You are on page 1of 30

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X- NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
CONSUELO NATIONAL HIGH SCHOOL
CONSUELO, MAGSAYSAY, MISAMIS ORIENTAL
Magsaysay District II

School CONSUELO NATIONAL HIGH Grade Level & GRADE 9-

SCHOOL Section CONFIDENCE
Teacher CHARMAINE JOY C. CALLO Learning Area FILIPINO 9
Teaching Date November 2, 2022 Quarter: IKALAWANG
& Time (11:15-11:55 am) MARKAHAN
Content
Standards
Performance Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,mapanuring pag-iisip,at pag-
Standards unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto
at saling-akdang Asyano upang mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano.
Learning Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at haiku
Competencies F9PB-IIa-b-45
Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang mahahalagang salitang ginamit sa
tanka at haiku
F9PT-IIa-b-45
Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat
F9PU-IIa-b-47

Learning Inaasahang pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay:

Objectives a. Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at
haiku.
b. Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang mahahalagang salitang
ginamit sa tanka at haiku.

Mode of FACE-TO-FACE
Delivery
Learning Filipino 9 Self-learning module 1
Resources
Learning Self-learning modules, PowerPoint, laptop
Materials

GAWAIN
Panuto: Basahin at unawain. Suriin ayon sa bilang ng pantig, bilang ng linya, paksa, at mensahe ng
kahulugan ng matalinghagang pahayag na nakasalungguhit sa tulang Tanka at Haiku, isulat sa kahon ang
iyong sagot. Gumamit ng hiwalay na sagutang papel.

Naghihintay Ako sa Iyo (Tanka) Anyaya (Haiku)

Ni: Dhutay Ni: Mercy
I. Naghihintay mahal ko I. Ako’y nagalak
Nanabik ako sa ‘yo Sa iyong pagpaunlak
Sa yakap mo’t halik Pusong busilak.
Naulila ‘ko
Tigang kong puso.
PAGSUSURI
Mga gabay na tanong:
1. Ano ang pagkakaiba ng tanka at haiku batay sa ginawa ninyong paunang pagsusulit?
2. Mayroon bang pagkakatulad sa dalawa? Kung oo, ano ito?
PAGTATALAKAY
Ano nga ba ang Haiku?
Ginawa noong ika-15 siglo ang tulang haiku ng mga Hapon.
Mas maikli ang Haiku dahil may 17 bilang ng pantig na may tatlong linya lamang:
5-7-5 / 5-5-7 na pantig sa bawat linya. Paksa nito’y ukol sa kalikasan at pag-ibig.
HALIMBAWA
I. Bayan kong sinta =5

Buhay ay iaalay =7
Iyan ay tunay. =5
II. Wala nang iba =5

Para sa akin, sinta! =7

Habang buhay pa. =5
Sinulat ni: Dhutay

I. Ba-yan kong sin-ta =5

.
Bu-hay ay i-a-a-lay =7
I-yan ay tu-nay =5
_________
Kabuuang pantig-----17
Halimbawa ito ng Haiku, binubuo ng tatlong linya at bawat linya/taludtod ay may 5-7-
5 na pantig kaya may kabuuang 17 na pantig ang bawat saknong.
TANDAAN: Maaaring magkapalit-palit ang bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod,
ngunit kailangang tama ang kabuuan nito sa bawat saknong sa Haiku-17 na pantig.
Halimbawa: 7-5-5 o 5-7-5 o 5-5-7

Ngayon kaibigan ano naman ang Tanka?

Naunang nagawa ang Tanka. Ikawalong siglo ito ginawa. Ito ay binubuo ng 31 na pantig na may
5 linya: 7-7-7-5-5 / 5-7-5-7-7 na pantig sa bawat taludtod. Paksa nito’y ukol sa pagbabago, pag-
ibig at pag-iisa.

HALIMBAWA
I. Ako’y uhaw na =5

Panahon ng pandemya =7
Magtulungan na! =5
Magagandang programa =7
Kaligtasan, mauna! =7
Sinulat ni: Dhutay
I. A-ko’y u-haw na =5
Panahon ng pandemya =7
Magtulungan na! =5
Magagandang programa =7
Kaligtasan mauna! =7
________
Kabuuang pantig --------------31
Halimbawa naman ito ng Tanka dahil binubuo ito ng 5 taludtod at ang bawat
linya/taludtod ay may 5-7-5-7-7 na pantig kaya may kabuuang 31 na pantig
ang bawat saknong.
TANDAAN: Maaaring magkapalit-palit ang bilang ng pantig sa bawat linya o
taludtod, ngunit kailangang tama ang kabuuan nito sa bawat saknong ng
Tanka ay may 31 na pantig.
Halimbawa: 7-7-7-5-5 o 5-7-5-7-7 o 5-5-7-7-7

Ang Tanka at Haiku ay ginagamitan ng matalinghagang salita/pahayag upang mas kawili-

wili at kabigha-bighani ito.
Ang Matalinghagang Salita ay malalalim na mga salitang may simpleng kahulugan o di
kaya’y halos walang tiyak o kasiguraduhang ibig ipahiwatig maliban sa literal na kahulugan
nito. Ito ay ginawang mga talinghaga na inuugnay sa kung ano ang ibig sabihin ng nagsasalita.
Ginagamitan ng mga kasabihan, idyoma, at tayutay. May tatlong gamit ang mga salitang ito sa
panitikan gaya ng tula, nobela, at sanaysay. Suriin ang kasunod na Tanka at Haiku sa ibaba.

PAGLALAPAT
Panuto:
Isa-isahin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ito batay sa kayarian o pagkabuo.
PAGTATAYA
Panuto: Suriin at unawain ang halimbawa ng Tanka at Haiku at ibigay ang kahulugan ng mga
salitang sinalungguhitan. Sundin ang pormat na nasa ibaba sa pagsagot.
Tanka Haiku
Di maliparang-uwak ‘Wag mabahala
Ang puso’t isip Pagsweldo ng tulisan
Sa bayang nananabik Ika’y saktan…
Pagbabago ay Ni: Archie Mae
‘Wag sanang ipagkait.
Ni: Archie Mae

Tanka Haiku
Kahulugan ng Di maliparang-uwak Kahulugan ng Pagsweldo ng tulisan

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X- NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
CONSUELO NATIONAL HIGH SCHOOL
CONSUELO, MAGSAYSAY, MISAMIS ORIENTAL
Magsaysay District II

School CONSUELO NATIONAL HIGH Grade Level & GRADE 9-

SCHOOL Section CONFIDENCE
Teacher CHARMAINE JOY C. CALLO Learning Area FILIPINO 9
Teaching Date November 3, 2022 Quarter: IKALAWANG
& Time (11:15-11:55 AM) MARKAHAN
Content
Standards
Performance Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at
Standards pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng
teksto at akdang pampanitikang Pambansa upang maipagmalaki ang kulturang Pilipino.
Learning Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng tanka
Competencies at haiku.F9WG-IIa-b-47
Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku
F9PN-IIa-b-45
Learning Inaasahang pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay:
Objectives a. Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng
tanka at haiku.
b. Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku.

