You are on page 1of 12

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

Impeng Negro ni Rogelio R. Sikat


Para sa Baitang VII

I. MGA LAYUNIN
Inaasahang sa katapusan ng aralin, ang mga estudyante ay:
1. Makapagpahayag ng mabisang kaisipan o sariling ideya at karanasan tungkol sa paksang tinalakay.
2. Masagutan nang may buong pag-unawa ang mga tanong hinggil sa kwentong binasa sa tulong ng
ugnayang tanong at sagot.
3. Maunawaan ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay at pagtanggap sa kabila ng pagkakaiba-iba ng
bawat tao.
4. Makapagpapamalas ng sariling saloobin at karanasan sa mga mahahalagang pangyayari sa kwento.

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Maikling Kwentong “Impeng Negro” ni Rogelio R. Sikat
Sanggunian: Panitikang Filipino Kagamitan ng Mag-aaral sa Ikapitong Baitang
Pagpapahalaga: Maunawaan na ang bawat tao ay nilikha ng may pantay-pantay na halaga at ang pagpapanatili
ng pagkakaroon ng paggalang, pantay na pagtingin, at pagmamahal sa kabila ng anumang kulay, estado sa
buhay, o katayuan sa lipunan.

III. PROSESO NG PAGKATUTO


TAKDANG
PAMARAAN GAWAIN KAGAMITAN PANAHON
• Babatiin at kakamustahin ang mga mag-
aaral.

• Pagkatapos ay magbibigay ng ilang mga


A. Panimula/Paghahanda tanong na may kaugnayan sa ilalahad na
1. Pagganyak aralin. 3 min
1. Sino sa inyo ang nakakita na ng Pisara
2. Mga pagganyak na taong inaapi o binubully?
katanungan 2. Anong klaseng pambu-bully ito?
3. Ano ang inyong nararamdaman sa
tuwing kayo’y nakakita ng taong
binu-bully?

Babasahin ng mga mag-aaral ang isang kwento


mula sa libro na may pamagat na "Impeng Negro",
pahina 15-22

Pagkatapos basahin ang kwento. Itatanong ang mga


B. Paglalahad sumusunod:
1. Pagbasa 1. Saan patungkol ang kwento? Libro 7 min
2. Pagtalakay sa naunawaan 2. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
3. Anong pisikal na katangian mayroon ang
batang lalaki sa akda?
4. Ano naman ang iba pa niyang katangian
bukod sa panlabas na anyo?

Bibigyan ng ideya ang mga mag-aaral kung sino ang


may akda ng kwentong "Impeng Negro"

Tatalakayin ang bawat bahagi ng kwento at


hahanapin ang mga sagot sa tanong ng mga
sumusunod:
• Sinu-sino ang iba pang mga tauhan mula
sa kwento?
• Paano naipakita ang diskriminasyon sa
kwento laban kay Impen?
• Sa paanong paraan masasabing si Impen
ay isang mabait at mabuting bata?
• Saan siya kumukuha ng perang
itinutulong niya sa kaniyang pamilya?
C. Pagtalakay sa Aralin • Bakit kaya lagi siyang tinutukso ng ibang
1. Pagtatalakay sa paksa at mga bata lalo na ni Ogor? Libro 25 min
pagsagot sa mga tanong. • Anong katangian mayroon si Ogor?
Nararapat ba itong tularan?
• Kung kayo ang batang si Ogor at nakakita
kayo ng batang katulad ni Impen,
gagawin nyo din ba ang ginawa niya?
• Kung kayo naman ang nasa katayuan ni
Impen, hahayaan niyo na lang din bang
tuksuhin kayo ng mga bata?
• Sa inyong palagay, marami pa rin kayang
nakararanas ng mga ganitong bagay sa
panahon natin ngayon?
• Bakit kaya maraming tao ang mahilig
mambully o mamintas sa kanilang kapwa?
Kung talagang nakinig kayo at naiintindihan ninyo
ang ating binasang kwento.
• Sino ang may-akda ng kwentong "Impeng
Negro"?
D. Pagsasanay/Aplikasyon • Maganda ba ang kwento? Nais niyo bang
1. Pagbibigay ng tularan ang batang si Impen?
pagsasanay upang • Sa inyong palagay, nararapat bang 10 min
mapag-ibayo ang husgahan si Impen dahil sa kanyang
kulay?
natutunan • Nararapat din bang husgahan ang
kanyang ina sa pagkakaroon ng
maraming anak?

