You are on page 1of 108

EPP 11:00-11:40 1:55-

2:35

I. LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga oportunidad para sa mga produktong maaaring
mapagkakitaan sa tahanan at pamayanan (EPPIE-Oa-1)

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Mga Oportunidad Para sa mga Produktong
Mapagkakakitaan
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide – EPP p. 16
Masiglang Pamumuhay Para sa Kinabukasan 5, pp. 9-12
http://blog.ramboruiz.com/magismulang-magnegosyo-
dalawang-
bagay-na-makatutulong-sa-iyo/
https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/mga-ideya-
tungkol-sa-mga-proyektong-
mapagkikitaan.pdf
Kagamitan:tsart, talahanayan, mga larawan ng iba’t ibang produkto (hal.
prutas,
isda, bigas at iba pa)

PANIMULANG PAGTATASA:
Ipasagot sa mga bata ang sumusunod:
1. Ano-ano ang mga produktong maaaring mapagkakitaan sa inyong
lugar?
2. Marami bang tao ang nangangailangan nito?
III. PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
Maraming beses nating narinig mula sa mga eksperto na ang
pagnenegosyo ang sagot sa kahirapan. Gayundin marami tayong mga kilala na
totoong umunlad dahil sa pagnenegosyo. Hindi natin maikakaila na totoo ang
bagay na ito sapagkat ang pagkakaroon ng trabaho ay alam nating hindi
permanente. Ikaw, naisip mo na bang mag-negosyo?
B. PAGLALAHAD
Sa dami ng mga negosyo sa ating paligid, mula sa ating iskinita hanggang
sa kanto at lalo na sa mga bayan, may oportunidad nga ba ang mga ito para sa
mga nais magsimulang magnegosyo? Ito ay karaniwang palaisipan ng karamihan
sa atin. Halina’t pag-usapan kung paano tayo makapagsisimula ng negosyo.
Maaari kang makakuha ng mga ideyang pang-negosyo sa pamamagitan
ng pagsusuri sa mga sumusunod:

 Mga Produkto at Iba pang Materyales na Nasa Iyong Pamayanan


Ano-ano ang mga pagkukunang materyales sa iyong pamayanan?
Halimbawa, kung maraming puno ng niyog sa inyong pamayanan, ang
negosyong may-kinalaman dito ay isang magandang ideya. Maaari kang
magbenta ng mga produktong gawa sa niyog katulad ng bunot, walis tingting,
abaniko at marami pang iba.
 Kalidad ng mga Iniaalok na Produkto
Ang isang produkto ay may mataas na kalidad kung ang mga mamimili at
gumagamit nito ay masaya at kuntento. Kung ang mga tao ay hindi kuntento sa
mga produkto at serbisyong nakukuha, maaari kang mag-alok ng mahusay na

1
produkto at serbisyo. Halimbawa, kapag ang pastillas at cookies ay kilalang
produkto sa inyong lugar, magandang magtayo ng isang tindahan o pagawaan
ng mga ito.

.
Ipakita ang mga larawan. Palagyan ng tsek (/) ang mga produktong makikita sa
kanilang pamayanan at ipaayos ayon sa kahalagahan ng mga ito. (Maaaring
palitan ang mga larawan ng sariling produkto sa pamayanan.)

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Ang sumusunod ay mga salik na maaaring makatulong sa pagtukoy ng
mga oportunidad sa pagnenegosyo:
1. Alamin ang pangunahing pangangailangan ng mga pamilya at
pamayanan. Ano- anong produkto ang kailangan ng pamilya at
pamayanan?
2. Alamin ang iyong kakayahan sa pagnenegosyo
3. Alamin ang iyong interes sa pagnenegosyo.
4. Alamin ang mga pagkukunan ng puhunan, kagamitan at lugar kung
saan maaaring magsimula ng pagkakakitaan.
5. Alamin ang mga pagkukunan ng mga kagamitan para sa
pagnenegosyo.

May mga maidaragdag pa ba kayong salik na maaaring makatulong sa


pagtukoy at paghanap ng oportunidad sa pagnenegosyo? Magbigay ng tatlo at
ilagay ito sa scroll-up graphic organizer.

2
1.
____________________________________________

2.
____________________________________________

3.
____________________________________________
D. PAGLALAHAT
Sa pagtukoy ng mga oportunidad para sa mga produktong
mapagkakakitaan, may mga salik na dapat isaalang alang. Dapat natin itong
tingnan kung makakatugon ba ito sa pangangailangan ng mga mamamayan at
siguraduhing ang mga ito ay may mataas na kalidad.

IV. PAGTATAYA:

Punan ang tsart. Tukuyin kung anong oportunidad para sa produkto ang
maaaring mapagkakitaan sa tahanan at pamayanan.
Mga produkto/uri ng Oportunidad na
pamayanan Mapagkakakitaan
1. maraming isda sa inyong lugar
2. maraming taong mahilig sa
pandesal
3. malawak na niyugan
4. malawak na palayan
5. malawak na manukan

V. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:
Ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Magmasid sa inyong pamayanan at itala ang iba’t-ibang produktong
makikita.
2. Base sa inyong naitala, anong mga oportunidad para sa produkto ang
maaaring mapagkakitaan sa tahanan at pamayanan?

3
EPP 11:00-11:40
1:55-2:35
I. LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga oportunidad para sa mga serbisyong maaaring
mapagkakitaan sa tahanan at pamayanan. (EPP5IE-0a-1)
2. Nakikilala ang sariling kakayahan na magagamit sa paghahanapbuhay.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Mga Oportunidad Para sa mga Serbisyong Maaaring
Mapagkakakitaan
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide, Grade 5, EPP5IE-Oa-1, p. 16
Masiglang Pamumuhay Para sa Kinabukasan 5, pp. 9-12
http://blog.ramboruiz.com/magismulang-magnegosyo-
dalawang- bagay-na-makatutulong-sa-iyo/
https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/mga-ideya-
tungkol-sa-mga-proyektong-
mapagkikitaan.pdf
Kagamitan: tsart, talahanayan

PANIMULANG PAGTATASA:
Ipasagot sa mga bata ang sumusunod:
1. Ano-ano ang mga serbisyong maaaring mapagkakitaan sa inyong
lugar?
2. Marami bang tao ang nangangailangan nito?

III. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK
Napag-alaman natin ang pagtukoy sa mga oportunidad para sa mga
produktong maaaring mapagkakitaan sa tahanan at pamayanan. Ang pagtatayo
ng sariling negosyo ay nangangailangan ng masusing pag-aaral. Bago tumingin
sa ibang bagay, tumingin ka muna sa iyong sarili. Ano ang gusto mo? Ano ang
bagay na nagbibigay interes sa iyo? Kung ikaw ay may interes, magkakaroon ka
ng determinasyon. Ito ay magiging sangkap sa iyong tagumpay.

B. PAGLALAHAD
Sa paghahanap ng oportunidad para magnegosyo natural sa isang tao na
tumingin sa kanyang paligid. Ang iba pa nga ay bumibiyahe sa ibang lugar
upang malaman kung ano ang pwede nyang pagkakitaan. Walang masama sa
gawaing ito, ang totoo ay isa itong magandang paraan sa paghahanap ng
gagawing negosyo. Gayunpaman, marapat lamang na tingnan mo muna kung
ano ang mayroon ka at sa paligid mo bago ka maglabas ng pera at gumastos.

4
Madalas kasi ay nasa atin na mismo ang sagot sa oportunidad ng negosyong
hinahanap natin. Maaari mong tanungin ang iyong sarili ng mga tanong na ito:

1. Ano ang aking kakayanan o talento? (Skill & talent)


2. Ano ang pinakagusto kong gawin? (Passion)
3.
Kung masasagot mo ang mga tanong na ito, marahil ay makaiisip ka agad
ng negosyo. Simulan natin sa unang katanungan “Ano ang aking kakayanan o
talento?“

Ang bawat isa sa atin ay kakaiba. Iba-iba tayo ng hilig at libangan at


maging ng mga talento. Alam mo ba na maaari kang kumita sa talento na meron
ka? Tingnan na lamang natin ang sikat na chef sa bansa natin ngayon na si Chef
Boy Logro. Hindi lingid sa ating kaalaman ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral
ang hinahangan nating tao noong siya ay bata pa sapagkat hindi kaya ng
kanyang mga magulang na siya ay pag-aralin. Ngunit dahil sa kanyang talento sa
pagluluto at determinasyong mas matuto, kilala na natin siya ngayon.

Marahil ikaw man ay magaling na sa ilang mga bagay ngayon. Kung hindi
mo pa tukoy ang kahusayan, subukan mong tanungin ang iyong mga kaibigan at
kamag-anak “Sa tingin nyo, saan ba ako magaling?”. Sigurado ka na ika’y may
matutuklasan.

Ngayon para sa pangalawang katanungan, “Ano ang pinakagusto kong


gawin? (passion). Ang passion ay ang pagnanais gawin ng isang bagay ng
walang nag-uudyok o tumutulak sa iyo maliban sa sarili mo. Kung ang uri ng
negosyo mo ay batay dito, hindi ka magsasawang gawin ito, hindi ka rin mabilis
na susuko kung makaranas ka ng kabiguan.

Ikaw, ano ba talaga ang talento mo? Ano ang iyong hilig o ano ang iyong
passion?

Sagutin mo ang mga tanong na ito at isiping maigi kung paano ka kikita
gamit ang mga ito. Magiging masaya kang malaman na maaari ka palang kumita
at umunlad habang masaya ka sa iyong mga ginagawa.

Si Miguel ay sikat sa kanyang mga kaibigan. Siya ay magaling magsalita at


talagang nakatutuwa. Siya ay magaling magluto. Tuwing Sabado’t Linggo, siya
ang nagluluto ng pananghalian at hapunan para sa kanyang pamilya. Siya ay
magaling sa pagluluto ng kare-kare at escabeche. Tuwing may handaan sa
kanila, niluluto ni Miguel ang kanyang mga paboritong putahe.
Si Katrina, isa sa mga kaibigan ni Miguel, ay magdaraos ng kanyang
nalalapit na kaarawan. Gusto niyang maghanda ng kaunting salu-salo kasama
ang kanyang mga kaibigan. Inalok nito si Miguel na magluto ng kare-kare para sa
kanyang kaarawan at handa namang magbayad si Katrina bilang kapalit ng
serbisyo ni Miguel.

Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.


1. Ano ang mga espesyal na kahusayan o kagalingan ni Miguel?
2. Ano sa mga kahusayan niya ang makatutulong sa negosyo?
3. Ano ang mga negosyong bagay sa mga kahusayan ni Miguel?

5
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Ang sumusunod ay mga salik na maaaring makatulong sa pagtukoy


at
paghanap ng mga oportunidad sa pagnenegosyo:

1. Alamin ang pangunahing pangangailangan ng mga pamilya at


pamayanan. Ano- anong serbisyo ang kailangan ng pamilya at
pamayanan?
2. Alamin ang mga kakayahan at interes na kailangan sa pagnenegosyo.
3. Alamin ang mga pagkukunan ng puhunan, kagamitan at lugar kung
saan maaaring magsimula ng pagkakakitaan.
4. Alamin ang mga kakayahan ng mga tauhang magiging bahagi ng
negosyo.
5. Alamin ang mga pagkukunan ng materyales at mga kagamitan para sa
pagnenegosyo.
6. Alamin ang kinakailangang ICT para sa kasalukuyang panahon (ika-21
siglo) sa pagnenegosyo.
7. Alamin ang panahon o oras na kailangan sa pagnenegosyo.

D. PAGLALAHAT
Sa pagtukoy ng mga oportunidad para sa mga serbisyong
mapagkakakitaan, may mga salik na dapat isaalang alang. Dapat natin itong
tingnan kung makakatugon ba ito sa pangangailangan ng mga mamamayan at
siguraduhing ang mga ito ay naaayon sa iyong kakayahan, talento at interes.

VI. PAGTATAYA:
Pangkatin ang mga bata sa apat. Ipasadula sa kanila kung anong
oportunidad para sa serbisyong mapagkakakitaan ang naaangkop sa bawat
talento o interes na ibinigay.
1. Kagalingan sa pagbebeyk ng keyk
2. Mahilig mag-ayos ng mukha o mag make-up
3. Magaling gumawa ng disenyo gamit ang kompyuter
4. Mahilig sumayaw at kumanta

VII. PANGWAKAS NA PAGTATASA:


Piliin sa hanay B kung anong hanapbuhay ang naaangkop sa mga interes,
kahusayan at oportunidad na nasa hanay A.
A B
1. Marunong magmaneho ng sasakyan a. Magtayo ng panaderya
2. Marunong maggupit ng buhok b. Mag-alok ng serbisyong
repliksohiya
3. Marunong magmasahe c. Magtayo ng computer shop
4. Masarap magluto ng mga ulam d. Magtayo ng barber shop o
salon
5. Marunong mag-ayos ng kompyuter e. Magmaneho ng dyipni
f. Magtayo ng karinderya

6
VIII. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:
Gumawa ng talaan ng sarilling hilig at talento at ilagay ang angkop na
oportunidad para sa mga serbisyong maaaring mapagkakitaan sa tahanan at
pamayanan.

EPP 11:00-11:40 1:55-


2:35

I. LAYUNIN:
1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng produkto at serbisyo. (EPP5IE-0a-2)
2. Nakikilala ang mga uri ng produkto.
3. Naipagmamalaki ang mga produkto at serbisyong matatagpuan sa
sariling pamayanan.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Ang Kahulugan ng Produkto at Serbisyo
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide, Grade 5, EPP5IE-0a-2, p. 16
Masiglang Pamumuhay Para sa Kinabukasan 5, pp. 13-18
Kagamitan: tsart, cards na may larawan ng iba’t ibang produkto o
serbisyo

PANIMULANG PAGTATASA:

Kilalanin kung ang larawan ay tumutukoy sa produkto o serbisyo.

7
III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
May iba’t ibang uri ng produkto at serbisyo na maaaring pagkakitaan sa
tahanan at pamayanan. Kilala mo ba ang mga ito? Halina at alamin kung ano
ang kahulugan ng produkto at serbisyo.

B. PAGLALAHAD

Mga Produkto
Ang mga produkto ay mga ani o bunga at mga kalakal na nakikita at
nahahawakan tulad ng pagkain, damit, sapatos, gamot, appliances, sabon,
alahas, sasakyan at iba pa.

Mga Uri ng Produkto:


 Durable Goods – Ito ay mga kagamitang maaaring gamitin nang
matagalan.
Halimbawa: damit, sapatos, alahas, kasangkapan sa bahay, computer,
mga sasakyan at iba pa.
 Non-durable Goods – Ito ay mga produktong madaling maubos o
karaniwang ginagamit.
Halimbawa: mga pagkain, mga inumin, mga sabong pampaligo at
panlaba, lapis, papel, at marami pang iba.

Mga Serbisyo
Ang mga serbisyo ay ang mga aktibidad na ginagawa ng mga tao o
makinarya at mga ideyang ibinibigay upang matugunan ang mga
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao tulad ng pagtatahi, pagsasastre,
pagmemekaniko, paglalaba o laundry, dry cleaning, pagluluto, pag-aayos ng
lugar para sa isang pagdiriwang, pagpapaganda at paglilinis ng bakuran at
bahay.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Pangkatin ang mga bata sa apat. Ang una at pangalawang pangkat ay
magtatala ng mga produktong makikita sa sariling pamayanan, samantalang ang
pangatlo at pang-apat na pangkat ay magtatala naman ng mga serbisyo.

D. PAGLALAHAT
Hikayatin ang mga mag-aaral sa pagbuo ng kaisipan na: Ang mga
produkto ay ang mga ani, bunga o kalakal na nakikita at nahahawakan. Ang mga
serbisyo naman ay ang mga aktibidad na ginagawa ng mga tao o makinarya at
mga ideyang ibinibigay upang matugunan ang mga pangangailangan at
kagustuhan ng mga tao.

IV. PAGTATAYA:
A. Ipakilala sa mga bata kung anong serbisyo ang tinutukoy sa bawat
sitwasyon.

8
1. Mahusay kang maglaba ng damit
2. Magaling kang magmaneho ng sasakyan
3. Mahilig kang mag-alaga ng mga halaman
4. Mahusay ka sa pagluluto
5. Magaling kang mag make-up/mag-ayos ng mukha

B. Kilalanin ang uri ng mga produktong nasa larawan.

1. 2. 3. 4.
5.