Mode of FACE-TO-FACE
Delivery
Learning Filipino 9 Self-learning module 1
Resources
Learning Self-learning modules, PowerPoint, laptop
Materials

GAWAIN

Panuto: Basahin pahayag batay sa bantas na gamit. Pagkatapos ay basahin muli ang pahayag na walang
damdamin o buhay.

TOTOO? MABILIS KUMALAT ANG

VIRUS. HINDI, IKAW ANG MAYSALA?
TOTOO! MABILIS KUMALAT ANG HINDI, IKAW ANG MAYSALA!
VIRUS.

PAGSUSURI
1. Anong napansin ninyo habang binibigkas ang mga pahayag nangwalang anumang damdamin?
2. Ipaliwanag ang kahulugan o saloobin ng mga pahayag.

PAGTATALAKAY
Ang susunod mong pag-aaralan ay tungkol sa mga ponemang suprasegmental. Mahalaga ito upang
makatulong sa iyo kung paano mo bibigkasin nang wastong diin, tono o intonasyon, at antala upang
maipahayag mo ang damdamin o kahulugang nais mong ipabatid sa iyong pakikipag-usap.

Tatlong Uri ng Suprasegmental

1. Antala/Hinto- Bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw

ang mensaheng ibig ipabatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolong kuwit (,),
dalawang guhit na pahilis (//) o gitling (-).
Mga halimbawa:
a. Hindi/ ako si Julre.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito
ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Julre na
maaaring siya’y napagkamalan lamang na ibang tao.

b. Hindi ako, si Julre.

(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na
ang kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi
ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si Zein.
c.Hindi ako si Julre.
(Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na
ang nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si Julre.)

Diin.  Ginagamit ang simbolong /:/ upang matukoy ang pantig ng salita na may diin. Sa
Filipino, karaniwang binibigkas nang may diin ang salitang higit sa isang pantig. Malimit ding
kasama ng diin ang pagpapahaba ng patinig. Tulad nito:

                              /ba:hay/ - tirahan                     /pagpapaha:ba?/ - lengthening

                              /kaibi:gan/ - friend                   /sim:boloh/ - sagisag

            Mahalaga ang diin sapagkat sa pag-iiba ng patinig na binibigyang-diin, karaniwang

nababago ang kahulugan ng salita. Tulad nito:

                              /ba:lah/ - bullet                         /kasa:mah/ - companion

                              /bala?/ - threat                          /kasamah/ - tenant
                              /tu:boh/ - pipe                          /maŋ:gaga:mot/ - doctor
                              /tu:bo?/ - sprout                       /maŋga:gamot/ - to treat
                              /tuboh/ - sugar cane                /kaibi:gan/ - friend
                              /paso?/ - flower pot                 / ka:ibigan/ - lover
                              /pa:so?/ - burn
                              /pasoh/ - expired

2. Tono/Intonasyon. Tumutukoy ang intonasyon sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa

pagsasalita na maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag. Tingnan ang mga
sumusunod na halimbawa, kung saan ipinahihiwatig ang pagtaas o pagbaba ng tinig.

Hindi dapat ipagkamali ang intonasyon sa punto at tono ng pagsasalita. Ang punto ay tumutukoy
sa rehiyunal na tunog o accent. Iba ang punto ng Ilokano sa Maranao o ng Cebuano sa Ilonggo. Maging sa
rehiyong Tagalog, iba ang punto ng mga Batanggenyo at kahit mga taga-Cavite. Sa probinsiya ng Queson,
karaniwang iba’t iba ang punto sa iba’t ibang bayan. Samantala, ang tono ng pagsasalita ay nagpapahayag
ng tindi ng damdamin…

Maaaring magkaiba-iba ang punto at tono bagama’t iisa ang intonasyon.

*Pagsasalaysay/paglalarawan- Dumating sila kanina.
Maganda talaga si Julrecca.

*Masasagot ng OO o HINDI- Totoo?

Sila iyon, ‘di ba?

*Pagpapahayag ng matinding damdamin

Naku, may sunog!
Hoy! Alis dyan!

*Pagbati- Kumusta ka?

Magandang umaga po.
Salamat s aiyo.

*Pagsagot sa tanong - Oo, aalis na ako.

Hindi. Hindi ito ang gusto ko.

Karagdagang Kaalaman:
() = nangangahulugang hilaw pa ang tono o hindi pa alam kung ano ang kahulugan ng salita.
/ / = nangangahulugang luto na ang tunog, may taglay na itong kahulugan.
? = tinatawag itong glottal stop o nangangahulugang sa pagbigkas ng salita ay waring may
pumipigil sa hanging galing sa bunganga sa paglabas.
Halimbawa: /SU: ka? /= vinegar
h = glottal fricative ay nangangahulugang sa pagbigkas ay malayang lalabas ang hangin mula sa
bunganga.
Halimbawa: /SU: kah/ = vomit
Bigyan mo ng pansin ang mga tunog na ginamit sa Tanka. Mapapansing ang tunog ng /h/ ay
paulit-ulit na ginamit tulad ng

PAGLALAPAT

A. Antala/ Hinto
Panuto: Basahin ang sumusunod na tula. Isulat ang buong tula at gumamit ng guhit
pahilis upang malinaw na maihatid ang mensaheng ibig ipabatid. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
AKDA ANTALA/HINTO MENSAHE
(HAIKU/TANKA)
1 Panahon ng pandemya Halimbawa:
Tayo’y magkakaisa Panahon ng pandemya/
Sama-samang sugpuin Tayo’y magkakaisa/
Ang COVID 19 Sama-samang sugpuin/
Ang misyon natin. Ang COVID 19/
Ni: Mercedes P. Tare Ang misyon natin.
2 Totoong sa new normal
Lahat ng mag-aaral
Modyul na ang inaral
Nagkandarapa
Sa pag-unawa.
Ni: Mercedes P. Tare

B. Antala/ Hinto
Panuto: Gamit ang pamantayan/rubrics sa ibaba, pumili ng isang kapamilya na siyang magbibigay ng
puntos, basahin ang mga tula at ibigay ang tono/damdaming nangingibabaw nito. Sundin ang pormat sa
ibaba
. AKDA TONO/ MENSAHE
(HAIKU/TANKA) DAMDAMIN
3. Ako’y nagalak
Sa iyong pagpaunlak
Pusong busilak.

