You are on page 1of 11

Ang Panitikang Filipino Mga Layuning Pampagkatuto.

Pagkatapos ng aralin,
ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Naipaliliwanag ang katuturan ng
Panitikan. 2. Naiisa-isa ang Panitikan ng iba't ibang rehiyon sa Pilipinas. 3.
Nakapagbibigay ng kahalagahan sa pag-aaral ng Panitikan. Ang Panitikang
Filipino ay katulad din ng panitikan ng alinmang bansa sa daigdig na
sumasaklaw sa pasalita at pagsulat na nagpapahayag ng mga damdamin
ukol sa mga gawi at kaugaliang panlipunan, paraan ng pamumuhay, kaisipang
pampulitika at mga kapaniwalaang pangrelihiyon, ang kanilang mga adhikain,
ang kanilang mga pangarap, mula pa sa bukang liwayway ng kanilang
kabihasnan hanggang sa kasalukuyan. Ito'y maaring naisulat o naisalin sa
bibig sa iba't ibang wikain sa Pilipinas o mga salin ng panitikan banyaga o
naisulat ng Filipino sa wikang dayuhan. Kung paano ang katawan ay
pinalulusog ng pagkain ukol sa tiyan o sikmura, ang Panitikan at iba pang
likhang-sining ay pagkain ng diwa at kaluluwa. Sa tulong ng panitikan ay
mababawasan ang materyalismo ng daigdig. May sari-sariling wika ang bawat
bansa na naghahatid ng sari-saring kaugalian, pananaw sa buhay, saloobin at
pambansang pagkakakilanlan. Sa makatuwid, nararapat lamang na
magkaroon ng sari-sariling Panitikan ang bawat bansa. Ang Pilipinas ay hindi
nahuhuli sa larangang ito. May sariling panitikan ang mga Pilipino na
kinapapalooban ng kasaysayan ng kanilang lahi at kultura na minana pa nila
sa kanilang mga ninuno na hanggang sa kasalukuyan ay umiiral pa. Ang
Panitikang Filipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdamin at
kaisipan ng mga Filipino na nagsasaad ng kanilang kasaysayan, pamumuhay,
paguugali, paniniwala at pananampalataya. Umiikot ang buong Panitikang
Filipino sa mga pasalita o pasulat na pahayag na iba't ibang rehiyon ng
Pilipinas. Kasama na rito ang panitikan na buhat sa mga Ivatan, Negrito,
Ilokano, Kapampangan, Mangyan, Bikolano, Bisaya, mga kapatid na Muslim sa
Mindanao at iba pa. Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay,
lipunan, pamahalaan, pananampalataya, at mga karanasang kaugnay ng iba't
ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan,
pagkapoot, pag-asa, paghihiganti at pagkasuklam.
KABANATA II Mga Anyo At Uri Ng Panitikan

Mga Layuning Pampagkatuto. Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

1. Napag-iiba-iba ang mga Anyo at Uri ng Panitikan.

2. Natutukoy ang mga akda noong dumating ang mga Kastila.

3. Nakapagsasalaysay ng Alamat at Pabula.

Dalawa ang pangkalahatang anyo ng panitikan.

