You are on page 1of 29

PRAGMATIKAL NA PAGSUSURI SA AWITING “PILIIN MO ANG PILIPINAS”

NA SINULAT NI ROBERT LABAYEN

ANALYN V. OLINARES 0009-0004-3113-587X

0009-0002-4906-5975 FEAL GRACE M. BUYTRAGO

JOYCEE M. SARABIA 0009-0003-2053-6771

0009-0006-9232-8880 ROSAMAE A. GILTENDEZ

MELODY S. ALBACITE 0009-0006-2599-9131

0009-0009-9255-0627 HYDELIZA I. SULAYAO

VANESSA SAJULGA 0009-0001-5703-4960

0009-0006-8314-7762 CARMEL N.MATA

MA. VIOLISA M. INOY 0009-0002-8829-6768

BSED FILIPINO

MADRIDEJOS COMMUNITY COLLEGE


ABSTRAK (ABSTRACT)

“Piliin mo ang Pilipinas, kapuluang perlas ng kwintas…” ang linyang ito ay sipi

mula sa awiting “Piliin Mo ang Piipinas” na sinulat ni Robert Labayen na siyang

pumatok sa madla taong 2011 dahil sa taglay nitong mga liriko na nakapupukaw ng diwa

at damdamin ng mga tagapakinig lalo pa’t patungkol ito sa kagandahan at kayamanang

taglay ng ating bansang Pilipinas.Nagtataglay ito ng mga lirikong may nakakubling

palaisipan para sa mga nakikinig at bumabasa ng awiting ito. Ito ay pinatunayan sa

komento ni MR. YOSO (Tsabuto.wordpress.com, 2018), Ang pag-aaral na ito ay

deskriptibo at kwalitatibong pag-aaral. Una ay susuriin ang mga patayutay na pahayag sa

bawat taludtod ng awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” sa paraang tekstwal analisis. Ang

ikalawang susuriin naman ay ang mga pragmatikal na pahayag sa awiting “Piliin Mo ang

Pilipinas” sa pamamagitan ng pakikipag-panayam at tematikal na pagsusuri para matukoy

ang mga pragmatikal na mga pahayag.Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang

mga pragmatikal at patayutay na pahayag sa awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” na sinulat

ni Robert Labayen. Sa pagsusuring pragmatikal natuklasan ng mga mananaliksik na ang

mga pragmatikal na mga pahayag sa awiting “Piliin Mo ang Pilipinas na sinulat ni Robert

Labayen ay: Ang Pilipinas ay binubuo ng libo-libong mga pulo at ang bawat pulo ay

nagtataglay ng natatanging kagandahan. Nagpapa-alala ito sa mga Pilipino na mahalin at

tangkilikin ang sariling bansa kaysa sa mga banyaga na siyang sa sumisimblo sa pagka-

Pilipino na nagpapakita ng nasyolismo;Mayaman ang Pilipinas pagdating sa

mapagkukunan ng hanabuhay kagaya na lamang ng pagsasaka sa malawak na bukirin.

Doon, nakakalanghap ng sariwang hangin at tahimik na kapaligiran;Ang awiting”Piliin

Mo ang Pilipinas” ay nagpapa-alala sa mga kagandahang mukha at asal kagaya ng mainit


na pagtanggap sa mga bisita;Ang awiting “ Piliin Mo ang Pilipinas” ay

nangangahulugang ang Pilipinas ay mala- paraiso na maraming bulaklak na siyang

sumisimbolo sa ating mga naggagandahang tanawin,kakaibang tradisyon,kultura at

paniniwala. Kaya nararapat lamang na ito ay alagaan,pagyamanin at

pagyamanin;Nagpapahiwatig ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” sa kagandahang

taglay ng bansang Pilipinas na siyang dahilan kung bakit maunlad ang bansa pagdating sa

turismo; Napakayaman ng bansa pagdating sa ibat’ ibang uri ng hanapbuhay na siyang

nagtutus-tus sa mga pangangailangan ng bawat Pilipino; Ang awiting “Piliin Mo ang

Pilipinas ay nagbibigay motibasyon sa mga panahon ng kahinaan dahil nagpapa-alala ito

kung gaano kaganda ang buhay at ka-swerte ang maging isang Pilipino; Nagpapahiwatig

ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” sa mga magagandang Beach Resort na may mala-

puting asukal na mga buhangin na siyang binabalik-balikan ng mga turista sa Pilipinas;

Para sa mga nag-iibigan,ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas”ay nagpapaalala kung

gaano kaganda ang magmahal at maranasan ang makapunta sa mala-paraisong lugar at

masaksihan ang paglubog ng araw para maibsan ang problema kasama ang taong

minamahal; Ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” ay nagpapahiwatig kung gaano

kasagana sa yamang tubig at mga “native products” ang bansang

Pilipinas;Nagpapahiwatig din ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” sa mga

naggagandahang morenang kababaihan na may magandang kalooban at maalalahanin sa

kapwa; Para sa mga dumadayo sa Pilipinas, ang awiting” Piliin Mo ang Pilipinas” ay

nagpapa-alala sa kanila kung bakit mas pinili nilang manirahan dito sa Pilipinas sa

kadahilanang dito nila natagpuan ang kaligayahang walang kapantay;Para sa ibang mga

turista ang “Awiting Piliin Mo ang Pilipinas” ay nagpapa-alala sa mga masasayang ala-
ala ng pagsasama at mga pagkain na sobrang sarap na sa Pilipinas lamang nila

nahanap;Ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” ay sumisimbolo sa mga tradisyon,kultura

at paniniwala ng bansang Pilipinas at sa lahat ng mga pragmatikal na pahayag higit na

makikita ang pahayag patungkol sa kagandahang likas na taglay ng bansang Pilipinas

kagaya na lamang ng mga magagandang tanawin na makikita sa bansang Pilipinas at ang

patungkol sa pag-ibig sa bayan at kapwa ay higit rin na makikita sa mga pragmatikal na

pahayag na nakalap ng mga mananaiksik. Batay sa pagsusuri sa mga patayutay na

pahayag naman,natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga patayutay na pahayag na

ginamit sa awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” na sinulat ni Robert Labayen ay ang

pagpapalit-saklaw,pagpapalit-

tawag,pagtutulad,pagwawangis,pagmamalabis,personipikasyon,asonans,panaramdam,pa-

sukdol,aliterasyon,pangitain,tambisan at ang pagtatambis at sa lahat ng ginamit na

pahayag,higit na ginamit ang pagwawangis.

