You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Schools Division of Zamboanga Del Norte

__________________________________________________________________________________
__________
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 4
UNANG KWARTER-IKALIMANG LINGGO
Pangalawang Araw

LAYUNIN Pagkatapos ng 50 minutong talakayan, ang mga


bata ay inaasahang:

Nasusunod ang napakinggang panuto o hakbang


ng isang gawain. (F4PN-le-j-1.1)

PAKSA • Pagsunod sa Pnuto. (Pasulat)

A. Sanggunian Yaman ng Lahi (Wika at Pagbasa)


sa Filipino 4, ph.100-112

Kagamitan Larawan, tsart, aklat, laptop at iba pa.

PAMAMARAAN
A. Paghahanda
Ano ang ating leksyon kahapon mga bata?.
1. Balik-aral

2. Pagganyak

Ngayon, ay basahin natin ang awit na pinamagatang


“Ang Mga Panuto”

“Ang Mga Panuto”


(Basahing Patula)

Ang mga panuto’y narito na naman


Tumayo na ang lahat ito’y pakinggan at tandaan,
Ako ay iyong tingnan
Bago ako sundan.

Panuto ni titser
Semple’t madaling sundan,
Kung sagot mo’y ibibigay
Itaas lang ang iyong kamay.

Humarap sa kanan
Kung kayo ay uupo,
Humarap sa kaliwa kung kayo ay tatayo
Yumuko’t umikot sa gawing kanan niyo!

//Handa naba ang lahat,(2x)


Magsimula sa una kung handa na ang lahat.// (2x)

Mga tanong:
Nasunod ba ninyo ang mga panuto habang
kumakanta?
Nagugustuhan rin ba ninyo ang pagkanta habang
sumasayaw?
Sa muli, ano-ano ang mga panutong nabanggit sa
kanta?

Balikan nga natin;

1. Itaas ang kamay.


2. Umupo at humarap sa kanan.
3. Tumayo at humarap sa kaliwa.
4. Yumuko at umikot sa gawing kanan.
Masaya ba kayo mga bata? Tiyak kong nasisiyahan
kayo dahil nakapag ehersisyo pa kayo kahit
papaano.

B.Paglalahad Nagon ay tatalakayin nating muli ang tungkol sa


pagsunod ng napakinggang panuto o hakbang ng
isang gawain sa pamamagitan sa paraang pasulat.

Hindi ba madalas tayong napag-utusan o


napagbilinan at sa ganitong paraan, nasusunod mo
ba ang wastong paraan na iniuutos o bilin sa iyo?
Kayo ba ay nakasusunod sa panutong inyong
napakinggan?
Mas mainam kung isulat ang napakinggan o
inihabiling panuto upang lubos pang maunawaan at
maintindihan ang halaga ng minimithing layunin sa
iniuutos na gawain.

Lahat ba sa inyo ay tumutulong sa gawaing


bahay?
Kung gayon, ano ang kinahihiligan ninyong gawin?
Marami din naman seguro dito sa atin ang mahilig
magtanim ng iba’t-ibang pananim, diba?

Ngayon, kunin ninyo ang inyong mga kwaderno


sa Filipino, at isulat ang mga kagamitan at mga
hakbang sa pagtatanim ng mga rosas.

1. Mga kagamitan:
Paso or bakanting lalagyan, lupa, tubig,
ginupit
na tangkay ng rosas at walang laman na
plastic
na bote.
2. Mga hakbang:
1. Maghanda ng tangkay ng rosas na ginupit
mula sa mother plant na rosas.
2. Gupitin ang mga dahon maging ang bulaklak
nito upang tangkay lang ang matira.
3. Butasan ang paso o ibang pang pweding
gamiting lalagyan.
4. Lagyan ng lupa ang paso.
5. Itusok ang nakahandang ginupit na tangkay
ng rosas dito.
6. Diligan ito ng tubig .
7. Takpan ang itinanim na tangkay ng rosas ng
walang laman na plastic
na bote upang maiwasang ‘di ito magalaw.
8. Ilagay ito sa ligtas na lugar at hintayin ang 5
hanggang isang linggo at nag-umpisa ng
sumibol ang mga dahon nito.

Kaya ngayon, natitiyak kong kakayanin


talaga ninyo ang magkaroon ng maraming
pananim ng halamang rosas dahil sa
mayroon na kayong nakasulat na panuto o
mga hakbang bilang na dapat ninyong sundin
upang higit ninyong maunawaan kung paano
ito gawin.

C.Pagtatalakay Muli ang panuto ay isang hakbang o tagubilin sa


pagsasagawa ng iniuutos na gawain. Lagi nating
tatandaan na ito ay maaaring pabigkas o pasulat.
Makatutulong din ito sa maayos, mabilis at wastong
pagsasagawa ng isang gawain.
Kasabay sa pag-uutos, ay ang pagsasabi ng panuto
kung paano gagawin ang utos. Kailangan sundin ng
maayos ang mga panuto upang magawa ang gawain nang
wasto , maayos at mabilis.
Lagi nating tatandaan ang mga sumusunod na
Pamantayan ng Pagsunod sa Panuto:
1. Makinig at intidihin ang ibinibigay na panuto.
2. Unawaing mabuti ang isinasaad ng panuto.
-Kung nakasulat, basahin o unawaing mabuti .
-Kung pasalita, pakinggang mabuti ang
nagbibigay ng panuto.

