You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Departmento ng Edukasiyon
Rehiyon XII
Dibisyon ng Sultan Kudarat
MATAAS NA PAARALAN NG BAMBAD
Isulan, Sultan Kudarat

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO


9 - BAITANG
I. Layunin:
 Natutukoy ang kahulugan ng haiku,
 Naisusulat ang payak na haiku sa tamang anyo at sukat; at
 Napapahalagahan ang masusulat na sariling at payak na haiku.

II. PaksangAralin
Paksa: HAIKU (Kahulugan at Halimbawa )
Sanggunian: Alternative Delivery Mode (ADM) Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang
Akademik, Module 2 Aralin 2.1 Pahina 88
Kagamitan: Pantulong biswal,Powerpoint Presentation, Aklat

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala ng mga lumiban sa klase
 Mga Alituntunin sa klase
 Pagbabalik-aral
Balikan Ang Nakaraan!
 Batay sa nakaraang talakayan mayroon pa bang hindi naunawaan at hindi
naintindihan sa ating topiko?

B. Pagganyak

 Ang klase ay hahatiin sa dalawang pangkat at magkakaroon tayo nang ‘’Guess Me’’
mayroon akong ipapakita na mga tula sa ating smart tv at ito ay tukuyin ng inyong
grupo kung ito ba ay uri ng haiku o hindi ang makakasagot ng tama ay mayroong
puntos.

Gabay naTanong:
 Alam niyo ba ang bansang Japan?
 Nakapunta na ba kayo sa bansang Japan?

C. Paglalahad ng Aralin
NUMERO, PALIWANAG AT PUNTOS KO!
 Ang guro ay may inihandang mga numero na nakabatay sa katumbas ng bilang nang
kanilang upuan, kong sino ang mabubunot ay siyang magpapaliwanag at siya ay
bubunot ng kanyang puntos kapag nakapagbahagi at nakasagot ng tama.

Ang HAIKU binubuo ng labimpitong (17) pantig na may tatlong (3) taludtod
 isang anyo ng tula na nagmula sa Japan

 ang karaniwang paksa nito ay patungkol sa kalikasan at pag-ibig

 May hati ng mga pantig sa mga taludtod ay 5-7-5

Halimbawa ng Haiku

Pamagat: Inang Kalikasan

Sa iyong mukha,

Repleksyong kalikasan,

Sirang sira na.

Pamagat:Pagkabigo

Minsan na kitang,

Pinapangarap ngunit,

Ako’y yong nasaktan.

D. Pagpapahalaga
SALITA KO! GAWIN NIYO!
 Ang guro ay magbibigay ng mga tulang haiku at suriin nila ito kung anong pamagat
ang isang tulang haiku.
 Bakit mahalagang matutunan ang pagsulat ng haiku sa akademikong pagsulat?

E. Paglalahat
SALITA KO! GAWIN NIYO!
 Ang guro ay magbibigay ng halimbawa ng haiku at pagkatapos ay gagawa mismo
ang mga mag-aaral ng sarili nilang tula.
 Paano nagka-iba ang HAIKU AT TANKA Sa Akademikong pagsulat ng tula?

IV. Pagtataya / Ebalwasyon


ISAHANG GAWAIN!
 Sumulat ng dalawang haiku patungkol sa pag-ibig at dalawa naman ay patungkol sa
kalikasan. Mayroon lamang kayong 7 minuto upang sagutan ito.

V. Takdang-Aralin
 Gamit ang isang buong papel. Sumulat ng limang malikhaing haiku at ilagay ang
larawan ng inyong pamagat na tula.
PAMANTAYAN
1. May tatlong taludtod na sa kabuuan ay may
17 pantig
2. Ang paksa ay maaaring tungkol sa kalikasan
at pag-ibig
3. May angkop na pamagat.

Inihanda ni:
LYNETH P. MARABI
Nagpapakitang-turo

Iwinasto at binigyang pansin ni:

NELPEA P. DOCE
Master Teacher III

Pinagtibay ni:
ABAS S. DOLLENTE
Prinsipal I

PETSA: OKTUBRE 12, 2023

You might also like