V. GAWAING BAHAY
Ipagawa ang sumusunod sa mga mag-aaral.
1. Magtala ng sampung (10) produktong ginagamit araw-araw.
2. Magtala ng limang (5) serbisyong tinatanggap/tinatamasa araw araw.

EPP 11:00-
11:40 1:55-2:35
I. LAYUNIN:
1. Naipapaliwanag ang pagkakaiba ng produkto at serbisyo. (EPP5IE-0a-2)
2. Nakikilala ang mga produkto at serbisyong matatagpuan sa sariling
pamayanan.
3. Naipagmamalaki ang mga produkto at serbisyong matatagpuan sa
sariling pamayanan.

III. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Ang Pagkakaiba ng Produkto at Serbisyo
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide, Grade 5, EPP5IE-0a-2, p. 16
Masiglang Pamumuhay Para sa Kinabukasan 5, pp. 13-18
Kagamitan: tsart, cards na may larawan ng iba’t ibang produkto o
serbisyo,
flashcards

PANIMULANG PAGTATASA:
Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod:

HULAAN MO AKO!
1. Ito ay ang mga aktibidad na ginagawa ng mga tao at makinarya para
matugunan ang mga pangangailangan.

9
2. Ito ay ang mga ani o bunga at mga kalakal na nakikita at nahahawakan
na tumutugon sa pangangailangan ng mga tao.
3. Ito ay mga produktong madaling maubos o karaniwang ginagamit.
4. Ito ay ang mga ideya o serbisyong ipinagbibili.
5. Ito ay ang mga kagamitang maaaring gamitin nang matagalan.

PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Tingnan ang mga larawan. Alin sa mga ito ang higit mong kailangan?

Paano nagkakaiba at nagkakapareho ang mga ito?

B. PAGLALAHAD
Ang mga nakasulat sa cards ay mga halimbawa ng iba’t ibang produkto at
serbisyo na makikita sa pamayanan. Pangkatin ang mga ito sa pamamagitan ng
paglalagay sa tamang hanay.

Vulcanizing
motorsiklo sapatos Laundry Shop
Shop

computer sala set Barber Shop karinderya

shampoo Beauty Parlor

Mga Produkto Mga Serbisyo

Ano ang iyong naging batayan sa pagpapangkat?

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Batay sa natutunan tungkol sa pagkakaiba ng mga produkto at mga


serbisyo, isagawa ang sumusunod. Lagyan ng an mga produkto at
ang mga serbisyo.
__________ 1. car wash __________ 6. pamamalantsa
__________ 2. kwintas __________ 7. telebisyon
__________ 3. Buko Juice __________ 8. Shoe Repair Shop
__________ 4. computer shop __________ 9. manikyur at pedikyur
__________ 5. hamburger __________ 10. pantalon

D. PAGLALAHAT

10
Ang mga pangangailangan ng tao ay natutugunan dahil sa iba’t ibang
produkto at serbisyong nasa pamayanan. Ang mga produkto ay mga kalakal na
nakikita o nahahawakan, samantalang ang mga serbisyo ay mga aktibidad na
ginagawa ng mga tao at makinarya.

Punan ang tsart sa pamagitan ng paglilista ng mga produkto at serbisyo sa


iyong sariling pamayanan na madalas mong gamitin.

Mga Produkto Mga Serbisyo

IV. PAGTATAYA
Ilagay sa mga talutot ng bulaklak ang mga produkto at sa mga dahon
naman ang mga serbisyo. Isulat ang pagkakaiba ng mga ito.
1. tinapay
2. pagmamasahe
3. pagmemekaniko
4. toothbrush at toothpaste
5. silya at mesa
6. paglalabada
7. buko pie
8. pagtatahi
9. papel at lapis
10.pagmamaneho

V. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:
Magmasid sa iyong pamayanan. Ano ano ang mga produkto at serbisyong
higit na kailangan ng mga mamamayan?

11
. LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga taong nangangailangan ng angkop na produkto at
serbisyo.
(EPP5IE-0a-3)
2. Nabibigyang halaga ang mga konsyumer sa pagpili ng ibibigay na
produkto at serbisyo.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Mga Taong Nangangailangan ng Angkop na Produkto at
Serbisyo
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide, Grade 5, EPP5IE-Oa-3, p. 16
Masiglang Pamumuhay Para sa Kinabukasan 5, pp. 13-18
https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/produkto-
at- serbisyo.pdf
Kagamitan: tsart, crossword puzzle, bubble map, larawan

PANIMULANG PAGTATASA:
Sagutin ang bugtong:

Ordinaryong tao lamang ako, may mga pangangailangang materyal sa buhay. Hanap
ko’y serbisyo at produkto na makasasagot sa aking pangangailangan. Kapag iyong
natugunan ang aking pangangailangan, ikaw ay tatangkilikin magpakailanman. Sino ako?

12
Nasagot mo ba? Kung kostumer ang sagot mo, tama ka! Ikaw ay isang
kostumer din, hindi ba? Bilang isang kostumer, ano ang mga inaasahan mo sa
isang produkto o serbisyo? Isulat sa patlang.
_____________________________________________________________

III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Tiyak na mahirap mag-isip ng mga produkto at serbisyong maaaring
pagkakitaan. Makatutulong kung iisipin mo ang interes, kakayahan, karanasan at
ukol kanino ang produkto at serbisyo. Ikaw, matutukoy mo ba ang mga tao na
nangangailangan ng angkop na produkto at serbisyo?

B. PAGLALAHAD
Bago pag-isipan ang uri ng itatayong negosyo, kailangang tukuyin muna
ang mga taong nangangailangan ng angkop na produkto at serbisyo. Alamin
kung matutugunan ba ang mga pangangailangan nito tulad ng sumusunod:
1. maaasahang produkto at serbisyo
2. produktong mapapakinabangan nang matagal
3. mga produkto o serbisyong makatutulong sa pang-araw-araw na
trabaho, katulad ng paglalaba, pagluluto, paglilinis ng bahay, atbp.
4. mga produkto o serbisyong maaaring gamitin nang walang pangamba
na ito’y magiging mapanganib sa kalusugan o kaligtasan
5. serbisyong nariyan lagi sa oras na kailangan
6. produkto o serbisyong magaan sa bulsa

Naniniwala ka ba sa kasabihang, “The customer is always right”? Bakit?


Isulat ang iyong sagot sa patlang.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Meron pa rin tayong tinatawag na emosyonal na pangangailangan ng
kostumer na kung minsan siguro ay nakalilimutan nating ibigay sa kanila. Alam
mo ba kung ano ang mga ito? Kapag nabuo mo ang mga salita sa ibaba,
malalaman mo ito.

13
Nangangailangan ang kostumer ng:
1. Tulong - May mga kostumer na hindi alam kung ano ang maganda o
nababagay na produkto sa kanila. Nangangailangan sila ng payo mo.
2. Respeto - Igalang ang desisyon ng kostumer, kahit alam mong mali ito
ngunit ayaw pa ring makinig sa paliwanag mo.
3. Ginhawa - Upang hindi mainip o mahirapan ang mga kostumer,
kailangan ay may wastong upuan, hindi masyadong mainit, malinis,
may mapaglilibangang magasin, diyaryo o TV sa kanilang
paghihintayan.
4. Simpatiya - Maaaring magtampo at magalit ang kostumer na hindi
natugunan ang inaasahan sa isang produkto o serbisyo.
5. Pagtugon
6. Suporta - May mga pagkakataon na nangangailangan ng suporta ang
kostumer tungkol sa mga produktong hindi alam kung paano gamitin.

D. PAGLALAHAT
Sa pagpipili ng angkop na produkto o serbisyo, kailangang tukuyin ang
mga taong nangangailangan nito. Mahalagang tugunan ang mga
pangangailangan nila, kasama rito ang produktong may rasonableng presyo,
mataas na kalidad at serbisyong nagbibigay ng tulong, respeto, ginhawa,
simpatiya at tumutugon sa pangangailangan.

E. PANGWAKAS NA PAGTATASA
Kung ikaw ay isang entrepreneur, ano ang gagawin mo upang matukoy
ang mga taong nangangailangan ng angkop na produkto at serbisyo?

14
IV. PAGTATAYA
Gamit ang “Bubble Map”, kilalanin o tukuyin ang mga taong
nangangailangan ng angkop na produkto at serbisyo. Ano ano ang kanyang mga
pangangailanga

Taong
nangangailan
gan ng
angkop na
produkto at
serbisyo

V. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:
Ilarawan ang iyong sarili bilang taong nangangailangan ng angkop na
produkto at serbisyo.

EPP 11:00-11:40 1:55-


2:35
I.LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga negosyong maaaring pagkakitaan sa tahanan at
pamayanan. (EPP5IE-0b-4)
2. Naiaangkop ang negosyong maaaring pagkakitaan sa uri ng mga taong
nangangailangan ng mga produkto at serbisyo.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Mga Negosyong Maaaring Mapagkakitaan
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide, Grade 5, EPP5IE-0b-4, p. 16
Masiglang Pamumuhay Para sa Kinabukasan 5, pp. 13-18

15
Kagamitan: larawan ng mga halimbawa ng iba’t ibang produkto at
serbisyo, tsart,
kahon

III.A.1. PANIMULANG PAGTATASA:


Balikan natin kung ano-ano ang mga salik na dapat isaalang alang sa
pagtukoy ng mga oportunidad para sa produkto at serbisyong mapagkakakitaan
sa tahanan at pamayanan. Punuin natin ng mga ito ang kahon sa ibaba.

2. PAGGANYAK
Makikita ba ang sumusunod na mga produkto at serbisyo sa inyong
sariling pamayanan? Malaki ba ang oportunidad para ito ay mapagkakitaan?
Halina at pag-usapan ang pagtukoy sa mga negosyong maaaring pagkakitaan sa
tahanan at pamayanan.

B. PAGLALAHAD

Kapag tayo ay nagbabalak magtayo ng negosyong mapagkakakitaan,


dapat ay alamin muna natin ang sagot sa tanong na: Ano-ano ang mga produkto
at serbisyong maaaring pagkakitaan?
Ang mga halimbawa ng mga produktong maaaring pagkakitaan ay ang
mga pagkain gaya ng halo-halo, banana cue, barbecue, fish ball, French fries na
may iba’t ibang flavor, pastillas, cookies at daing. Maari din pagkakitaan ang
mga damit, laruan at marami pang iba.
Ang mga halimbawa naman ng mga serbisyong maaaring ialok at
puwedeng pagkakitaan ay ang paglalaba at pamamalantsa, paglilinis ng bahay,

16
pagmamaneho ng sasakyan, pananahi, paggupit at pag-aayos ng buhok, pag
download ng mga musika sa kompyuter at marami pang iba.

Alin sa sumusunod na mga produkto at serbisyo ang pwedeng


pagkakitaan sa tahanan at pamayanang kinabibilangan mo? Lagyan ng
ang mga ito.
1. Shoe repair shop
2. tindahan ng gamit pang-eskwela (papel, bolpen, lapis, kwaderno, atbp.)
3. Beauty salon
4. Tindahan ng mga gamot
5. Vulcanizing shop
6. Laundry shop
7. tindahan ng mga kakanin at palamig
8. Electrical appliances (telebisyon, bentilador, atbp.)
9. Water refilling station
10.pagpaparenta ng mga traysikel

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
May mga mungkahi na dapat sundin para sa tamang pagpili ng mga
produkto at serbisyong mapagkakakitaan. Narito ang ilan:
1. Subaybayan ang mga kakumpetensiya sa produkto at serbisyong
binabalak ialok sa mga tao. Sagutin ang sumusunod na tanong:
 Mas mura mo bang ibebenta ang produktong may
kakumpetensiya?
 Mas maganda at maayos ba ang ideya ng produkto o serbisyong
binabalak mo?
 Mas mahusay ba ang serbisyong binabalak mo?
 Mas maganda ba ang lokasyon ng binabalak mong negosyo?
 Mas kaakit-akit ba ang packaging ng produkto mo?
 Mas maayos ba ang mga plano mo ng pagbebenta?
2. Makatutulong ba ang mga produkto o serbisyong binabalak mo sa mga
pangangailangan ng tao?
3. Kinukulang ba ang mga produkto at serbisyo para sa mga kostumer sa
paligid?
4. May mga produkto at serbisyo bang inaangkat sa ibang bansa para sa
karagdagang pangangailangan?
(Iproseso ang mga sagot sa ibinigay na mga katanungan.)

D. PAGLALAHAT
Kapag tayo ay nagbabalak magtatag ng negosyong mapagkakakitaan,
maraming mga bagay ang dapat nating isaalang-alang upang maging
matagumpay at maiwasan ang pagkalugi nito.

E. PANGWAKAS NA PAGTATASA
Pangkatin ang mga bata sa dalawa. Ang unang pangkat ay magtatala ng
mga negosyong mapagkakakitaan sa tahanan at pamayanan. Iuulat nila ito sa
klase at ipapaliwanag kung ano ang naging batayan nila sa pagpili ng mga ito.
Ang pangalawang pangkat naman ay magsasadula ng pagtatayo ng mga
negosyong mapagkakakitaan sa tahanan at pamayanan.

IV. PANGWAKAS NA PAGTATASA:

17
Kilalanin kung anong negosyo ang maaaring itatag sa bawat sitwasyong
ibibigay.
Lagyan ng ang angkop na kasagutan. Maaaring mag like ng higit sa
isang beses.

1. Sila Gladys ay nakatira malapit sa isla na dinarayo ng mga turista. Ano


ang mga produkto at serbisyong maaari niyang pagkakitaan?
__________ a. pagbebenta ng produktong yari sa kabibe
__________ b. pagpaparenta ng mga tent o beach umbrella
__________ c. pagmamaneho ng traysikel
__________ d. pagpaparenta ng bangkang de motor
2. Sina Darwin at Jenny ay nakatira malapit sa isang unibersidad. Sila ay
nagbabalak na magtayo ng negosyo. Ano ang maaari nilang piliin?
__________ a. photocopy center
__________ b. boarding house
__________ c. vulcanizing shop
__________ d. tindahan ng mga gamit pang eskwela
3. Tahimik na nakatira ang pamilya nila Mang Rex sa bukid. Anong maaari
niyang gawin para magkaroon ng mapagkakakitaan?
__________ a. magtayo ng karenderiya
__________ b. magparami ng hayop
__________ c. magtanim ng gulay
__________ d. magmaneho ng dyip
4. Si Mary Ann ay nakatira malapit sa palengke. Ang kanyang asawa ay
nagtratrabaho sa labas ng bansa. Ano ang maaari niyang gawin para
magkaroon sila ng dagdag na kita?
__________ a. magtayo ng karenderiya
__________ b. magbenta ng alahas
__________ c. magtayo ng laundry shop
__________ d. magtayo ng tindahan o grocery store

V. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na magtayo ng negosyo sa inyong
lugar, ano ang pipiliin mo? Bakit?

EPP 11:00-11:40 1:55-


2:35
I. LAYUNIN:
1. Nakapagbebenta ng natatanging paninda. (EPP5IE-0b-5)

18
2. Naipakikita ang pagkamalikhain sa pagbuo ng mga produkto at
serbisyo.
3. Nagagawa nang sama-sama ang gawain.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Pagbebenta ng mga Natatanging Paninda
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide, Grade 5, EPP5IE-Ob-5, p. 16
Masiglang Pamumuhay Para sa Kinabukasan 5, pp. 13-18
Kagamitan: mga larawan, basket, tsart

III.PAMAMARAAN
A. 1. Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Alin sa mga ito ang mabebenta
nang mas mabilis o mas tatangkilikin ng mga mamimili? Ano ang
naging batayan mo sa iyong pagpili?

2.PAGGANYAK
Tingnan ninyo ang inyong mga kasuotan at mga gamit pang-eskwela. Ano
ang naging batayan ninyo sa pagbili ng mga ito?

