You are on page 1of 5

Banghay

Aralin
Parsyal na Kahingian sa Kursong Mga
Sining sa Bansa
Para sa Titulong Pantas ng Sining sa
Filipinolohiya
Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

Isinumite ni:
Bb. Shaira Ann R. Columna
Oktubre 23, 2023

Isinumite kay:
Dr. Erico M. Habijan

Guro BB. SHAIRA ANN R. COLUMNA Antas BAITANG 12


Petsa OKTUBRE 23, 2023 Asignatura FILIPINO SA PILING LARANG
(AKADEMIK)
Oras: 11: 00 am – 2:00 pm Markahan UNANG MARKAHAN/SEMESTRE

I. MGA LAYUNIN

Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t


A. Pamantayang Pangnilalaman ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan
(Akademik)

Nakabubuo ng malikhaing portfolio ng mga orihinal na sulating


B. Pamantayan sa Pagganap
akademik ayon sa format at teknik

CS_FA11/12PN-0j-l-92
Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan upang
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto makabuo ng sinopsis/buod
CS_FA11/12WG-0p-r-93
Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na
paggamit ng wika

 Natutukoy ang pelikulang Ded na si Lolo.


 Napahahalagahan at naisasabuhay ang aral na hatid ng
pelikula.
D. Mga Tiyak na Layunin
 Nagagamit ang angkop na format at hakbang, mga dapat
isaalang-alang sa pagsulat ng akademikong sulating
sinopsis/buod sa pelikulang napanood.

Aralin 3:
II. NILALAMAN Pagsulat ng Iba’t ibang Uri ng Paglalagom (Sinopsis / Buod)

III. MGA KAGAMITAN SA PAGKATUTO

Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larang (Akademik), pahina


26-30

A. Sanggunian Filipino sa Piling Larang (Akademik) Curriculum Guide - Senior High


(Teksbuk at Internet) School – Applied Subject. Studocu. (n.d.).
https://www.studocu.com/ph/document/cor-jesu college/curriculum-
development/filipino-sa-piling-larang-akademik-curriculum-guide/
56788618

B. Iba pang Kagamitang Panturo


mga biswal, laptop, projector, speaker, awit ng Hindi kita malilimutan
ni Basil Valdez, video ng pelikulang Ded na si Lolo

II. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG  Panalangin
GAWAIN (Routine) Pangungunahan ng mag-aaral ang pambungad na panalangin
Gamit ang  Pagbati
MOL ng bawat
Pagbati ng mga mag-aaral sa punong-guro, puno ng kagawaran, mga guro at mga
pangkat
(Management panauhin
of Learning )  Pagtatala ng liban
Pagbanggit ng liban ng kinatawan ng bawat pangkat
 Kumustahan
Pagkumusta sa mga kalagayan ng mga mag-aaral
B. BALIK-ARAL Itatanong ng guro kung ano ang huling aralin na tinalakay. Aalamin ng guro ang pagkatuto ng klase
(Review) sa araling “Pagsulat ng Sinopsis/Buod” sa pamamagitan ng larong “ Guess What.” Gamit ang mga
larawan ay tutukuyin ng klase ang mga hakbang sa pagsulat ng sinopsis o buod.

C. PAGLALAHAD Batay sa mga natukoy na mga hakbang ng pagsulat ng sinopsis o buod, magkakaroon muli
(Presentation) maikling talakayan tungkol dito.Gamit ang mga tanong sa ibaba.

 Ano ang sinopsis o buod?Ano ang katangian at layunin ng ganitong akademikong sulatin?
Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat nito?
 Ano kaya ang gagawin o tatalakayin sa araw na ito kung ang tinalakay natin ay araling
Sinopsis/Buod?

Ilalahad ng guro na sila ay lilikha ng isang sinopsis o buod ng pelikulang ipapanood ng guro sa
klase. Upang malaman ang paksa ng pelikula ay magkakaroon ng gawain ang klase.
D. PAGGANYAK Papipikitin ng guro ang mga mag-aaral habang ipinaririnig ang awiting “Hindi Kita Malilimutan ni
(Motivation) Basil Valdez.” Matapos mapakinggan, magkakaroon ng maikling talakayan ang klase tungkol sa
kanta gamit ang mga gabay na tanong sa ibaba:

1. Ano ang pamagat ng kantang napakinggan?


2. Tungkol saan ang awiting ito?
3. Saan karaniwan napakikingan ang ganitong klase ng awitin?
4. Masakit bang mawalan ng minamahal sa buhay? Ipaliwanag.
5. Minsan na rin bang kayong nawalan ng minamahal? Kung oo, ano ang naramdaman ninyo
sa araw/panahon na iyon?

6. Sa inyong palagay, ano kaya ang paksa o tungkol saan kaya ang mapapanood nating
pelikula? Ganun din kaya ang naramdaman ng mga karakter sa pelikula na tulad ng ilan
sa inyo na nawalan ng minamahal sa buhay?
E. PANONOOD Ipanonood ang pelikulang “Ded na si Lolo na dinerehe ni Soxy Topacio”.Pagkatapos, magkakaroon
(Lesson Proper) ng talakayan ang klase gamit ang mga gabay na tanong sa ibaba.

Gabay na tanong:
1. Sino-sino ang mga karater sa pelikula?
2. Tungkol saan ang pelikula?
3. Ano ang balangkas ng kuwento ng pelikula?
4. Ano-ano ang mga tradisyon at pamahiin ang nakita mo sa pelikulang ded na si lolo na
nakaimpluwensya sa pag-uugali at desisyon ng mga tauhan sa kwento?
5. Ano ang mga pagbabago sa mga karakter sa dulo ng pelikula, at paano ito naghulma sa
kanilang mga desisyon at pag-uugali?
F. PAGLALAHAT Ano-ano ang mga aral na maaaring makuha mula sa pelikula, lalo na hinggil sa pagpapahalaga sa
(Generalization) pamilya, gayundin sa integridad at katapatan ng isang tao?
G. PAGLALAPAT Bumuo ng buod ng pelikulang Ded na si Lolo. Gamitin ang pamantayan sa pagpupuntos sa ibaba
(Application) sa paglikha ng gawain.

4 3 2 1
Ang synopsis/buod Ang synopsis/buod Ang synopsis/buod Ang synopsis/buod
na nabuo ay na nabuo ay na nabuo ay na nabuo ay di
talagang organisado, maingat bahagyang naging organisado,
organisado, maingat na naisulat, wasto, organisado, naisulat hindi maayos ang
na naisulat, wasto at angkop ang nang may pagkakasulat, hindi
at angkop ang wikang ginamit. bahagyang wasto at angkop
wikang ginamit. CS_FA11/12WG- kaingatan, may ang wikang ginamit.
CS_FA11/12WG- 0p-r-93 kawastuhan, at may CS_FA11/12WG-
0p-r-93 kaangkupan ang 0p-r-93
wikang ginamit.
CS_FA11/12WG-
0p-r-93

H. PAGTATAYA Natunghayan
(Assessment) natin ang iba’t ibang
tradisyon at pamahiin sa
patay sa pelikulang
napanood. Ihambing mo
naman ngayon ang
tradisyon at pamahiin sa
patay sa kasalukuyang
panahon sa pamamagitan
ng Venn Diagram.
I. TAKDANG ARALIN Punan ang graphic organizer sa ibaba. Ibigay ang kahulugan, katangian, layunin, at gamit ng
(Assignment) synopsis/buod.

You might also like