Ni: Mercedes P. Tare

4. Rosas na pulang-pula
Bigay ng sinta
Ako ay lumigaya.

Ni: Mercedes P. Tare

PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
Para sa bilang 1 and 2. Basahing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang angkop na salita batay sa
pagkakagamit nito sa pangungusap.
1. Matinding _______ ang dinanas ng mga tao sa Pilipinas dahil sa COVID-19.
A. sa:KIT B. SA:kit C. sa:kit D. SA:KIT

2. Sobrang sakit sa _________ ang mawalan ng mahal sa buhay.

A. pu:SO B. PU:so C. pu:so D. PU:SO

3. Paano mo malaman na Haiku ang tula?

A. May tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 5-7-5 o 5-5-7 o 7-5-5
B. May tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na 10-4-4 o 5-5-8 o 8-4-6
C. May tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4-4 o 8-2-2 o 2-8-2
D. May tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 5-4-5 o 4-5-5 o 5-5-4

4. Ano ang kinaiba ng Tanka sa Haiku?

A. Tula na may limang taludtod, binubuo ng 7-5-7-5-7 na pantig
B. Tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong at may pitong pantig
C. Tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig
D. Tula na may 5 na taludtod may 7-7-7-7-7 na pantig

Para sa bilang 5-6. Alin sa sumusunod ang kasingkahulugan ng sinalungguhitang salita.

5. Haiku

Lakbay ng hirap
Pangarap ng naglayag
Tuyong lupain

A. Pagtupad sa pangarap B. Pagtitiis para sa pangarap

C. Nagdarasal na makamtan ang pangarap D. Malayo ang tingin

6. Tanka

Napakalayo pa nga
Wakas ng paglalakbay
Sa lilim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.

A. May patutunguhan B. Pagtitiis para sa pangarap

7. Tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na maaaring maghudyat ng kahulugan ng

pahayag.
A. Tono/Intonasyon B. Antala C. Diin D. Haba
8. Ito ay nagpapalinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap.
A. Tono B. Diin C. Haba D. Intonasyon

Para sa bilang 9-10 suriin kung ano ang tono o layunin ng nagsasalita
9. “Umulan ba kahapon?”

A. nagtatanong C. nagpapahayag
B. nag-aalinlangan D. nagbubunyi
10. “Ikaw ba talaga iyan?”

A. nagtataka C. naninigurado
B. nagtatanong D. nananabik

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X- NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
CONSUELO NATIONAL HIGH SCHOOL
CONSUELO, MAGSAYSAY, MISAMIS ORIENTAL
Magsaysay District II

School CONSUELO NATIONAL HIGH Grade Level & GRADE 9-

SCHOOL Section CONFIDENCE
Teacher CHARMAINE JOY C. CALLO Learning Area FILIPINO 9
Teaching Date November 4, 2022 Quarter: IKALAWANG
& Time (11:15-11:55 am) MARKAHAN
Content
Standards
Performance Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at
Standards pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng
teksto at akdang pampanitikang Pambansa upang maipagmalaki ang kulturang Pilipino.
Learning
Competencies 1. Nakahihinuha ng damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong napakinggan.
(F9PN-IIc-46)
2. Naiaantas ang mga salita (clining) batay sa tindi ng emosyon o damdamin.
(F9PT-IIc-46)
Learning Inaasahang pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay:
Objectives a. Natutukoy ang mga damdaming nangingibabaw sa tauhan sa dayalogo.
b. Nailalarawan ang katangian at ginagampanan ng mga tauhan sa pabula gamit
ang graphic organizer.
Mode of FACE-TO-FACE
Delivery
Learning Filipino 9 Self-learning module 2
Resources
Learning Self-learning modules, PowerPoint, laptop
Materials

GAWAIN

Ipapanood ang bidyu tungkol sa “Ang Hatol ng Kuneho” pabula mula sa Korea sa link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=d8Xh_AnhFRo
PAGSUSURI
1. Tama ba ang naging hatol ng kuneho sa suliranin ng tigre at ng lalaki?
Bakit?
2. Kung ikaw ang hahatol sa sitwasyon, gagawin mo rin ba ang ginawa ng
kuneho? Bakit?
3. Sa iyong palagay, kung nakapagsasalitang muli ang mga nilalang sa
kalikasan natin ngayon, ano kaya ang kanilang hatol sa ating mga tao?
Ipaliwanag.
4. Bilang kabataan, ano ang maimumungkahi mo upang maiwasan ang
pang- aabuso ng mga hayop at ang kalikasan.
5. Mahihinuha mo ba sa pabulang ito ang kultura at kaugalian ng mga taga-
Korea? Patunayan.
6.Kung may nagawang kabutihan ang ibang tao sa iyo, paano mo ito tutumbasan?

PAGTATALAKAY
Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa Korea
Ang mga hayop ay hindi lamang mga nilikhang gumagala sa kapatagan at kabundukan.
Ang mga ito ay may simbolong ugnayan sa bansa at sa mga mamamayan nito. Sa Korea,
mahalaga ang ginampanan ng mga hayop sa kanilang mitolohiya at kwentong bayan.
Ayon sa kanilang paniniwala, noong unang panahon daw ay may isang tigre at oso na
nagnais maging tao. Nang bumaba sa lupa ang kanilang diyos na si Hwanin (diyos ng
kalangitan) ay humiling ang isang tigre at isang oso na maging tao. Ang sabi ni Hwanin ay
magkulong sa kuweba ang dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob na pagnanasang
maging tao ay sumunod sa pinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad
ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba ang oso.
Pagkalipas ng 100 araw ay may isang napakagandang babae ang lumabas ng kuweba. Ang
babae ay natuwa sa kaniyang itsura at kinausap muli si Hwanin. Nagpasalamt siya sa diyos at
humiling na sana ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak na
si Hwanung (anak ng diyos ng kalangitan) at ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at
pinangalanang Dangun. Si Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang dito nagsimula ang
pagkakaroon ng simbolong hayop ang ibat’t ibang dynasty sa Korea.
Ang pabula ay isa sa mga unang panitikan sa daigdig. Noong ika–5 at ika–6 na siglo bago
si Kristo, may itinuturing nang pabula ang mga taga– India. Ang karaniwang paksa ng pabula ay
tungkol sa buhay na itinuring na dakilang tao ng mga sinaunang Hindu, si Kasyapa. Lalong
nagpatanyag ang mga ganitong kuwento sa Gresya. Si Aesop ang tinaguriang “Ama ng mga
Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog niyang aklat, ang Aesop’s Fable.
Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian o pag–uugali ng tao.

Halimbawa:
Ahas- ay karaniwan nangangahulugan ng isang taong taksil.
Pagong- makupad.
Kalabaw - matiyaga.
Palaka- mayabang.
Unggoy o matsing- isang tuso
Itinuturo ng pabula ang tama, patas, makatarungan, at makataong ugali at pakikitungo sa
ating kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinigay
nito.
Sa pagbabasa ng pabula mahalagang matutunan moa ng mga damdamin o emosyon ng bawat
tauhan upang mas lalong mauunawaan ang layunin ng awtor .

Ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa

paraang papataas ang antas nito. Nagagamit ito sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng mga salitang
may ugnayang sinonimo. Isa ito sa ginagamit ng mga manunulat upang mabibigyang diin ang
bawat karakter ng mga hayop na sumisimbolo rin sa pag-uugali ng tao.
Halimbawa:
Mga salitang nagpapahayag ng damdamin na magkakatulad ngunit may pagkakaiba sa antas
1. lungkot, pighati , hinagpis
2. damot, ganid , sakim

PAGLALAPAT
Gawain 8: Katangian ko, Tularan mo!
A. Panuto: Batay sa pabulang “Ang Hatol ng Kuneho” paano mo mailalarawan ang
katangian at ginagampanan ng bawat tauhan? Gamit ang Graphic Organizer isulat ang
sagot. Kopyahin ang format sa sagutang papel.