B. PAGLALAHAD

Sa pagtatatag ng negosyong mapagkakakitaan, maraming bagay ang


dapat pagtuunan ng pansin upang ang produkto o serbisyo ay maging mabenta
sa mga kostumer. Mahalagang isaalang-alang ang mga natatanging paninda sa
pagnenegosyo na kaaya-aya at maaaring kumita ng perang makatutulong sa
mga pangangailangan ng pamilya.
Sa kasalukuyan ang mga produkto at serbisyong magiging maganda at
maaaring maging katangi-tangi ay ang sumusunod:
1. Negosyong Pang-Teknolohiya
Lahat ng tao ay abala sa ICT. Maaari kang magtayo ng negosyong
nag-aayos ng mga gadget. Maaari ring magbenta ng mga aksesorya ng
mga makabagong gadget.
2. Ang paggawa ng souvenir items para sa mga bisitang dayuhan.

19
3. Ang pamumuhunan sa stock market, mutual funds, bonds at foreign
exchange ay isang magandang negosyo. Mabilis lumago ang pera rito
kaysa sa bangko.
4. Ang mga pagkaing organiko, alternatibong gamot, at food supplement
ay magandang pagkakitaan at kapag magaling kang mag-alok ng mga
produktong pampaganda, pampabata at pangkalusugan.
5. Mga negosyong may kinalaman sa edukasyon tulad ng pagtatayo ng
photocopier, computer shop o printing shop kung saan marami ang
nagpapa-print ng mga thesis o nagpapagawa ng tarpaulin. Gayundin
ang pagpapatayo ng training schools para sa K to 12 program at pag-
aayos ng mga seminar.
6. Sa negosyong real estate, marami ang nag-aalok ng mga pre-selling na
bahay.
7. Ang negosyo sa pagkain ay nanatilling malakas at mabenta subalit
maraming kakompetensiya.
8. Ang negosyong konstruksiyon ay patuloy na nagiging aktibo sa
kasalukuyan.
9. Ang pagbebenta ng mga damit at palamuti na sunod sa uso ay subukin
rin.
10.Ang mga serbisyong pampaganda at pamparelaks ay tinatangkilik din.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Batay sa iyong mga natutunan, anong negosyo ang iyong nais


itayo? Ano-anong mga estratehiya ang iyong gagamitin upang ang iyong
napiling produkto
o serbisyo ay maging mabenta? Ilagay ang mga kasagutan sa basket na
ito.

D. PAGLALAHAT
Sa pagtatatag ng negosyong mapagkakakitaan, maraming bagay
ang dapat pagtuunan ng pansin upang ang produkto o serbisyo ay maging
mabenta sa mga kostumer. Mahalagang isaalang-alang ang mga natatanging
paninda sa pagnenegosyo na kaaya-aya at maaaring kumita ng perang
makatutulong sa mga pangangailangan ng pamilya.

E. PANGWAKAS NA PAGTATASA

Pangkatin ang mga bata at ipagawa ang pagbebenta ng natatanging


paninda. Maaaring isanib dito ang mga natutunan o nagawang proyekto sa ibang
component ng EPP. (halimbawa: pagtitinda ng nilutong pagkain) Sundin ang
sumusunod na proseso:

20
Pagpaplano
 Ang guro kasama ang mga bata ay magpaplano ng isang bagay na
isasagawa.
Paggawa
 Gabayan ng guro ang mga bata gamit ang anumang kagamitan sa
paglikha ng
anumang gawain o proyekto.
Pagsusuri
 Muling tipunin ang mga bata at balikan ang prosesong kanilang ginawa o
pinagdaanan pagkatapos ng gawain.
IV. PAGTATAYA
Gumawa ng talata tungkol sa mga estratehiya ng pagbebenta ng
natatanging produkto o serbisyo. Ipakita ang larawan ng iyong produkto o
serbisyong napili.

V. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:

21
EPP 11:00-11:40 1:55-
2:35

I. LAYUNIN:
1. Naipapaliwanag ang mga panuntunan sa pamamahagi ng mga
dokumento at media file. (EPP5IE-0b-6)
2. Nakabubuo ng mga patakarang dapat sundin para sa ligtas at
responsableng pamamahagi ng mga dokumento at media files.
3. Naisasagawa ang pangkatang gawain nang maayos.
II. PAKSANG ARALIN:
Paksa: Mga Panuntunan sa Pamamahagi ng mga Dokumento
at Media File Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide, Grade 5, EPP5IE-Ob-6,
p.16
NATIONAL TRAINING OF TRAINERS FOR GRADE 5 EPP – ICT &
ENTREPRENEURSHIP (Marlon L. Lalaguna, DepEd-
Valenzuela, NCR)
https://school.quipper.com/en-PH/courses/ict-grade-5-k-
12/pamamahagi- ng-media-file-gamit-ang-isang-file-sharing-
website-o-sa-discussion-forum.html
Kagamitan:mga larawan, chart, pentel pen, manila paper, puzzle

III. PAMAMARAAN
A.1. PANIMULANG PAGTATASA:
Pangkatin ang mga bata sa apat. Mag unahan sa pagsulat ng iba’t ibang
uri ng files na maaaring i-save sa kompyuter. (Mga posibleng sagot: document
files, image files, audio files, video files, program files)

2.PAGGANYAK
1. Ipasagot ang sumusunod, 4 Pics 1 Word – ICT Edition.
2. Gabay na Tanong:
a. Bakit tayo gumagamit ng internet?
b. Ano ang layunin natin sa paggamit nito?
c. Ano ang koneksyon ng bawat salita sa paggamit ng
internet?

22
ICT EDITION

(CREATE) (EXPLORE)
(LEARN)

(SHARE) (DIRECT)

B. PAGLALAHAD
Ano ang media file?
 Ang media file ay tumutukoy sa file na audio, video o kaya ay
mga larawan.
 Ang media file ay dokumento.

23
Gawain:
1. Pangkatin ang mga bata sa apat. Pipili ng lider ang bawat grupo.
2. Bumuo ng mga patakarang dapat sundin para sa ligtas at
responsableng pamamahagi ng mga dokumento at media files.
3. Ipaulat ang kanilang sagot. Maaaring magbigay ng yell
pagkatapos ng pag-uulat ng bawat grupo.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Ipaliwanag ang panuntunan sa pamamahagi ng dokumento at
media files.

D. PAGLALAHAT
Gagawa ng pangkalahatang Panuntunan sa Pamamahagi ng
Dokumento at Media Files mula sa iniulat ng bawat grupo na papatnubayan
ng guro.

E. PANGWAKAS NA PAGTATASA
Pangkatang Gawain:
Ipasulat sa kartolina ang nabuong mga panuntunan at palagyan ng
desinyo.

IV. PAGTATAYA
Buuin ang puzzle at ilagay sa bawat bahagi ang mga panuntunan sa
pamamahagi ng dokumento at media files.

V. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:
Maghanda ng dokumento o media file na maaaring ibahagi.

24
EPP
11:00-11:40 1:55-2:35
I. LAYUNIN:
1. Nakapamamahagi ng mga dokumento at media file sa ligtas at
responsableng pamamaraan. (EPP5IE-0c-7)
2. Natutukoy ang kahalagahan ng ligtas at responsableng pamamahagi
ng mga dokumento at media file.
3. Naisasagawa ang pangkatang gawain nang maayos.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Pagbabahagi ng mga Dokumento at Media File
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide, Grade 5, EPP5IE-Oc-7, p. 16
NATIONAL TRAINING OF TRAINERS FOR GRADE 5 EPP – ICT &
ENTREPRENEURSHIP (Marlon L. Lalaguna, DepEd-
Valenzuela, NCR)
Kagamitan:kompyuter, internet, mga dokumento o media file

III.PAMAMARAAN
A. PANIMULANG PAGTATASA
Sagutin:
1. Ano ano ang mga halimbawa ng dokumento o media file na maaaring
ipamahagi sa internet?
2. Ano ano ang mga panuntunan sa pamamahagi ng mga dokumento at
media file
B.PAGGANYAK
Itanong:
Sino ang nakasubok nang magbahagi ng dokumento at media file?
Paano
ninyo ito ginawa? Ilahad sa klase ang karanasan.
B. PAGLALAHAD
Gawain: PAGBAHAGI NG MEDIA FILE (Pakitang Turo ng Guro)
Subukan nating magbahagi ng media file sa pamamagitan ng pag
upload sa isang file sharing website.
1. Sundan ang link na ito: http://wikisend.com/.
2. Mag-sign up sa Wikisend.com. I-fill up ang sign up form.
3. I-click ang Choose File, upang mapili ang media file na nais na i-upload.
4. I-click ang upload button.
5. Pagkatapos mai-upload ay maaari nang ibahagi ang link upang ma-
download ito ng iba.

25
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Gawain:
1. Pangkatin ang mga bata sa lima. Pipili ng lider ang bawat grupo.
2. Ipagawa sa bawat pangkat ang PAGBAHAGI NG DOKUMENTO AT
MEDIA FILE alinsunod sa pinakita ng guro.

D. PAGLALAHAT
Ipasagot:
1. Paano ninyo ibinahagi ang inyong dokumento at media file?
2. Ligtas ba ang ginawa ninyo? Bakit?

E. PANGWAKAS NA PAGTTASA
Pangkatang pagpapakita ngmga bata sa pamamahagi ng dokumento at
media file.
IV. PAGTATAYA
Kilalanin ang bawat salita kung ito ay media file o hindi. Lagyan ng Oo
o Hindi.
__________ 1. Monitor
__________ 2. Anti-virus program
__________ 3. Datos ng kinita gamit ang electronic spreadsheet
__________ 4. Keyboard
__________ 5. Video ng paggawa ng banana cue
V. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN
Isaayos ang sumusunod na mga pangungusap ayon sa wastong
pagkakasunod sunod ng mga paraan ng pamamahagi ng dokumento at media
file. Isulat ang titik A – E sa mga patlang.
__________ Mag-sign up sa Wikisend.com. I-fill up ang sign up form.
__________ Pagkatapos mai-upload ay maaari nang ibahagi ang link upang
ma-download ito
ng iba.
__________ I-click ang upload button.

26
__________ I-click ang Choose File, upang mapili ang media file na nais na i-
upload.
__________ Sundan ang link na ito: http://wikisend.com/.

PANUNTUNAN SA PAGSALI SA DISCUSSION


FORUM AT CHAT

27
ICT-
Entrep
Aralin
10

EPP 11:00- 11:40 1:55-


2:35
I. LAYUNIN:

1. Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa pagsali sa discussion


forum at chat. (EPP5IE-0c-8)

II. PAKSANG ARALIN:

Paksa: Mga Panuntunan sa Pagsali sa Discussion Forum at


Chat
Sanggunian: K-12 Curriculum Guide for Grade 5, EPP5IE-Oc-8, p.16
https://www.google.com/ teaching.colostate.edu
https://www.google.com/search?q=images+of+chat
Kagamitan: Computer, Internet Access, Manila Paper, Pentel Pen, Scotch
Tape
Paalala: Ang mga printscreen na makikita na nasa TG ay maaaring
magbago batay sa gamit at bersiyon ng applications.

III. PAMAMARAAN:
A.1. Ipakita ang mga larawang ito.

2.PAGGANYAK

1. Tumawag ng ilang mag-aral upang ibahagi ang mga bagay na


napansin nila sa mga larawan na ipinakikita.
2. Magkaroon ng maikling talakayan tungkol sa mga sagot.
Ipahiwatig ang sumusunod na katanungan.
 Naranasan mo na ba ang makipag-usap at makipagpalitan ng
mensahe gamit ang cellphone, computer at internet?

28
 Anu ang dapat isaalang-alang kung makikipag-usap at
makikipagpalitan ng mensahe gamit ang cellphone,
computer at internet?
3. Iugnay ang mga sagot sa mga panuntunan sa pagsali sa
discussion forum at chat.

B. PAGLALAHAD
1. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng talakayan
tungkol sa mga sagot sa sumusunod na susing tanong:
a. Ano ang mga panuntunan sa pagsali sa discussion forum at
chat?

Mga panuntunan sa pagsali ng Discussion Forum at


Chat

i. Makilahok: Ito ay pagbabahagi at pakikibahagi sa


kapaligiran. Hindi sapat na mag-login at basahin
lamang ang mga discussion thread ng iba. Para sa lubos
na pakinabang ng lahat, lahat ay dapat mag-ambag.
ii. Gamitin ang naaangkop na wika: Kapag ang salita
ay hindi maaaring sinasabi sa midya o nakapaligid na
kapamilya, hindi rin ito maaaring gamitin dito
kailanman.
iii. Ireport kung may di-gumagana: Ang discussion
forums ay electronic. Sila ay pweding masira. Kung sa
anumang dahilan nakakaranas ka ng hirap na
makilahok, mangyaring tumawag, mag-email, o kung
hindi man ireport ang isyu.
iv. Tulungan ang ibang kalahok: Maaari kang
magkaroon nang higit na karanasan sa online
discussion forums kaysa sa tao sa tabi mo. Tulungan
sila. Ipakita sa kanila na ang mga ito ay hindi mahirap.
v. Maging matiyaga: Basahin ang lahat ng bagay sa
thread discussion bago tumugon. Ito ay makakatulong
sa iyo na maiwasan ang pag-uulit ng isang bagay sa
ibang tao ay may iniambag. Kilalanin ang mga puntos
na ginawa na kung saan sumasang-ayon ka at
magmungkahi ng alternatibo para sa mga hindi mo
gusto.

vi. Maging direkta: Gusto mong maging malinaw at


nakapagsasalita ng iyong punto, walang mapangaral o
magarbo. Maging direkta. Manatili sa punto. Huwag
mawawala sa sarili, o ang iyong mga mambabasa, sa
sobrang masalitang mga pangungusap o talata.

vii. Gumamit ng wastong istilo ng pagsusulat: Kung


ikaw ay magsusulat ng isang term paper, tamang
pagbabaybay, pambalarilang konstruksiyon at
istraktura ng pangungusap ay inaasahan , at iba pa.
Ang mga aktibidad ng pagsulat na kaugnay sa
akademikong pakikipag-ugnayan sa online na mga
talakayan ay hindi naiiba.

29
viii. Sipiin ang iyong mga sanggunian: Ito ay isa pang
malaking dapat! Kung ang kontribusyon sa pag-uusap
kasama ang mga intelektuwal na pag-aari (authored
materyal) ng iba, halimbawa, mga libro, mga
pahayagan, magazine, o journal articles-online o sa
print, sila ay dapat na binibigyan ng tamang
pagpapatungkol.
ix. Emoticons at texting: Ang social networking at text
messaging ay may nailalarawan na malawakang
linguistic shortcut na hindi bahagi ng akademikong
dialogue.
x. Igalang ang pagkakaiba-iba: Tayo ay nasa mundo ng
may pagkakaiba-iba. Gumamit ng wikang walang
maaaring ipakahulugan na nakakasakit sa iba. Racists,
sexist, at heterosexist na mga komento at mga biro ay
hindi katanggap-tanggap, dahil ang mga derogatory at /
o sarkastikong komento at pagbibiro ay nakadirekta sa
mga paniniwala sa relihiyon, kapansanan at edad.
xi. No yelling! Ang paggamit ng naka-bold letter upper-
case ay masamang porma at tulad ng stomping sa
paligid at yelling sa isang tao.
xii. No Flaming. Ang negatibong emosyon na nakadirekta
sa sinuman at iba pang mga taga-ambag ay simpleng
hindi katanggap-tanggap at hindi hinahayaan gawing
kalapastanganan. Ang akademikong kapaligiran ay
inaasahan na may mas mataas at maayos na paggamit
ng wika.
xiii. Sa wakas, Tandaan: Maging maingat sa
pagpopost.Suriin ang iyong mga nakasulat na mga post
at mga tugon upang matiyak na naipahayag mo nang
tama kung ano ang iyong nilalayon. Ito ay isang
mahusay na pagkakataon sa pagsasanay ng iyong
pagwawasto, rebisyon, at muling pagsusulat ng mga
mahalagang kasanayan.

Paalala: Basahin ang iyong mga post nang malakas bago ang
pagpindot ng send button. Ito ay magsasabi sa iyo ng marami
tungkol sa kung ang iyong grammar at istraktura ng
pangungusap ay tama, ang iyong tono ay angkop, at ang
iyong kontribusyon ay malinaw o hindi.

b. Gamit ang isang projector ipakita ang mga panuntunan sa


pagsali sa discussion forum at chat.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
1. Ipagawa ang sumusunod;
 Pangkatin ang klase sa anim na grupo.
 Pipili ng lider ang bawat grupo.
 Bigyan ng mga kagamitan na gagamitin ang
bawat grupo tulad ng manila paper, pentel pen,
krayola, at lapis.
 Mula sa tinalakay na panuntunan, ang bawat
grupo ay pipili ng dalawang panuntunan sa
pagsali sa discussion forum at chat.

