You are on page 1of 11

Instructional Plan (iPlan)

Name of Teacher Eloisa May G. Gutierrez Grade Level 5


Learning Area EPP 5 Quarter 3rd
Competencies Natutukoy Ang Mga Bahagi ng Makinang De-Padyak

iPlan No. ___1___ Date March 7,2024 Duration 50 mins


Key understandings to Pagsasaayos ng tahanan at paglikha ng kagamitang pambahay
be developed
Knowledge
a. Nakikilala ang wastong bahagi ng makina
b. Natutukoy ang kahalagahan ng bawat bahagi ng
Learning Objectives Skills
makina
c. Naipapakita ang wasto at maingat na paraan ng
Attitude
paggamit ng makina
d. Naisasagawa ang kahalagaan sa pag buo ng
Values
kagamitang pambahay

Resources Needed Laptop, Ms powerpoint at kagamitang Biswal

Integration Science and Health


Elements of the Plan Methodology
Preparation
A.1 Paghahanda
Teacher: Students:
Magsitayo ang lahat para sa (Pinamunuan ng isang mag-aaral ang
panalangin panalangin)

Pakiayos ang inyong mga upuan,


mesa at pulutin ang mga kalat na (Ang mga bata ay sumunod sa utos ng
iyong makikita sa sahig guro).

A.2 Pagbati
Teacher: Students:
Magandang hapon sa lahat!
Magandang hapon din po, titser
Handa na ba kayo sa bago nating
aralin hapong ito?

Handa na po, titser

A.3 Pagbabalik – Aral


Teacher: Student/s:
Bago tayo dumako sa ating aralin ay
magkaroon muna tayo ng pagbabalik-
aral. Anong paksa ang ating tinalakay
natin sa nakaraang araw sa EPP?
(Ang mga mag-aaral ay sumagot).

Tumpak!

B. Pagganyak

Teacher: Student/s:
Motivation
Tingnan at suriin ang larawan.
Introductory Activity
(5 minutes)
Presentation Mga Tanong:

1. Pamilyar ba kayo sa larawan na ito?


Ano ang gamit na ito?

“Opo titser! Makina sa


pananahi!”

“Tumpak!”

2. Sino ang madalas na gugamit nito?

“Mga mananahi po titser”

“Tama!”

Teacher: Students:

“Ngayong araw ay matutukoy niyo ang


Abstraction
mga bahagi ng Makinang De-Padyak.

Handa naba kayo mala,am ito?

Opo, titser!

“Mabuti naman kung ganoon!”

Alam nyo ba na ang makina na ginagamit


sa pananahi ay naimbento ni Elias Howe
noong 1846 at ito ay pinagbuti ni Isaac
Merrit Singer noong 1851.

Ang bagay na ito ay may iba’t ibang


mahahalagang bahagi. Hindi magiging
maayos ang paggawa kung kulang ang
bahagi ng bagay na ito.

Handa ka na bang malaman ang


bagay na ito?

“Opo titser!”

Alamin muna natin ang panginahing


bahagi ng makina

Teacher: Students:

1. Ulo ng makina – Ito ang itaas na bahagi


ng makinang Panahi. Binubuo ito ng
maliliit at tiyak na bahagi upang ang
makina ay umandar.

2. Balance Wheel (Gulong na p


Pangkamay) – Ito ang maliit na gulong sa
may kanang bahagi ng makina na
ginagamit upang mapaandar o mapahinto
ang makina.

3. Spoon
Pin

(Tusukan ng Karete) – Nasa itaas na


bahagi ng makina na kung saan ginagamit
upang paglagyan ng karete ng sinulid.

4.
Bobbin

Winder ( Ikiran ng Sinulid ng Bobina) –


Ito ay malapit sa balance wheel.
Ginagamit ito upang makapag ikid ng
sinulid.

5.
Stitch

Regulator (Pang ayos ng Tahi) – Ito ay


nasa ibabang bahagi ng ikutan ng sinulid
sa bobina. Ito rin ang nagpapaikli o
nagpapahaba ng tahi.

Teacher: Students:

6. Tension Regulator (Pang ayos ng Tahi) – Ito ay


ang nag- aayos ng luwag o higpit ng tahi.
7. Thread Take Up Lever
(Panikwas ng Sinulid) – Ito ay ang humihila sa
sinulid na Panahi sa tela.

8.
Thread

Guide – Ito ay ginagamit upang mag silbing


gabay ng sinulid mula sa spool pin hanggang
karayon ng hindi mawala sa lugar.