Ito ay patula at tuluyan. Patula ang panitikan kapag ito'y may sukat at
tugmang sinusunod. Ang malayang taludturan (Free verse) ay patula rin
ngunit hindi sinusunod ang pamantayan ng sukat at tugma. Tuluyan naman
ang Panitikan kapag ito'y walang sukat at tugma at tuloy-tuloy ang
pagpapahayag sa karaniwang takbo ng mga pangungusap. Ang Anyong
Tuluyan Ang tuluyan ay nasa anyong karaniwang pagpapahayag, malaya at
madaloy na pagbuo ng mga salitang Tula. Hindi limitado o pigil ang paggamit
ng mga pangungusap ng may-akda. Ang mga halimbawa nito ay kuwento,
kathang-buhay o nobela, dula, mga sanaysay, talumpati, talambuhay o
biyograpi, ulat, sanaysay, kasaysayan at iba pa. Ang Tula Ang anyong patula
ay mga pahayag na nagtataglay kadalasan ng sukat at tugma sa mga pantig
ng taludtod o ang mga salita at paraan ng pagbuo ng pahayag ay pilingpili,
matayutay at masining bukod sa pagiging madamdamin. Ang tula may sukat
at tugma o malaya man ay nararapat na nagtataglay ng magandang-diwa at
sining o kariktan. May sining o kariktan ang tula kung ang mga pananalitang
ginamit ay piling-pili at naayon sa mabuting panlasa. Ang sukat ay bilang ng
mga pantig sa isang taludtod samantalang ang tugma ay pagkakasintunog ng
mga huling pantig sa bawat taludtod ng saknong. Mayroon din mga tula na
may sukat at walang tugma (blank verse) at mayroon pa rin walang sukat at
walang tugma (free verse). Maibibigay na halimbawa ng tula ang mga
sumusunod: (a) tulang liriko o padamdamin (kantahin, oda, elehiya, soneto at
iba pa); (b) ang tulang pasalaysay o narrative (mga tulang nagsalaysay na
tulad ng epiko, awit at kurido.. (c) tulang pandulaan o dramatic (tulad ng
komedya, duplo, senakulo at iba pa). Sinasabing ang tula ay higit na unang
anyo ng panitikan na nalilinang alinman sa daigdig. Bago nalinang ang tuluyan
sa panitikan ng isang lahi ay mayroon na siyang kalipunan ng mga tula. Ito'y
madaling maipaliwanag na bunga ng kawalan ng kaalaman sa pagsulat at
pagbasa, kailangan pang matutunan ng mga tao upang malinaw na maulit o
maipabatid sa iba ang isang akdang tuluyan. Samantalang, ang akdang patula
ay madaling makabisa o mamemorya at kayang maisalaysay o maulit sa iba
maging sa mga kasunod na salin-lahi. Ang dalubhasang manunulat na si Iñigo
Ed Regalado, ang siyang nagsabi: Ang tula ay kagandahan, diwa, katas,
larawan at kabuuan ng tanang kariktang makikita sa silong ng alinmang
langit." MGA URI NG TULA AYON SA LAYUNIN O KAALAMAN Apat ang
pangkalahatang uri ng tula: tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang pandulaan
at tulang patnigan. Mayroon pa ring pang-ilalim na kaurian ang mga ito: 1.
TULANG LIRIKO o tula ng Damdamin Ang tulang liriko ay may himig, may
musika at puno ng damdamin. Ang uri ng tulang liriko ay ang mga: kantahin o
oda, elehiya, soneto, awito himno. Ang kantahin ay binubuo ng mga payak na
salita at sukat; ang matatandang awitin, ang mga awiting panrelihiyon at ang
kantahing makabayan. b. Mga Uri ng Tulang Liriko a. Awit - ay nagbigay daan
sa oda, isang tulang liriko na may marangal na uri at karaniwang pinapaksa ay
may kinalaman sa pag-ibig, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at
kaligayahan. Soneto - maikling tula, awit, o balad. Ito ay may labing-apat na
taludtod. Ang unang nagpakilala ng soneto bilang isang anyo ng tulang liriko
ay si Petrerka ng Italya. Ang kanyang tula ay binubuo ng dalawang bahagi, ang
oktabo o unang walong taludtod at ang sestet o anim na huling taludtod. Ito
ay binigyan ni Shakespeare ng pagbabago. Ang mga soneto ni Shakespeare
ay may tatlong kahatian ang mga taludtod sa ganitong ayos: tatlong apatang
taludturan o quatrain at isang tambalang taludturan o couplet. May mga
paglihis sa dalawang anyo nito ngunit tiyak sa soneto ang 14 na taludtod.
Nagtataglay din ito ng ng mga pag-aaral ng buhay. Ang nilalaman ay tungkol
sa damdamin, kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao. c.
Elehiya - ay isang uri ng tulang liriko na nagpapahayag ng pagninilay sanhi ng
isang pangyayari o guni-guni hingil sa kamatayan. Magandang halimbawa ang
"Elegy" ni Thomas Gray.