30
 Gamit ang pentel pen at manila paper, isusulat
ng bawat grupo ang napiling panuntunan at ang
paliwanag nito.
 Iuulat ng bawat lider ang kanilang ginawa
hanggang sa makapag-ulat ang lahat ng grupo.
D. PAGLALAHAT
1. Ipatalakay sa mga mag-aaral ang mga panuntunan sa
pagsali sa discussion forum at chat.
IV.PAGTATAYA
Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod:
Subukin Mo: Magbigay ng paliwanag sumusunod na salita o mga
salita.
Ilagay ang sagot sa kuwaderno.
1. Gamitin ang naaangkop na wika
2.
No Flaming!
3.
Makilahok
4.
Igalang ang pagkakaiba-iba
5.
Emoticons at texting
V. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:
Ipasaliksik sa mga mag-aaral ang iba’t ibang panuntunan sa
pagsali sa discussion forum at chat na hindi pa nabanggit. Ipasulat ang
mga ito sa kanilang kuwaderno.

EPP 11:00-11:40 1:55-2:35


I. LAYUNIN:
Nakasasali sa discussion forum at chat sa ligtas at responsableng
pamamaraan

II. PAKSANG ARALIN


Sanggunian: K to 12 EPP and TLE Curriculum Guide, Grade 5,
EPP5IE-0c-9, p.16
EPP5 NTOT PowerPoint Presentation

Kagamitan: Computer, LCD projector, screen,


Power Point Presentation
III.PAMAMARAAN
1. Panimula

Balik-aralan ang mga panuntunan sa pagsali sa ligtas at


responsableng online discussion forum at chat. Hayaang banggitin ng mga
mag-aaral ang mga napag-aralang panuntunan.
Alamin mula sa mga mag-aaral kung sino ang mayroon nang
karanasan sa paggamit ng online discussion forum at chat sa internet at
social media. Ipatukoy din kung anong site ang mga ito.

31
Sabihin: Ngayong araw, pag-aaralan ninyo ang pagsali sa discussion
forum at chat sa ligtas at responsableng paraan. Sa pamamagitan nito,
matututunan ninyo kung paano makipag-ugnayan sa mga kapamilya,
kaibigan o kakilala kung kayo ay may mahalagang kailangan sa kanila
kahit malayo man kayo sa kanila. Makatutulong din ito upang
pakapagbenta ng mga produkto at serbisyo.

2. Pagmomodelo

Sabihin : Ang tatandaandapat ay gawing ligtas at reponsable ang


pakikilahok sa online discussion forum at chat.
Sa pakikilahok sa isang online discussion forum, narito ang mga
hakbang (habang ginagawa ng guro ang bawat hakbang, ipakita ito sa
mga mag-aaral sa pamamagitan ng LCD projector upang makasubaybay
sila):
• Mag-register sa website na www.forums.com upang makalahok sa
forum at makagawa rin ng sariling forum.
• I-fill up ang form na ito ng mga kailangang impormasyon upang
makagawa ng sariling forum at makalahok sa ibang discussion
forum.

Sa pakikilahok sa group chat, narito ang mga hakbang:

• Gamit ang inyong computer sundan ang link na ito:


http://www.smartchatbox.com

• Mag-sign in at makilahok sa talakayan sa chatbox.

32
Ano ang mga hakbang na iyong gagawin sa paglahok sa online
forum? group chat?

3. Pinatnubayang Pagsasanay

Pangkat-pangkatin ang mga mag-aaral ayon sa bilang ng computer


na gagamitin. Maaring ang bawat grupo ay binubuo ng tatlo o limang
miyebro.

Gabayan ang bawat grupo sa pag-eensayo sa paggawa ng sariling


forum at group chat. Ipakita sa LCD projection screen ang bawat hakbang
na ginagawa.

Habang ang isang grupo ay ginagawa ang mga hakbang, ang iba
naman ay manonood sa screen.

4. Malayang Pagsasanay

Gagawa ng sariling forum at group chat ang bawat pangkat. Ang


bawat miyembro ay magpapalit-palitan sa paggamit ng computer. Bawat
isa ay dapat mabigyan ng pagkakataong makapag-sign in.

IV - Pagtataya

a. Pumili ng paksang pag-uusapan mula sa mga sumusunod:


 Pagkakaiba ng produkto at serbisyo
 Mga negosyong maaaring pagkakitaan sa tahanan
 Mga negosyong maaaring pagkakitaan sa pamayanan
 Pagbenta ng isang paninda

b. Pumili kung ang gagamitin ay online discussion forum o group chat.

c. Sa loob ng 10 minuto, ang bawat grupo ay tatalakayin ang napili


nilang paksa sa online discussion forum o group chat. Huwag
kalilimutan ang mga panuntunang napag-aralan sa pagsali sa
online discussion forum o group chat sa ligtas at responsableng
pamamaraan.

Gamit ang sumusunod na pamantayan, bigyan ng marka ang talakayan ng


grupo sa online discussion forum o group chat.

Puntos Panuntunan
5 Umiwas sa Umiwas Ipinagbigay- Naging Naging
pagsasabi sa pag- alam sa mga mapag- palakaibigan,
ng mga type kausap ang pasensya. magalang at
salitang di nang pag-alis o maunawain sa

33
kaaya-aya. naka-ALL pag-log of. lahat ng
CAPS. pagkakataon.
4 apat na panuntunan ang nasunod
3 tatlong panuntunan ang nasunod
2 dalawang panuntunan ang nasunod
1 isang panuntunan ang nasunod

V- Kasunduan

Sa group chat, kausapin ang mga mag-aaral tungkol sa paksang tinukoy


sa Gawin Natin. Laging tandaan at sundin ang mga panuntunan sa ligtas at
responsableng pakikilahok sa online discussion forum at chat.

EPP 11:00- 11:30 1:55-


2:35
I. LAYUNIN:

2. Nagagamit ang advanced features ng isang search engine sa


pangangalap ng impormasyon.

II. PAKSANG ARALIN:

Paksa: Paggamit ng advanced features ng isang search engine sa


pangangalap ng impormasyon. (EPP5IE-0d-10)

Sanggunian: K-12 Curriculum Guide for Grade 5, EPP5IE-Od-10, p. 16


http://www.wikihow.com/Use-Google-Advanced-Search-Tricks
https://www.google.com/search?
q=google+advanced+search+option+
images
Kagamitan: Powerpoint presentation, mga Computer, Internet
Paalala: Ang mga printscreen na makikita na nasa TG ay maaaring
magbago batay sa gamit at bersiyon ng web browser at
search engine.

III. A.PANIMULANG PAGTATASA


1. Itanong sa mag-aaral kung ano ang nasa larawan.

34
2. PAGGANYAK
 Naranasan mo na ba ang mangangalap ng impormasyon
gamit ang computer at internet?

B. PAGLALAHAD
2. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng sumusunod na susing tanong:
a. Ano ang advanced search engine?

Ang advanced search engine ay isang software system na


ginagamit sa internet upang higit pang matugunan ang
paghahanap ng impormasyon, sa pamamagitan ng pagbibigay
forms para sa mga advanced na paghahanap , mas mahusay na
pagbibigay-kahulugan ang iyong mga query , na
nagmumungkahi ng mga keyword, o sa paghahanap ng mga
hindi pangkaraniwang konteksto. Ilan sa pinanakakilalang
search engines ay Google at Yahoo. Kung magsasaliksik gamit
ang internet, isang mahalagang kasanayan ang paggamit ng
advance search engine home page. Ang common at
pinakamadalas gamiting advance search engine
(www.google.com). Ipakita ang mga larawan sa ibaba.

35
b. Paano ginagamit ang advanced search engine?

i. Kapag kayo ay unang pumunta sa ' Google.com ', hindi


mo makita ang marami. Mukhang isang napaka-
simpleng search engine lang. Ngunit sa katunayan ito
ay maaaring gamitin para sa marami pang iba. Sa
kanan ng box para sa paghahanap , may mga tatlong
mga link : Advanced Search, Preferences, at Language
Search.
1. Advanced Search - Kung pinindot mo Advanced
Search, isang pahina ay lumalabas na may
maraming iba't-ibang mga pagpipilian.
2. Sa kahon na may markang “all these words “ay
ang iyong karaniwang search box na tulad ng isa
sa front page .
3. Ang kahon na “this exact wording or phrase " ay
hindi naglalaman ng mga salita sa gitna ng isang
pangungusap. Ito palibutan ang mga salita na
may quote "". Halimbawa, kung nag-type ka sa "
wikiHow ay Kahanga-hanga " sa ito eksaktong
paraan ng pagsasalita o parirala kahon, ang
paghahanap ay hindi isama ang isang pahina na
may "kapaki-pakinabang Ay wikiHow ? Maraming
mga tao ay nagtanong do isipin ito ay kapaki-
pakinabang at kahanga-hangang" ngunit isama
ang " wikiHow ay Kahanga-hanga. ito ay kung
bakit sa tingin ko ito. "

ii. Ang "one or more of these words” na kahon ay


magagamit sa pagtingin mo ng isang bagay o iba pang
dahilan, ngunit kung hindi mahanap ang isa sa

36
dalawang mga term sa halip hahanapin ito na
magkasama.

iii. Ang susunod na kahon ay ang " mga hindi gustong mga
salita " na kahon. Kahon na ito ay nagbibigay-daan
hindi mo isama ang mga tiyak na salita sa iyong
paghahanap. Kahon na ito ay naglalagay ng isang -
unahan ng salita. Halimbawa , kung naghahanap ka
para sa " Bass " tulad ng sa ang mga isda , maaari
mong i-type "Bass -Sing " upang mahanap ang mga
pahina na may Bass sa mga ito at hindi tungkol sa pag-
awit.

iv. Sa ibaba ng kahon , maaari mong piliin kung gaano


karaming mga resulta na iyong nais sa iyong
paghahanap sa drop down box "Result per
Page"

1. "Wika " na nagbibigay-daan sa mong piliin


kung aling mga wika na nais mo ang mga resulta
ng paghahanap upang maging. Ang opsiyon na
ito ay hindi tunay na kinakailangan. Kapag kayo
sa paghahanap isang salitang Ingles ,
pagkatapos ikaw ay malamang na makakuha ng
Ingles.
2. "Uri ng File " sabihin pinili mo kung anong uri
ng file na nais mong ang mga resulta ng
paghahanap upang maging. Kaya kung nais
mong upang mahanap .pdf file at pagkatapos ay
nais mong pumili ng Adobe Acrobat PDF .
3. "Search sa loob ng isang site o domain"
hinahayaan kang maghanap sa loob ng isang
tiyak na website o isang extension tulad ng "
.edu "
v. Kung nais mo ng higit magbukas pa " Petsa, mga
karapatan sa paggamit , numeric hanay , at higit pa.
vi. Sa sandaling tapos ka na, ay pindutin ang advance
search upang makita ang iyong mga resulta ng
paghahanap at Google on!

2. Magkaroon ng talakayan tungkol sa epektibong paggamit ng


advanced features ng isang search engine sa pangangalap ng
impormasyon sa internet
4. Kasama ang mga mag-aaral, subukan ang paggamit ng advanced
features ng isang search engine sa pangangalap ng impormasyon sa
internet
5. Ipagawa ang;
Gawain A: Mangangalap ng mga impormasyon tungkol sa K-12
gamit ang advanced features ng isang search engine
sa internet.
Gawain B: Magsaliksik Tayo!

37
Gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang pagsasa
pangangalap ng impormasyon paggamit ng advanced
features ng isang search engine . Magkaroon ng pagbabahagi
sa klase tungkol sa naging resulta ng pangangalap.

IV.PAGTATAYA
Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod:
Subukin Mo: Isulat kung ang TAMA kung tama ang isinasasad ng
pangungusap at MALI naman kung mali ang isinasaad nito. Ilagay ang
sagot sa kuwaderno.
______ 1. Ang advanced search engine ng isang software system na
ginagamit sa internet upang higit pang matugunan ang
paghahanap ng impormasyon, sa pamamagitan ng pagbibigay
forms para sa mga advanced na paghahanap , mas mahusay na
pagbibigay-kahulugan ang iyong mga query , na nagmumungkahi
ng mga keyword, o sa paghahanap ng mga hindi pangkaraniwang
konteksto
______2. Kung pinindot mo Advanced Search, isang pahina ay lumalabas na
may maraming iba't-ibang mga pagpipilian.
______3. Sa kahon na may markang “all these words “ay ang iyong
karaniwang search box na tulad ng isa sa front page.
______4. Ang "one or more of these words” na kahon ay magagamit sa
pagtingin mo ng isang bagay o iba pang dahilan, ngunit kung
hindi mahanap ang isa sa dalawang mga term sa halip hahanapin
ito na magkasama.
______5. Sa sandaling tapos ka na, ay pindutin ang advance search upang
makita ang iyong mga resulta ng paghahanap.

V. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:
Ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod:
Ipasagot ang sumusunod na tanong gamit ang advance search engine.
1. Sino-sino ang mga bagong miyembro ng Gabinete ng Duterte
administration?
2. Ano ang ibig sabihin ng AMLC?
3. Ilan ang dialect mayroon ang Rehiyon IV?

EPP 11:00-11:40 1:55-


2:35

I. LAYUNIN: Natutukoy ang angkop na search engine sa pangangalap ng


impormasyon.

38
II. NILALAMAN: Angkop na search engine sa pangangalap ng impormasyon

SANGGUNIAN: Internet, google.com,


K to12 Curriculum Guide, Grade 5, EPP5IE-Od-11, p.16
KAGAMITAN: Mga larawan, cartolina strips, computer

III. PAMAMARAAN

A. PANIMULA
 Magbigay ng mga makabagong teknolohiya. Isulat sa pisara ang
inyong mga sagot.
 Para sa inyo alin sa mga sumusunod ang higit nakailangan ng tao?
B. PAGMOMODELO
a. Ipakita at ipaalam sa mga bata ang mga angkop na advanced
features ng search engine napagkukuhanan ng karagdagan
kaalaman at impormasyon tungkol sa lahat ng bagay gamit lamang
ang computer at internet.
b. Isa-isa itong ipaliwanag at ituturo sa mga bata kung paano ito
matatagpuan.

C. PINATNUBAYANG PAGSASANAY
PANUTO: Nakasulat sa loob ng isang kahon ang
pinagmumulan ng lahat ng impormasyon. Isulat naman sa
nakalaang mga kahon ang pangalan ng mga website na maaaring
pagkuhanan ng impormasyon gamit ang ONLINE INTERNET

WEBSIT
E

D. MALAYANG PAGSASANAY

39
 Hahatiin ang klase sa dalawang grupo para sa debate.

SUBUKIN NATIN
Ang magkabilaang grupo ay kapwa maninindigan para mapatunayan ang
kani-kanilang mga hinuha sa ibinigay na paksa. ”May mabuti ba o
masamang naidudulot ang computer sa tao”.

IV. PAGTATAYA
PANUTO: Sagutin ng tama o mali. Isulatang sagot sa patlang bago ang
numero.
_____1. Ang yahoo.com ay isa sa pinagkukuhanan ng lahat ng uri ng
impormasyon.
_____2. Ang ASK ay hindi maaaring gamitin sa pagsasaliksik pagkat ito’y
ordinaryong
website lamang.
_____3. Ang google.com ay ang nangungunang website sa internet
nakadalasang ginagamit
ng mga mananaliksik.
_____4. Ang BING.social ay kabilang sa advanced features ng search
engine.
_____5. Ang AOL ay walang sapat na impormasyong maibibigay sa mga
mananaliksik.

V. KASUNDUAN
PANUTO: Magsaliksik ng mga website na maaaring magamit ng mga
mananaliksik.

40
EPP 11:00-11:40 1:55-
2:35
I. LAYUNIN:
Natitiyak ang kalidad ng impormasyong nakalap at ng mga website na
pinanggalingan nito.