Susing-salita: Pagsusuri sa mga Pragmatikal at Patayutay na Pahayag


PANIMULA (INTRODUCTION)

“Piliin mo ang Pilipinas,kapuluang perlas ng kwintas…” ang linyang ito ay sipi

mula sa awiting “Piliin Mo ang Piipinas” na sinulat ni Robert Labayen na siyang

pumatok sa madla taong 2011 dahil sa taglay nitong mga liriko na nakapupukaw ng diwa

at damdamin ng mga tagapakinig lalo pa’t patungkol ito sa kagandahan at kayamanang

taglay ng ating bansang Pilipinas.Nagtataglay ito ng mga lirikong may nakakubling

palaisipan para sa mga nakikinig at bumabasa ng awiting ito. Ito ay pinatunayan sa

komento ni MR. YOSO (Tsabuto.wordpress.com,2018) kapag napakinggan ang awiting

Piliin Mo ang Pilipinas ipinapapaala nito na nakakaproud maging isang Pilipino at

manirahan sa bansang Pilipinas.

Ang panitikan ay nagsasabi at nagpapahayag ng ideolohiya, kaisipan, damdamin,

karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Ang panitikan ay may dalawang anyo, ito ay ang

patula at prosa (Ki,2020). Ang patula ay isinusulat sa anyong taludturan o saknong tulad

halimbawa ng awit,korido,balad,sawikain,bugtong,epiko,at iba pa. Ang prosa naman ay

nagpapakita ng kaisipan na kadalasang binubuo ng mga pangungusap o di kaya’y

isinususulat nang pasalaysay at patalata (Tamayo,2018). Ang awitin ay napabilang sa

anyong patula.

Tunay na makulay ang isang awitin binubuo ito ng mga matatalinghagang salita at

ritmong tunay na mapaiindayog ang mga makikinig.Ang awit ay isang halimbawa ng

pampanitikang akda na napabilang sa anyong patula( Cie, 2019 ). Ang tula ay isang anyo

ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga

saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud kagaya ng isang awitin(Admin,
2021). Ang isang panulaan ay binubuo ng mga elemento na siyang mas lalong

magpapakulay sa isang awitin kagaya na lamang ng mga salita o tekstong

napakagandang pakinggan, lalo na kung hindi lantaran ang mga kahulugan nito.Kabilang

sa mga elementong ito ay ang sukat,anyo,kariktan,persona,saknong,tugma,tuno, at ang

talinhaga (Aralin Philippines, 2022). Ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng

bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong habang ang tugma naman ay isang

elemento ng tula na hindi angkin ng may akda sa tuluyan dahil ito ay tumutukoy sa

magkasintunog ng huling pantig ng huling salita ng bawat linya (Ki, 2021). Ang saknong

naman ay tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula may dalawa o maraming

taludtod habang ang kariktan naman ay ang mga marikit na salita para mapasaya ang

mambabasa at mapukaw ang damdamain at kawilihan (Valle Rey, 2019).Ayon kay

Francisco(2021), ang talinhaga ay tumutukoy sa mga di-tiyak na pagtukoy ng mga bagay

na binabanggit,ang tuno naman ay ang paraan ng pagbigkas sa bawat taludtod ng tula at

ang panghuling elemento naman ay ang anyo na kung saan ito ay tumutukoy sa kung

paano isinulat ang tula. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit kailangang pagtuunan ng

pansin sa pag-aaral ng mga akdang pampanitikan ay ang pagsusuri ng mga ito. Hindi

sapat na binasa lang ang akda. Kinakailangang naiintindihan nang husto ang ideyang nais

iparating ng may-akda lalong-lalo na sa mga patulang anyo(Angel, 2019).

Madalas natin maririnig sa isang awitin ang mga pahayag na hindi lantaran ang

kahulugan o iyong mga patayutay na pahayag na isa sa elemento ng panulaan.Ayon kay

Lumacad (2019), ang tayutay na pahayag ay ang hindi pagbibigay ng tuwiran o lantad

na kahulugan bagkus, ito ay may malalim na kahulugan na kinakailangan ng maiging

pagsusuri, pagpapaliwanag, at pag-intindi.Ilan sa mga tayutay na madalas nakikita antin


na ginamit ay ang mga simile (pagtutulad), metapora (pagwawangis), personipikasyon,

synecdoche (pagpapalit-saklaw), metonomiya (paglilipat-wika), pagmamalabis, retorikal

na tanong, pabaligho, panawagan at marami pang iba.

Bukod sa tayutay, ang pragmatikal na pagsusuri ay isang sangay ng linggwistika

na kung saan pinag-aaralan ang mga kahulugan ng mga salita, ngunit binibigyang diin

nito ang kanilang konteksto. Sa madaling salita, ang pragmatikal na pagsusuri ay "ang

pag-aaral ng paggamit ng mga palatandaan ng linggwistika, salita, at pangungusap, sa

mga aktwal na sitwasyon”(Freitas, 2022). Ang isang pahayag sa isang awitin ay maaring

magpahayag o maglaman ng ibang pagpapakahulugan depende sa nais nitong iparating

sa kaniyang mga tagapakinig at maaring nakadepende ito sa partikular na sitwasyon

mayroon ang isang indibidwal.Ang pragmatikal na pagsusuri ay kinakailangang suriin sa

isang awitin para mabatid kung paano nila binigyan ng kahulugan ang mga pahayag na

nakapaloob sa isang awitin nang hindi naka batay sa diksyunaryo kung hindi sa kanilang

sariling karanasan o sitwasyon mismo. Ayon kay Chomsky, “ito ay nangangailangan ng

kaalaman kung paano maiuugnay ang wika sa sitwasyon na pinanggagamitan nito.”

