You are on page 1of 18

3

Filipino
Unang Markahan - Modyul 5

Pahiwatig ko, Kuha mo?

AIRs - LM
Asignatura
Unang Markahan - Modyul 5
Pahiwatig ko, Kuha mo?

Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi © 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Evangeline M. Milan, Tavora ES, Pugo District


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

ATTY. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph.D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Magandang araw sa iyo!


Handa ka na ba sa susunod nating modyul?
Napansin mo ba na kapag nagbabasa kayo ng mga
salitang hindi niyo maintindihan ay di niyo namamalayan na
nandoon na pala sa pangungusap ang ibig nitong sabihin.

May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang ma-


hasa ang iyong kaalaman tungkol dito.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• nakakagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan


ng mga salita tulad ng paggamit ng mga palatandaang
nagbibigay ng kahulugan (katuturan o kahulugan ng salita,
sitwasyong pinanggamitan ng salita, at pormal na depinisyon
ng salita. (F3PT-Ic-1.5, FPT-IId-1.7, F3PTIIa-2.3)
Inaasahan din na maisasagawa mo ang mga karagdagang
kompetensi:
- natutukoy ang kahulugan ng salita na nakapaloob sa
pangungusap.
- nakikilala ang mga pahiwatig na nakapaloob sa
pangungusap.
Aralin Paggamit ng Pahiwatig
1

Simulan
Maaari nating malaman ang kahulugan ng isang salita
batay sa iba pang salita o pahiwatig na kasama nito sa
pangungusap. Piliin ang salitang kasingkahulugan nito. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.

1. “Pumunta kami sa probinsiya ni Tatay noong Pasko, Itinuro ni


Tatay ang isang lumang bahay, Ito raw ang bahay na
kinalakhan nilang magkapatid.
Ang kinalakhang bahay ay ang bahay kung saan sila
____________________.
A. nag-aral B. naglaro C. tumira mula pagkabata

2. “Wala akong kalaro”,sabi ni Ernesto habang malungkot na


nakaupo sa sulok,”Tama na ang pagmumukmok,”sabi ng ate
niya,”Halika,maglaro tayo.”
Kapag nagmumukmok ang isang tao,siya ay ______________
A. natutuwa B. nagugulat C. nalulungkot

3. Maglalakbay kaming magkapatid. Sasakay kami sa


eroplano papuntang Cebu.Tapos, sasakay kami sa bapor
papuntang Bohol.
Ang ibig sabihin ng maglalakbay ay ________________
A. Magluluto B. maglalaro C. pupunta sa ibang lugar

4. Masama ang panahon dahil sa paparating na bagyo.


Tumaob ang sinasakyang bangka ng mga mangingisda at
nahulog sila sa tubig.
Ang ibig sabihin ng tumaob ay____________
A. bumaliktad B. lumipad C. umalis
5. Ang mag-anak ni Don Jose ay nakatira sa mansion. Maraming
kuwarto ang napakaluwang na bahay
Ang ibig sabihin ng napakaluwang ay ____________
A. malaking bahay B. maliit na bahay C. walang nakatira

Lakbayin

Laging tandaan sa pagkuha ng kahulugan ay sa pama-


magitan ng mga pahiwatig na taglay ng mga salitang kasama ni-
tong bumuo sa pagungusap.

Halimbawa:

Noong bata pa ako, hinihimay ng nanay ko ang halos lahat ng


pagkain ko. Mas madali daw nguyain ang karne o isda kung hinihi-
may ito ng maninipis o maliliit na piraso dahil ayaw niya akong
mabilaukan.

Ipinaghihimay din ba kayo ng pagkain ng inyong magulang?


Ano ang hitsura ng hinimay na manok o isda?
Ano ang ibig sabihin ng hinimay?