2. Status Kung ang mga institusyong panlipunan ay binubuo ng mga social


groups, ang mga social groups naman ay binubuo ng iba't ibang status. Ang
status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa
lipunan. Ang ating! pagkakakilanlan o identidad ay naiimpluwensiyahan ng
ating status. May dalawang uri ng status: ito ay ang ascribed status at
achieved status. Paano nga ba nagkakaugnay ang dalawang uri ng status?
Maaaring makaapekto ang ascribed status ng isang indibiduwal sa kanyang
achieved status. Halimbawa, ang isang indibiduwal ay ipinanganak na
mahirap. Ang pagiging mahirap niya sa pagkakataong ito ay maituturing na
ascribed status. Ang ascribed status na ito ay maaaring maging inspirasyon
sa kanyang hangarin na makatapos ng pag-aaral o kaya ay maging isang
propesyunal upang makaahon sa hirap ng buhay. Ang pagiging isang college
graduate o propesyunal ay maituturing na achieved status. May mga isyu at
hamong panlipunan na may kaugnayan sa status ng tao sa lipunan.
Karaniwan, nagkakaroon ng mas malawak na pagkakataon sa magandang
kalidad ng edukasyon ang mga taong ipinanganak na mayaman kung
ikukumpara sa mga mahihirap. Sa kabila nito, mayroon din namang mga
mahihirap na naging tuntungan ang ganitong kalagayan upang lalong
magsumikap para mabago ang estado sa buhay.
3. Gampanin (Roles) May posisyon ang bawat indibiduwal sa loob ng isang
social group. Ang bawat posisyon ay may kaakibat na gampanin o roles.
Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga
inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibiduwal. Sinasabing ang
mga gampaning ito

Katuturan ng Kultura Sa pag-aaral ng lipunan, mahalagang pagtuunan din ng


pansin ang kultura. Ayon kina Andersen at Taylor (2007), ang kultura ay isang
kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng
pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. Sa
isang lipunan, binibigyang-katwiran ng kultura ang maganda sa hindi, ang
tama sa mali at ang mabuti sa masama. Pinatutunayan din ni Panopio (2007)
ang naunang kahulugan ng kultura sa pamamagitan ng pagsasabing "ito ang
kabuuan konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan kilos
at gawi, at ang kabuuang gawain ng tao." Ayon naman ka

Halimbawa, ang isang lipunang naniniwala sa pagkakapantay pantay ng mga


tao anoman ang kasarian ay magbigay ng mga oportunidad para sa pag-unlad
ng tao anuman ang kasarian nito. 2. Pagpapahalaga (Values) Ang
pagpapahalaga ay hindi maaaring maihiwalay sa paniniwala ng isang lipunan.
Maituturing itong batayan ng Isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano
ang katanggaplangsap at kung ano ang hindi. Batayan ito kung ano ang tama
at mali, maganda at kung ano ang nararapat at hindi nararapat (Mooney,
2011). Bagama't may iba't ibang pagpapahalaga ang bawat lipunan, marami
sa pagpapahalaga ay kanilang! pinagsasaluhan. Kapag ang isang situwasyon
o gawain ay labag sa mga pagpapahalaga, itinuturing ito na isyu o hamong!
panlipunan. 3. Norms Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at
nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. Ang mga norm ang nagsisilbing
batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang
kanyang kinabibilangan Mauuri ang norms sa folkways at mores. Ang
folkways ay ang pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo
o sa isang lipunan sa kabuuan. 4. Mores Tumutukoy sa mas mahigpit na
batayan ng pagkilos. Ang paglabag sa mga mores ay magdudulot ng mga
legal na parusa (Mooney, 2011). Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isang
lipunan ay maaaring magdulot ng kaguluhan. Halimbawa, ang mga batas
trapiko ay inilaan upang magkaroon ng kaayusan at kaligtasan ang mga tao
sa lansangan. Batayan ito ng pagkilos ng mga tao. Ang hindi pagsunod sa
mga batas na ito ay may kaukulang kaparusahan. 5. Simbolo (Symbols) Ang
simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isa bagay ng mga taong
gumagamit dito (White, 1949). walang simbolo, walang magaganap na
komunikasyon at rin magiging posible ang interaksyon ng mga tao sa lip tao
sa lipunan.

Ang mga ito ang kinahuhumalingan sa kasalukuyan ng madla kaysa


pagbabasa ng mga limbag na akdang pampanitikan dahil bukod sa
napakamalikhain at napakamasining ang maingat at metikulosong paggawa -
dinidirehe, ini-edit, atbp. ay napakamakatotohanan pa ang mapanlibang at
mapangaral na pagtunghay dito. Pinanonood lamang at pinakikinggan ang
mga ito, samakatuwid magaan at madaling kagiliwan kaya napakalakas ng
impak at hatak sa atensyon ng mga tao lalo na sa mga kabataan. Ang paraan
na ito ay matatawag na pasalintroniko o paelektroniko. Samakatuwid, sa
tatlong (3) kaparaanang-uring ito: pabigkas, pasulat, at paelektroniko
naipapamanang-tuto o nalilipat-lahi ang panitikang Filipino.

