You are on page 1of 2

OUR LADY OF PEACE HIGH SCHOOL

Curahab, Malabang, Lanao del Sur, 9300


SY 2021-2022

Banghay Aralin sa
Filipino Baitang VII

I. Layunin
1. Natutukoy ang dalawang uri ng antas ng Wika Batay sa Pormalidad;
2. Nailalahad kung ano ang kahalagahan nang antas ng Wika Batay sa Pormalidad;
3. Naisalin ang bawat halimbawang salita sa iba’t ibang gamit ng wika ayon sa pormalidad nito.

II. Paksang Aralin

Paksa: Antas ng Wika Batay Sa Pormalidad


Sanggunian: aklat sa Pinagyamang Plumas a Filipino 7, Pahina 59- 162
Kagamitan: Loptop, TV, Manila paper, Pentel pen at chalk
Pagpapahalaga: Pagbibigay halaga sa mga Iba’t ibang antas ng pananalita o wikang ginagamit

III. Pamamaraan
A. Pagbabalik-aral
1. Ano ang paksang tinalakay natin n’ong nakaraang tagpo?

B. Pagganyak
1. Pagpapakita ng dalawang uri ng awitin at ipakilala sa mag-aaral ang kaibahan nito.
A. Ano ang inyong Nakita?
B. Ano ang napansin ninyo sa dalawang awitin?
C. Sa tingin, ninyo, May kaugnayan kaya ito sa paksang tatalakayin natin ngayon?
D. Kung gayun, ano kaya ang paksang posibleng tatalakayin natin ngayon?

C. Paglalahad
1. Una sa lahat ay bigyang kahulugan ang Antas ng Wika batay sa Pormalidad.
2. Pagbigay kahulugan ng Dalawang Uri ng Antas ng Wika batay sa Pormalidad.
3. Pagbigay ng mga salitang halimbawa pagkatapos, ang mag-aaral naman ang magbigay
halimbawa.
4. Pangkatang Gawain
Panuto: Gamit ang mga natutunan ukol sa tinalakay magtala ng mga halimbawang
salita.
Ibigay ang salitang pormalidad nito at impormal na salita nito. Pagkatapos
ilahad ito sa harap ng klase. Magbigay ng 5 halimbawa. Tapusin ito loob ng 5
minuto.

PAMANTAYAN:

NILALAMAN 5 PUNTOS
PAGLAHAD
 Lakas ng boses 5 PUNTOS
 Tindig 5 PUNTOS
 Kumpas ng 5 PUNTOS
kamay 5 PUNTOS
KALINISAN NG GAWA
KABUOAN 25 PUNTOS

D. Paglalahat

1. Ano-ano ang tatlong uri ng Impormal na wika?


2. Ano ang Ibig sabihin ng Pormal na salita?
3. Sa tingin ninyo, bilang mag-aaral. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga wika?
4. Kung may mga salita na tayong binibigkas. Ano ang kaugnayan ng mga kilos natin sa ating mga
pananalita? Samantalang naiintindihan naman natin ang salitang ating binibigkas?
5.Kinakailangan ba talaga ang magkasama ang salita at kilos? Bakit ?

IV. Pagtataya
- Sa inyong aklat sa pahina 163-164 sagutan ang “ Madali Lang ‘Yan” at Subukin Natin sa loob ng Sampong
Minuto sa ¼ na papel.
V. Takdang Aralin

Magsaliksik ng isang awiting-Bayan. Pagkatapos isalin ito sa tatlong uri ng impormal na salita batay sa
pormalidad. Isulat sa Long bond paper. Ipasa sa susunod nating tagpo.

You might also like