• Pahiwatig na ginamit ng hinimay ay maninipis o maliliit na


piraso

Kaya ang ibig sabihin ng hinimay ay pinira-piraso


Galugarin
Panuto : Basahing mabuti ang mga pangungusap at pagkatapos
ay piliin ang salitang kasingkahulugan ng nasalungguhitang salita.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang daming magagandang tanawin sa Baguio, sabi ni Nona


na aliw na aliw habang naglalakad. Hindi mapigilan ni Nona
ang kaniyang kasiyahan.
A. Nalulungkot B. tuwang-tuwa C. nanghihina

2. “Humawak ka sa mga sanga ng puno habang naglalakad,”


ang payo ni Gab kay Nona. Madulas ang daan dahil basa
ang lupa.
A. madaling lakarin B. mahirap lakarin C. mabilis lakarin

3. Namangha si Nona nang makakita siya ng simbahan na


may malaking santo. Nandilat ang mata ni Nona at halos
hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita sa simbahan.
A. natatakot B. inaantok C. humahanga

4. Maingay, maraming tao at maraming sasakyan sa lungsod.


Mabilis ang takbo ng buhay sa siyudad. Maraming kotse,
jeepney at bus sa siyudad.
A. baryo B. siyudad C. ibangbansa

5. Sa siyudad,maraming matataas na gusali. Gawa sa semento


at bakal ang mga gusali . Maraming tao ang nagtatrabaho
sa isang gusali.
A. mataas na struktura na gawa sa bakal at semento
B. mataas na struktura na gawa sa kahoy at kawayan
C. maliit na struktura na gawa sa bakal at semento
Palalimin
Sa pagtalakay ng wastong sagot, basahing mabuti ang mga pahi-
watig sa loob ng pangungusap na nagpapakita kung ano ang ak-
mang kahulugan ng sinalungguhitang salita.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Masikip ang silid-aralan. Hindi na maipapasok ang malaking


mesa.
A. Maliit
B. Hindi na kasya
C. Wala nang puwesto

2. Umurong ang bago kong pantalon nang ito ay labhan.


A. umatras
B. humaba
C. ginalaw upang maiba ang posisyon

3. Nanginginig si Tina sa matinding ginaw sa gitna ng bagyo.


A. naiinitan
B. nilalagnat
C. nangangatog sa ginaw

4. Nagmamadali si Mang Kanor sa pagpasok sa opisina kaya


humahagibis ang pagmamaneho niya sa kalye.
A. matulin
B. mabagal
C. malakas

4. Kahit natatakot si Lita ,kalmado pa rin ang boses niya nang


kausapin ang guro niya. Hindi siya nataranta o nagpakita ng
kaba.
A. Mahinahon
B. Mabagal
C. mataas
Sukatin

Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang salitang


kasingkahulugan ng nasalungguhitang salita na ginamit sa
pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang galing ni Ben na tumalon nang matayog dahil naabot


niya ang bunga ng manga.
A. mataas B. malaki C. matangkad

2. Ang Barangay Silangan ay payapang lugar. Walang ka-


guluhang nagaganap dito dahil lahat ng tao ay magkaka-
kilala at magkakasundo
A. magulo B. masaya C. tahimik

3. Ang pagong ay makupad na hayop dahil dala-dala niya


ang kaniyang mabigat na bahay.
A.mabagal B. mabigat C. mabilis

4. Naaliw sila sa mga magagandang tanawin sa bukid.


A. napagod B. naiinis C. nalibang

5. Hindi nagbabayad ng matrikula ang mga magulang ni


Nena dahil siya ay iskolar.
A. mayaman
B. mahirap
C. magaling na bata
Aralin Kahulugan ng mga salita na
2 nakapaloob sa pangungusap

Simulan

Basahin ang talata at pansinin ang mga salitang may


salungguhit. Alamin ang kahulugan ng bawat isa batay sa
pagkagamit nito sa pangungusap.

Ang Kabutihan ni Janet

Mula sa kaniyang kubo sa itaas ng burol, tinanaw ni Janet


ang mga nagsasayang kanayon na malapit sa dalampasigan.
Walang ano-ano , nakita niya ang papalapit na mga
dambuhalang alon sa dagat. Mabilis na kinuha ni Janet ang sulo
at sinilaban ang nakaimbak na mga pinatuyong palay.
Nakita ng mga kanayon ang usok at apoy mula sa lugar na
imbakan ng kanilang palay. Dali-daling umakyat sa burol ang lahat
upang patayin ang sunog . Pagkaakyat ng kahuli-hulihang
kanayon, nakita nila ang malalaking alon na tumangay sa
maraming bahay , puno at hayop sa nayon.