Pangalan Ng Tauhan Katangian Ginampanan

1. Tigre
2. Kuneho
3. Baka
4. Puno ng Pino
5. Isang lalaki

B. Punan ng mga hinihiling na kasagutan ang tsart. Isulat ang mga katangian ng tauhan na nais pamarisan
o di-dapat pamarisan at kung ano ang natutunan mula sa tauhan.
Tauhan Katangiang Nais Ugaling di -dapat Natutuhan sa
Pamarisan Pamarisan tauhan

PAGTATAYA
A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang tamang
titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.
Para sa bilang 1-4: Tukuyin ang damdaming nangingibabaw sa tauhan sa
diyalogo.
1. Myrna: “Halika na bilisan mo at aalis na tayo!”
Beth: “Hindi na lang ako tutuloy. Mukhang ayaw ninyo naman akong
kasama.”
A. pagtatampo C. paghanga
B. pagmamalasakit D. pagkahiya

2. Ina: “Ang lakas ng ulan at hindi pa nakakauwi ang iyong mga anak.”
Ama: “Oo nga, wala pa namang dalang mga payong ang mga iyon.”
A. pagkatuwa C. pag-aalala
B. pagsisisi D. pagkatakot

3. Ate: “Bakit mo pinuno ng sulat ang aking proyekto? Di ba sinabi kong

huwag mong pakialaman ito?”
Bunso: “Akala ko kasi ate hindi mo na gagamitin.”
A. pagkagalit C. pagkatuwa
B. pagmamalasakit D. paghanga

4. Mario: “Alam mo bang ikaw ang nakakuha ng pinakamataas na marka?”

Allan: “Talaga? Yehey! Nagbunga din ang aking pag-aaral kagabi.”
A. pagkatuwa C. pagtatampo
B. pagsisisi D. pag-aalala

Para sa bilang 5 Halaw sa pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”

“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?”, tanong ng puno ng pino. “Bakit ang mga dahon at
sanga namin ang kinukuha niyo upang mapainit ang inyong mga tahanan at magluto ang inyong mga
pagkain? Mga taon ang binibilang namin upang lumaki. Kapag kami’y malaki na pinuputol niyo”.

5. Ipinahiwatig ng salaysay ang NEGATIBONG ugali na ginagawa ng tao sa ating

kalikasan. Bilang kabataan ano ang dapat gawin upang maging POSITIBO.
ang salaysay.
A. Huwag puputulin ang mga maliliit na punongkahoy.
B. Magtanim ng maraming puno ng pino.
C. Panatilihing malinis ang ating mga kagubatan.
D. Iwasan ang pagputol ng mga punongkahoy at panatilihin ang pag-aalaga.
ng ating kalikasan sa tamang paraan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X- NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
CONSUELO NATIONAL HIGH SCHOOL
CONSUELO, MAGSAYSAY, MISAMIS ORIENTAL
Magsaysay District II

School CONSUELO NATIONAL HIGH Grade Level & GRADE 9-

SCHOOL Section CONFIDENCE
Teacher CHARMAINE JOY C. CALLO Learning Area FILIPINO 9
Teaching Date November 7, 2022 Quarter: IKALAWANG
& Time (11:15-11:55 am) MARKAHAN
Content
Standards
Performance Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,mapanuring pag-iisip,at pag-
Standards unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto
at saling-akdang Asyano upang mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano.
Learning 1.Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at haiku
Competencies F9PB-IIa-b-45
2.Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang mahahalagang salitang ginamit sa
tanka at haiku
F9PT-IIa-b-45
3.Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat
F9PU-IIa-b-47

Learning Inaasahang pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay:

Objectives c. Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at
haiku.
d. Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang mahahalagang salitang
ginamit sa tanka at haiku.

Mode of FACE-TO-FACE
Delivery
Learning Filipino 9 Self-learning module 1
Resources
Learning Self-learning modules, PowerPoint, laptop
Materials

GAWAIN
Panuto: Basahin at unawain. Suriin ayon sa bilang ng pantig, bilang ng linya, paksa, at mensahe ng
kahulugan ng matalinghagang pahayag na nakasalungguhit sa tulang Tanka at Haiku, isulat sa kahon ang
iyong sagot. Gumamit ng hiwalay na sagutang papel.

Naghihintay Ako sa Iyo (Tanka) Anyaya (Haiku)

Ni: Dhutay Ni: Mercy
I. Naghihintay mahal ko I. Ako’y nagalak
Nanabik ako sa ‘yo Sa iyong pagpaunlak
Sa yakap mo’t halik Pusong busilak.
Naulila ‘ko
Tigang kong puso.

PAGSUSURI
Mga gabay na tanong:
3. Ano ang pagkakaiba ng tanka at haiku batay sa ginawa ninyong paunang pagsusulit?
4. Mayroon bang pagkakatulad sa dalawa? Kung oo, ano ito?
PAGTATALAKAY
Ano nga ba ang Haiku?
Ginawa noong ika-15 siglo ang tulang haiku ng mga Hapon.
Mas maikli ang Haiku dahil may 17 bilang ng pantig na may tatlong linya lamang:
5-7-5 / 5-5-7 na pantig sa bawat linya. Paksa nito’y ukol sa kalikasan at pag-ibig.
HALIMBAWA
I. Bayan kong sinta =5

Buhay ay iaalay =7
Iyan ay tunay. =5
II. Wala nang iba =5

Para sa akin, sinta! =7

Habang buhay pa. =5
Sinulat ni: Dhutay
I. Ba-yan kong sin-ta =5
.
Bu-hay ay i-a-a-lay =7
I-yan ay tu-nay =5
_________
Kabuuang pantig-----17
Halimbawa ito ng Haiku, binubuo ng tatlong linya at bawat linya/taludtod ay may 5-7-
5 na pantig kaya may kabuuang 17 na pantig ang bawat saknong.
TANDAAN: Maaaring magkapalit-palit ang bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod,
ngunit kailangang tama ang kabuuan nito sa bawat saknong sa Haiku-17 na pantig.
Halimbawa: 7-5-5 o 5-7-5 o 5-5-7

Ngayon kaibigan ano naman ang Tanka?

Naunang nagawa ang Tanka. Ikawalong siglo ito ginawa. Ito ay binubuo ng 31 na pantig na may
5 linya: 7-7-7-5-5 / 5-7-5-7-7 na pantig sa bawat taludtod. Paksa nito’y ukol sa pagbabago, pag-
ibig at pag-iisa.

