag na ito?
a. Shang b. Indus c. Sumer d.Minoan
4.Saan nagkakatulad ang mga sinaunang kabihasnang Sumer , Indus at Shang?
a. mga kontribusyon o mga nagawa
b. sa Sistema ng pagsusulat
c. ilog at lambak na pinag usbungan
d. mga kahalagahan
5.Ang Sumer , Indus at Shang ay mga sinaunang kabihasnang umusbong sa ilog at lambak,
ano ang pagkakaiba ng tatlong kabihaasnan?
a.sa paraan ng paglilinang ng kanilang pamumuhay
b.sa pagbuo ng sariling kabihasnan
c.sa paglilinang ng Sistema ng pagsusulat
d.sa mga impluwensiya at mga kontibusyon sa sangkatauhan
6.Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga Kontribusyon ng mga Sumerian?
a.Calligraphy b. Ziggurat c. Cuneiform d.lunar calendar
7.Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan tungkol sa Kabihasnang Indus
a.nalilinang ng kabihasnang Indus ang Sistema ng pagsusulat na Cuneiform
b.ang kabihasnang Indus ay umusbong sa ilog lambak ng Indus at Ganges
c.ito ay pinakamatandang Kabihasnang umusbong sa mundo
d.maunlad at bihasa ang pamumuhay ng mga tao sa kabihasnang ito
8.Paano mo pahalagahan ang kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnan?
a.tangkilin ,gawing gabay sa pamumuhay
b.i post sa FB ang mga kontribusyon
c.hukayin ang mga labi at ilagay sa museum
d. hayaan nakabaon sa nakaraan
9.Anong uri ng pamumuhay ang nalilinang ng mga sinaunang kabihasnan?
a.Pagsasaka b.pangangalakal c.industriya d.pagnenegosyo
10.Ano ang mahalagang kontribusyon na nagawa ng mga Sumerian sa sangkatauhan?
a.pagtatayo ng temple para sa kanilang panginoon na tinatawag na Ziggurat
b. ang pagtuklas ng decimal system at lunar calendar
c.ang paglilinang ng kauna-unahang Sistema ng panulat na Cuneiform
d.ang pag unlad ng Sistema ng pamumuhay na pagsasaka at pananim

VI. Takdang Aralin


Magsaliksik at ilista ang mga impluwensiya ng mga Sinaunang Kabihasnan na
makikita sa ating pamayanan sa kasalukuyang panahon. Isulat sa isang buong
papel.

Prepared by:

NOVELENE S. BERAYON
Guro sa Aral Pan 7

Submitted to:

JESSIE S. PIDO PhD


Principal ll

You might also like