Pagtatasa (Multiple choice quiz, Tama o Mali)


Kumuha ng isang buong papel

PANUTO: Piliin ang titik ng wastong sagot.


1. Ano ang pangalan ng pangunahing
tauhan sa kwento?
A. Si Impen
B. Si Impeng Negro
C. Si Ogor
2. Sino ang palaging nanunukso sa
pangunahing tauhan?
A. Si taba
B. Si Ogor
C. Si Impen
3. Ano ang palaging bilin ng ina sa kwento?
A. Palaging mag-igib ng tubi
B. Huwag nang pansinin ang mga
panunukso.
C. Walang bilin ang ina.
4. Ano ang naging dahilan ng pagkawala ng
pasensya ng pangunahing tauhan?
A. Nang may tumulong dugo sa kanyang
ilong.
B. Nang magkasugat ang kanyang tuhod.
C. Nang siya ay mainitan.
5. Ano ang dahilan kung bakit naging
tampulan ng tukso ang pangunahing
tauhan?
A. Dahil siya’y mayabang
B. Dahil siya’y maitim
C. Dahil siya’y walang ama
6. Ilan silang magkakapatid?
A. Lima
B. Apat
C. Tatlo
E. Pagsubok 7. Saan naganap ang pag-aaway ng
Papel, Ballpen 15 min
dalawang pangunahing tauhan sa
kwento?
A. Sa harapan ng kanilang bahay
B. Sa may palengke
C. Sa may igiban kung saan nakapila ang
mga agwador.
8. Sino ang nagsulat ng maikling kwentong
ating binasa?
A. Rogelio R. Sikat
B. Rogelio Mangahas
C. Rogelio Sacat
9. Ano lamang ang alam gawin ni Ogor na
nabanggit ng kanyang ina?
A. Mang-away
B. Mag-igib
C. Mag-igib at makipag-away
10. Sino ang nanaig sa awayan ng dalawang
pangunahing tauhan sa kwento?
A. Si Impen
B. Si Agor
C. Si Ogor

Tama o Mali: Isulat sa papel ang IMPEN kung tama


ang isinasaad na pangungusap at OGOR naman kung
ito'y mali.
1. Ama na lamang nila nag kasa-kasama ng
pangunahing tauhan sa kwento.
2. Tama ba ang ginagawang panunukso ni
Ogor.
3. Ang bunsong anak sa mag-anak ay si Boy.
4. Agwador o taga-igib ng tubig ang trabaho
ni Impen.
5. Palagi na lamang may mga matang
nakatingin sa kanya na waring
nanghuhusga.
Tatanungin ang mga mag-aaral at hahayaan na
magpahayag ng kanilang sariling kaisipan sa
kwentong binasa:
1. Anong mensahe ang nais iparating ng
kwentong ating binasa?
2. Anong masasabi mo sa kwento at sa
F. Gawain sa Pagpapahalaga/ pangunahing tauhan?
5 min
Ebalwasyon 3. Nararapat bang tularan ang batang si
Impen? Bakit?
4. Paano sumasalamin sa realidad ng ating
lipunan ang kalagayan ni Impen?
5. Anong mga aral sa buhay ang maaaring
mapulot mula sa ating tinalakay?

IV. KASUNDUAN
Takdang Aralin
Ibahagi sa pamamagitan ng pagsulat sa isang buong papel,
Isalaysay kung ika'y nakaranas na ng pambu-bully o pang-aapi at diskriminasyon o hindi
pantay na pagtingin mula sa iyong kapwa. Ipahayag din kung paano mo nalampasan at
napagtagumpayan ang karanasang ito.

Inihanda ni: Bb. Keshia M. Hadjinor

You might also like