Napakahalagang pag-aralan ang tayutay at ang pragmatikal na pahayag sa

kadahilanang ito ang nagbibigay kariktan sa isang awitin. Madalas ginagamit ang mga

patayutay na pahayag sa isang awitin. Tulad halimbawa ng awiting “Kanlungan” na

sinulat ni Romeo Dongeto na nilapatan ng retorikal na katanungan sa mga sumusunod na

mga taludtod: “Pana-panahon ang pagkakataon… Maibabalik ba ang kahapon?” Isang

pagtatanong na ipinupukol sa kung sinuman ang makakarinig ng awitin na hindi na

kailangan ng direktang kasagutan sapagkat ang tanong ay ipinabatid lamang sa


pamamagitan ng awitin.At para sa mga nakikinig na may iba’t ibang pagpapakahulugan

sa nasabing pahayag depende sa kanilang natatanging karanasan.

Bilang mga nagbabalak na maging guro sa darating na panahon,sadyang

napakahalaga para sa mga mananaliksik na magkaroon ng malalim na pag-unawa

patungkol sa panitikan lalo pa at sila ay kumukuha ng kursong Bachelor of Secondary

Education Major in Filipino. Ayon nga kay Lumacad (2019), inilarawan ang tayutay

bilang kaluluwa ng panitikan kaya bilang mga guro, may tungkulin tayong alamin ang

bawat isa upang lubusang maakma at ma-angkla ito sa pagturo ng panitikan sa mga mag-

aaral. Kaya ninais din ng mga mananaliksik na malaman kung ano-anong patayutay at

pragmatikal na pahayag ang ginamit ng manunulat sa awiting “Piliin Mo ang Pilipinas.

Mayroong limang pilosopiyang pagpapalagay. Ang una ay ang ontolohikal na

pagpapalagay ito ang pag-aaral ng kalikasan ng pagkakaroon o reyalidad at mga

relasyon, ito ay nakaangkla sa mga pagpapalagay na ginagawa ng mga mananaliksik

upang paniwalaan ang isang bagay na may katuturan ; sumunod ang epistomolohikal na

paglalagay naman na kung saan ito ay tumatalakay sa kalikasan, pinagmulan at saklaw ng

kaalaman o sa kung paano nalaman ng mga tao ang isang bagay at kung paano alam ng

mga tao ang katotohanan ; pangatlo ay ang retorikal na pagpapalagay sa pamamagitan

nito naipapakita sa ang paggamit ng wika sa paarang pasalita o pasulat; ang

metodolohikal na pagpapalagay naman ay tumutukoy sa metodo,iskema o plano para

makamit ang isang bagay o para matapos ang isang gawain, gumagabay sa pangangalap

ng datos at tumutukoy sa pamamaraan; at ang panghuli naman ay ang aksyolohikal na

pagpapalagay,nakatuon ito sa pag-aaral at pagsusuri ng mga halaga o gumagawa ng


pagkakaiba sa pagitan ng mga katotohanan at mga halaga (Creswell at Poth 2018). Sa

pamamagitan ng mga pagpapalagay na ito , mas mauunawaan at magkakaroon ng gabay

ang mga mananaliksik sa kanilang pinag-aralan. Ito ay magsisilbing daan upang

mabigyang linaw ang pagsasagawa ng pagsusuri sa mga pragmatikal at patayutay na

pahayag na makikita sa awiting “Piliin mo ang Pilipinas.

METODOLOHIYA (METHOD)

Ang pag-aaral na ito ay deskriptibo at kwalitatibong pag-aaral. Una ay susuriin

ang mga patayutay na pahayag sa bawat taludtod ng awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” sa

paraang tekstwal analisis. Ang ikalawang susuriin naman ay ang pragmatikal na pahayag

sa awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” sa pamamagitan ng gagawing pakikipag-panayam at

tematikal na pagsusuri para matukoy ang mga pragmatikal na mga pahayag. Mahalaga

ang pagbibigay-diin sa mga elementong literari sa pagsusuri ng isang tula. Ang mga ito

ay nakapaloob din sa ginamit na approach (Aguila, 2017) dulog sa panunuring

pampantikan na text-focused at context-focused Ang ginamit ng mga mananaliksik ay

ang sipi ng awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” na hinalaw mula sa www.azlyrics.com

(online) at siyang ginamit para sa ginawang tekstwal analisis upang malaman kung ano-

ano ang mga patayutay na pahayag na makikita sa awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” na

sinulat ni Robert Labayen. Ang pangalawang instrumento ng mga mananaliksik ay ang

mga respondante na siyang sasagot sa mga hinandang katanungan ng mga mananaliksik

upang masuri ang mga pragmatikal na pahayag sa awiting “Piliin Mo ang Pilipinas.” Ang

mga kasagutan ng mga respondante ay siyang ihahanay at gawing basehan para sa

pagtukoy sa mga pragmatikal na pahayag na nakapaloob sa awiting “Piliin Mo ang


Pilipinas” na sinulat ni Robert Labayen.Upang masagutan ang katanungan patungkol sa

pagsusuri sa mga patayutay na pahayag, bago sinuri ang teksto, binasa muna ng mga

mananaliksik nang paulit-ulit ang bawat linya, kasunod ay pasaknong, hanggang

pinagsanib ang iilang taludtod sa prosang anyo dahil higit na mauunawaan at mahuhugot

nang maayos kung ano ang patayutay na pahayag ang ginamit ng manunulat sa kanyang

awiting “Piliin Mo ang Pilipinas.” Para sa ikalawang pagsusuri naman ay nagsagawa ng

pag-iinterbyu ang mananaliksik. Mayroong dalawampung (20) respondante na siyang

tinanong ng mga mananliksik sa hinandang mga katanungan. Tig-lima sa tatlong(3)

lungsod ng Bantayan Island

(Madridejos,Bantayan at Sta.Fe) at limang turista naman. Bago sila bibigyan ng mga

katanungan ay pinarinig muna sa kanila ang awitin upang magkaroon sila ng ideya sa

mga katanungan na ibibigay ng mga mananaliksik.Ang mga nakalap na mga sagot ng

mga mananaliksik ay siyang maging basehan sa pagtukoy sa mga pragmatikal na pahayag

sa awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” na sinulat ni Robert Labayen.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga pragmatikal at ang mga

uri ng patayutay na pahayag na ginamit ni Robert Labayen sa kaniyang awitin na “Piliin

