You are on page 1of 14

Heograpiya at

Kasaysayan ng Pilipinas
Araling Panlipunan – Ika-Limang Baitang
Ika-apat na Markahan – Modyul 1: Naipapaliwanag ang mga salik na nagbigay
daan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Lovely M. Delos Reyes
Editor: Rose B. Impuesto
Tagasuri: Pangalan
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 5
Ika-apat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 1
Naipapaliwanag ang mga salik na
nagbigay daan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng Modyul
para sa araling Naipapaliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Aralin Panlipunan 5 Modyul ukol sa mga salik


na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
INAASAHAN
Pagkatapos ng mga gawain sa bawat modyul na ito, ikaw ay inaasahang
nakatatalakay ng mga lokal na pangyayari tungo sa pag-usbong ng pakikibaka ng
bayan.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at isulat ang titik ng


tamang sagot sa pagpipilian.

1. Siya ang nagpatupad ng programang monopolyo sa tabako noong


taong 1782.
A. Ferdinand Magellan
B. Miguel Lopez de Legazpi
C. Pedro Bravo de Acuńa
D. Jose Basco y Vargas
2. Ang mga sumusunod ay mga kadahilanan ng pag-aalsang Agraryo ng
mga Pilipino noong 1745. Alin ang hindi kabilang dito?
A. Ang mga prayle ay naging mapang-abuso sa usaping agraryo.
B. Kinamkam ng mga prayle ang lupa mula sa mga katutubo.
C. Tinanggal ng mga prayle ang nakamulatang karapatan ng mga
katutubo.
D. Ipinangaral ang relihiyong Kristiyanismo at sapilitang
ipinatatanggap sa mga katutubo.
3. Ito ay tunggalian sa pagitan ng mga bansa sa Europa mula 1756
hanggang 1763.
A. Seven Years War
B. Cold War
C. World War II
D. Gulf War
4. Siya ang namuno sa pag-aalsa sa Ilocos noong okupasyon ng mga
British sa Maynila taong 1762 na matagumpay na nakapagpaalis ng
mga Espanyol sa kanilang probinsiya.
A. Andres Bonifacio
B. Jose Rizal
C. Diego Silang
D. Agustin Sumuroy
5. Siya ay pinuno ng pag-aalsa na naghangad maging isang pari sa
murang edad at kaniyang itinatag ang kapatirang Cofradia de San
Jose.
A. Jose Rizal
B. Gabriela Silang
C. Apolinaryo Mabini
D. Apolinaryo de la Cruz

BALIK-ARAL

✓ Sino-sino ang mga katutubong Pilipino na lumaban sa mga Kastila


upang mapanatili ang kasarinlan at matamo ang kalayaan ng bansa?
✓ Paano maipapakita ang pagpapahalaga sa mga nagawa at sakripisyo
ng ating mga katutubong bayani?

ARALIN

Mga Pangyayari sa Loob ng Bansa At Implikasyon Nito sa mga Pilipino

Ang mga patakaran at pagbabagong ipinatupad ng mga Espanyol sa


Pilipinas ay umani ng iba’t ibang pagtuligsa mula sa mga katutubo. Habang
ang iba ay naging masunuring binyagang-Kristiyano, ang ilan naman ay
nagpakita ng pagtutol sa mga pagmamalabis dulot ng mga maling
pamamalakad ng mga pinunong Espanyol, mapang-abusong patakaran, at
mga panyayari sa loob ng bansa na nakaapekto sa pamumuhay ng mga
Pilipino.

A. Mga Karanasan at Pagtutol sa Monopolyo sa Tabako

Monopolyo ng Tabako- Ito ay programa ni Jose Basco y


Vargas; kung saan pinangasiwaan ng pamahalaan ang
pagtatanim ng tabako at sapilitang pinagtatanim ang mga
Pilipino.

(https://www.bing.com/images/search?view=detailV2&ccid=NwgG5gmL&id=DAA3E4B613A5A2FA4854E58B75041EA25162FD96&thid=OIP.NwgG5gmL5bJlMnZUZ6B6JQAAAA&mediaurl=http%3a%2f%2fu
pload.wikimedia.org%2fwikipedia%2fcommons%2ff%2ff8%2fF%25C3%25A9lix_Berenguer_de_Marquina.jpg&exph=145&expw=135&q=jose+basco+y+vargas&simid=608052848324051484&ck=86CDFB0B4
28FD7C5E5AA541C33358688&selectedIndex=7&FORM=IRPRST&ajaxhist=0
Mga Kadahilanan ng Pagpapatupad ng Monopolyo ng Tabako noong 1782:

1. Bilang pagkukunan ng karagdagang kita ng Spain, gayundin ng


pamahalaang Espanyol sa Pilipinas.
2. Bilang tulong sa pagdagdag ng ani ng nasabing halaman upang
matugunan ang tumataas na pangangailangan sa pandaigdigang
pamilihan.