ANG ANYO NG PANITIKAN AT ANG MGA GENRE NITO Sa ganang anyo


naman, ang panitikan ay naipapahayag sa tatlong kaanyuhan:

1) patula, 2) patuluyan, at 3) patanghal.

Patula ang anyo nito kapag taludturan at saknungan. Ang bawat taludtod ay
maaring may sukat at tugmaang pantig sa hulihan o sadyang malaya na ang
ibig sabihin ay walang sukat at tugma. Pantuluyan ang anyo nito kapag sa
karaniwan o ayon sa tuwirang kasanayang pagsasalita ng tao ay
ipinapahayag. Madali itong basahin at unawain, di-tulad ng patula na
kailangan mo pang pakaintindihin dahil napakatatalinghaga at hindi laging
naririnig ang ginagamit na mga pananalita. At kung ang patula ay
pataludturan at saknungang isinusulat ang patuluyan ng patalata. Nabibilang
dito ang maikling kuwento, nobela at sanaysay. Patanghal naman ang anyo
nito kung ito'y ipinalalabas sa tanghalan o isinasadula. Pumapailalin ito sa
dalawang naunang anyo - patula at patuluyan - dahil ang mga dayalogo ay
maaring isulat sa alinman dito. Pasalitaan o padayalogo kung ito'y ilahad at
karaniwang nahahati sa yugto na maaring iisahin, dadalawahin o tatatluhing
yugto, ang kabuuan. Ang bawat yugto ay binubuo naman ng mga tagpo.
Samakatuwid, ito ay drama o dula.

MGA IMPLUWENSYA NG PANITIKAN NAL SULOG Kung ang klima,


kinatitirahan, lipunan, pulitika, relihiyon at edukasyon ay may impluwensiya sa
anyo, hangarin at laman ng panitikan, ang panitikan naman ay may dalang
impluwensya sa buhay at ugali ng tao sa dalawang kalagayan.

Una: Nagpapahiwatig sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing


pinanggalingan ng akda at;
Ikalawa: Sa pamamagitan ng panitikan, ang mga tao sa daigdig ay
nagkakatagpo sa damdamin, kaisipan at pagkakaunawaan, bukod sa
nagkakahiraman ng ugali at palakad.

MGA URI NG TULA AYON SA LAYUNIN O KAALAMAN Apat ang


pangkalahatang uri ng tula: tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang pandulaan
at tulang patnigan. Mayroon pa ring pang-ilalim na kaurian ang mga ito: 1.
TULANG LIRIKO o tula ng Damdamin Ang tulang liriko ay may himig, may
musika at puno ng damdamin. Ang uri ng tulang liriko ay ang mga kantahin o
oda, elehiya, soneto, awito himno. Ang kantahin ay binubuo ng mga payak na
salita at sukat; ang matatandang awitin, ang mga awiting panrelihiyon at ang
kantahing makabayan. Mga Uri ng Tulang Liriko a. Awit - ay nagbigay daan sa
oda, isang tulang liriko na may marangal na uri at karaniwang pinapaksa ay
may kinalaman sa pag-ibig, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at
kaligayahan. b. Soneto - maikling tula, awit, o balad. Ito ay may labing-apat na
taludtod. Ang unang nagpakilala ng soneto bilang isang anyo ng tulang liriko
ay si Petrerka ng Italya. Ang kanyang tula ay binubuo ng dalawang bahagi. ang
oktabo o unang walong taludtod at ang sestet o anim na huling taludtod. Ito
ay binigyan ni Shakespeare ng pagbabago. Ang mga soneto ni Shakespeare
ay may tatlong kahatian ang mga taludtod sa ganitong ayos: tatlong apatang
taludturan o quatrain at isang tambalang taludturan o couplet. May mga
paglihis sa dalawang anyo nito ngunit tiyak sa soneto ang 14 na taludtod.
Nagtataglay din ito ng ng mga pag-aaral ng buhay. Ang nilalaman ay tungkol
sa damdamin, kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao. c.
Elehiya - ay isang uri ng tulang liriko na nagpapahayag ng pagninilay sanhi ng
isang pangyayari o guni-guni hingil sa kamatayan. Magandang halimbawa ang
"Elegy" ni Thomas Gray.