Mo ang Pilipinas”. Hinangad ng mga mananaliksik na matuklasan ang mga kasagutan

mula sa ginawang pag-aaral mula sa dalawang katanungan: Ano-anong mga pragmatikal

na pahayag ang nakapaloob sa awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” na sinulat ni Robert

Labayen batay sa mga sumusunod:Taga-Madridejos,Taga-Bantayan,Taga-Sta.Fe at mga

turista? Ang ikalawang katanungan naman ay: Ano-ano ang mga patayutay na pahayag

ang ginamit sa awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” na sinulat ni Robert Labayen?


RESULTA AT PAGTALAKAY

1. Ano-anong mga pragmatikal na pahayag ang nakapaloob sa awiting “Piliin Mo

ang Pilipinas” na sinulat ni Robert Labayen batay sa mga sumusunod:

1.1. Taga –Madridejos

Paglalahad ng mga pragmatikal na pahayag mula sa mga kasagutan ng mga respondante

sa ginawang pag-iinterbyu batay sa awiting “Piliin Mo ang Pillipinas”.

I. Mga Taga-Madridejos

(A) Ayon sa taga-Madridejos A kapag narinig niya ang awiting "Piliin Mo ang

Pilipinas" pumasok sa kanyang isipan na ang Pilipinas ay binubuo ng libo-

libong pulo at ang bawat pulo nito ay may taglay na kagandahan. Ang

awiting ito ay nagbibigay ng aral sa atin na mahalin ang sariling atin at kung

minahal natin ang mga nasa banyaga dapat mamanaig pa rin ang

pagmamahal sa ating bansa.

A. “Ang Pilipinas ay binubuo ng libo-libong pulo na pinagkukunan nating

ng yamang likas. Ang awiting ito ay inilahad kung gaano nga ba kaganda

ang ating bansa at ang pagiging “unique” nito sa ibang bansa kaya mahalin

natin ang sariling atin.”


(B) Ito ang kanyang pahayag “Sa tuwing naririnig niya ang awiting "Piliin Mo

ang Pilipinas" naalala niya ang kanilang bukirin na pinagsakahan ng mga

halaman at sagaan ang kanilang ani dahil inalagaan nila ito ng mabuti. Dito

rin sa kanilang bukirin. Sariwang hangin ang malalanghap at tahimik ang

paligid. May mga ibong lumipad ng sabay-sabay na napakagandang

tingnan”. Alam naman natin na ang Pilipinas ay sagana sa yamang likas na

nagsisilbing pinagkukunan natin ng hanap buhay kaya ating pahalagahan ang

mga magagandang tanawin upang lalo itong puntahan ng mga tao .

“Sa tuwing naririnig ko ang "awiting Piliin Mo ang Pilipinas" pumasok sa

isipan ko ang aming bukirin na sinasakahan namin ng mga gulay, prutas at

iba pa. Dahil sa saganang ani, sariwang hangin, may mga ibong lumipad ng

sabay-sabay na napakagandang tingan, tahimik at makulay na paligid.

Masasalamin ko dito Ang kagandahan ng Pilipinas kaya patuloy itong

pinupuntahan ng mga tao. Bilang isang Pilipino kailangan parin nating

pangangalagaan ang mga yamang likas upang hindi ito maglaho "kagaya ng

mga pananim kailangang pangalagaan ng mabuti upang sa huli may

aanihin".

(C) Ito ang kanyang pahayag ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas" ay nagpaalala

sa kanya na ang kagandahang mukha at ang kagandahang asal kagaya ng

mainit na pagtanggap ng mga bisita.

“Sa tuwing naririnig ko ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas" naalala ko

ang mga “gwapo at gwapang “ mukha ng mga Pilipino at ang ang mainit na

pagtanggap sa mga bisita kahit hindi kadugo hindi sila ma out of place.”
(D) Sinabi ng taga-madridejos D ang Pilipinas ay isang paraiso na maraming

bulaklak napakagandang tanawin at mayaman sa kultura at tradisyon. Ito rin

ay binubuo ng mga kapuluan at dito matatagpuan ang perlas na simbolo sa

yaman ng likas ng Pilipinas dahil sa awiting ito hinihikayat tayo na

ipagmalaki ang lugar na kung saan tayo nagmula at patuloy nating

pangangalagaan ang mga yamang pinagkukunan natin ng pamumuhay.

“Matuturing kong isang paraiso na kaaya-ayang tingnan ang Pilipinas dahil

ito'y pinalibutan ng kapuluan na may taglay na kagandahan na

pinagkukunan natin ng hanapbuhay. Kaya “ipagmalaki ko ang lugar kung

saan tayo nagsimula hindi ko ito ikahiya, piliin ko ang Pilipinas na bayan

kong mahal”.”

(E) Ayon sa taga-Madridejos E ang awiting "Piliin Mo ang Pilipinas" ay

humimimok sa mga tao upang dumayo sa Pilipinas. Ipinahiwatig sa kantang

ito ang taglay na kagandahan nga ating bansa kaya ipagmalaki natin Ang

sariling atin at bigay ng halaga ang mga likas na yaamn upang umunlad pa

ang turismo.

Ating basahin ang sagot ng taga-Madredijos E, “Para sa akin ang awiting

"Piliin Mo ang Pilipinas” ay parang bituing nagniningning sa kalangitan na

napakagandang tingan at nakapagrelax sa sarili. Kagaya sa ating mga

magagandang tanawin na matatagpuan sa Pilipinas sobrang relaxing

tingnan lalo na kapag sariwan ang simoy ng hangin.”