Mga Karanasan ng mga Pilipino sa Pagpapatupad ng Monopolyo ng


Tabako:
1. Panandaliang nabigyan ng karampatang kabayaran para sa
kanilang mga ani ang mga kalahok na magsasaka at sa kalauna’y
hindi sila binabayaran sa itinakdang halaga ng mga kolektor at ang
natira ay kanilang sinasarili.
2. Inilipat sa maliliit na magsasaka ang pagtatanim ng tabako sa halip
na sa malaking plantasyon.
3. Sa patuloy na pagmamalabis ng mga Espanyol sa mga Pilipino ito
ay naging dahilan ng kalat na rebelyon sa mga lalawigang kalahok.

Mga Pag-aalsa Laban sa Monopolyo ng Tabako:

1. Pag-aalsa ni Magalat sa Cagayan (1596) laban sa hindi makatarungang


pagbubuwis at pagmamalabis sa monopolyo sa tabako.
2. Pag-aalsa nina Lagutao at Baladdon ng Kalinga (1785) sa Ituy at
Paniqui(sa kasalukuyang Isabela.)
3. Pag-aalsa ng mga taga-Samal sa Bataan (1787) bilang pagtanggi sa
pagpapatupad ng estanco o monopolyo sa tabako sa lalawigan.
4. Isang rebelyon din ang sumiklab sa Laoag (1788) dulot ng kawalan ng
hustisya sa mga bagong patakaran ng monopolyo.

*1882- Tuluyang binuwag ang operasyon ng monopolyo sa tabako sa


ating bansa sa pamumuno ni Gobernador Primo Rivera sa
kadahilanang maraming mga Pilipino ang nakaranas ng pang-aabuso
dahil rito.

B. Pagtutol sa Bagong Patakarang Agraryo

Pag-aalsang Agraryo noong 1745


-Ito ay isang pagkilos upang tubusin o bawiin sa mga prayle at mga
orden ang mga lupang pamana sa kanilang mga ninuno o ancestral domain.
Ancestral Domain- ito ay mga lupa, teritoryo, at kayamanan na likas na
pagmamay-ari ng mga katutubo.
-Sumiklab ito sa Katagalugan sa pangunguna ng mga bayan ng Lian at
Nasugbu sa Batangas sa pagitan ng 1745 at 1746.
-Ang pag-aalsa ng mga Agraryo ay umabot sa mga karatig lalawigan ng
Laguna at Cavite, maging sa Bulacan.

Mga Kadahilanan ng Pag-aalsang Agraryo noong 1745:


1. Pang-aabuso ng mga prayle sa agraryo.
2. Pangangamkam ng mga prayle ng lupa mula sa mga katutubo.
3. Pagtanggal ng mga nakamulatang karapatan ng mga katutubo.

Mga Bunga ng Patakarang Agraryo noong 1745:


1. Lumaganap ang kaguluhan at naging talamak ang pagananakaw sa
mga kumbento.
2. Ang ilang simbahan, kabukiran ay winasak at sinunog ng mga
katutubo.
3. Ipinakita ng pag-aalsang ito ang kakayahan at kapangyarihan ng
mga prayle hindi lamang sa usaping panrelihiyon kung hindi maging
sa ibang aspekto ng pamumuhay ng kolonya.

C. Okupasyon ng mga British sa Maynila noong 1762

Seven Years War


-Ito ay isang tunggalian sa pagitan ng mga bansa sa Europe mula 1756
hanggang 1763.
-Nag-ugat ito sa tunggalian sa kapangyarihan ng Great Britain at
France.
-Lumawak ang digmaaang ito dahil sa partisipasyon ng kanilang mga
kaalyadong bansa, at hindi natigil sa Europe ang epekto ng digmaan dahil
ang mga
kolonya nilang bansa sa daigdig ay naging bahagi dito.

Mga Alyansa ng Bawat Bansa:


1. Great Britain- Prussia at Portugal
2. France- Spain at Austria

Mga Pangyayari sa Pilipinas Bilang Kolonya ng Spain:

Ang Pilipinas bilang kolonya ng Spain ay hindi nakaligtas sa digmaan sa


pagitan ng Great Britain at France.

1. Setyembre 23, 1762- Narating nina Rear-Admiral Samuel Cornish at


Brigadier General William Draper, kasama ang mga sundalong British at
sepoy ang Pilipinas upang sakupin ang mga kolonya ng Spain sa Timog
Silanga-Asya. Sepoy-mga sundalong Indian.