Iba't ibang Teorya sa Panunuring Pampanitikan Mula sa aklat ni Litecia Espina


et.al, ay mahalaga ang pag-aaral ng isang panunuring pampanitikan. Ito ay
kung isasaalang-alang natin na wala tayong ideya na kung ano ang daigdig
ngayon kung walang panitikan na nagbibigay depinisyon naglalahad sa anyo
ng buhay o sumasalamin sa buhay, naglalarawan at nagtutunggali sa mga
imahen sa daigdig. Kung walang nag-susuri ng panitikan paano uusbong at
mahahanap ang puno o ugat ng isang panitikan sa ating bansa (Santiago
2004). May ilan sa mga inilahad na teoryang pampanitikan ng Linangan ng
Literatura ng Pilipinas (1989) ay ang mga sumusunod: 1. Realismo - ang
teoritikal na batayan nito ay ang paniniwalang may taglay na kapangyarihan
ang teksto at ang manunulat ng akda, na suriin ang masalimuot na realidad at
gamitin ang mga ito sa paglikha ng kanyang akda na sa tingin niya ay
representasyon ng realidad. Kasama nito ang pagpapalagay na ang mga
bagay ay mayroon pang mas malawak na kaalaman kaysa kung ano ang
sinasabi ng mga cognitive experimenters (mga sumusubok sa kamalayan).
Tumatalakay din ito sa katotohanan ng lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa
ang kalagayan na nangyayari sa lipunan, tulad ng kurapsyon, katiwalian,
kahirapan at diskriminasyon. 2. Dekonstruksyon - winawasak nito ang
kabuuan ng sistema ng wika at binubuo lamang ito bilang kamalayan na may
kalakip na teorya ng realidad. Lumilikha ito ng serye ng mga pangyayaring
magkakaugnay subalit winawakasan naman ng mga hindi sukat akalaing
pangyayari. Salungat ito sa nakagawiang siklo na nakakahon. Halimbawa, lagi
na lang ang bida ang mabuti at nangingibabaw saw akas, at ang kontrabida
naman ay malakas subalit natatalo sa bandang huli. 3. Eksistensyalismo - ito
ay hindi teorya kundi paniniwalang hindi tunay ang buhay kung nakakulong sa
sistema ng paniniwala. Sa teoryang ito, ang bawat tao ay may kalayaang
pumili sa kanyang sarili, dahil sa kalayaang ito, ang tao ay responsible sa
anumang maaring kahihinatnan o maging resulta ng kanyang ginawang
pagpili. Sa mga akdang pampanitikan, tulad ng nobela ang Eksistensyalismo
ay nakikita sa mga tauhan o karakter na may kalayaang pumili sa kanilang
sarili. Taglay ng mga tauhang ito ang katatagan o kung minsan ay kahinaan,
upang hamunin o tanggapin ang resulta ng kanilang kalayaang pinili. buhay,
gkol sa masahin y-akda niwala ang ng a isang maakit mpati ikinig 4. Arketipal
- katulad ng sikolohikal na pananaw, nakapako ang atensyon nito sa paraan
ng paglikha at epekto nito sa mambabasa. Sa pananaw na ito matatagpuan
sa akda ang mga huwaran o padron at kaayusan ng buhay na makikita rin
halos ng uri ng tao sa daigdig. Halimbawa ng arketipong tauhan ay ang bayani
ng epiko, matipunong lalake at may pambihirang kapangyarihan na kayang
iligtas ang sambayanan sa kapahamakan. 5. Moralistiko - sa ganitong
orentasyon, ipinalagay na ang akda ay may kapangyarihan maglahad o
magpahayag hindi lang ng literal na katotohanan kundi ng mga
panghambambuhay at unibersal na mga katotohanan at di mapawing
pagpapahalaga.