Batay sa panunuring kontekstuwal

(para sa mga mananaliksik)


(pinatunayan ito ni)

I.2 Taga - Bantayan

II. Mga Taga-Bantayan

(A) Sinabi ng taga-Bantayan A Ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” ay

nagpapakita ng tunay na maganda ang ating bansa. Naalala ko noong

sumayaw kami gamit ang awiting ito ipinahiwatig namin na ipagmalaki natin

ang ating bayan na kinagisnan.

“Ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” ay nagpaalala sa akin noong

sinayaw naming sa patimpalak ng buwan ng wika. Ipinakita namin sa sayaw

na tunay na maganda ang Pilipinas kaya ipagmalaki natin ang ating bayan

na kinagisnan.”

(B) Ayon sa taga- Bantayan B ang kanayang iniidolong grupo ng mananayaw na

nagwagi sa Pilipinas Got Talent ang “EL GAMMA PENUMBRA” ay

nagpaalala sa awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” na kung saan gamit ang

shadow makikita sa sayaw ang mga yamang likas ng Pilipinas na

pinagkukunan nga hanapbuhay sa mga tao.


“Sa awiting “Piliin mo ang Pilipinas” naalala ko ang aking iniidolong

grupo ng mananayaw na nagwagi sa Pilipinas Got Talent ang “EL GAMMA

PENUMBRA” na kung saan ang awiting ito ang ipinatugtug na nagpalabas

ng kanilang magandang interpretasyon sa awit gamit ang sining ng

pagsasayaw.”

(C) Sinabi ng taga-Bantayan C pumasok sa kanyang isipan ang kanyang ama na

mangingisda dahil sagana sa yamang tubig ang ating bansa. Ang mga

manginhisda ay nakakuha ng maraming isda at matustusan nila Ang kanilang

pang-araw-araw na pangangailangan.

“Kapag narinig ko ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” naaalala ko ang

aking amang mangingisda na sagana ang kuha at sinabi niyang ganito

kayaman ang Pilipinas mabubuhay ka talaga basta magsikap kalang

sapagkat ang ating bansa ay mayaman na sa mga yamang dagat.”

(D) Ayon sa taga- Bantayan D ang awiting "Piliin Mo ang Pilipinas" ay isang

motibasyon sa kanya sa panahon ng kahinaan dahil naalala niya ang

kagandahan ng buhay na rumerepleka sa mundong makulay na kahit gaano

man kadilim ang gabi mayroon paring darating na liwanag sa umaga.

“Sa tuwing naririnig ko ang awiting ito nagkakaroon ako ng motibasyon na

sa panahon ng aking kahinaan naaalala ko kung gaano kaganda ang buhay

lalong lalo na’t sa awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” na rumerepleka sa

mundong makulay na kahit gaano man kadilim ang gabi mayroon paring

darating na liwanag sa umaga. Ipinahiwatig ang pagmamahal sa ating

bansang sinilangan, ang pagiging makabayan, magagandang tanawin at


pasyalan na labis na maipagmamalaki ng mga Pilipinas.”

(E) Sinabi ng taga-Bantayan E sa tuwing naririnig niya ang awiting "Piliin Mo

ang Pilipinas" pamasok sa kanyang isipan ang mga badjao na nanirahan sa

tabing-dagat kung saan yamang likas lang ang kanilang pinagkukunan ng

hanapbuhay at pagkain. Ang Pilipinas ay sagana sa mga yamang likas na

kailangan natin pahalagahan upang hindi ito maglaho.

“Sa tuwing naririnig ko ang awitin “Piliin Mo ang Pilipinas” naalala ko

ang mga Badjao na kahit wala silang permanenteng tahanan ay nabubuhay

parin sila sapagkat tayo ay masagana sa likas na yaman na makunan nila ng

mga pagkain tulad ng mga isda at iba pang pagkaing dagat.”

1.3 Taga – Santa Fe

III. Mga Taga-Sta.Fe

(A) Sinabi ng taga-Santa Fe A ang awiting "Piliin Mo ang Pilipinas" ay nagpaalala

sa kanya sa mga magagandang Beach resort na matatagpuan sa kanilang lugar.

Kung saan sobrang ganda ng mga buhangin at sariwang simoy ng hangin kaya

maraming mga turista at mga kababayang pabalik-balik sa kanilang Lugar.

Ito ang sagot ng taga Santa Fe (A) “Ang awiting ito ay nagpaalala sa akin ng

mga samo’t-saring mga beach resort na may maputing buhangin at sariwang

simoy ng hangin sa aming lugar kung saan ito ay dinarayo ng mga maraming

turista at maging kababayan natin.”


(B) Ayon sa taga-Santa Fe B sa tuwing naririnig niya ang awiting "Piliin Mo ang

Pilipinas " pumasok sa kanyang isipan ang kanilang kapit-bahay na foreigner

na pinili niyang manirahan dito sa ating bansa dahil dito niya natagpuan ang

kanyang hinahanap na kaligayhang walang katulad.

Basahin natin Ang sagot ng taga Santa Fe, (B) “Sa tuwing naririnig ko ang

awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” naalala ko ang aming kapit-bahay na

“foreigner” pinili nalang niyang manirahan dito sa Pilipinas dahil

nahumaling siya sa gandang taglay ng ating lugar at sinabi niyang “I found

my happiness here in the Philippines”.”

(C) Ayon sa taga- Santa Fe C ang awiting "Piliin Mo ang Pilipinas" ay

nagpaalala sa kanyang kasintahan na dinala siya sa malaparaisong lugar na

puno ng magandang ala-ala. Ang lugar na iyon ay sobrang gandang tingnan

ang paglubog ng araw tela ba nakapagpahinga saglit at maibsan ang mga

problema.

“Sa tuwing naririnig ko ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas" naalala ko ang

aking aking kasintahan na kung saan dinala ko siya sa malaparaisong lugar

na puno ng magagandang ala-ala. Magandang tingan ang paglubog ng araw.

Nakapagrelax at kahit saglit man lang malimotan ang mga problema.”

(D) Sinabi ng taga-Santa Fe D kapag naririnig niya ang awiting "Piliin Mo ang

Pilipinas" pumasok sa kanyang isipan ang kanilang palengke na maraming

sariwang isda at masasarap na pagkaing na pagpilian. Sagana sa kanilang

Lugar Ang mga yamang tubig.


