You are on page 1of 1

Name: Robert R.

Valiente

SANAYSAY

1 .Ang kabuluhan ng wika at kultura ay tulay nga ba upang makamit ang kapayapaan at
pagkakaisa sa loob ng lipunan? Ipaliwanag.

➢ Para sa akin ang wika at kultura ay may malaking kabuluhan sa pagkamit ng


kapayapaan at pagkakaisa sa loob ng lipunan. Sapagkat ang wika ay isa sa
pangunahing instrumento ng komunikasyon na siyang dahilan upang nag-
uugnay ang mga tao sa isang kultura dagdag pa rito ang wika ay nagbibigay ng
kasarinlan, diwa, at saloobin sa isang komunidad. Ang kultura naman ay ang
kabuuan ng mga katangian at mga gawain na naipapasa ng henerasyon papunta
sa bagong henerasyon at ito rin ay nagpapakita ng mga kaugalian, tradisyon,
paniniwala, at halaga ng isang lipunan tunay nga’t dapat nating ipagmalaki at
alagaan ang ating wika dahil ito ang sumisimbolo ng ating kultura at
pagkakakilanlan at ito rin ang tulay upang makamit natin ang kapayapaan at
pagkakaisa sa loob ng lipunan dahil ito ay nagpapalaganap ng respeto,
pagtanggap, pag-unawa, at pagmamahal sa bawat isa.

2. Bilang pangkalahatang kaalaman,ano ang mahalagang dapat na isaalang-alang ng


isang mag-aaral na katulad mo,upang magkaroon ng kapakinabangan sa lipunan?
Ipaliwanag.

➢ Ang isang mahalagang bagay na dapat isaalang-alang ng isang mag-aaral na


katulad ko, upang magkaroon ng kapakinabangan sa lipunan, ay ang pag-aaral
ng mabuti at ang pagpili ng isang kurso na naaayon sa aking hilig at kakayahan.
Sa ganitong paraan, makakatulong ako sa pag-unlad ng ekonomiya at
pamayanan sa pamamagitan ng aking mga kaalaman at kakayahan. Bukod pa
rito, dapat maging aktibo rin ako sa mga samahang may positibong layunin,
tulad ng mga organisasyon na nagtataguyod ng kapayapaan, katarungan,
kalikasan, at iba pa. Sa pamamagitan nito, makakatulong ako sa
pagpapalaganap ng mga mabuting adhikain na nagpapakita ng kalagayan ng
ibang tao. Higit sa lahat, dapat ko ring tandaan at isa puso na ang aking mga
desisyon sa buhay ay may epekto sa aking pagkatao at sa ibang tao, kaya dapat
kong isaalang-alang ang mga ito sa bawat pagkakataon.

You might also like