9. Needle
Bar –
Ito ay

ginagamit upang paglagyan ng karayom. Ito rin


ang nagdadala ng sinulid sa ibabaw kapag
nagtatahi.

Needle Clamp – Ito ay ginagamit upang mahawakan


ang karayom ng makina.

Needle – Ito ang mahaba at manipis na metal na


nakakabit sa needle clamp, may tulis at maliit na butas
sa dulo na sinusuutan ng sinulid.

10. Presser Foot – Ito ay ang ginagamit upang


mapigilan at maipit ang tela habang tinatahi.
11. Presser Bar Lifter – Ito ay ang ginagamit upang
itaas o ibaba ang presser foot.

12. Stop Motion Screw – Ito ay ang malaking


turnilyo sa gitna ng balance wheel. Itinitigil nito
ang galaw ng makina kapag niluluwagan at
pinaaandae naman kapag sinisikipan.

13. Bed o Kama ng Makina – Ito ang nagsisilbing


patungan ng mga tinatahing tela.

14. Throat Plate – Ito ang platong metal na nasa


ilalim ng karayom. Tinatawag din itong needle
plate o stitching plate.
15. Feed Dog o Ngipin ng Makina – Ito ay nasa
ilalim na bahagi ng presser foot na nagsisilbing
taga tulak ng telang tinatahi.

16. Shuttle – ito ay ginagmit upang paglagyan ng


bobina sa ilalim ng makina.

17. Bobbin Case- Ito ay kaha na lagayan ng bobina.

18. Bobbin o Bobina – Ito ay ginagamit upang


paglagyan ng sinulid sa ilalim ng makina.
19. Drive Wheel – Ito ang malaking gulong na
makikita sa ilalim ng makina. Nagsisilbi din
itong kabitan ng kulindang at napapaikot
kasabay ang balance wheel.

20. Treadle (Pidal o Tapakan) – Dito ipinapatong


ang mga paa upang umandar at umikot ang
malaking gulong sa ilalim sa tulong ng pitman
rod.

21. Pitman Rod – Ito ang pahabang bakal na nag


uugnay sa drive wheel at treadle upang umikot
ang makina

22. Belt Guide- Ito ang pumapatnubay sa koreya


upang hindi mawala sa lugar.
23. Belt (Koreya o Kulindang) – Ito ay ginagamit
upang iugnay ang balance wheel at ang drive
wheel.

24. Mga cabinet o kahon – Ginagamit ito upang


itago ang ulo o katawan ng makina.
Nagsisilbing taguan ito ng mga kagamitan sa
pananahi gaya ng sinulid, karayom, gunting at
iba pa.

Practice

Dapat natin Tandaan na :

- Mas mapapadali at mapapagaan ang iyong


pananahi kung alam mo ang bahagi ng
makinang de padyak at ang gamit nito

- Nakakatulong ito hindi upang maitahi ng


mabilis at maayos ang napuni na damit kundi
makatutulong ito sap ag unlad sa kabuhayan ng
pamilya sa pamamagitan ng dagdag kitang
maaaring maidulot nito.

- Dagdag pa rito, napapaunland ang


pagkamalikhain sa pamamagitan ng paggawa ng
ibat ibang uri ng kasuotan o kagamitan.

Application
Dahil natukoy niyo na ang mga bahagi ng makina,
gusto kung isulat ninyo ang mga tamang bahagi ng
makina sa blanko ng chart .

Sino dito ang gustong sumubok?

Assesment

Tukuyin muli ang mga gamit ng bawat bahagi ng


makinang de-padyak. Nabasa at naunawaan mo na ba?
Sagutin ang pagsubok na nasa ibaba.

Panuto: Hanapin sa hanay B ang gamit at bahagi ng


makinang de-padyak na makikita sa hanay A.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Hanay A

1. Ulo
2. Spool Pin
3. Bobbin
4. Treadle
5. Feed Dog

Hanay B

A. lagayan ng pang-ilalim na sinulid.


B. ito ang buong makinang panahi
C. tapakan
D. ngipin ng makina
E. pinaglalagyan ito ng karete ng sinulid sa
itaas na bahagi ng ulo ng makina

Assignment
TAKDANG ARALIN
Panuto: Iguhit sa malinis na sagutang papel ang buong
makinang de-padyak.
Lagyan ng pangalan ang bawat bahagi.

You might also like