“Sa tuwing naririnig ko Ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas" naalala ko

ang palengke sa aming lugar kung saan ako ay nahihirapan sa pagpili ng isda

dahil puro sariwa at masasarap ang mga pagpipilian. Ang aming lugar ay isa

sa dagsaan nga mga produktong ng galling sa iba’t ibang lugar.”

(E) Ayon sa taga- Santa Fe E ang awiting "Piliin Mo ang Pilipinas" ay

nagpaalala sa kanyang Lola na nagtitinda ng mga native products. Na

pinagkukunan ng hanapbuhay ng kanyang Lola kaya nakapagtapos ang

kanyang mga anak sa pag-aaral.

“Sa tuwing naririnig ko ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas" pumasok sa

isipan ko ang aking lola na nagtitinda ng mga native product kagaya ng walis

–tingting na gawa sa boli. Ito ang kanyang pinagkukunan nga pang-araw-

araw na pangangailangan at dahil dito nakapagtapos ang aking mga anak sa

pag-aaral.”

“Sa awiting “Piliin Mo ang Pilipinas" naalala ko ang pagbakasyon namin sa

Cebu na saktong ipinagdiwang ang Sinulog festival na tradisyon ng mga

Cebuano. Makikita ang mga makukulay na suot at ang patron ng Santo Ninyo

na isinasayaw. Ang tradisyong ito ay sumasalamin sa pagiging maka-diyos ng

mga Pilipino.”

(E) Ayon kay Turista E sa tuwing pinapakinggan niya ang kantang ito ay tila may

kung anong positibong bagay na humahatak. Ang kantang ito ay nagpaalala sa

tunay na ganda ang pilipinas. Ang mga angking taglay ng Pilipinas ay

ipinahiwatig sa awiting "Piliin Mo ang Pilipinas" Ang mga magagandang

tanawin na dinarayo pati na din ang kultura ng bawat pilipino. Masasalamin


din ang mainit na pagtaggap ng mga Pilipino sa mga dayuhan kaya bumabalik

ang nga dayuhan sa Pilipinas.

“Kaya patuloy na dinarayo ng mga dayuhan ang Pilipinas dahil sa mga

magagandang tanawin at ang kultura natin na pagiging “friendly” o mainit

na pagtaggap ng mga Pilipino sa mga bisita. Kahit man natin kadugo basta

may mabuting kalouban tinuring nating kapamilya ganyan tayong mga

Pilipino.”
Madridejos Mahalagang Pahayag Kod(Code)

A “Ang awiting ito ay inilahad kung gaano Paghanga sa sariling bansa

nga ba kaganda ang ating bansa at ang

pagiging “unique” nito sa ibang bansa”.

B “Ang aming bukirin na sinasakahan namin Kasaganahan ng bansa

ng mga gulay, prutas at iba pa”.

C ”Naalala ko ang mga “gwapo at gwapang Magiliw sa mga panauhin

“mukha ng mga Pilipino at ang ang mainit

na pagtanggap sa mga bisita”.

D “Matuturing kong isang paraiso na kaaya- Kagandahang taglay

ayang tingnan ang Pilipinas dahil ito'y

pinalibutan ng kapuluan na may taglay na

kagandahan”.

E “Para sa akin ang awiting "Piliin Mo ang Kagandahang taglay

Pilipinas” ay parang bituing

nagniningning sa kalangitan”.

Bantayan

A “Ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” ay Pagpapakita ng talento

nagpaalala sa akin noong sinayaw naming


sa patimpalak ng buwan ng wika”.

B ‘Naalala ko ang aking iniidolong grupo ng Pagpapakita ng talento

mananayaw na nagwagi sa Pilipinas Got

Talent ang “EL GAMMA PENUMBRA”

C “Kapag narinig ko ang awiting “Piliin Mo Kasaganahan ng bansa

ang Pilipinas” naaalala ko ang aking

amang mangingisda na sagana ang kuha at

sinabi niyang ganito kayaman ang

Pilipinas”.

D “Sa tuwing naririnig ko ang awiting ito Kagandahan ng buhay

nagkakaroon ako ng motibasyon na sa

panahon ng aking kahinaan naaalala ko

kung gaano kaganda ang buhay lalong lalo

na’t sa awiting “Piliin Mo ang Pilipinas”

na rumerepleka sa mundong makulay.

E “Sa tuwing naririnig ko ang awitin “Piliin Kasaganahan ng bansa

Mo ang Pilipinas” naalala ko ang mga

Badjao na kahit wala silang permanenteng

tahanan ay nabubuhay parin sila sapagkat

tayo ay masagana sa likas na yaman”.

Sta.Fe
A “Ang awiting ito ay nagpaalala sa akin ng Kasaganahan ng bansa

mga samo’t-saring mga beach resort na

may maputing buhangin at sariwang simoy

ng hangin”.

B “Sa tuwing naririnig ko ang awiting “Piliin Paghanga ng mga dayuhan

Mo ang Pilipinas” naalala ko ang aming

kapit-bahay na “foreigner” pinili nalang

niyang manirahan dito sa Pilipinas”.

C “Sa tuwing naririnig ko ang awiting “Piliin

Mo ang Pilipinas" naalala ko ang aking

aking kasintahan na kung saan dinala ko

siya sa malaparaisong lugar na puno ng

magagandang ala-ala”.

D Sa tuwing naririnig ko Ang awiting “Piliin

Mo ang Pilipinas" naalala ko ang palengke

sa aming lugar kung saan ako ay

nahihirapan sa pagpili ng isda “.

E “Sa awiting “Piliin Mo ang Pilipinas"

naalala ko ang pagbakasyon namin sa

Cebu na saktong ipinagdiwang ang Sinulog

festival na tradisyon ng mga Cebuano”.