II. PAKSA AT NILALAMAN:


SANGGUNIAN: Internet, Google. com, YouTube,
K to 12 Curriculum Guide, Grade 5, EPP5IE-Od-12, p. 16
KAGAMITAN: Mga larawan, power point presentation

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULA
 Ang guro ay magpapalabas ng isang video nakinalap mula sa internet
sa youtube.com (PAGGAWA NG BANANA CUE)
B. PAGMOMODELO
a. Ipapabasa sa mga bata ang mga payo hinggil sa mga bagay
nakailangang isaalang-alang
bago magsimulang mag saliksik gamit ang mga kilalang website.
b. Isa-isa itong ipaliwanag at tatalakayin sa mga bata.
C. PINATNUBAYANG PAGSASANAY
 Manaliksik tungkol sa mga dapat isaalang-alang bago magtayong
sari-sari store.
 Alamin kung saan nagmula ang mga nakalap na impormasyon.
 Suriing mabuti ang impormasyon at ilahad sa harap ng klase.

ASDD. MALAYANG PAGSASANAY


 Hahanap ng kapareha ang bawat isang mag-aaral.
GAWAIN
Sa tulong ng kapareha,mangalap ng impormasyon sa internet tungkol sa
“Mga dapat gawin bago magtayo ng NEGOSYO”. Suriing mabuti ang
impormasyon, at pagkatapos ilahad sa harap ng klase.
D. PAGLALAHAT:

41
Sa paghahanap ng mga mahahalagang impormasyon na maasahang tama at
kapakipakinabang – ay maari tayong maghanap nito sa pamamagitan ng
internet website sa tulong ng isang “search engine”. Dapat suriing mabuti
ang mga ito upang ang inyong hinahanap ay kapaki-pakinabang at may
mataas na kalidad ng impormasyong nakalap sa website.

IV. PAGTATAYA
PANUTO: Basahin ang sitwasyon sa ibaba at pagkatapos sagutan ang
sumusunod na mga tanong.

Si Nina ay isang OFW, pag-uwi niya ng Pilipinas naisipan niyang magsimula


ng isang maliit na restaurant upang hindi masayang ang perang matagal
niyang pinaghirapan sa ibang bansa, ngunit siya ay
walang sapat nakaalaman kung paano magsimulang magtayo ng ninanais
niyang negosyo. Isang kaibigan niya ang nagpayong sumangguni siya sa
online internet.
TANONG:
1. Ano ang unang hakbang na dapat gawin ni Nina?
Sagot: _______________________________________________________
2. Paano ni Nina masisiguro ang kalidad ng impormasyong makakalap
niya sa website?
Sagot:________________________________________________________
3. Ayon sa sarili mong opinion mapagkakatiwalaan ba ang internet at ang
mga website sa
pagkalap ng mga kaalaman? Oo o Hindi. Patunayan.
Sagot: _______________________________________________________

V. KASUNDUAN
PANUTO: Alamin ang pinagmulan ng mga website.

42
EPP 11:00-11:40 1:55-
2:35
I. LAYUNIN:
Nakakapag-bookmark ng mga website.
II. PAKSA AT NILALAMAN

Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide, Grade 5,EPP5IE-0e-13, p.


17
Kagamitan ng Mag-aaral sa EPP V
Mga Kagamitan: Computer, LCD projector, Powerpoint Presentation
III. PANIMULANG PAGTATASA:
A. PANIMULA
Itanong: Sino sa inyo ang may karanasan sa
paghahanap sa internet sa paggawa ng proyekto o
takdang-aralin?
Ipasalaysay ang sagot ng mga bata.
Sa araw na ito, ating pag-aaralan at alamin kung
paano nakakapag-bookmark ng mga website.
B. PAGMOMODELO
1. Ipakita at ipaliwanag ang mga hakbang sa pag-save
ng bookmark.
Sa kanang bahagi ng iyong address bar, i-click
ang icon na star. Maaaring ganito o ganito
ang hitsura nito.Maaari mo ring gawin ang isa sa
mga sumusunod:Sa kanang bahagi sa itaas, i-click
ang icon na nakikita mo: Menu o Higit Pa .I-click
ang Mga Bookmark > I-bookmark ang page na ito.

a. Pumunta sa web address bar sa itaas


ng page at hanapin ang lock o ang
page . I-drag ang alinman sa dalawa
sa bookmarks bar.
b. Pindutin ang Ctrl+D o ⌘+D.

43
C. PINATNUBAYANG PAGSASANAY
Pangkat-pangkatin ang mga mag-aaral ayon sa bilang ng
computer na gagamitin.
Gabayan ang bawat grupo sa pagsave ng bookmark ng mga
website. Ipakita sa screen ang bawat hakbang sa paggawa.

D. MALAYANG PAGSASANAY
Ang bawat grupo ay gagawa at magsesave ng bookmark sa
website gamit ang youtube, google at facebook sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang ibinigay.

E. PAGLALAHAT:
Maari tayong mag-bookmark sa pamamagitan ng pagsunod
sa mga gabay sa paggawa ng bookmark sa pamamgitan ng
youtube, google at facebook gamit ang laptop, tablet o di
kaya’y “personal computer”.

IV. PAGTATAYA:
Gamiting ang tseklist na ito sa pagbibigay marka sa gawain ng bawat
pangkat.
TSEKLIST SA PAGBIBIGAY NG MARKA:
______1. Nakakapag-bukas ng website.
______2. Nakakapag-bookmark ng website.
______3. Nakasusunod ng maayos sa mga hakbang ibinigay.

V. KASUNDUAN
Isaayos ang mga bookmark sa website na nasave.

44
EPP 11:00-11:40 1:55-2 :35
I.LAYUNIN

Naisasaayos ang mga bookmarks

II.PAKSA AT NILALAMAN
Sanggunian: K-12 Curriculum Guide 5, EPP5IE -0e-14 , p. 17
Kagamitan: Table at Tsart

III – Panimulang Gawain:

ALAMIN

Gawain A: Makabagong Teknolohiya

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Marunong ka bang ayusin ang mga bookmarks ng website?


2. Paano mo isasaayos ang mga bookmarks?
3. Ano ang mabuting epekto nito sa inyo?

Gawain A: Mga hakbang upang makita ang inyong bookmark

Maaari mong makita ang iyong mga bookmark sa tatlong lugar:


 Bookmarks bar: Naka-off ang bookmarks bar bilang default.
Maaari mong baguhin ang iyong mga setting upang lumabas ang bookmarks bar
sa bawat page.
 Menu ng mga bookmark: Pumunta sa listahang ito ng mga
bookmark sa pamamagitan ng menu ng Chrome ( o ) > Mga Bookmark.
 Manager ng bookmark: Pinapadali ng manager ng bookmark
para sa iyo na muling mabisita ang iyong mga bookmark. Upang makapunta
roon, i-click ang menu ng Chrome ( o ) > Mga Bookmark > Manager ng
Bookmark.

Gawain B: Mga hakbang sa Pagsasaayos ng bookmark


Magsaayos ng mga bookmark
Kung gumagamit ka ng Chrome sa isang computer, maaari mong isaayos
ang iyong mga bookmark at i-file ang mga ito sa mga custom na folder.
Isaayos ang mga bookmark ayon sa alpabeto
1. Sa kanang sulok sa itaas ng toolbar ng browser, i-click ang icon na nakikita
mo: Menu o Higit Pa .
2. I-click ang Mga Bookmark > Manager ng Bookmark.
3. I-browse ang folder kung saan mo gustong isaayos ang iyong mga
bookmark ayon sa alpabeto.
4. Sa itaas ng iyong mga bookmark, i-click ang Isaayos.

45
5. I-click ang Muling Isaayos ayon sa Pamagat. Ngayon, kapag binuksan
mo ang menu ng Chrome at na-click angMga Bookmark, makikita mo ang
iyong mga bookmark na nakalista sa ayos na ayon sa alpabeto.
Gumawa ng folder ng bookmark
1. Sa kanang sulok sa itaas ng toolbar ng browser, i-click ang icon na nakikita
mo: Menu o Higit Pa .
2. I-click ang Mga Bookmark > Manager ng Bookmark.
3. Sa kaliwang bahagi ng page, i-click ang drop-down na arrow ng Mga
Folder.
4. I-click ang Magdagdag ng Folder, pagkatapos ay pangalanan ang iyong
folder.
5. Mag-drag ng anumang mga bookmark sa iyong folder. Mag-shift-click
upang pumili ng higit sa isang item.
Mag-delete ng folder ng bookmark
Maaari kang mag-delete ng folder ng bookmark anumang oras. Ide-delete nito
ang lahat ng bookmark dito at hindi mo na maibabalik ang mga ito.
1. Sa kanang sulok sa itaas ng toolbar ng browser, i-click ang icon na nakikita
mo: Menu o Higit Pa .
2. I-click ang Mga Bookmark > Manager ng Bookmark.
3. I-hover ang iyong cursor sa folder na gusto mong i-delete.
4. I-click ang drop-down na arrow sa dulo ng row.
5. Sa lalabas na menu, i-click ang I-delete. Permanente nitong ide-delete
ang lahat ng bookmark na nasa folder na iyon.
Palitan ang pangalan ng folder ng bookmark
1. Sa kanang sulok sa itaas ng toolbar ng browser, i-click ang icon na nakikita
mo: Menu o Higit Pa .
2. I-click ang Mga Bookmark > Manager ng Bookmark.
3. I-hover ang iyong cursor sa folder na gusto mong i-delete.
4. I-click ang drop-down na arrow sa dulo ng row.
5. Sa lalabas na menu, i-click ang Palitan ang Pangalan, pagkatapos ay i-
type ang bagong pangalan ng folder.

LINANGIN

Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman o kasanayan? Tsekan (/) ang


thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down icon kung hindi pa.

Kaalaman/Kasanayan
1. Nagagamit ang

46
advanced features
ng search engine
sa pangangalap ng
impormasyon.
2. Natutukoy ang
angkop na search
engine sa
pangangalap ng
impormasyon.
3. Natitiyak ang
kalidad ng
impormasyong
nakalap at ng mga
website na
pinanggalingan
nito.
4. Natutukoy ang mga
paraan ng
pagkolekta sa iba’t
ibang uri ng
impormasyon.

PAGLALAHAT

Gawin sa ligtas at responsableng pamamaraan ang pagsasaayos ng mga


bookmark ng website.

IV -

Taglay mo na ba ang sumusunod na kasanayan o kaalaman? Lagyan ng tsek (/)


sa bawat bilang kung taglay mo na ito at ekis (X) kung hindi pa.

MGA KAALAMAN AT KASANAYAN


1. Nakakapagbukas ng naesave na bookmark.
2. Naisasaayos ang mga bookmarks.
3. Nakasusunod ng maayos sa mga hakbang
ibinigay.

V - KASUNDUAN

47
Gumawa ng panibagong folder naglalaman ng mga naisaayos na
bookmark ng mga website. Laging tandaan at sundin ang mga
panuntunang napag-aralan.

EPP
11:00-11:40 1:55-2:35
I. LAYUNIN
1. Nakagagawa ng diagram ng isang proseso gamit ang word processing
tool
2. Naipaliliwanag ang paggawa ng diagram ng isang proseso gamit ang
word processing tool.
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Paggawa ng diagram ng isang proseso gamit ang word
processing tool
Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=un3khvsU2nE

http://www.breezetree.com/articles/how-to-flowchart-in-
word.htm

K to 12 Curriculum Guide, Grade 5, EPP5IE-0f-15, p.17

Kagamitan: Powerpoint Presentation, computer, word processing tool,


mga larawan
III. PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
1. Ipakilala sa mga mag-aaral ang word processing tool.
2. Magpakita ng isang flow chart na ginawa gamit ang word
processing tool na nagpapakita ng proseso.
3. Pagtatanong:
a. Ano ang flow chart?

Ang flowchart ay isang diagram na nagpapakita ng pagkakasunod-


sunod ng hakbang o sistema sa pamamagitan ng paggamit ng mga linya at
mga kumbensyunal na simbolo.

48
b. Ano ang pinapakita nito?
c. Ano sa tingin niyo ang kahalagahan ng isang flowchart?
B. PAGLALAHAD
1. Talakayin ang gamit at kahalagahan ng diagram na nagpapakita
ng proseso.
2. Ipagawa ang mga sumusunod na gawain: (Gabayan ang mga
bata sa
paggawa ng diagram ng isang proseso gamit ang word
processing
tool.
Gawain A: Buksan ang Microsoft Word (Paalala: Ang ginamit
na MS Word ay 2010)

Gawain B: Paglagay ng Flowchart Shape

Gawain C: Paglagay ng Text sa Flowchart Shape

49
Gawain D: Paglalagay ng Connector Arrows

Gawain
D: Pagpili ng Iba’t-ibang
Flowchart Shape

Gawain
E: Pagpormat ng Flowchart
Shape, Text at Connector
Arrows

50
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
1. Ipagawa ang sumusunod na gawain.
a. Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima (5).
b. Mag-isip ng inyong paboritong laro.
c. Gumawa ng isang flowchart diagram na nagpapakita ng
proseso
kung paano gawin o laruin ang inyong napiling laro gamit
ang word processing tool.
d. Sundin ang proseso ng pagbuo ng flowchart.
e. Ipormat ito.
f. Pumili ng isang kagrupo na magbabahagi ng inyong
ginawa sa pamamagitan ng demonstration.
D. PAGLALAHAT
Itanong: Paano kayo makabubuo ng isang flowchart?

IV. PAGTATAYA
A. Gawin ang mga sumusunod.
1. Gumawa ng flowchart diagram na nagpapakita ng isang proseso
kung
paano kinukuha ang isang order ng mamimili. Sundin
ang proseso
kung paano gumawa ng flowchart gamit ang word
processing tool.
2. Magbigay ng dalawang halimbawa kung saan pwedeng gamitin
ang
diagram na nagpapakita ng proseso o flowchart.
4. Magbigay ng dalawang (2) kahalagahan ng paggamit ng
flowchart.

V. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN
Magluto tayo!
 Pumili ng pagkain na alam mong lutuin.

51
 Gumawa ng flowchart diagram na nagpapakita ng proseso kung paano
lutuin ang pagkain na inyong napili.
 Sundin ang tamang proseso kung paano gumawa ng flowchart gamit ang
word processing tool.

ICT- PAGGAMIT NG MGA BASIC FUNCTIONS AT


Entrep FORMULA SA ELECTRONIC SPREADSHEET UPANG
Aralin 18
MALAGOM ANG DATOS.

TATLONG ARAW

52
I. NILALAMAN:

Ang electronic spreadsheet ay isa ring software na maaaring


makatulong sa atin sa pagsusuri at pagsasaayos ng mga numerikal
at tekstuwal na impormasyon. Sa araling ito ay pagtutuunan naman
ng pansin kung paano magagamit ng mga basic function at formula
sa electronic spreadsheet upang malagom ang datos.

II. LAYUNIN:

1. Nakagagamit ng mga basic function at formula sa electronic


spreadsheet upang malagom ang datos.

III. PAKSANG ARALIN:

Paksa: Paggamit ng mga Basic Functions at Formula sa


Electronic Spreadsheet upang Malagom ang Datos.
(EPP5IE-Of-16)

Sanggunian: K-12 Curriculum Guide, Grade 5, EPP5IE-Of-16, p.


17
https://www.youtube.com/watch?v=Lzl0Xk71dHc
https://www.youtube.com/watch?v=L7dHA_8GzKw
http://www.excel-easy.com/introduction/formulas-
functions.html

Kagamitan: Powerpoint Presentation, Computer, Electronic


Spreadsheet Tool

IV. PANIMULANG PAGTATASA:

 Ipasagot sa mga mag-aaral ang tungkol sa mga hugis na


naglalaman ng impormasyon hinggil sa isang bagay o
proseso?

A. PAGGANYAK

1. Ipakita ang larawan sa ibaba at ipasagot ang sumusunod na


gabay - tanong:

53
Panggabay na tanong:
• Ano ang iyong nakikita na nakasaad na datos sa larawan?
• Magbigay ng mga sariling reaksiyon para sa nakikitang
impormasyong.
3. Tanggaping lahat ang sagot ng mga mag-aaral.
4. Iugnay ang kanilang mga sagot sa paksang tatalakayin: Paggamit
ng mga basic functions at formula sa electronic spreadsheet upang
malagom ang datos.