Salita Kahulugan
Lakbayin
Sa ating pagbabasa may mga salitang hindi natin
naiintidihan o hindi pamilyar sa atin, pero sa tulong ng mga
pangungusap madali na natin itong naiintidihan ang ibig
sabihin.

Galugarin
Panuto : Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang
nakasalungguhit ayon sa pagkakagamit nito sa
pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang isang bagay na kinatatakutan ko tuwing dumarating


ang unang araw ng pasukan ay ang pagpapakilala sa sarili
sa harap ng mga kamag-aral at guro.
A. inaayawan B. inaasahan C. pinanabikan
2. Sa tuwing ako ay magpapakilala, may mga nakikita akong
palihim na tumatawa at nagtitinginan nang makahulugan.
A. patago B. lantaran C. pailalim

3. Minsa’y tinanong ko ang aking sarili nang ganito.”Dapat ko


bang ikahiya ang aking pangalan?”
A. ipagmalaki B. ipagsabi C. itago
4. Sa lahat ng ayoko ay ang tinutukso ako dahil sa aking
pangalan.
A. inaasar B. ipagsabi C. itago
5. Sa huli’y natutuhan kong hindi dapat ikahiya kundi dapat
pahalagahan ang aking pangalan.
A. pabayaan B. itago C. ingatan
Palalimin
Panuto : Hanapin sa pangungusap ang kasingkahulugan ng
salita sa kahon. Bilugan ang tamang salita

sakahan 1. Hindi tumutulong ang magkakapatid kahit


nahihirapan na ang mga magulang nila sa
paggawa sa bukirin.

batugan 2. Lumaki silang mga tamad kaya lubhang


nalungkot ang kanilang ama at ina.

3.Nang biglang mawala ang kanilang magulang


nililibot ay maghapon nilang inikot ang paligid upang
maghanap

nagpasya 4.Nagdesisyon silang alagaan ang halaman dahil


alam nilang may kaugnayan ito sa nawawalang
magulang.

malasahan 5. Napasigaw si Biboy nang matikman ang


masarap na lasa ng mangga
Sukatin

Panuto : Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang


kahulugan ng salitang nakasalungguhit pagkatapos
bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Maagang pumanaw ang aming nanay dahil sa sakit.


A. namatay B. umalis c. nangibang-bayan

2. Malaki ang agwat ng edad namin ni Kuya Paulo dahil nasa


unang taon na siya ng kolehiyo samantalang nasa ikatlong
baitang pa lang ako.
A. pagitan B. kalagitnaan C. pagkakapareho

3. Si Daddy ang nag-aasikaso maging ng aming mga uni-


porme.
A. nag-aayos B. bumibili C. nagdudumi

4. Si Kuya ang nakatoka sa paglilinis ng bahay samantalang


kami ni Junjun ang nagliligpit ng kinainan.
A. tumitingin B. nag-uutos C. nakatalaga

5. Tinatanong ni tatay ang aming suhestiyon kapag may balak


kaming gawin.
A. paliwanag B. mungkahi C. ayaw
Aralin Mga Pahiwatig na Nakapaloob sa
3 Pangungusap

Simulan
Panuto : Ibigay ang pahiwatig na gamit ng initimang salita sa
loob
ng pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Ang Barangay Silangan ay payapang lugar. Walang ka-


guluhang nagaganap dito dahil lahat ng tao ay magkaka-
kilala at magkakasundo
_____________________________________________

2. Ang sungit mo naman! Bakit kailangan mo pang sumigaw?


Napagalitan ka ba kanina?
_____________________________________________

3. Ang mag-anak ni Don Jose ay nakatira sa mansion.


Maraming kuwarto ang napakaluwang na bahay
_______________________________________________

4. Tiningala ni Kiko ang matayog na gusali.


_______________________________________________

5. Isinuksok ni Marie ang lapis sa loob ng kaniyang bag.


_______________________________________________
Lakbayin

Ang pagkuha ng kahulugan ng mga salitang hindi pa pam-


ilyar ay sa pamamagitan ng pahiwatig na taglay ng mga salitang
kasama nitong bumuo sa pangungusap.

Halimbawa:

Malubha ang sakit ni lola kaya matatagalan siya sa ospital.

