(CULTURE AND GEORGRAPHY) SCSS1 BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN BAITANG 1- IKALAWANG MARKAHAN
I. Layunin Pagkilala sa mga kasapi ng Pamilya
Ang mag-aaral Ay naipamamalas ang pagunawa at pagpapahalaga sa sariling pamilya at mga kasapi nito at bahagingginagampanan ng bawat isa. II. Nilalaman 1. Paksa: IKALAWANG MARKAHAN – “Ang Aking Pamilya” 2. Kagamitan: Laptop at libro 3. Sanggunian: Sibika at Kultura Batayang Aklat 1. 2001. pp. 132-134. * Ang Bayan Kong Mahal 1. 1998. pp. 116-121 * Pilipinas: Bansang Minamahal Batayang Aklat 1. 1997. pp. 104-114 * Sibika at Kultura Batayang Aklat 1. 1997. pp. 113-115 * Pilipinas Bayan Mo, Bayan Ko Batayang Aklat 1. 1997. pp. 112-114 * Pilipinas ang Ating Bansa Batayang Aklat 1. 1999. pp. 75-78 * Pagsibol ng Lahing Pilipino Batayang Aklat 1997. pp. 89-90 * Sibika at Kultura Batayang Aklat 1 1998. pp. 109-110 * Lahing Pilipino Batayang Aklat 1. 1997. pp. 87-94 III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral: Tungkol saan ang ating inaaral noong huwebes? 2. Pagsasanay: Ilarawan ang bawat kasapi ng sariling pamilya sa pamamagitan ng likhang sining. B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak: Magpakita ng larawan ng Pamilya at iugnay ito sa araling ilalahad. Magbahagi ng kwento tungkol sa pamilya. 2. Paglalahad: Ilahad ang iba’t ibang papel n ginagampanan ng bawat kasapi ng pamilya sa iba’t ibang pamamaraan. Ipaliwang ang kahalagahan ng bawat kasapi ng pamilya 3. Talakayan: Bigyang diin sa pagtatalakay tungkol konsepto ng pamilya batay sa bumubuo nito. At pagtatalakay ng kahalagahan ng pamilya sa pangaraw-araw na pamumuhay natin. 4. Pangkatang Gawain: Magtala ng papel na ginagampanan ng bawat kasapi ng pamilya sa iba’t ibang pamamaraan. Ipaliwanag ang salitang Pamilya. 5. Paglalahat: Ano ang isang pamilya para sayo at ano ang kahalagahan nito? 6. Paglalapat: Mahalaga ba ang makilala at pahalagahan ang bawat kasapi ng pamilya? Bakit? IV. Pagtataya Sa isang buong papel ipaliwanag ilalarawan ang mga gawain ng mag-anak sa pagtugon ng mga pangangailangan ng bawat kasapi. V. Takdang Aralin Bumuo ng kwento tungkol sa pang-araw- araw na gawain ng buong pamilya, isulat ito sa short coupon bond.