B. PAGLALAHAD

1. Talakayin ang paggamit ng basic function at formula sa electronic


spreadsheet.

a. Ang spreadsheet ay naglalaman ng ilang mga kapaki-


pakinabang na statistical tool at command.

b. Ang function ay isang formula na nagsasagawa ng


calculations gamit ang specific values na magkakasunod.
Lahat ng electronic spreadsheet programs ay naglalaman ng
magkakaparehong functions na madaling magagamit sa
paghahanap ng sum, average, difference at product sa
mga columns at rows. Upang magamit ang functions nang
tama, kailangan maintindihan ang mga bahagi ng function at
paano gumawa ng arguments para mag-calculate ng mga
datos. Ang pangunahing simula ng function ay ang equals sign
(=), at ang function name (SUM, halimbawa), at isa o higit pang
arguments. Ang arguments ay naglalaman ng mga informasdyong
nais mong i-calculate. Ang halimbawang function sa ibaba ay mag-
a- add nga datos ng cell range A1:A20.

54
c. Ang paggamit ng Basic Function at Formula ng Electronic
Spreadsheet. Gabayan at ipakita ang mga mag-aaral sa ang
paggamit ng basic function at formula ng electronic spreadsheet.

i. Sa pagkuha ng total (column L) i-type ang = SUM (B4, C4,


D4, E4, F4, G4, H4, I4, J4, K4) at i-click ang enter. Maaari
rin na i-highlight lang mula sa B4 hanggang K4 at i-click ang
(Σ) autosum

A B C D E F G H I J K L M N
1 JUAN DUTERTE DELA CRUZ
2 PROJECTS (30%)
Subject
1 Total Ave 30%
3 s 1 2 3 4 5 6 7 8 9
0
= SUM (B4,
C4, D4, E4,
10 10
4 EPP 86 86 69 88 95 69 0 78 F4, G4, H4,
0 0
I4,J4, K4), or
=SUM(B4:K4)
10 10
5 Music 78 100 79 76 65 100 68 97
0 0
10 10 10
6 Arts 69 100 65 95 69 0 78
0 0 0
10 10
7 PE 78 67 75 68 79 76 100 65
0 0

ii. Ang pagkuha ng average (column M) i-type ang = SUM (B4,


C4, D4, E4, F4, G4, H4, I4, J4, K4) divided by 10 at i-click
ang enter. Maari ring i-type ang = AVE (B4, C4, D4, E4, F4,
G4, H4, I4, J4, K4) at i-click ang enter.

A B C D E F G H I J K L M N
1 JUAN DUTERTE DELA CRUZ
2 Subjec PROJECTS (30%) Tota 30
Ave
3 ts 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 l %
= SUM (B4, C4,D4,
E4, F4,G4, H4, I4,
4 EPP 100 86 86 69 88 100 95 69 0 78
J4,K4)/10, or
=AVERAGE (B4:K4)
5 Music 78 100 100 79 76 100 65 100 68 97

6 Arts 100 69 100 65 100 100 95 69 0 78

7 PE 100 78 67 75 68 79 76 100 65 100

55
iii. Sa pagkuha naman ng 30% equivalent (column N) = SUM
(B4, C4, D4, E4, F4, G4, H4, I4, J4, K4) divided by 10,
then multiplied by .30 at i-click ang enter. Maari ring i-type
ang = PRODUCT (M4*.30) at i-click ang enter lalabas na
ang sagot.

A B C D E F G H I J K L M N
1 JUAN DUTERTE DELA CRUZ
2 PROJECTS (30%)
Subject Tot Av
1 30%
3 s 1 2 3 4 5 6 7 8 9 al e
0
= SUM (B4, C4,D4,
E4, F4, G4, H4, I4,
6 10 7
4 EPP 100 86 86 88 95 69 0 J4, K4)
9 0 8 /10*.30, or
=PRODUCT (M4*.30)
10 10 7 10 10 6 9
5 Music 78 76 65
0 0 9 0 0 8 7
10 6 10 10 7
6 Arts 100 69 95 69 0
0 5 0 0 8
1
7 10 6
7 PE 100 78 67 68 79 76 0
5 0 5
0

iv. I-drag lang pababa sa bawat column (column L, M at N) mula


sa unang row na may formula hanggang sa huling row at
lahat ay masasagutan na ayon sa formula.

2. Isagawa ang sumusunod na gawain. Paggamit ng mga basic function at


formula sa electronic spreadsheet upang malagom ang datos.
a. Ipatala sa mga mag-aaral ang kanilang projects sa iba’t ibang
asignatura gamit ang electronic spreadsheet. Sundin ang pagtatala
na ipinakikita sa ibaba.

A B C D E F G H I J K L M N
1 JUAN DUTERTE DELA CRUZ
2 Subject PROJECTS (30%) Tot 40
Ave
3 s 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 al %
4 EPP
5 Music
6 Arts
7 PE

56
b. Gamitin ang ng mga basic function at formula sa electronic
spreadsheet upang malagom ang datos.
c. Pumili ng isang mga mag-aaral upang ipakita ang ginawa sa buong
klase.

V. PAGTATAYA

Magsiyasat Tayo!
Itala sa mga mag-aaral ang kanilang quizzes sa iba’t ibang
asignatura gamit ang electronic spreadsheet. Sundin and
sumusunod na format.

A B C D E F G H I J K L M N
Grade &
1 Name
Section
2 WRITTEN WORKS (30%) Tot Av 25
Subjects al e %
3 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
10 10
4
English 0 86 86 69 88 0 95 69 0 78
10 10 10
5
Filipino 78 0 100 79 76 0 65 0 68 97
10 10
6
Math 0 69 100 65 100 0 95 69 0 78
10 10 10
7
Science 0 78 67 75 68 79 76 0 65 0
10
8
AP 65 97 88 45 90 65 100 0 95 69
10
9
EPP 68 78 89 88 69 76 100 65 0 68
10 10
10
ESP 0 95 69 0 78 0 100 95 69 0
10 10
11
MAPEH 0 65 100 68 97 68 79 76 0 65

1. Kunin ang total, average at percentage equivalent ng iyong mga


quizzes gamit ang basic functions at formula sa spreadsheet. (Bilangin
ang mga mag-aaral na nagkulang sa mga kasanayang nabanggit.
Tukuyin kung anong mga kasanayan ang di nila natutuhan at bigyan ng
mga karagdagang gawain o reinforcement activities hanggang sa
ganap na matutuhan ito.)

VII. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:

Gumawa ng talaan tungkol sa pang araw-araw na gastos sa


eskwela gamit ang mga basic function at formula sa electronic spreadsheet.

57
Karagdagang Sanggunian:

1. http://www.excel-easy.com/introduction/formulas-functions.html

ICT- KOMUNIKASYON AT
Entrep KOLABORASYON
Aralin 19 GAMIT ANG ICT

Apat na Araw

I. NILALAMAN:

Komunikasyon at kolaborasyon gamit ang ICT

II. LAYUNIN:

1. Nakasusunod sa usapan sa online discussion forum at chat .


2. nakakapag-post ng sariling mensahe sa discussion forum at chat

Sanggunian: K-12 Curriculum Guide 5,EPP5IE-0g-17, p.17


Facebook-Wikipedia,Ang malayang ensiklopidya.
http://www.wikihow.com/Create-a-Group-Chat-onFacebook
http://www.wikihow.com/Create-a-Group-Chat-on- Facebook
https://www.google.com.ph/search?
q=children+reading&espv=2&biw=1280&bih=699&source=lnms&t

58
bm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjztZapksXMAhUKl5QKHfARAsoQ_AUI
BigB#imgrc=BH22Fnes83k3vM%3A

Kagamitan: Mga print Screen ng mga Gabay at mga larawan.

III. PANIMULANG GAWAIN

ALAMIN

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Marunong ka na bang makipag text gamit ang cell phone?
2. Paano ka nakikipagpalitan ng mensahe?
3. Kaya mo bang makipag-usap ng sabay-sabay sa
pamamagitan ng pakikipag text?
4. Ano ang mabuting naidudulot nito sa iyo?
5. Paano mo napapanatili ang inyong komunikasyon gamit ang
cellular phone?

Tingnan ang mga larawan sa ibaba at pansinin ang mga


nakasulat dito.

Online Discussion Forum at Chat

59
Katulad ng pakikipag-usap sa pamamagitan ng text sa isang
kakilala, kaibigan o kamag-anak gamit ang cellular phone. Ang
online discussion forum o chat ay isa rin sa mga pinadaling paraan
upang magkaroon tayo ng komunikasyon, makapagpahayag,
makipagpalitan ng mga mensahe online. Sa on-line discussion o
chat ay kinakailangang naka konekta ang computer na gagamitin sa
internet upang makapag download ng mga website at social
network na gagamitin.

KARANIWANG SOCIAL NETWORK NA GINAGAMIT SA ONLINE


DISCUSSION FORUM AT CHAT

Ilan sa mga kilala nating Social Network na ginagamit ngayon hindi lang sa
Pilipinas kundi pati na rin sa sa buong mundo, hanggang naabot ng signal ng
Internet, ay ang mga sumusunod:

Messenger Facebook Twitter

Instagram Google talk

Isa sa mga pinaka sikat ngayon lalong-lalo na sa mga teen-ager ay ang


pakikipag chat online gamit ang Facebook.

Ang Facebook (Literal na “Aklat ng [mga] Mukha”) ay itinatag ni Mark


Zucherberg, noong Pebrero 04, 2004, ay isang social networking website na libre
ang pagsali at pinatatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong
kompanya. Maaaring sumali ang mga tagagamit dito nakaayos ayon sa lungsod,
pinagtatrabahuan, paaralan at rehiyon upang makakonekta at makihalubilo sa
ibang mga tao. Maari ring magdagdag ng mga kaibigan at magpadala rin ng mga
mensahe sa kanila at baguhin ang sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang
mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili. Sa kasalukuyan na mayroong higit
200 milyong aktibong tagagamit sa buong mundo.

PAANO MAKAKASUNOD SA ONLINE DISCUSSION FORUM AT CHAT?

Mga Bagay na Dapat Isalang-alang sa Responsable at Ligtas na


Paggamit ng Internet

Ipinagbabawal ang paggamit ng chatrooms na maaring magdulot ng


kapahamakan para sa mag-aaral.
Gamitin lamang ang mga ligtas na search engine sa internet.
Pumili ng password na mahirap mahulaan, at palitan ito kung
kinakailangan.
Huwag ibigay ang password kaninoman at siguraduhing naka
log-out ka bago patayin o i-off ang computer.

60
PAGGAWA NG ACCOUNT ONLINE GAMIT ANG FACEBOOK

LINANGIN

Sundan ang mga hakbang na sumusunod:

3. Mag-sign up sa
facebook.Ibigay ang mga
impormasyong hinihingi.
Magbigay ng cellular phone
upang makatanggap ng
confirmation code

61
1. Gumawa ng sariling e-mail address
Halimbawa:
supercute@yahoo.com

2. Pindutin ang

Sign up
3. Hintayin ang sunod na pahinang lalabas.

4. I-type ang code na


matatanggap sa kanang itaas na
bahagi.
5. Pindutin ang Resend Confirmation
SMS

6. Pindutin ang Okay

Hintayin ang paglabas ng Step 1


at Step 2

7. Sa Step 1 i-type sa loob ng kahon ang pangalan ng kakilala mong may


facebook account.

62
8. Sa Step 2 lalabas ang mga pangalan na maari mong isali sa
listahan ng mga kaibigan mo sa Facebook. Pindutin lang ang Add
Friend . hhhh

9. Hintaying ang Confirmation ng pangalan na iyong inimbita upang


maging kaibigan sa facebook. Sa oras ng pagtanggap ng iyong
imbitasyon ay maari ka nang magpadala sa kanya ng mensahe at
makipagpalitan ng mga salita.

PAGLALAHAT

63
Sa pagsunod sa usapan sa online discussion forum at chat ay
kinakailangan na magbukas ng isang account sa pamamagitan ng pagsign-up
online o sa facebook,magahanap ng mga panaglan ng kakilala na may facebook
account at imbitahan sila na maging kaibigan online.

SUBUKIN MO

Subukang gawin muli ang mga hakbang sa pagbubukas ng account online


sa tulong ng guro.

PAGSALI SA USAPAN O MAKAPAG PADALA NG SARILING MENSAHE


ONLINE

Suriin at sundin ang mga sumusunod na hakbang:

1. Mag log-in sa iyong facebook


account
Ibigay ang e-mail o cellular number
na ginamit sa pagsign-up
2. Pindutin ang Log-In

3. Pindutin ang simbolo ng


usapan sa menu bar.
Dito makikita ang mga
pangalan ng iyong mga
kaibigan.

64
4. Magbukas ng bagong
usapan.
Sa Inbox window, pindutin
ang “Send a new
message” at may lalabas
na “New message”

5. Pagpili ng padadalhan ng
bagong mensahe. Sa chat
window may makikitang “To”
pindutin ito at pumili ng isang
pangalan na makikita sa
kanang bahagi na nais mong
padalhan ng mensahe

6. Gumawa ng Mensahe. I-Click ang message field sa chat window at isulat


ang nais na mensahe.

65
7. Pagpapadala ng Mensahe. Kung
tapos na i-type ang mensahe
pindutin ang Enter key upang
maipadala ang mensahe. .

TANDAAN

Upang makasali o makapagpalitan ng mensahe online ay dapat


sundin ang mga hakbang:maglog-in,hanapin ang simbolo ng
usapan,pumili ng kaibigan sa facebook na nais padalhan ng
mensahe,gumawa ng mensahe at ipadala ang mensahe.

SUBUKIN MO
Subukang gawing muli ang mga hakbang na napag-aralan sa
pagsali at pagpapadala ng mensahe online.

BUMUO NG SARILING GRUPO

LINANGIN

66
Suriin at linangin ang mga sumusunod na hakbang:

1. Mag log-in sa iyong facebook


account
Ibigay ang e-mail o cellular number
na ginamit sa pagsign-up
2. Pindutin ang Log-In

3. Pindutin ang simbolo ng


usapan sa menu bar. Dito
makikita ang mga
pangalan ng iyong nga
kaibigan.

67
1. Gumawa ng Grupo ng Kausap. I-Click ang Actions, at i-click ang Add
People. Sa Add People dialog box, sa Add friends to this chat field,
umpisahang i-type ang pangalan ng iyong kaibigan sa facebook na nais
padalhan ng mensahe.. I-Click ang pangalan .I-Click ang Add People
o Pwede pang magdagdag ng kahit ilang pangalan nais isali sa grupo
pindutin lang ang Add People dialog box.

2. Pagtangggal ng kasapi sa grupo. Kung nais mo nang alisin sa grupo


ang isang pangalan I-click ang Actions, click Edit Participants. Sa People in
this conversation dialog box, I-click ang Remove isunod ang pangalan na
nais mong alisin. At pagkatapos,I-click ang

68
D. PAGLALAHAT

Maaaring makagawa ng sariling grupo sa online discussion forum at


chat ang isang gumamagit ng social network sa pamamagitan ng:
paglalog-in sa online account,pindotin ang simbolo ng usapan sa menu
bar,pindotin ang add friends to chat,pumili ng mga pangalan na nais
maisama sa usapan, gumawa ng mensahe at ipadala. Lahat ng
pangalang kasali ay maaring mabasa ang mensahing ipinadala ng
sabaysabay.

SUBUKIN MO

Sa tulong ng guro, subukang gumawa ng sariling discussion


group.

IV –

A. Isulat ang T- kung tama ang sinasabi at M-kung Mali.


1. Ang online discussion forum ay hindi kailangang gumamit ng internet
connection.
2. Upang makapag-online ay kinakailangan ng password.
3. Ang password ay maaaring ipahiram sa kahit na sino.
4. Hayaang naka log-in sa Facebook ang iyong account upang sa susunod
na pagbalik ay madali itong magamit.
5. Sa pamamagitan ng paggamit ng on-line chat ay maari mong
makausap ang mga kaibigan saan mang sulok ng mundo.
6. Ang group chat ay pag-uusap ng dalawang tao lamang.
7. Ang e-mail address ay nag-iiba sa tuwing bibisitahin ang account sa
online chat.
8. Maari mong makausap ng sabay-sabay ang mga kaibigang naka-online
lamang.
9. Ang mga kaibigang walang account sa facebook ay maaari mong i-add
friend.
10.Sa paglog-in ng account online ay maari mong gamitin ang password
ng iyong kaibigan.

