You are on page 1of 16

Piliin sa Hanay B ang kahulugan ng

salita na nasa Hnay A.

Hanay A Hanay B
1.mabait diretso
2.maganda palangiti
3.tuwid mabuti
4.masayahin marikit
Ang Magkapatid

Si Luna at Lira ay magkapatid.


Mabait na bata si Lira at gayundin si
Luna siya ay mabuting bata.
Maganda at tuwid ang buhok ni Lira.
Marikit din si Luna at kulot ang
kanyang buhok.
Si Lira ay matangkad ngunit payat ang
kaniyang pangangatawan. Si Luna ay
balingkinitan din ngunit pandak.
Matangos ang ilong ni Luna at pango
naman ang ilong ni Lira. Masayahing
bata si Lira at gayundin si Luna siya
ay palangiti.
Nakatira sila sa malaking bahay
ngunit ang gusto ni Luna ay maliit na
bahay lamang. Sanay matulog si Lira
sa maliwanag na kuwarto ngunit ang
gusto ni Luna ay madilim na kuwarto
para mabilis siyang makatulog.
Nagdadasal muna si Lira bago
matulog at gayundin din si Luna,
siya’y nananalangin. Marami ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng
dalawang magkapatid pero kahit
ganu’n ay magkasundo p arin sila.
Dahil nirerespeto nila ang kaibahan
ng isa’t-isa. Parang tunay na
magkapatid ang turingan nila kaya
naman mahal na mahal nila ang isa’t-
isa.
1.Sino ang magkapatid?
2. Anong mga salita ang ginamit sa
paglalarawan sa dalawang magkapatid?
3. Paano naipakita ng magkapatid ang
pagmamahal nila sa isa’t isa?
4.Ikaw ba ay kagaya ng magkapatid na Lira
at Luna? Bakit mo nasabi?
5. Paano mo ipinakikita ang pagmamahal
mo sa iyong kapatid?
Tulong-Tulong

Mahirap lamang ang pamilya ni


Aling Rosa. Tatlo ang kaniyang mga anak.
Si Risa ang panganay, sumunod si Alisa at
ang bunso ay si Marina. Masipag ang
magkakapatid sa pagtulong sa pagtitinda
ng kanilang ina ng mga gulay sapagkat
alam nilang hikahos sila sa buhay kaya
kinakailangang magtulungan sila
Malinis rin sila sa lahat ng bagay.
Ayaw nila ng maruming paligid,
naniniwala silang sa kalinisan
nakasalalay din ang kanilang
kalusugan bukod sa pagkain ng
masusutansiyang pagkain na hindi
mahal tulad ng mga gulay na mura
lamang.
Panuto: Mula sa kuwentong “Tulong-
Tulong”, piliin ang mga salitang
magkasalungat at magkahulugan at itala sa
tamang hanay.

Kahulugan Kasalungat
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan o
kasalungat ng mga salitang nasa hanay A.
Hanay A Hanay B

(kasalungat) 1. mahirap
(kasalungat) 2. panganay
(kasingkahulugan) 3. malinis
(kasingkahulugan) 4. masarap
(kasalungat) 5. mapagbigay
Panuto: Gamitin sa pagsulat ng
pangungusap ang mga salitang
magkasalungat at magkasingkahulugan.

1.maganda – marikit
2.malinis – marumi
3.mahirap – mayaman
4.mainit – malamig
5.mabango - mahalimuyak

You might also like