3. Kung mahaba ang panuto, itala ang


mahalagang detalye.
4. Kung hindi nalinawan, magalang na ipaulit ang
panutong hindi naunawaan.
5. Magtanong kung may hindi nauunawaan.
6. Gawin ng maingat ang hakbang sa mga gawain at
ayon sa pagkakasunud-sunod sa panuto.
Subukin natin :
Sabihin o bigkasin nang malakas nang guro ang
panuto na dapat sundin sa paggawa ng iniaatas na
gawain nito.

1. Panuto: Gumuhit ng isang kahon. Sa loob nito,


iguhit ang tatlong bituin.

Inaasahang sagot:

2.Panuto: Isulat ang iyong apelyido sa malaking


titik. Salungguhitan ang katinig
at bilugan ang patinig.

Inaasahang sagot: Hal.- M A G D A L O

D. Paglalapat Mga Gawain:


(Pangkatang Gawain)

Gawin at upang mas lalong Matutoto, Kasama ninyo


ako!
(Guided Activity)

Mga kakailanganin:
-Colored or art paper o papel
-ballpen / lapis
-gunting

Gawain: Ito ay tinatawag na “ Fold the Books”.


Ilalagay ninyo dito ang mga natutuhan ninyo
sa araw na ito.
Narito ang mga dapat ninyong sundin:
1. Sa isang malinis na colored or art paper o papel,
pagsalubungin ang dalawang dulo sa gitna. Tupiin
mo sa bawat gilid. Mayron ka ng nakateklop na
dalawang bintana, pero kailangan mo ng apat na
bintana, kaya gumamit ka ng gunting at hatiin ang
bawat bintana sa pamamagitan ng paggupit nito
sa gitna upang magkaroon ka ng apat na bintana.
Mga dapat ninyong isulat sa bawat bintana:
Unang bintana- sa kanang bintana sa bandang
itaas , isulat ang “SA KWARTO.”
-Sa loob ng bintanang ito, magtala ng isang
iniuutos ng iyong magulang na dapat mong
isagawa dito.
Hal. Magligpit ng higaan

Pangalawang bintana- sa kaliwang bintana sa


bandang taas, isulat ang salitang
“ SA KUSINA”.
-Sa loob ng bintanang ito, magtala ng isang
iniuutos ng iyong magulang na dapat mong
isagawa dito.
Hal. Maghugas ng pinagkainan

Pangatlong bintana- sa kanang bintana sa bandang


ibaba, isula ang salitang “SA HAPAG-
KAINAN.”
-Sa loob ng bintanang ito, magtala ng isang
iniuutos ng iyong magulang na dapat mong
isagawa dito.
Hal. Magligpit ng pinagkainan

Pang-apat na bintana bilang panghuli- sa kaliwang


bintana sa bandang baba, isulat ang salitang
“SA SALA.”
-Sa loob ng bintanang ito, magtala ng isang
iniuutos ng iyong magulang na dapat mong
isagawa dito.
Hal. Maglagay ng bulaklak sa plorera.

Mga Pamantayan ng Pagmamarka


Pamantayan Puntos

Nakasusunod sa panuto 5
Pagkamalikhain 3

Kalinisan 2

Kabuuan 10
E.Paglalahat Ano ang ibig sabihin sa salitang panuto?
Ano-ano ang dalawang paraan sa pagsunod ng panuto?
Dapat bang sundin ang bawat panuto o hakbang ng
isang gawain?
Ano ang maitutulong ng isang panuto sa pagwa ng isang
gawain?
Ano ang dapat nating gawin upang maging maayos,
mabilis at wasto ang pagsasagawa ng isang iniuutos na
gawain?

F.Pagpapahalaga Isang mahalagang kasanayan at katangian na dapat


mong matutunan ay ang pagsunod sa panuto.
Kailangan taos puso nating sundin ang bawat panuto
upang magawa ang gawain nang wasto , maayos mabilis
upang maiwasan ang anumang pagkakamali at upang
maging madali ang paggawa ng mga bagay-bagay.

IV. PAGTATAYA Gawin at upang mas lalong ‘Matutoto, Kasama ninyo


ako!’
(Guided Activity)
Panuto: Sundin ang panutong nasa ibaba bilang
hakbang sa paggawa.
1.Kumuha ng papel, lapis, at krayola.
2.Iguhit sa papel ang inyong paaralan.
3.Isulat sa bandang itaas ang pangalan at
School ID. Number ng inyong paaralan.
4.Isulat ang pangalan ng Punong –guro sa
kanang bahagi sa bandang ibaba.
5.Pagkatapos ay kulayan ninyo ang iyong guhit
kaparihong kulay ng inyong paaralan.

Mga Pamantayan ng Pagmamarka


Pamantayan Puntos

Nakasusunod sa panuto 5
Pagkamalikhain 3

Kalinisan
2
Kabuuan 10
V. TAKDANG-ARALIN Panuto: Gumawa ng talaan ng mga karaniwang
panutong ibinibigay ng inyong nanay
araw-araw. Lagyan ng tsek(/) ang mga
panutong naisasagawa mo at (X) ang hindi.

Inihanda ni:

LORNA E. ANTIPORTA
T-III
Lumbayao Elementary School
Tampilisan District

Layout Artist:

ROOSMAN C. REDILLAS
T-I
Diongan Elementary School
Siayan District

You might also like