Pahiwatig na ginamit: matatagalan siya sa ospital

Galugarin

Panuto : Salungguhitan ang pahiwatig na gamit ng initimang


salita sa loob ng pangungusap

1. Ang pagong ay makupad na hayop dahil dala-dala niya


ang kaniyang mabigat na bahay

2. Ang galing ni Ben na tumalon nang matayog dahil naabot


niya ang bunga ng manga

3. Ang mga hayop ay ay nagpapahinga sa mayabong na


punongkahoy dahil nagbibigay ng lilim sa init ng araw.

4. Si Rosa ay nag-aangkat ng bag patungo sa ibang bansa.

5. Kailangang ibigkis ang walis tingting upang hindi ito


magkahiwalay.
Palalimin
Panuto : Ibigay ang pahiwatig na gamit ng initimang salita sa loob
ng pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang nanay ni Roberto ang laging umaalalay sa lola niya


para sa pagkalakad at paghahanap ng mga bagay.

2. Mahigpit ang pagkakahawak ni Lorna sa kanilang mga


dala-dalahan upang hindi sila mabiktima ng mga mag-
nanakaw.

3. Ang lalaking sumuway sa batas ay kailangang managot.

4. Ang Barangay Silangan ay payapang lugar. Walang ka-


guluhang nagaganap dito dahil lahat ng tao ay magkaka-
kilala at magkakasundo.

5. Nanginginig si Tina sa matinding ginaw sa gitna ng bagyo.


Sukatin
Panuto : Piliin sa hanay B ang pahiwatig na gamit ng
nasalungguhitang salita sa hanay A.Isulat ang titik ng
tamang sagot

Hanay A Hanay B

______1.Kahanga-hanga ang mga taong A. hilig kong manood


busilak ang puso
______ 2.Si Marlon ay nabuhay sa B. mayamang kaharian
karangyaan
_____ 3. Tinanaw ko ang paglipad ng C. nasugatan ako
mga ibon hanggang malayo

______4. Ang bahagi ng tuhod ko D. matulungin sa


gumasgas sa kalye kapwa

____ _5. Makupad maglakad ang E.mabigat ang bahay


Pagong
ARALIN 3
Simulan Galugarin
1.walang kaguluhang nagaganap 1. Dala dala ang mabigat na bahay
2.sumigaw 2. Naabot niya ang bunga ng mangga
3.napakaluwang na bahay 3. Nagbibigay lilim sa init ng araw
4.tiningala 4. Patungo sa ibang bansa
5.loob ng kaniyang bag 5. Hindi magkahiwalay
Palalimin Sukatin
1.para makalad at maghanap ng bagay 1. D
2.hindi mabiktima ng magnanakaw 2. B
3.kailangang managot 3. A
4.walang kaguluhan 4. C
5. matinding ginaw 5. E
ARALIN 2
Simulan
Salita Kahulugan
tinanaw tinignan
dambuhala malaki
sinilaban Sinunog
kanayon Kababayan
tumangay Kumuha
Galugarin Palalimin Sukatin
1. A 1. bukirin 1. A
2. A 2. tamad 2. A
3. A 3. inikot 3. A
4. A 4. nagdesisyon 4. C
5. C 5. Matikman 5. B
ARALIN 1
Simulan Galugarin Palalimin Sukatin
1. C 1.B 1. C 1. A
2. C 2. B 2. B 2. C
3. C 3. C 3. C 3. A
4. A 4. B 4. A 4. C
5. A 5. A 5. A 5. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Basa Pilipinas Teacher’s Guide Grade 3

Alde,Amaflor,Lea Agustin,Aireen Ambat, Josenette Brana, Flor-


enda Cardinoza, Dolorosa Castro,Modesta Jaurigue, Louiegrace
Margalio, Natasha Rae Natividad, Ronald Ramilao, Cynthia Rey-
roso,Agnes G. Rolle, Marcelita Salazar, Jenny-Lyn Trapane.Batang
Pinoy Ako: Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino 3, Pasig: Lexicon
Press,Inc..2017.

Alma M.Dayag,Pinagyamang Pluma 3 Wika at Pagbasa para sa


Elementarya,Phoenix Publishing House 2013

You might also like