BALITA ito ang paglalahad na tinatalakay ang iba'tibang bagong nagaganap


na pangyayari sa pamahalaan, sa lipunan, sa paaralan, sa pananampalataya,
sa agham kalakalan, sakuna, kalusugan, at iba pa. 1. TALAMBUHAY Ito'y isang
anyong panitikang tungkol sa kabuhayan o kasaysayan ng buhay ng isang
nilikha. Dalawang Uri ng Talambuhay: 1. Talambuhay na pa-iba - Sa uring ito'y
ang may-akda ay naglalahad ng buhay, ginagawa o nangyari sa ibang tao. 2.
Talambuhay na pansarili - ang may-akda na rin ang naglalahad ng tungkol sa
kanyang sariling buhay. TALUMPATI Ito'y isang uri ng akda o salaysaying
pampanitikang inihanda sa layunin basahin o bigkasin sa harap ng mga taong
handang makinig. Ang hangarin ng may-akda nito ay humihikayat, tumutugon,
mangatwiran at maglahad ng isang paniniwala. Nagiging mabisa ang isang
talumpating inihahandog kung nagsasa-alang-alang ng mahalagang
panuntunan ng may-akda nito. Ang mga bahaging bumubuo sa isang
talumpati ay ang mga sumusunod: 1. Pasimula - ito'y naghahanda sa
kalooban ng mga nakinig at may layuning maakit ang makikinig at kalulugdan
naman ang nagtatalumpati. 2. Paglalahad-ang bahaging ito'y ay
kinaroroonanng pagpatunay ng nagtatalumpati. Ito'y kailangan maging
mabisa upang mapaniwala o mahikayat ang mga nakikinig. Ito ang
pinakakaluluwa ng isang talumpati. 3. Paninindigan - sa bahaging ito ng
talumpati, inilalahad ang katibayan ng mga isyu na may basehan at
katotohanan. 4. Pamimintawan - ito ang pagwakas ng bahagi ng nagtataglay
ng maindayog na mga kaisipan at maririkit na salitang bagay sa diwa ng
talumpati. Ang magandang halimbawa ng talumpati ay ang “Katarungan
Panlipunan" ni Manuel L.

ALAMAT Ang alamat ay kathang ang pinakadiwa ay mga bagay na


makasaysayan subalit ang ibang pangyayari'y likhang-isip lamang ng may-
katha. Masasabing ang alamat ay kathang nagpapagunita sa mga bagay at
pangyayari ng itinalakdang panahon. ga an. ay nagiging sariling katangian
kundi ang saligan ng kanyang salaysayin na tulad ng nabanggit na, isang
bahagi ng kasaysayan, isang bagay o isang makasaysayang pook. Ang
kathang nag-uugat ng pinagmulan ng pangalan o katawagan sa isang bagay,
lunan o pook. Ang mga halimbawa ng mga alamat na nasulat ay "Maryang
Makiling" ang "Yungib ni Donya Geronino", "Ang Dwende", "Tikbalang" at iba
pa. Maaring maging paksa sa pagsulat ng isang alamat ang alinman bagay o
pook ng katangi-tangi at nagkaroon ng sariling halaga ng nagdaang panahon,
o kaya'y naging pugad ng maraming pamahiin, o kaya'y kinakatakutan ng mga
tao, o kaya'y pinamugaran ng maraming ugali, o kaya'y may kinalaman sa
matandang kasaysayang sabi-sabi ng mga tao sa nayon o pook at iba pa, sa
mga nagnanais sumulat ng mga alamat kinakailangan sila'y maging
mapagsaliksik at hangga't maari'y huwag tangkaing ulitin ang naisulat na ng
ibang mangangatha. sa sa 10 PABULA 18 ns Ang katha o pabula ay yaong
buhay na likha lamang ng guni-guni ng isang manunulat na ang karamiha'y
karaniwang mahirap na mangyari at ang kalahatan ay sadyang hindi maaring
mangyari. Ito'y isang maikling babasahin na noong unang panahon ay inuukol
sa mga bata ang layunin ay ihasik sa isipang ng mga batang ito ng ag
pagnanais na magawa ang mga katangian ipinamamalas ng pangunahing
tagaganap ng isang katha o pabula. at Ang karaniwang adhikain ng mga katha
noong araw sa isyung nais ibinhi sa puso't loob ng mga bata ay ang
katapangan, kabayanihan, kagandahang-asal, pagkamasunuring sa magulang,
ang pananalig sa Lumikha, at iba pa. May layunin din ang katha na sugpuin
ang kalikutan, ang labis na paglayaw, ang ukol sa kasamaan, ang mga di-
wastong hilig at iba pang bagay na karapat-dapat kamihasnan ng mga bata.
not la. sa as Ang sanaysay ay isang anyong paglalahad sapagkat sarili ng
may-akda ang kinapapalooban ng kanyang “Pangmalas" at "Pananaw".
Napapaloob dito ang kanyang pagkukuro't damdamin. Kailangan maging
malinaw, mabisa at kawili-wili ang paglahad sa sanaysay. ng in. ga Dalawang
uri ng sanaysay: va. 1. Maanyo o pormal na sanaysay - ito ay nangangailangan
ng maingat at mabisang paglalahad at ang pananalita'y pinipiling mabuti. Ang
paksa ay pinag-uukulan ng isang nasusing pag-aaral. ito Panitikan Ng
Pilipinas 19

You might also like