2. Unang sinalakay ang Manila Bay kaysa sa Cavite sa paniniwalang mula


rito ay higit na mapapadali at mapapalawak ang kanilang opensiba dahil ang
Maynila ay itinuturing na isa sa pinakamahalagang daungang pangkalakalan
sa daigdig, at ang pagsakop dito ay nangako ng dagdag na kita sa kanilang
imperyo.

3. Sa mga sumunod na buwan ng taong 1762 sinalakay at napabagsak ng


mga British ang Intramuros (Laban sa Maynila 1762) at Cavite.

4. Disyembre 14,1762- Sa pamumuno ni Diego Silang matagumpay na


napaalis sa Ilocos ang mga pinunong Espanyol. Dahil dito inihayag si Silang
bilang isang bandido. Bandido- isang tao na "nasa labas ng batas" na sa
pangkaraniwan ay dahil sa siya ay nakagawa ng seryosong mga krimen.

5. Sultan Alimuddin I- Kapalit ng Kalayaan nito mula sa pagkakakulong sa


Fort Santiago ay ang paglagda ng kasunduang tumulong sa mga British na
mapasok ang East India Company, ang Sultanato ng Sulu.

6. Pebrero 10, 1763-Nagwakas ang Seven Years War sa paglagda ng Treaty


of Paris. Hindi batid ng mga lumagda na napasailalim sa Britain ang Maynila
sa panahong ito.

7. Abril 1764-Tuluyang na lamang nilisan ng mga British ang Maynila


pagdating ng bagong gobernador-heneral mula sa Spain na si Simon de Anda.

D. Pag-aalsa ni Pule noong 1840-1841


- Ito ay isa sa pinakatanyag na pag-aalsang panrelihiyon na naganap
noong Hunyo 1840 hanggang Nobyembre 1841.

Apolinario de la Cruz o Hermano Pule

-Pinuno ng pag-aalsa na naghangad maging isang pari sa murang edad.


Ngunit siya ay nabigo sa kadahilanang ang mga Espanyol lamang ang may
karapatang maging bahagi ng orden at maging paring regular.

-Nagtatag ng kapatirang Cofradia de San Jose noong 1832 at kinilala siya rito
bilang Hermano Pule.

Cofradia de San Jose

-Isang kapatirang panrelihiyon na kinabibilangan ng mga indio o Pilipino.

-Ito ay samahang naglalayong paigtingin ang pagsasagawa ng mga


mabubuting gawain ng isang Kristiyano. Ito ay ang binagong Kristiyanismo
na ibinagay sa pangangailangan at pamumuhay ng mga katutubo kung saan
ito ay labis na ikinagalit at tinutulan ng mga Espanyol.

Gobernador-Heneral Marcelino de Oraa Lecumberri

-Siya ang nagbuwag sa kapatiran ng samahang Cofradia de San Jose


at nagpadakip kay Hermano Pule na nakatakas at nagtago sa Barrio Gibanga.
Ipinakulong at hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad sa
edad 27. Ang kaniyang katawan ay pinagputol-putol at ibinandera sa publiko
upang magsilbing babala sa mga magnanais na lumaban sa pamahalaan.

Dalawang Uri ng Pari/Prayle:

1. Paring Regular- Mga paring Espanyol na kabilang sa mga ordeng


relihiyoso.
2. Paring Sekular- Mga paring Pilipino o indio na hindi nabibilang sa
ano mang ordeng relihiyoso.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay I
Panuto: Pagtukoy sa Konsepto. Bilugan ang salitang binibigyang-kahulugan
sa mga sumusunod na pangungusap.
1. Programa ni Jose Basco (Monopolyo ng Tabako, Seven Years War)
2. Isang tao na "nasa labas ng batas" na sa pangkaraniwan ay dahil sa
siya ay nakagawa ng seryosong mga krimen. (Sepoy, Bandido)
3. Mga bansang kaalyansa ng bansang Great Britain. (Prussia at Portugal,
Spain at Austria)
4. Tawag sa mga sundalong Indian (Sepoy, Mersenaryo)
5. Taon kung kaylan tuluyang ipinatigil ang operasyon ng monopolyo sa
tabako sa Pilipinas. (1892, 1882)
Pagsasanay II
Panuto: Bilugan ang titik ng sagot ng salitang katambal ng ikalawang pares
ng salita.
1. Seven Years War: 1763, Monopolyo sa tabako: __________
A. 1756 B. 1882 C. 1746 D. 1782
2. Prussia at Portugal: Great Britain, Spain at Austria: __________
A. Pilipinas B. Amerika C. France D. Tsina
3. Magalat: __________, Lagutao at Baladdon: Kalinga
A. Cagayan B. Cavite C. Laoag D. Samal
4. ____________: Sapilitang pinagtatanim ng tabako ng mga Pilipino, Pag-
aalsang Agraryo noong 1745: Pang-aabuso ng mga prayle sa agraryo.
A. Okupasyon ng mga British sa Maynila
B. Pag-aalsa ni Pule
C. Pag-aalsang Pampolitika
D. Monopolyo ng Tabako
5. Pag-aalsang Agraryo:1745-1746, ____________: 1840-1841.
A. Okupasyon ng mga British sa Maynila
B. Pag-aalsa ni Pule
C. Pag-aalsang Pampolitika
D. Monopolyo ng Tabako

