You are on page 1of 2

Randy S. Bangibang Jr.

RIZ1- LIFE AND WORKS OF RIZAL


Bssw 2-2

“Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?”


Ang Pelikulang humakot ng Samutsaring pagpupuri sa pangunguna ng pabitikang
direktor na si Gng. Eddie Romero. Mula sa Obra Maestrong pelikulang “Ganito kami noon,
Paano kayo ngayon?” ay naglalarawan mula sa pamumuhay ng mga Filipino noong panahon ng
pananakop ng mga kastila, hanggang sa pag pagdating ng mga Amekano na siyang
panibagong mananakop ng bansa.
Ang lahat ng ito ay nagsimula sa isang walang kamuangmuang na si kulas, pagkatapos
mamatay ng kanyang magulang ay sinuhulan naman siya ng isang ginoo mula sa ibang nayon.
Dahil sa kaunti lamang ang kanyang kaalaman mula sa mga bagay bagay, nasunugan naman
ito ng tirahan. Ito ang panimulang udyok ng kanyang buhay upang magsimula sa kanyang
paglalakbay. Ipinagpalit niya ang kanyang tirahan sa isang munting kabayo, at ito ay
nagngangalang kidlat. Mula sa kanyang paglalakbay ay nakasalubong niya si Padre.Gil na
hinahabol at gustong patayin ng mga tulisan. Dahil sa kagandahang loob at walang kamalayan
sa mga bagay bagay ng isang musmos na kulas kung kaya’t madaling nakuha ang loob nito at
tinulungan si Padre Gil. Tusong prayle sa kanyang hangarin, inatasan pa ng prayle si kulas
upang hanapin ang kanyang nawawalang anak mula sa kabundukan. Sa kanyang paglalakbay
ay makakaharap ni kulas ang ibat-ibang uri ng kaantasan ng mga tao sa pamumuhay ng
kolonyalismo sa bansa. May mga tulisan na naglalayong makalaya sa kamay ng mga dayuhan.
may mga mabubuting loob na ang hangarin ay makapagpayaman sa pakikipagpalit ng mga
kalakalan sa maynila. Nandito din ang mga nagyayamanang Sining na pamana ng mga kastila.
Ibat-ibang lahi, ibat ibat kaantasan at layunin sa buhay. Intsek, mistiso, kanong puti, tagalog,
halo halo man ng mga lahi iisa lang ang hangarin, at yun ay ang makapamuhay ng payapa sa
bansa. Habang tinatalakay ang pelikula pumukaw sa akin ang palaisipan at kahulugan ng
filipiino. Dahil walang tumbas at eksaktong kahulugan ng mga panaong yaon ay hindi tukoy ang
salitang filipino ng mga tagalog. Ayon kay Don Tibursyo na ang isang klase ng pagiging Filipino
ay yung mga taong handang maglingkod, tumatanggap ng reponsibilidad at higit sa lahat ay
yung mga taong may kayamanan at kaantasan sa ngpamumuhay. Bukod dito isang indio
maituturin kung wala ka sa antas ng mga ito.
Dito inisiwalat na kapwa mga Filipino din ang siyang ibinababa at niyuyurakan ang
dignidad ng isat-isa. Kapwa Pilipino din ang mga nag papatayan, nagpapagamit sa kastila dahil
gaya ni kulas Ocampo, tayong isang agos sa batis na walang patutunguhan, bagkos ang siyang
lumalaban para sa bayan ay siya din namamatay ng walang pagkakakilanlan. Ang pelikung ito
ay hinahanap kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pagiging isang Filipino. May nag
sasabi na filipino siya dahil sa karangyaan, mayron namang filipino siya dahil dito siya
ipinanganak at nabuhay, at yung iba naman ay hindi filipino dahil sa iba ang diyalekto at
kulturang nakasanayan. Maraming simbulo ang isinisiwalat noong panahon ng pananakop,
gaya na lamang ng pagmamaltrato sa mga Pilipino na nasa mababang kaantasan at kahirapan
sa bansa. Si Kulas Ocampo ang nagpapakita ng karakter ng pagiging isang totoong filipino sa
panahon na iyon. Lumaya man tayo, magkaroon ng marangyang buhay, magkaroon man ng
pagbabago ay di natin malalaman ang tunay nakahulugan ng pagiging isang Filipino kung tayo
mismo ang siyang nagbababa, naghihilahan, at lumuluhod sa nais ng mga banyagang dapat
tayo ang tinitingala.

You might also like