HALIMBAWA
I. Ako’y uhaw na =5

Panahon ng pandemya =7
Magtulungan na! =5
Magagandang programa =7
Kaligtasan, mauna! =7
Sinulat ni: Dhutay

I. A-ko’y u-haw na =5
Panahon ng pandemya =7
Magtulungan na! =5
Magagandang programa =7
Kaligtasan mauna! =7
________
Kabuuang pantig --------------31
Halimbawa naman ito ng Tanka dahil binubuo ito ng 5 taludtod at ang bawat
linya/taludtod ay may 5-7-5-7-7 na pantig kaya may kabuuang 31 na pantig
ang bawat saknong.
TANDAAN: Maaaring magkapalit-palit ang bilang ng pantig sa bawat linya o
taludtod, ngunit kailangang tama ang kabuuan nito sa bawat saknong ng
Tanka ay may 31 na pantig.
Halimbawa: 7-7-7-5-5 o 5-7-5-7-7 o 5-5-7-7-7

Ang Tanka at Haiku ay ginagamitan ng matalinghagang salita/pahayag upang mas kawili-

wili at kabigha-bighani ito.
Ang Matalinghagang Salita ay malalalim na mga salitang may simpleng kahulugan o di
kaya’y halos walang tiyak o kasiguraduhang ibig ipahiwatig maliban sa literal na kahulugan
nito. Ito ay ginawang mga talinghaga na inuugnay sa kung ano ang ibig sabihin ng nagsasalita.
Ginagamitan ng mga kasabihan, idyoma, at tayutay. May tatlong gamit ang mga salitang ito sa
panitikan gaya ng tula, nobela, at sanaysay. Suriin ang kasunod na Tanka at Haiku sa ibaba.
PAGLALAPAT
Panuto:
Isa-isahin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ito batay sa kayarian o pagkabuo.

PAGTATAYA
Panuto: Suriin at unawain ang halimbawa ng Tanka at Haiku at ibigay ang kahulugan ng mga
salitang sinalungguhitan. Sundin ang pormat na nasa ibaba sa pagsagot.
Tanka Haiku
Di maliparang-uwak ‘Wag mabahala
Ang puso’t isip Pagsweldo ng tulisan
Sa bayang nananabik Ika’y saktan…
Pagbabago ay Ni: Archie Mae
‘Wag sanang ipagkait.
Ni: Archie Mae

Tanka Haiku
Kahulugan ng Di maliparang-uwak Kahulugan ng Pagsweldo ng tulisan
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X- NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
CONSUELO NATIONAL HIGH SCHOOL
CONSUELO, MAGSAYSAY, MISAMIS ORIENTAL
Magsaysay District II

School CONSUELO NATIONAL HIGH Grade Level & GRADE 9-

SCHOOL Section CONFIDENCE
Teacher CHARMAINE JOY C. CALLO Learning Area FILIPINO 9
Teaching Date November 8, 2022 Quarter: IKALAWANG
& Time (11:15-11:55 AM) MARKAHAN
Content
Standards
Performance Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at
Standards pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng
teksto at akdang pampanitikang Pambansa upang maipagmalaki ang kulturang Pilipino.
Learning 4.Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng tanka
Competencies at haiku.F9WG-IIa-b-47
5.Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku
F9PN-IIa-b-45
Learning Inaasahang pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay:
Objectives a. Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng
tanka at haiku.
b. Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku.

Mode of FACE-TO-FACE
Delivery
Learning Filipino 9 Self-learning module 1
Resources
Learning Self-learning modules, PowerPoint, laptop
Materials
GAWAIN

Panuto: Basahin pahayag batay sa bantas na gamit. Pagkatapos ay basahin muli ang pahayag na walang
damdamin o buhay.

TOTOO? MABILIS KUMALAT ANG

VIRUS. HINDI, IKAW ANG MAYSALA?
TOTOO! MABILIS KUMALAT ANG HINDI, IKAW ANG MAYSALA!
VIRUS.

PAGSUSURI
1 Anong napansin ninyo habang binibigkas ang mga pahayag nangwalang anumang damdamin?
2.Ipaliwanag ang kahulugan o saloobin ng mga pahayag.

PAGTATALAKAY
Ang susunod mong pag-aaralan ay tungkol sa mga ponemang suprasegmental. Mahalaga ito upang
makatulong sa iyo kung paano mo bibigkasin nang wastong diin, tono o intonasyon, at antala upang
maipahayag mo ang damdamin o kahulugang nais mong ipabatid sa iyong pakikipag-usap.

Tatlong Uri ng Suprasegmental

5. Antala/Hinto- Bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw

ang mensaheng ibig ipabatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolong kuwit (,),
dalawang guhit na pahilis (//) o gitling (-).
Mga halimbawa:
a. Hindi/ ako si Julre.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito
ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Julre na
maaaring siya’y napagkamalan lamang na ibang tao.

b. Hindi ako, si Julre.

(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na
ang kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi
ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si Zein.
c.Hindi ako si Julre.
(Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na
ang nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si Julre.)

Diin.  Ginagamit ang simbolong /:/ upang matukoy ang pantig ng salita na may diin. Sa
Filipino, karaniwang binibigkas nang may diin ang salitang higit sa isang pantig. Malimit ding
kasama ng diin ang pagpapahaba ng patinig. Tulad nito:

                              /ba:hay/ - tirahan                     /pagpapaha:ba?/ - lengthening

                              /kaibi:gan/ - friend                   /sim:boloh/ - sagisag

            Mahalaga ang diin sapagkat sa pag-iiba ng patinig na binibigyang-diin, karaniwang

nababago ang kahulugan ng salita. Tulad nito:

                              /ba:lah/ - bullet                         /kasa:mah/ - companion

                              /bala?/ - threat                          /kasamah/ - tenant
                              /tu:boh/ - pipe                          /maŋ:gaga:mot/ - doctor
                              /tu:bo?/ - sprout                       /maŋga:gamot/ - to treat
                              /tuboh/ - sugar cane                /kaibi:gan/ - friend
                              /paso?/ - flower pot                 / ka:ibigan/ - lover
                              /pa:so?/ - burn
                              /pasoh/ - expired

6. Tono/Intonasyon. Tumutukoy ang intonasyon sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa

pagsasalita na maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag. Tingnan ang mga
sumusunod na halimbawa, kung saan ipinahihiwatig ang pagtaas o pagbaba ng tinig.

Hindi dapat ipagkamali ang intonasyon sa punto at tono ng pagsasalita. Ang punto ay tumutukoy
sa rehiyunal na tunog o accent. Iba ang punto ng Ilokano sa Maranao o ng Cebuano sa Ilonggo. Maging sa
rehiyong Tagalog, iba ang punto ng mga Batanggenyo at kahit mga taga-Cavite. Sa probinsiya ng Queson,
karaniwang iba’t iba ang punto sa iba’t ibang bayan. Samantala, ang tono ng pagsasalita ay nagpapahayag
ng tindi ng damdamin…

Maaaring magkaiba-iba ang punto at tono bagama’t iisa ang intonasyon.

*Pagsasalaysay/paglalarawan- Dumating sila kanina.
Maganda talaga si Julrecca.

*Masasagot ng OO o HINDI- Totoo?