Pagsasanay III
Panuto: Isulat ang T kung katotohanan at M kung walang katotohonan ang
mga sumusunod na mga pangungusap.

_____1. Ang monopolyo sa tabako na programa ni Jose Basco ay malaking


tulong sa mga magsasakang Pilipino.
_____2. Ang pangangamkam ng mga prayle sa lupa ng mga katutubo ay isa sa
kadahilan kung bakit nag-alsa ang mga Pilipino noong 1745.
_____3. Ang Maynila ay itinuturing na isa sa pinakamahalagang daungang
pangkalakalan sa daigdig.
_____4. Si Simon de Anda ang bagong gobernador-heneral mula sa Spain
noong Abril 1764 ng tuluyang nilisan ng mga British ang Maynila.
_____5. Ang mga Pilipino sa Panahong kolonyal ay may karapatang maging
paring regular at maging kabilang sa mga ordeng relihiyoso.

PAGLALAHAT

Panuto: Punan ang patlang ng salita o lipon ng mga salita upang mabuo ang
diwa na ipinapahayag ng bawat pangungusap.

1. Ang monopolyo ng tabako ay itinatag upang


_________________________________________________________________.
2. Ang pag-aalsang Agraryo noong 1745 ay bunsod ng
_________________________________________________________________.
3. _____________________________ ito ay lumawak dahil sa partisipasyon
ng kanilang mga kaalyadong bansa, at hindi natigil sa Europe ang
epekto ng digmaan dahil ang mga kolonya nilang bansa sa daigdig
ay naging bahagi dito.
4. Ang pag-aalsa ni Pule ay isa sa __________________________________.
PAGPAPAHALAGA

Ang mga Pilipino sa panahong kolonyal ay nakaranas ng mga pasakit at


paghihirap mula sa mga mananakop na Espanyol sa loob ng napakahabang
panahon. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong
pasasalamat sa mga Pilipinong nagsakripisyo at nagbuwis ng buhay upang
makamit ang kalayaan ng ating bansa mula sa mga mananakop?

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Ano ang dahilan ng pag-aalsa ni Pule?
A. Inagaw sa kanya ang mga lupaing minana nito sa kanyang mga
ninuno.
B. Tinutulang maging paring regular at maging kasali sa mga
samahang orden.
C. Sapilitang pinagbabayad ng buwis.
2. Alin sa inyong palagay ang mabuting idinulot ng digmaaang Espanyol
at Ingles sa Maynila?
A. Namulat ang mga Pilipino na maaaring talunin ang mga Espanyol.
B. Sinakop ang Pilipinas ng mga Ingles.
C. Pumasok ang kulturang Ingles.
3. Alin sa sumusunod ang naging epekto sa mga Pilipino ng monopolyo
sa tabako?
A. Yumaman ang mga Espanyol
B. Lumaganap ang kalakalang tabako
C. Humirap ang mga magsasaka
4. Ito ay isang pagkilos upang tubusin o bawiin sa mga prayle at mga
orden ang mga lupang pamana sa kanilang mga ninuno o ancestral
domain.
A. Pag-aalsang Agraryo noong 1745
B. Seven Years War
C. Pag-aalsa laban sa Monopolyo ng Tabako
5. Bakit maraming magsasakang Pilipino ang naapektuhan sa itinatag
na monopolyo ng tabako ng mga Espanyol?
A. Sapilitan silang pinagtatanim ng halamang tabako at marami ang
hindi nabayaran.
B. Pinalitan ang mga magsasaka ng ibang taong magtatanim ng
halaman ng tabako.
C. Itinatag ang monopolyo ng tabako upang paunlarin ang mga
magsasakang Pilipino.

SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian
Gabuat, M. A. P., Mercado, M. M., & Jose, M. D. D. L. (2016). Araling
Panlipunan 5: Pilipinas Bilang Isang Bansa. Quezon City: Vibal Group, Inc.
pp. 227-231.
Ang mga larawan ay hango sa google chrome.

You might also like