Natuklasan ng mananaliksik mula sa ginawang pakikipanayam na ang mga pragmatikal na pahayag

mula sa awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” ay ang mga sumusunod:


1. Ang Pilipinas ay binubuo ng libo-libong mga pulo at ang bawat pulo ay nagtataglay ng natatanging

kagandahan. Nagpapa-alala ito sa mga Pilipino na mahalin at tangkilikin ang sariling bansa kaysa sa

mga banyaga na siyang nagpapakita sa pagka-Pilipino na nagpapahiwatig ng nasyolismo.

2. Mayaman ang Pilipinas pagdating sa mapagkukunan ng hanabuhay kagaya na lamang ng

pagsasaka sa malawak na bukirin. Nakakalanghap ng sariwang hangin at tahimik na kapaligiran.

3.Ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” ay nagpapa-alala sa mga kagandahang mukha at asal kagaya

ng pagiging maalalahanin sa kapwa at mainit na pagtanggap sa mga bisita.

4.Ang awiting “ Piliin Mo ang Pilipinas” ay nangangahulugang ang Pilipinas ay mala- paraiso na

maraming bulaklak na siyang sumisimbolo sa ating mga nagagan-dahang tanawin,kakaibang

tradisyon,kultura at paniniwala. Kaya nararapat lamang na atin itong alagaan,pagyamanin.at

ipagmalaki.

5. Nagpapahiwatig ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” sa kagandahang taglay ng bansang Pilipinas

na siyang dahilan kung bakit maunlad ang bansa pagdating sa turismo.

6. Napakayaman ng bansa pagdating sa ibat’ ibang uri ng hanapbuhay na siyang nagtutus-tus sa mga

pangangailangan ng bawat Pilipino.

7. Ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas ay nagbibigay motibasyon sa mga panahon ng kahinaan dahil

nagpapa-alala ito kung gaano kaganda ang buhay at ka-swerte ang maging isang Pilipino.

8. Nagpapahiwatig ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” sa mga magagandang Beach Resort na may

mala-puting asukal na mga buhangin na siyang binabalik-balikan ng mga turista sa Pilipinas.


9. Para sa mga nag-iibigan,ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas”ay nagpapaalala kung gaano

kaganda ang magmahal at maranasan ang makapunta sa mala-paraisong lugar at masaksihan ang

paglubog ng araw para maibsan ang problema kasama ang taong minamahal.

10. Ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” ay nagpapahiwatig kung gaano kasagana sa yamang tubig

at mga “native products” ang bansang Pilipinas.

11 .Nagpapahiwatig din ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” sa mga naggagandahang morenang

kababaihan na may magandang kalooban at maalagain sa kapwa.

12. Para sa mga dumadayo sa Pilipinas, ang awiting” Piliin Mo ang Pilipinas” ay nagpapa-alala sa

kanila kung bakit mas pinili nilang manirahan dito sa Pilipinas sa kadahilanang dito nila natagpuan

ang kaligayahang walang kapantay.

13. Para sa ibang mga turista ang “Awiting Piliin Mo ang Pilipinas” ay nagpapa-alala sa mga

masasayang ala-ala ng pagsasama at mga pagkain na sobrang sarap na sa Pilipinas lamang nila

nahanap.

14 .Ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” ay nagpapakita ng mga tradisyon,kultura at paniniwala ng

bansang Pilipinas.

Batay sa ginawang pagsusuri sa awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” na sinulat ni Robert

Labayen ,natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga pragmatikal na pahayag na pahayag na

makikita sa awitin ay kalimitang patungkol sa mga magagandang tanawin na nakapaloob sa bansang

Pilipinas at ang patungkol sa pag-ibig sa bayan at kapwa ay higit rin nating makikita sa mga
pragmatikal na pahayag na nakalap ng mga mananaiksik.. Para sa mga makikinig ang awitin ay

nagpapa-alala at nagbibigay alam sa mga makikinig kung ano ang yamang mayroon sa Pilipinas na

kakaiba sa ibang bansa. Nagpapa-alala ito sa bawat Pilipino na tangkilikin,pagyamanin at mahalin

ang sariling bansa kaysa ang mga bansang banyaga. Ang awiting”Piliin Mo ang Pilipinas”ay siyang

sumisimbolo sa pagka-Pilipino ng bawat Pilipino. Ipinapahiwatig ng awitin ng awitin ang mga

tradisyon,kultura at paniniwala na mayroon ang Pilipinas na kailangang tangkilikin at mas

pagyamanin pa. Sa awitin din, nabigyang-ideya ang mga turista kung gaano kaganda ang pumunta sa

bansang-Pilipinas at ang iba ay naisipan pa nga na manirahan nalang sa bansa. Ipinapahiwatig ng

awitin kung ano ang mga kagandahang-loob mayroon ang bansang Pilipinas na siyang isa sa

hinahangaan ng mga turista lalong-lalo na ang pagiging maalaga at magiliw sa mga bisita.

Ipinapalala ng awitin kung gaano kaganda ang manirahan, o dumayo lamang sa Pilipinas at higit sa

lahat ipinapa-alala ng awitin kung gaano kaganda ang maging isang Pilipino.

NABATID (FINDINGS)

Batay sa ginawang pragmatikal na pagsusuri sa pamamagitan pakikipag-panayam

nabatid ng mga mananaliksik na ang mga pragmatikal na pahayag ay ang: Ang Pilipinas ay binubuo

ng libo-libong mga pulo at ang bawat pulo ay nagtataglay ng natatanging kagandahan. Nagpapa-alala

ito sa mga Pilipino na mahalin at tangkilikin ang sariling bansa kaysa sa mga banyaga na siyang sa

sumisimblo sa pagka-Pilipino na nagpapakita ng nasyonalismo; Mayaman ang Pilipinas pagdating sa

mapagkukunan ng hanabuhay kagaya na lamang ng pagsasaka sa malawak na bukirin. Doon,

nakakalanghap ng sariwang hangin at tahimik na kapaligiran;Ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas”

ay nagpapa-alala sa mga kagandahang mukha at asal kagaya ng mainit na pagtanggap sa mga

bisita;Ang awiting “ Piliin Mo ang Pilipinas” ay nangangahulugang ang Pilipinas ay mala- paraiso
na maraming bulaklak na siyang sumisimbolo sa ating mga naggagandahang tanawin,kakaibang

tradisyon,kultura at paniniwala. Kaya nararapat lamang na ito ay alagaan,pagyamanin at

pagyamanin;Nagpapahiwatig ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” sa kagandahang taglay ng

bansang Pilipinas na siyang dahilan kung bakit maunlad ang bansa pagdating sa turismo;