Sila iyon, ‘di ba?

*Pagpapahayag ng matinding damdamin

Naku, may sunog!
Hoy! Alis dyan!

*Pagbati- Kumusta ka?

Magandang umaga po.
Salamat s aiyo.

*Pagsagot sa tanong - Oo, aalis na ako.

Hindi. Hindi ito ang gusto ko.

Karagdagang Kaalaman:
() = nangangahulugang hilaw pa ang tono o hindi pa alam kung ano ang kahulugan ng salita.
/ / = nangangahulugang luto na ang tunog, may taglay na itong kahulugan.
? = tinatawag itong glottal stop o nangangahulugang sa pagbigkas ng salita ay waring may
pumipigil sa hanging galing sa bunganga sa paglabas.
Halimbawa: /SU: ka? /= vinegar
h = glottal fricative ay nangangahulugang sa pagbigkas ay malayang lalabas ang hangin mula sa
bunganga.
Halimbawa: /SU: kah/ = vomit
Bigyan mo ng pansin ang mga tunog na ginamit sa Tanka. Mapapansing ang tunog ng /h/ ay
paulit-ulit na ginamit tulad ng

PAGLALAPAT
A. Antala/ Hinto
Panuto: Basahin ang sumusunod na tula. Isulat ang buong tula at gumamit ng guhit
pahilis upang malinaw na maihatid ang mensaheng ibig ipabatid. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
AKDA ANTALA/HINTO MENSAHE
(HAIKU/TANKA)
1 Panahon ng pandemya Halimbawa:
Tayo’y magkakaisa Panahon ng pandemya/
Sama-samang sugpuin Tayo’y magkakaisa/
Ang COVID 19 Sama-samang sugpuin/
Ang misyon natin. Ang COVID 19/
Ni: Mercedes P. Tare Ang misyon natin.
2 Totoong sa new normal
Lahat ng mag-aaral
Modyul na ang inaral
Nagkandarapa
Sa pag-unawa.
Ni: Mercedes P. Tare

B. Antala/ Hinto
Panuto: Gamit ang pamantayan/rubrics sa ibaba, pumili ng isang kapamilya na siyang magbibigay ng
puntos, basahin ang mga tula at ibigay ang tono/damdaming nangingibabaw nito. Sundin ang pormat sa
ibaba
. AKDA TONO/ MENSAHE
(HAIKU/TANKA) DAMDAMIN
7. Ako’y nagalak
Sa iyong pagpaunlak
Pusong busilak.

Ni: Mercedes P. Tare

8. Rosas na pulang-pula
Bigay ng sinta
Ako ay lumigaya.

Ni: Mercedes P. Tare

PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
Para sa bilang 1 and 2. Basahing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang angkop na salita batay sa
pagkakagamit nito sa pangungusap.
1. Matinding _______ ang dinanas ng mga tao sa Pilipinas dahil sa COVID-19.
A. sa:KIT B. SA:kit C. sa:kit D. SA:KIT

2. Sobrang sakit sa _________ ang mawalan ng mahal sa buhay.

A. pu:SO B. PU:so C. pu:so D. PU:SO

3. Paano mo malaman na Haiku ang tula?

A. May tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 5-7-5 o 5-5-7 o 7-5-5
B. May tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na 10-4-4 o 5-5-8 o 8-4-6
C. May tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4-4 o 8-2-2 o 2-8-2
D. May tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 5-4-5 o 4-5-5 o 5-5-4

4. Ano ang kinaiba ng Tanka sa Haiku?

A. Tula na may limang taludtod, binubuo ng 7-5-7-5-7 na pantig
B. Tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong at may pitong pantig
C. Tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig
D. Tula na may 5 na taludtod may 7-7-7-7-7 na pantig

Para sa bilang 5-6. Alin sa sumusunod ang kasingkahulugan ng sinalungguhitang salita.

5. Haiku

Lakbay ng hirap
Pangarap ng naglayag
Tuyong lupain

A. Pagtupad sa pangarap B. Pagtitiis para sa pangarap

C. Nagdarasal na makamtan ang pangarap D. Malayo ang tingin

6. Tanka

Napakalayo pa nga
Wakas ng paglalakbay
Sa lilim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.

A. May patutunguhan B. Pagtitiis para sa pangarap

C. Nagdarasal na makamtan ang pangarap D. Malayo ang tingin

7. Tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na maaaring maghudyat ng kahulugan ng

pahayag.
A. Tono/Intonasyon B. Antala C. Diin D. Haba

8. Ito ay nagpapalinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap.

A. Tono B. Diin C. Haba D. Intonasyon

Para sa bilang 9-10 suriin kung ano ang tono o layunin ng nagsasalita
9. “Umulan ba kahapon?”

A. nagtatanong C. nagpapahayag
B. nag-aalinlangan D. nagbubunyi
10. “Ikaw ba talaga iyan?”

A. nagtataka C. naninigurado
B. nagtatanong D. nananabik
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X- NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
CONSUELO NATIONAL HIGH SCHOOL
CONSUELO, MAGSAYSAY, MISAMIS ORIENTAL
Magsaysay District II

School CONSUELO NATIONAL HIGH Grade Level & GRADE 9-

SCHOOL Section CONFIDENCE
Teacher CHARMAINE JOY C. CALLO Learning Area FILIPINO 9
Teaching Date November 9, 2022 Quarter: IKALAWANG
& Time (11:15-11:55 am) MARKAHAN
Content
Standards
Performance Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at
Standards pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng
teksto at akdang pampanitikang Pambansa upang maipagmalaki ang kulturang Pilipino.
Learning
Competencies 1. Nakahihinuha ng damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong napakinggan.
(F9PN-IIc-46)
2. Naiaantas ang mga salita (clining) batay sa tindi ng emosyon o damdamin.
(F9PT-IIc-46)
Learning Inaasahang pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay:
Objectives a. Natutukoy ang mga damdaming nangingibabaw sa tauhan sa dayalogo.
b. Nailalarawan ang katangian at ginagampanan ng mga tauhan sa pabula gamit
ang graphic organizer.
Mode of FACE-TO-FACE
Delivery
Learning Filipino 9 Self-learning module 2
Resources
Learning Self-learning modules, PowerPoint, laptop
Materials

GAWAIN
Ipapanood ang bidyu tungkol sa “Ang Hatol ng Kuneho” pabula mula sa Korea sa link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=d8Xh_AnhFRo
PAGSUSURI
1. Tama ba ang naging hatol ng kuneho sa suliranin ng tigre at ng lalaki?
Bakit?
2. Kung ikaw ang hahatol sa sitwasyon, gagawin mo rin ba ang ginawa ng
kuneho? Bakit?
3. Sa iyong palagay, kung nakapagsasalitang muli ang mga nilalang sa
kalikasan natin ngayon, ano kaya ang kanilang hatol sa ating mga tao?
Ipaliwanag.
4. Bilang kabataan, ano ang maimumungkahi mo upang maiwasan ang
pang- aabuso ng mga hayop at ang kalikasan.
5. Mahihinuha mo ba sa pabulang ito ang kultura at kaugalian ng mga taga-
Korea? Patunayan.
6.Kung may nagawang kabutihan ang ibang tao sa iyo, paano mo ito tutumbasan?