V - KASUNDUAN

69
 Pag-aralan ang mga kasalukuyang batas ukol sa pag-iingat
at kaligtasan ng mg gumagamit ng online discussion forum
at chat.
 Magsaliksik online sa iba pang benipisyo sa pagkakaroon ng
kaalaman sa paggamit ng online discussion forum at chat.

ICT-
Entrep PAGPOST NG SARILING MENSAHE SA
ARALIN DISCUSSION FORUM/GROUP AT CHAT
20

ISANG ARAW
I. NILALAMAN
Sa araling ito matututunan ng mga mag-aaral ang wastong pagpost
ng mensahe sa discussion forum/group at chat. Gagabayan ang mga mag-
aaral upang magawa itong gawain. Tatalakayin din dito ang mga dapat at
hindi dapat gawin kapag magpopost ng kanilang mensahe.

I. LAYUNIN
1. Nakakapagpost ng sariling mensahe sa discussion forum/group
at chat.
2. Naipapaliwanag ang tamang proseso sa pagpost ng sariling
mensahe sa discussion forum at chat.
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Pagpost ng Sariling Mensahe sa Discussion
Forum/Group at Chat
Sanggunian: https://www.facebook.com

https://www.facebook.com/help/149652268437264

K to 12 Curriculum Guide, Grade 5,EPP5IE-0g-18, p. 17

Kagamitan: Powerpoint presentation, computer, internet access,


Facebook

III. PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
1. Balik aral:

70
a. Anu-ano ang mga panuntunan sa pagsali sa discussion
forum at chat?
b. Ano ang proseso sa pagsali sa mga discussion group o
forum at chat?
2. Itanong:
 Sino sa inyo ang may facebook account?
 Nakasali na ba kayo sa isang group o discussion forum?
 Ano-ano ang mga pinag-uusapan dito?

B. PAGLALAHAD
1. Itanong: Nasubukan mo na bang magpost ng sariling
mensahe sa
discussion forum/group at chat?
2. Talakayin sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng
responsableng pagpopost
ng mensahe sa mga discussion forum at chat.
3. Gawin ang sumusunod (Gabayan ang mga mag-aaral sa
paggawa nito.)
Gawain A: Buksan ang inyong browser (Google Chrome,
Mozilla Firefox o Internet Explorer)

Gawain B: (Para sa discussion forum o group) Buksan ang


iyong facebook account(Kung wala pang facebook
account ang mag-aaral. Gabayan

71
siya na gumawa ng sariling account). Iclick ang group
kung saan nais mong magpost ng iyong
mensahe.

Gawain C: (Para sa group chat) Pagkabukas ng iyong


account i-click ang messages. Hanapin ang chat group na
kung saan gusto mong
magbigay ng mensahe.

(Ipaulit ang gawaing ito pero sa ngayon hayaan ang


mga mag-aaral na gawin ito ng walang patnubay
ng guro.)
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Ipagawa ang sumusunod na gawain.

72
(Ang GURO ay gagawa ng isang discussion forum
o group at dito sasali ang mga mag-aaral.)
 Pasalihin ang mga mag-aaral sa ginawang
discussion forum o group.
 Gagagawa ng discussion thread ang guro at dito
magpopost ng sariling mensahe ang mga
estudyante na naaangkop sa ginawang discussion
thread.
 Ipaliliwanag ng mga mag-aaral ang paraan na
sinunod sa pagpopost ng mensahe.
D. PAGLALAHAT
Pumili ng ilang mag-aaral na magbabahagi sa klase kung
paano magpost ng
mensahe sa discussion forum o group.

IV. PAGTATAYA
MAGPOST TAYO!
Sitwasyon:
Ang inyong guro sa EPP V ay nagpagawa ng takdang-aralin.
Sinabi niya sa inyo na matatagpuan ang detalye nito sa discussion forum
o group na ginawa niya para sa inyo sa facebook.
a. Magpost ng iyong sagot sa takdang aralin sa ginawang
discussion thread.
b. Sundin ang wastong proseso sa pagpost ng mensahe.
Ipaliwanag
(Paalala: Kung ang computer sa paaralan ay hindi sapat para sa
mag-aaral maghalinhinan na lamang sila sa paggamit. Siguraduhin na
lahat ng mag-aaral ay makakapagpost ng kanilang mensahe sa iyong
ginawang discussion group.)

V. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN
Nakita mong may ginawang discussion thread ang iyong
kaklase tungkol sa gawain ng inyong pangkat para sa EPP, nagkataon na
ikaw ay may sakit. Kailangan mong sumagot para malaman ng iyong

73
kaklase ang iyong kalagayan. Ano ang iyong gagawin para makapagpost
ng iyong mensahe sa iyong kaklase? Ipaliwanag.

ICT-
Entrep PAGSISIMULA NG BAGONG DISCUSSION
ARALIN THREAD
21

ISANG ARAW
I. NILALAMAN
Sa araling ito matututunan ng mga mag-aaral kung paano gumawa ng
bagong discussion thread sa isang discussion forum o group.

I. LAYUNIN
1. Nakagagawa ng bagong discussion thread sa discussion forum o group
na sinalihan.
2. Naipapaliwanag ang paggawa ng bagong discsussion thread sa
discussion forum o group na sinalihan.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Paggawa ng Bagong Discussion Thread
Sanggunian: https://www.facebook.com

74
https://www.facebook.com/help/149652268437264

K to 12 Curriculum Guide, Grade 5, EPP5IE-0g-19, p. 17

Kagamitan: Powerpoint presentation, computer, internet access,


Facebook

III. PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
1. Balik aral:
a. Ano ang proseso ng pagpost ng sariling mensahe sa
discussion
forum o group na sinalihan? Tumawag ng isang mag-aaral
upang
ipaliwanag ito.
2. Itanong: Ano ang discussion thread?
Ano ang nakapaloob dito?
B. PAGLALAHAD
1. Itanong: Nasubukan niyo na bang makagawa ng sarili niyong
discussion
thread sa mga discussion forum o group na inyong sinalihan?
 Paano gumawa ng sariling discussion thread sa mga discussion
forum o group na inyong sinalihan?
2. Paalala: Laging tandaan ang wasto at responsableng paraan
tuwing magpopost ng mga mensahe o mungkahi sa
mga sinalihang discussion
forum o group.
3. Gawin ang sumusunod (Gabayan ang mga mag-aaral sa paggawa
nito)
Gawain A: Buksan ang inyong browser (Google Chrome,
Mozilla
Firefox o Internet Explorer)

75
Gawain B: Pumunta sa facebook website www.facebook.com
at mag- login sa inyong account.

Gawain C: I-click ang discussion group kung saan gusto niyong


gumawa ng bagong discussion thread.

Gawain D: Gumawa ng bagong discussion thread. (Ipakita


sa mga
mag-aaral kung paano ito gawin)

76
Dito ilalagay
ang magiging
bagong
discussion

Gawain E: Ipaulit ang gawain na ito sa mga mag-aaral.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
. Ipagawa ang sumusunod na gawain.
a. Sa inyong discussion forum o group magpost o gumawa ng
bagong discussion thread na kung saan ikaw ay
nagbebenta ng
natatanging paninda.
b. Maging malikhain sa gagawing discussion thread para
makaakit ng
mga mamimili.
D. PAGLALAHAT
Pumili ng mag-aaral na magbabahagi sa klase kung paano gumawa
ng
bagong discussion thread.

IV. PAGTATAYA
Sa inyong discussion group gumawa ng bagong discussion thread kung
saan ikaw ay nagpapakita ng recipe ng paborito mong pagkain. Sundin ang
tamang proseso sa paggawa ng bagong disccusion thread.

77
(Paalala: Kung ang computer sa paaralan ay hindi sapat para sa mag-aaral
maghalinhinan na lamang sila. Siguraduhin na lahat ng mag-aaral ay
makakapaggpost ng kanilang mensahe sa iyong ginawang discussion group).
V. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN

Sitwasyon
Nais mong makakuha ng mga mungkahI sa inyong mga kaklase sa inyong
discussion forum o group tungkol sa paraan kung paano makalilikha ng
kaakit-akit na paghahanda ng pagkain.
 Gumawa ng bagong discussion thread sa iyong discussion forum o
group.
 Sundin ang wastong proseso nito.

ICT-
Entrep PAGBUO NG SARILING DISCUSSION
ARALIN GROUP
22

ISANG ARAW
I. NILALAMAN
Sa araling ito matututunan ng mga mag-aaral kung paano bumuo ng
sariling discussion group.
I. LAYUNIN
1. Nakabubuo ng sariling discussion group.
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Pagbuo ng Discussion Group

78
Sanggunian: https://www.facebook.com

https://www.facebook.com/help/149652268437264

K to 12 Curriculum Guide, Grade 5, EPP5IE-0g-19, p.17

Kagamitan: Powerpoint presentation, computer, internet access,


Facebook

III. PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
1. Balik-aral:
a. Ano ang proseso ng paggawa ng bagong discussion
thread?
(Tumawag ng isang mag-aaral na magpapakita kung paano
ito gawin.)
b. Anu-ano ang mga groups na iyong sinalihan sa Facebook?
B. PAGLALAHAD
1. Nasubukan niyo na bang makagawa ng sarili niyong discussion
group?
2. Ngayon, inyong matututuhan kung paano gumawa ng sariling
discussion group.
3. Gawin ang sumusunod (Gabayan ang mga mag-aaral sa paggawa
nito.)
Gawain A: Buksan ang inyong browser (Google Chrome,
Mozilla
Firefox o Internet Explorer)

Gawain B: Pumunta sa facebook website


www.facebook.com

79
at maglog-in sa inyong account.

Gawain C: I-click ang groups at iclick ang create group.

Gawain D: Lagyan ng pangalan ang group na gustong gawin

80
Gawain E: Mag-add ng mga miyembro sa group at iclick ang
create.

Gawain G: Ipagawang muli ang gawain sa mga mag-aaral.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Ibigay ang sitwasyon at ipagawa ang sumusunod na gawain.
Nais mong malaman kung paano gumawa ng isang menu
para sa isang araw. Napag-isipan mong humingi ng tulong sa
iyong mga kaibigan sa facebook.

a. Gumawa ng discussion group upang makahingi ng


mungkahi nila.
b. Sundin ang tamang proseso nito
5. Pumili ng isang bata na magbabahagi sa klase kung paano niya
ginawa ang paggawa ng bagong discussion group.

IV. PAGTATAYA

Sitwasyon
May gawaing-bahay ang iyong grupo tungkol sa pag-
iimbak ng pagkain at gusto niyong makakuha ng mungkahi ng
81
ibang tao kaya napag-isipan mong gumawa ng discussion
group tungkol dito.
 Gumawa ng discussion group. Sundin ang tamang proseso sa
paggawa ng isang discussion group.

V. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN

Sitwasyon
Ang inyong barangay at nangangailangan ng tulong
sa darating na Flores de Mayo. Bilang isang mabuting
kabarangay naisipan mong gumawa ng isang discussion group
upang makahingi ng tulong para sa kanila.
 Gumawa ng discussion group at gawing miyembro ang iyong mga
kaklase.

ICT- NAKAPAMAMAHAGI NG MEDIA FILE SA


Entrep DISCUSSION FORUM O GROUP
ARALIN
23
LIMANG ARAW
I. NILALAMAN
Sa araling ito matututunan ng mga mag-aaral wastong paraan ng
pagbahagi ng media file sa discussion forum o group.
I. LAYUNIN
1. Nakapamamahagi ng Media File sa Discussion Forum o Group.

82
2. Naipapaliwanag ang pagbabahagi ng media file sa discussion group o
forum.
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Pagbabahagi ng Media File sa Discussion Forum o Group
Sanggunian: https://www.facebook.com

https://www.facebook.com/help/397856870259152

K to 12 Curriculum Guide, Grade 5, EPP5IE-0g-20, p. 17

Kagamitan: Powerpoint presentation, computer, internet access,


Facebook

III. PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
1. Balik-aral:
a. Ano ang wastong paraan ng pagbuo ng sariling discussion
group? Tumawag ng isang mag-aaral na magpapakita kung
paano ito gawin.
2. Ano ang media file?
Ang media file ay ang mga image, audio at video file na
makikita sa inyong kompyuter.
B. PAGLALAHAD
1. Nasubukan niyo na bang makapagbahagi ng media file sa inyong
discussion forum o group?
2. Ngayon, inyong matututuhan kung paano magbahagi ng media
file sa
inyong discussion forum o group.
3. Gawin ang sumusunod (Gabayan ang mga mag-aaral sa paggawa
nito)

Gawain A: Buksan ang inyong browser (Google Chrome, Mozilla


Firefox o Internet
Explorer)

83
Gawain B: Pumunta sa facebook website www.facebook.com
at mag
log-in .

Gawain C: I-click ang group kung saan gusto mong


magbahagi ng
media file.

84
Gawain D: Kung nasa group page ka na i-click ang more.

Gawain E: I -click ang Add file. Pagkatapos nito iclick ang


Choose file
at pumili ng media file na gusto mong ibahagi sa
discussion
group.

Gawain F: Pagkatapos mong makapili ng media file na gusto


mong
Ibahagi, i-click ang POST upang maibahagi mo
ito.

85
Gawain G: Ipagawa muli ang gawain sa mga mag-aaral.

4. Ipagawa ang sumusunod na gawain.

Sitwasyon:
Tinanong ka ng iyong kaibigan kung ano ang
paboritong kanta. At nagmungkahi siya na ibahagi mo ito
sa inyong discussion forum o group.
Gawin:
 Pumili ng paborito mong kanta na makikita sa
inyong kompyuter.
 Ibahagi ito sa inyong discussion group o forum
5. Pumili ng isang bata na magbabahagi sa klase kung paano
mgbahagi ng media file sa discussion group o forum
6. Gawin ulit ang pagbabahagi ng media file, pero sa pagkakataon
naman ngayon ay ibabahagi ang ibang uri ng media file. (Image,
Audio, Video file).
IV. PAGTATAYA
Gawin ang sumusunod:
1. Pangkatin ang klase sa lima.
2. Gumawa ng tatlong-minutong video presentation na
nagpapakita ng
wastong paraan sa paglilinis at pag-aayos ng sarili.
3. Pagkatapos nito ay ibahagi ang ginawang video presentation sa
discussion group na inyong ginawa. (Gabayan ang mga bata sa
paglilipat ng video
na kanilang gawa sa kompyuter).
V. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN
 Gumawa ng isang audio file na kung saan ikaw ay kumakapanayam
ng isang magulang tungkol sa wastong paraan ng paglalaba.
(Tatlong Minuto)
 Pagkatapos ng iyong pakikipagpanayam ay ibahagi ang iyong audio
file sa inyong discussion group o forum.

86
ICT- PAGGAMIT NG PUBLISHING TOOL SA
Entrep PAGGAWA NG FLYER NA MAY KASAMANG
ARALIN DATOS AT DIAGRAM, TABLE, TSART, PHOTO
24 O DRAWING

ISANG ARAW
I. NILALAMAN
Sa araling ito matututunan ng mga mag-aaral ang paggawa ng flyer gamit
ang desktop publishing tool. Sa pamamagitan nito, matututunan ng mga mag-
aaral ang kahalagahan ng paggawa ng flyers.
I. LAYUNIN
Nakagagawa ng flyer na may kasamang datos at diagram, table, tsart,
photo o drawing gamit ang desktop publishing tool.
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Paggawa ng flyer na may kasamang datos at diagram, table,
tsart,
photo o drawing
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide, Grade 5, EPP5IE-0j-21, p. 17

Kagamitan: Powerpoint presentation, computer, Microsoft Publisher

III. PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
1. Magpakita ng isang halimbawa ng flyer .

87
2. Ano ang nakita niyo?
3. Ang nakita niyo ay isang flyer. Ang flyer ay isang uri ng paper
advertisment. Ito ay kadalasan natin nakikita sa mga malls na
ating napupuntahan.
4. Ano sa tingin niyo ang kahalagahan ng isang flyer?
B. PAGLALAHAD
1. Ngayon, gagawa tayo ng isang flyer gamit ang Microsoft
Publisher
2. Talakayin sa mga bata kung ano ang Microsoft Publisher
3. Gawin ang sumusunod (Gabayan ang mga mag-aaral sa paggawa
nito)
Gawain A: Buksan ang Microsoft Publisher

Gawain B: Pagkabukas ng Microsoft Publisher hanapin ang


flyer at
i-click ito.