Napakayaman ng bansa pagdating sa ibat’ ibang uri ng hanapbuhay na siyang nagtutus-tus sa mga

pangangailangan ng bawat Pilipino; Ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas ay nagbibigay motibasyon

sa mga panahon ng kahinaan dahil nagpapa-alala ito kung gaano kaganda ang buhay at ka-swerte ang

maging isang Pilipino; Nagpapahiwatig ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” sa mga magagandang

Beach Resort na may mala-puting asukal na mga buhangin na siyang binabalik-balikan ng mga

turista sa Pilipinas; Para sa mga nag-iibigan,ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas”ay nagpapaalala

kung gaano kaganda ang magmahal at maranasan ang makapunta sa mala-paraisong lugar at

masaksihan ang paglubog ng araw para maibsan ang problema kasama ang taong minamahal; Ang

awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” ay nagpapahiwatig kung gaano kasagana sa yamang tubig at mga

“native products” ang bansang Pilipinas;Nagpapahiwatig din ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas”

sa mga naggagandahang morenang kababaihan na may magandang kalooban at maalalahanin sa

kapwa; Para sa mga dumadayo sa Pilipinas, ang awiting” Piliin Mo ang Pilipinas” ay nagpapa-alala

sa kanila kung bakit mas pinili nilang manirahan dito sa Pilipinas sa kadahilanang dito nila natagpuan

ang kaligayahang walang kapantay;Para sa ibang mga turista ang “Awiting Piliin Mo ang Pilipinas”

ay nagpapa-alala sa mga masasayang ala-ala ng pagsasama at mga pagkain na sobrang sarap na sa

Pilipinas lamang nila nahanap.;Ang awiting “Piliin Mo ang Pilipinas” ay sumisimbolo sa mga

tradisyon,kultura at paniniwala ng bansang Pilipinas at sa lahat ng mga pragmatikal na pahayag higit

na makikita ang pahayag patungkol sa kagandahang likas na taglay ng bansang Pilipinas kagaya na

lamang ng mga magagandang tanawin na makikita sa bansang Pilipinas ang patungkol sa pag-ibig sa
bayan at kapwa ay higit rin nating makikita sa mga pragmatikal na pahayag na nakalap ng mga

mananaliksik.
TALASANGGUNIAN(Reference)

Angel, J. (2019). Kakayahan sa Pagsuri ng Tula. Nakuha noong Disyembre 18, 2022, sa

https://Angel-2019-wtcoverpagev2.Pdf

Aralin Philippines (2022). Mga Elemento ng Tula. Nakuha noong Disyembre 6, 2022, sa

https://aralinph.com/mga-uri-at-elemento-ng-tula/

Aralin Philippines (2022). Mga Elemento ng tula. Nakuha noong Enero 3, 2023, sa

https://acauhsfilipinoss.blogspot.com/2012/06/elemento-ng-tula.htm/

Blogger. (2018). Mga Uri ng Tayutay. Nakuha noong Enero 16, 2023, sa

https://showbiztchismis.blogspot.com/2018/05/mga-uri-ng-tayutay-1.html?m=1

Cie. (2019). Anyo at Uri ng Panitikan. Nakuha noong Disyembre 29, 2022, sa

https://www.slidesnave.net/cie/anyo-at-uri-ng-panitikan

Creswell, J. W. & Poth, C. (2018). Qualitative inquiry and research design: Choosing among five

approaches (4th ed). Sage. Nakuha noong Disyembre 6, 2022, sa

https://www.bgu.ac.jp/assets/old/center/library/fsell%202020-127-732.pdf

Francisco. (2021). Mga Elemento ng Tula. Nakuha noong Enero 16, 2023, sa

https://prezi.com/p/8wx9cgidpjkp/tula-mga-elemento-at-anyo/?fallback=1

Filipino.Net.ph. (2022). Mga Uri ng Tayutay. Nakuha noong Enero 16, 2023, sa

https://filipino.net.ph/tayutay/

Freitas. (2022). Kakayayahang pragmatiko. Nakuha noong Disyembre 6, 2022, sa

https://www.saribd.com/presentation/450662580/kakayahang-pragmatiko-pptx

Freitas. (2022). Kakayahang pragmatikal. Nakuha noong Disyembre 6, 2022, sa

https://tl.weblogographic.com/difference-betwee-semantics
Ki. (2020). Ano ang Panitikan? Nakuha noong Disyembre 29, 2022, sa

https://quizlet.com/214310522/panitikan-flash-cards/

Ki. (2021). Mga Elemento ng Tula. Nakuha noong Enero 6, 2023, sa

https://philnews.ph2021

Lumacad, C. (2019). Tayutay Pananaliksik Hedeliza B. Baring. Nakuha noong Disyembre 18, 2022,

sa https://pafooffee.com/tayutay-pananaliksik-pdf-free.htm/

Yoso.(2018).Piliin Mo ang Pilipinas pagpapakahulugan.Nakuha noong Agosto 1,2023.

https://hugotsabuto.wordpress.com/2018/09/02/piliin -mo-ang-pilipinas

Valle, R. (2019). TAYUTAY-Mga Iba't ibang Uri at Halimbawa Ng Mga Uri. Nakuha noong

Enero 16, 2023, sa

https://philnews.ph/2019/06/27/tayutay-uri-at-halimbawal

Valle. (2019). Mga Uri ng Tayutay. Nakuha noong , sa Disyembre 6, 2022

https://philnews.ph/2019/06/27/tayutay-uri-at-halimbawa/

Valle. (2019). Mga Elemento ng Tula. Nakuha noong Enero 6, 2023, sa

https://philnews.ph/2019/09/06/elemento-ng-tula-ano-limang-mga-elemento-nito/

You might also like