PAGTATALAKAY
Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa Korea
Ang mga hayop ay hindi lamang mga nilikhang gumagala sa kapatagan at kabundukan.
Ang mga ito ay may simbolong ugnayan sa bansa at sa mga mamamayan nito. Sa Korea,
mahalaga ang ginampanan ng mga hayop sa kanilang mitolohiya at kwentong bayan.
Ayon sa kanilang paniniwala, noong unang panahon daw ay may isang tigre at oso na
nagnais maging tao. Nang bumaba sa lupa ang kanilang diyos na si Hwanin (diyos ng
kalangitan) ay humiling ang isang tigre at isang oso na maging tao. Ang sabi ni Hwanin ay
magkulong sa kuweba ang dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob na pagnanasang
maging tao ay sumunod sa pinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad
ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba ang oso.
Pagkalipas ng 100 araw ay may isang napakagandang babae ang lumabas ng kuweba. Ang
babae ay natuwa sa kaniyang itsura at kinausap muli si Hwanin. Nagpasalamt siya sa diyos at
humiling na sana ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak na
si Hwanung (anak ng diyos ng kalangitan) at ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at
pinangalanang Dangun. Si Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang dito nagsimula ang
pagkakaroon ng simbolong hayop ang ibat’t ibang dynasty sa Korea.
Ang pabula ay isa sa mga unang panitikan sa daigdig. Noong ika–5 at ika–6 na siglo bago
si Kristo, may itinuturing nang pabula ang mga taga– India. Ang karaniwang paksa ng pabula ay
tungkol sa buhay na itinuring na dakilang tao ng mga sinaunang Hindu, si Kasyapa. Lalong
nagpatanyag ang mga ganitong kuwento sa Gresya. Si Aesop ang tinaguriang “Ama ng mga
Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog niyang aklat, ang Aesop’s Fable.
Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian o pag–uugali ng tao.

Halimbawa:
Ahas- ay karaniwan nangangahulugan ng isang taong taksil.
Pagong- makupad.
Kalabaw - matiyaga.
Palaka- mayabang.
Unggoy o matsing- isang tuso
Itinuturo ng pabula ang tama, patas, makatarungan, at makataong ugali at pakikitungo sa
ating kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinigay
nito.
Sa pagbabasa ng pabula mahalagang matutunan moa ng mga damdamin o emosyon ng bawat
tauhan upang mas lalong mauunawaan ang layunin ng awtor .
Ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa
paraang papataas ang antas nito. Nagagamit ito sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng mga salitang
may ugnayang sinonimo. Isa ito sa ginagamit ng mga manunulat upang mabibigyang diin ang
bawat karakter ng mga hayop na sumisimbolo rin sa pag-uugali ng tao.
Halimbawa:
Mga salitang nagpapahayag ng damdamin na magkakatulad ngunit may pagkakaiba sa antas
1. lungkot, pighati , hinagpis
2. damot, ganid , sakim

PAGLALAPAT
Gawain 8: Katangian ko, Tularan mo!
A. Panuto: Batay sa pabulang “Ang Hatol ng Kuneho” paano mo mailalarawan ang
katangian at ginagampanan ng bawat tauhan? Gamit ang Graphic Organizer isulat ang
sagot. Kopyahin ang format sa sagutang papel.

Pangalan Ng Tauhan Katangian Ginampanan

1. Tigre
2. Kuneho
3. Baka
4. Puno ng Pino
5. Isang lalaki

B. Punan ng mga hinihiling na kasagutan ang tsart. Isulat ang mga katangian ng tauhan na nais pamarisan
o di-dapat pamarisan at kung ano ang natutunan mula sa tauhan.
Tauhan Katangiang Nais Ugaling di -dapat Natutuhan sa
Pamarisan Pamarisan tauhan

PAGTATAYA
A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang tamang
titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.
Para sa bilang 1-4: Tukuyin ang damdaming nangingibabaw sa tauhan sa
diyalogo.
1. Myrna: “Halika na bilisan mo at aalis na tayo!”
Beth: “Hindi na lang ako tutuloy. Mukhang ayaw ninyo naman akong
kasama.”
A. pagtatampo C. paghanga
B. pagmamalasakit D. pagkahiya

2. Ina: “Ang lakas ng ulan at hindi pa nakakauwi ang iyong mga anak.”
Ama: “Oo nga, wala pa namang dalang mga payong ang mga iyon.”
A. pagkatuwa C. pag-aalala
B. pagsisisi D. pagkatakot

3. Ate: “Bakit mo pinuno ng sulat ang aking proyekto? Di ba sinabi kong

huwag mong pakialaman ito?”
Bunso: “Akala ko kasi ate hindi mo na gagamitin.”
A. pagkagalit C. pagkatuwa
B. pagmamalasakit D. paghanga

4. Mario: “Alam mo bang ikaw ang nakakuha ng pinakamataas na marka?”

Allan: “Talaga? Yehey! Nagbunga din ang aking pag-aaral kagabi.”
A. pagkatuwa C. pagtatampo
B. pagsisisi D. pag-aalala

Para sa bilang 5 Halaw sa pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”

“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?”, tanong ng puno ng pino. “Bakit ang mga dahon at
sanga namin ang kinukuha niyo upang mapainit ang inyong mga tahanan at magluto ang inyong mga
pagkain? Mga taon ang binibilang namin upang lumaki. Kapag kami’y malaki na pinuputol niyo”.

5. Ipinahiwatig ng salaysay ang NEGATIBONG ugali na ginagawa ng tao sa ating

kalikasan. Bilang kabataan ano ang dapat gawin upang maging POSITIBO.
ang salaysay.
A. Huwag puputulin ang mga maliliit na punongkahoy.
B. Magtanim ng maraming puno ng pino.
C. Panatilihing malinis ang ating mga kagubatan.
D. Iwasan ang pagputol ng mga punongkahoy at panatilihin ang pag-aalaga.
ng ating kalikasan sa tamang paraan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X- NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
CONSUELO NATIONAL HIGH SCHOOL
CONSUELO, MAGSAYSAY, MISAMIS ORIENTAL
Magsaysay District II

School CONSUELO NATIONAL HIGH Grade Level & GRADE 9-

SCHOOL Section CONFIDENCE
Teacher CHARMAINE JOY C. CALLO Learning Area FILIPINO 9
Teaching Date November 10-11, 2022 Quarter: IKALAWANG
& Time (11:15-11:55 am) MARKAHAN
Content
Standards
Performance Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at
Standards pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng
teksto at akdang pampanitikang Pambansa upang maipagmalaki ang kulturang Pilipino.
Learning 3. Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon ng pagpapahayag ng damdamin
Competencies (F9WG-IIc-48)
4. Nabibigyang puna ang kabisaan ng paggamit ng mga hayop bilang tauhan na
parang taong nagsasalita at kumikilos (F9PB-IIc-46)
5. Naisusulat muli ang isang pabula sa paraang babaguhin ang karakter ng isa
sa mga tauhan nito(F9PU-IIc-48)

Learning Inaasahang pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay:

Objectives a. Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon ng pagpapahayag ng damdamin
b. Naisusulat muli ang isang pabula sa paraang babaguhin ang karakter
ng isa sa mga tauhan nito
Mode of FACE-TO-FACE
Delivery
Learning Filipino 9 Self-learning module 2
Resources
Learning Self-learning modules, PowerPoint, laptop
Materials

GAWAIN
PAGSUSURI

PAGTATALAKAY
Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin
1. Mga pangungusap na Padamdam- mga pangungusap na nagpapahayag ng matinding
damdamin. Ginagamitan ito ng bantas na tandang padamdam (!)