88
Gawain C: Pagkatapos i-click ang Microsoft Publisher pumili
ng isang disenyo na inyong gusto.

Gawain D: Ngayon pwede mo nang lagyan ng mga datos na


gusto
mong ilagay sa iyong flyer. (Gabayan ang mga mag-
aaral sa
pagalagay nga datos).
Gawain E: Kung gusto mong lagyan ng table ang iyong flyer.
I-click ang insert at i-click ang table.

89
Gawain F: Kung gusto mo naman lagyan ng tsart ang
iyong flyer.Iclick
ang insert at Iclick ang insert object at iclick ang
Organizational Chart
Add-In.

Gawain G: Kung gusto mo naman lagyan ng photo o drawing


ang
iyong flyer. Iclick lang ang insert at iclick ang picture. Pumili
ng
picture na ilalagay mo.

90
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Ipagawa ang sumusunod na gawain.
 Igrupo ang mga mag-aaral sa lima.
 Bawat grupo ay gagawa ng flyer gamit ang desktop
publishing tool.
 Ang paksa ng gagawin nilang flyer ay tungkol sa ibat
ibang produkto na gusto nilang ibenta.
(Ang guro ay maghahanda ng rubriks para dito.)
D. PAGLALAHAT
Ipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang mga flyers at ipaliliwanag
kung paano ito nabuo.

IV. PAGTATAYA

Sitwasyon
May negosyong karinderya sina Ben at Ramon. Napansin nila na
matumal ang benta kahit napakasarap ng kanilang nilulutong mga putahe.
Kaya, isang araw napag-isipan nilang gumawa ng flyers upang ipamigay
ito sa mga tao upang lumakas ang benta nila. Sa kasamaang palad hindi
alam nila Ben at Ramon gumawa ng flyer. Handa nyo ba silang tulungan?
a. Gumawa ng flyer na angkop sa negosyo nila Ben at Ramon gamit ang
desktop publishing tool. Pag-isipang mabuti ang gagawing disenyo para
dito.
(Ang guro ay maghahanda ng rubriks para dito.)

V. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN
Gumawa ng isang flyer ng negosyong gusto mong gawin paglaki mo gamit
ang desktop publishing tool. Pag-isipan ito ng mabuti.

ICT-
Entrep
ARALIN PAGGAMIT NG PUBLISHING TOOL SA PAGGAWA
25 NG BROCHURE NA MAY KASAMANG DATOS AT
DIAGRAM,91TABLE, TSART, PHOTO O DRAWING
ISANG ARAW
I. NILALAMAN
Sa araling ito matututunan ng mga mag-aaral ang paggawa ng brochure
gamit ang desktop publishing tool. Sa pamamagitan nito matututunan ng mga
mag-aaral ang kahalagahan ng paggawa ng brochure.
II. LAYUNIN
Nakagagawa ng brochure na may kasamang datos at diagram, table, tsart,
photo o drawing gamit ang desktop publishing tool.
III. PAKSANG ARALIN
Paksa:Paggawa ng brochure na may kasamang datos at diagram, table,
tsart, photo o drawing
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide, Grade 5, EPP5IE-0j-21, p. 17

Kagamitan: Powerpoint presentation, computer, Microsoft Publisher

IV. PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
1. Itanong: Nakakita na ba kayo ng brochure?
2. Magpakita ng isang halimbawa ng brochure na ginawa sa
Microsoft Publisher

3. Itanong: Saan ito pwedeng gamitin?


Ang brochure ay kadalasang ginagamit sa pag-aanunsiyo ng
mga
produkto o serbisyo na binibigay ng mga kompanya, restawrant atbp.
B. PAGLALAHAD
1. Ngayon, gagawa tayo ng isang brochure gamit ang Microsoft
Publisher

92
3. Gawin ang sumusunod (Gabayan ang mga mag-aaral sa paggawa
nito)
Gawain A: Buksan ang Microsoft Publisher

Gawain B: Pagkabukas ng Microsoft Publisher hanapin ang


brochure at i-click Ito.

Gawain C: Pagkatapos i- click ang brochure pumili ng isang


disenyo na inyong gusto.

93
Gawain D: Ngayon pwede mo nang lagyan ng mga datos na
gusto
mong ilagay sa iyong brochure. (Gabayan ang mga bata sa
paglagay
ng datos)
Gawain E: Kung gusto mong lagyan ng table ang iyong
brochure. Iclick ang insert at i-click ang table.
Gawain F: Kung gusto mo naman lagyan ng tsart ang iyong

brochure.Iclick ang insert at Iclick ang insert object at i-


click ang
Organizational Chart Add-In

94
Gawain F: Kung gusto mo naman lagyan ng photo o drawing
ang iyong brochure. Iclick lang ang insert at iclick ang
picture. At pumili
ng picture na ilalagay mo.

(Bigyan ng karampatang pansin ang mga mag-aaral sa bawat hakbang


na gagawin.)
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Ipagawa ang sumusunod na gawain.
 Igrupo ang mga mag-aaral sa lima.
 Bawat grupo ay mag-iisip ng isang negosyong gusto
nilang gawin.
 Gagawa ng brochure ang bawat grupo tungkol sa
kanilang napagisipang negosyo sa desktop publishing
tool. Ilalagay sa brochure ang tungkol sa negosyo nila
at kung anong mga produkto ang kanilang inaalok.
D. PAGLALAPAT
May isang kinatawan sa bawat grupo na magbibigay ng detalye
tungkol sa brochure na kanilang ginawa at ang proseso ng
paggawa.

V. PAGTATAYA
Si Ken ay isang sales agent. Mga produktong panghalaman ang
kanyang binebenta. Nais niyang gumawa ng isang brochure kung saan

95
nakapaloob dito ang mga produkto niya. Tutulungan niyo ba sya na
makagawa ng brochure para sa kanyang mga produkto?
a. Gumawa ng brochure na angkop sa mga binebentang produkto ni
Ken gamit ang desktop publishing tool. Pagisipang mabuti ang gagawing
disenyo para dito.
(Ang guro ay maghahanda ng rubriks para dito)

VI. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN


Sitwasyon

Isipin mo na meron kang isang restaurant na tinatangkilik ng


marami. Para magkaroon ka pa ng mas maraming customer napag-isipan
mong gumawa ng
brochure para ipamigay sa mga tao.

 Gumawa ng isang brochure sa desktop publishing tool kung


saan nakapaloob dito ang mga iba’t-ibang putahe ng pagkain
na inaalok sa iyong restaurant

96
ICT-
PAGGAMIT NG PUBLISHING TOOL SA
Entrep
PAGGAWA NG POSTER NA MAY KASAMANG
ARALIN
DATOS AT DIAGRAM, TABLE, TSART, PHOTO
26
O DRAWING
ISANG ARAW
I. NILALAMAN
Sa araling ito matututunan ng mga mag-aaral ang paggawa ng poster
gamit ang desktop publishing tool. Sa pamamagitan nito matututunan ng mga
mag-aaral ang kahalagahan ng paggawa ng brochure.
II. LAYUNIN
Nakagagawa ng poster o banner na may kasamang datos at diagram,
table, tsart, photo o drawing gamit ang desktop publishing tool.
III. PAKSANG ARALIN
Paksa: Paggawa ng Poster na may Kasamang Datos at Diagram,
Table, Tsart, Photo o Drawing
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide, Grade 5, EPP5IE-0j-21, p.17

Kagamitan: Powerpoint presentation, computer, Microsoft Publisher

IV. PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
1.Itanong: Alam niyo ba kung ano ang poster? Nakakita na ba kayo

nito?

97
Ang poster ay maaaring isang sulat o larawan(drowing) na
nagpapahayag ng mensahe o pananaw.Madalas itong ginagamit
sa mga anunsyo.
 Ano sa tingin niyo ang kahalagahan nito?
(Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng kanilang mga
sagot.)
B. PAGLALAHAD
1. Ngayon, gagawa tayo ng isang poster gamit ang Microsoft
Publisher
2. Gawin ang sumusunod (Gabayan ang mga mag-aaral sa paggawa
nito)
Gawain A: Buksan ang Microsoft Publisher

Gawain B: I-click ang More Blank Pages Size

98
Gawain C: Sa publication type section iclick ang Posters at
pumili ng

size at i-click ang Create.

Gawain C: Ngayon na nakapili na kayo ng size ng inyong


poster maaari
na kayong maglagay ng datos dito. (Gabayan ang mga
mag-
aaral sa paglagay ng mga datos.)

Gawain E: Kung gusto mong lagyan ng table ang iyong


poster. I-click ang insert at i-click ang table.

99
Gawain F: Kung gusto mo naman lagyan ng tsart ang
iyong
poster.Iclick ang insert at I-click ang insert object at i-click
ang
Organizational Chart Add-In.

Gawain F: Kung gusto mo naman lagyan ng photo o drawing


ang iyong brochure. Iclick lang ang insert at iclick ang
picture. At pumili
ng picture na ilalagay mo.

100
(Bigyan ng karampatang pansin ang mga mag-aaral sa bawat hakbang na
gagawin)

3. Ipagawa ang sumusunod na gawain.


 Igrupo ang mga mag-aaral sa lima.
 Pumili ng isang negosyo na gusto niyong gawin.
 Gumawa ng isang advertisment poster para sa inyong
negosyong gagawin sa desktop publishing tool.
4. May isang kinatawan sa bawat grupo na magbibigay ng detalye
tungkol sa advertisement poster na kanilang ginawa at paano ito
ginawa.
VI. PAGTATAYA

Para lalong bumenta sila Fely at Shirley sa kanilang munting


tindahan ng mga meryenda ay tulungan naman natin silang
magdisensyo ng kanilang Advertisement Poster. Gamit ang MS
Publisher, idisenyo ang poster na may mga larawan ng paninda at
presyo ng mga ito.

a. Pag-isipang mabuti ang magiging disenyo ng inyong poster.


Maaari itong
pagplanuhan muna gamit ang papel at lapis.
b. Kung nangangailangan ng mga larawan ay tiyaking nakahanda
na ang mga
ito. Hangga’t maaari ay kumuha o gumuhit ng sariling mga
larawan.

101
Kung talagang kailangang i-download ang isang clip art
o photo na
natagpuan sa Internet, siguraduhin lamang na
nakapagpaalam sa
may-ari nito bago gamitin.
c. Tumawag ng isang mag-aaral upang ibahagi sa klase ang mga
natutuhan.
d. Gumamit ng rubriks sa pagbibigay ng puntos.

VII. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN

Sitwasyon:
Gusto ni Rita na magpagawa ng poster sa tapat ng
kanyang karinderya upang malaman ng mga mamimili ang mga putahe
na kanyang ibinebenta. Humihingi siya ng tulong sa inyo upang
gumawa ng poster para dito. Tutulungan niyo ba siya?
a. Gumawa ng isang poster na angkop para sa carenderia
ni Rita sa
desktop publishing tool.

ICT-
PAGGAMIT NG MGA BASIC FEATURES NG SLIDE
Entrep
PRESENTATION TOOL SA PAGBUO NG ANUNSIYO
ARALIN
NA MAY KASAMANG TEKSTO, DIAGRAM, TABLE,
27
TSART, PHOTO O DRAWING

DALAWANG ARAW
I. NILALAMAN
Sa araling ito matututunan ng mga mag-aaral ang paggawa ng anunsiyo
gamit ang slide presentation tool.
II. LAYUNIN
Nakagagawa ng anunsiyo gamit ang basic features ng slide presentation
na may kasamang teksto, diagram, table, tsart, photo o drawing.
III. PAKSANG ARALIN
Paksa:Paggawa ng anunsiyo gamit ang slide presentation tool
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide, Grade 5, EPP5IE-0j-22, p. 17

102
Kagamitan: Powerpoint presentation, computer, Microsoft Powerpoint

IV. PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
1. Itanong: Nakakita na ba kayo ng mga anunsiyo sa inyong
paaralan?
Barangay? Mga pampublikong lugar?

2. Ano ang mga nakapaloob dito?


3. Magpakita ng isang halimbawa ng anunsiyo.
4. Mahalaga ba ang mga anunsiyo na inyong mga nakikita?
B. PAGLALAHAD
1. Ngayon, gagawa tayo ng isang anunsiyo gamit ang Microsoft
Powerpoint
2. Talakayin sa mga bata tungkol sa Microsoft Powerpoint
3. Gawin ang sumusunod (Gabayan ang mga mag-aaral sa paggawa
nito)
Gawain A: Buksan ang Microsoft Powerpoint

103
Gawain B: Para magkaroon ng disenyo ang inyong gagawing
anunsiyo iclick ang Design at pumili ng design na
gustong gamitin.

Gawain C: Para malagyan ng teskto ang anunsiyo i-click ang


Insert at
i-click ang Text box.

Gawain

104
D: At kung gusto mo naman lagyan ng diagram ang iyong
anunsiyo i-click ang Insert at iclick ang Smart Art at dito pumili ng
diagram na angkop sa gagawing anunsiyo.

Gawain E: Kung gusto mo naman lagyan ng table ang iyong


anunsiyo i-click ang Insert at i-click ang Table.

Gawain F: Kung gusto mo naman lagyan ng tsart ang iyong


anunsiyo iclick lang ang Insert at iclick ang Chart at
pumili ng angkop na tsart para
sa inyong gagawing anunsiyo.

105
Gawain G: Kung gusto mo namang agyan ng photo o
drawing ang iyong anunsiyo. Iclick ang Insert at iclick ang
Picture at pumili ng picture na angkop para sa inyong
anunsiyo

(Bigyan ng karampatang pansin ang mga mag-aaral sa bawat hakbang na


gagawin)
4. Ipagawa ang sumusunod na gawain.
 Igrupo ang mga mag-aaral sa lima.
 Mag-isip ng isang anunsiyo tungkol sa pagdaraos ng
pista sa inyong lugar. Ilagay sa anunsiyo ang mga ibat
ibang gawain at programa na magaganap.

106
 Gawin ito sa slide presentation tool. Gumamit ng mga
larawan, tsart, diagram, table na aangkop sa
napagisipang anunsiyo.
5. Papiliin ng isang miyembro ang bawat grupo upang ilahad ang
anunsiyong ginawa.

V. PAGTATAYA
Ang magkaibigang Jose at Ryan ay kapwa mag-aaral ng Mabuhay
Elementary School. Napansin nila na kahit papalapit na ang pasukan konti pa
lang mga bata ang nagpaenroll sa paaralan kaya napag-isipan nilang gumawa ng
anunsiyo upang malaman ng ibang mag-aaral at magulang na nagsimula na ang
enrollment. Humihingi sila ng tulong sa inyo upang magawa ito. Tutulungan niyo
ba sila?
a. Gumawa ng anunsiyo na nagpapakita na nagsimula na ang
enrollment sa Mabuhay Elementary School. Pag-isipan ng
mabuti ang mga
mahahalagang dapat ilagay para sa anunsiyo na ito.
b. Gawin ito sa slide presentation tool. Pumili ng angkop na disenyo
na
babagay sa gagawing anunsiyo.

VI. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN

Sitwasyon
Si Nestor ay sikat na nagtitinda ng pansit sa kanilang lugar.
Dinarayo siya ng mga ibang tao mula sa ibang barangay. Ngunit sa susunod
na linggo ay dadalaw siya sa kanyang mga magulang sa probinsya kaya
naisipan niyang gumawa ng anunsiyo para sa kanyang mga mamimili na
hindi siya makapagtitinda. Kailangan niya ng tulong niyo. Handa ba kayong
tumulong kay Nestor?
a. Gumawa ng anunsiyo na nagsasaad na hindi makakapagtinda
si Nestor
ng pansit sa susunod na linggo.
b. Gawin ito sa Microsoft Powerpoint. Gumamit ng angkop na
mga datos
para sa anunsiyong ito.

107
108

You might also like