Mga Halimbawa:
Sandali! Sandali! Hintay! Hintay! Ah! Ganito ang kalagayan ninyo.
Sandali! Tigre! Ah! Walang kuwenta! Patawad!

2. Maikling Sambitla- mga salitang iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng

matinding damdamin.

Mga Halimbawa:
Ah! Wow! Ngek! Ayy! Yeheey!

3. Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin ng isang tao. Mga

pangungusap na may anyong pasalaysay kaya’t
nahihinuhang hindi gaanong matindi ang damdamin.
Mga halimbawa: 1. Pagkaawa: Labis na nakakaawa ang Tigre kay bumalik ang lalaki at
tinulungan siya.
2. Pagkalungkot: “Wika ng baka, kapag kami tumanda na pinapatay at gawing pagkain.”

4. Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi

diretsahan paraan.
Mga halimbawa: 1. Naglaway ang tigre habang naglakad paikot sa lalaki.
2. Sige Tigre, pawiin mo na ang iyong gutom.

5. Mga salitang naglalarawan para sa pagpapahayag ng damdamin ng tao.

Mga halimbawa: 1. Gutom na gutom na at hapong-hapo na ang tigre.
2. Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang kuneho.

6. Mga patalinghagang pagpapahayag ng damdamin o saloobin ng tao.

Mga halimbawa: 1. Tumindig ang aking balahibo nang nakita ko ang
malaking ahas.
2.Nasusunog na ang balat ko sa araw.

Ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin ay tinatawag ding paraan

ng pagpapahayag ng emosyon o saloobin ng tao. Ito’y may malaking gampanin upang
mapalitaw ang nararamdaman ng bawat tauhan ayon sa papel na ginagampanan sa alinmang
akda o sitwasyon.
Ang damdamin ay isang emosyon na ang ibig sabihin ay ang pansariling pagtugon sa mga
pangyayaring nagaganap sa araw-araw na buhay. Ito ay nararamdaman ng isang tao depende sa
kung paano niya tinatanggap ang mga kaganapang nangyayari sa kanyang buhay.
Narito ang iba pang ekspresyon o paraan sa pagpapahayag ng damdamin:

a. Pagmamahal sa pamilya at kapwa

Halimbawa: Abala kami sa pagbibigay ng mga pagkain sa mga taong
biktima ng sunog.
b. Ang pagkalungkot sa di-inaasahang pangyayari na di-kanais-nais.
Halimbawa: Tumulo ang luha ko nang malaman kong naulila ang
batang iyan dahil sa sakit na COVID-19.
c. Ang mga pahayag na nagbibigay kasiyahan sa ibang tao
Halimbawa: “Alam mo Lucy nalaman ko na mahilig ka sa bulaklak,
kaya binilhan kita”.
PAGLALAPAT
Pangkatang Gawain

Panuto: Bibigyan ng plakards ang mga mag-aaral na may iba’t ibang ekpresyong nakasulat.
Magpapakita ang guro ng mga bidyu na merong dayalogo Sa ang Hatol ng Kuneho at
huhulaan ito ng mga grupo kung anong ipinapakita na mga ekspresyon at kung alam na
nila ang sagot ay itataas nila ang plakards .

1.”Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako.”

A. tiyak na damdamin ng tao C. pandamdam
B. patalinghagang pahayag D. maikling sambitla
2. Tila labis ng nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upang
tulungan ito.
A. paghanga C. pagtulong
B. pagmamakaawa D. pagkagalit
3. Gutom na gutom at hapong-hapo na ang Tigre.
A. patalinghaga C. paglalarawan
B. di tiyak na pagpapahayag D. Padamdam
4. “Sa ganang akin, walang duda sa kung anong dapat gawin”, wika ng baka.
A. pagmamakaawa C. isang sambitla
B. paglalarawan D. hindi diretsahang pagpapahayag ng damdamin
5. “Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?”, tanong ng puno ng pino.
“Bakit ang mga dahon at sanga namin ang kinukuha ninyo upang mapainit
ang inyong mga tahanan at magluto ang inyong mga pagkain?
A. pagpapahayag ng paghanga C. pagpapahayag ng galit
B. pagpapahayag ng pagmamahal D. pagpapahayag ng panunumbat
6. “Pakiusap, bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon. Tanungin natin ang
kuneho para sa kanyang hatol kung dapat mo ba akong kainin”.
A. nagmamakaawa C. nagagalit
B. nakikiusap D.nalulungkot
7. Dahil sa sobrang ____________________ikinamamatay niya ang pagkawala ng
kanyang anak.
A. pangamba C. paghihinagpis
B. pagkalungkot D. pighati
8.Nangatog ang katawan ng lalaki sa _____________ nang paikot na naglakad ang
tigre para kainin siya.
A. pangamba C. kaba
B. takot D. galit
9. “Bakit ang mga dahon at sanga namin ang kinukuha ninyo upang mapainit
Ang inyong mga tahanan at maluto ang inyong mga pagkain?” Anong paraan
ng pagpapahayag ng damdamin ang pahayag?
A. paglalarawan C. pagmamahal sa kapwa
B. pagtatanong D. pagmamalasakit
10. Ang mga kabataan ay abala sa pagbibigay ng mga pagkain sa mga biktima
ng sunog.
A. pagmamahal sa pamilya C. pagmamahal sa kapwa
B. paglalarawan D. pagbibigay kasiyahan

PAGSUSURI
Gawain 9: Bagong Pabula, Sariling Likha
Magbasa, makinig o manood ng iba pang mga pabulang gusto o ibig ninyo. Isulat muli ang
pabula at baguhin ang karakter ng isa sa mga tauhan nito.
Pamantayan sa Pagmamarka Puntos Aking
Puntos
Malinaw na nailalahad ang nilalaman ng pabula 4 puntos
Lohikal ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari 4 puntos
Maayos at malinis ang pagkakasulat 4 puntos
Pagiging malikhain 3 puntos
Kabuuan 15 punots
Prepared by: Reviewed and checked by:

CHARMAINE JOY C. CALLO URIEL F. YHAPON

Teacher I Department Head

Approved by:

ANELITO B. CALLO, PhD.

Secondary School Principal I

You might also like