You are on page 1of 2

EPP 5

SUMMATIVE TEST

Direksyon: Basahin at unawain ang bawat tanong sa ibaba. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Si Mang Gabriel ay may alagang manok sa likod-bahay nila, ano ang kabutihang
dulot nito sa kanyang pamilya?
A. nakadudulot ng kalat sa bakuran
B. dagdag gastos sa pamilya
C. dagdag kita sa pamilya
D. nakadudulot ng ingay

2. Paano mapakikinabangan ang mga balahibo ng alagang manok at pato?


A. gawing palamuti sa loob ng bahay at kasuotan sa paligsahan
B. gawing pataba sa halaman
C. gawing pagkain
D. itago sa bahay
3. May palaisdaan ang iyong pamilya, ano ang kabutihang dulot nito sa inyo?
A. ulam sa pamilya
B. dagdag gastos sa pamilya
C. gawing laruan ng mga bata
D. gawing tapunan ng tubig na ginamit sa bahay
4. Ang sumusunod ay mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa at
pakpak o isda maliban sa:
A. nakapagbibigay ng dagdag na kita sa pamilya
B. nakapagbibigay ng saya sa pamilya
C. nakakatanggal ng inip sa pamilya
D. nakakagulo sa pamilya
5. Nakita mong napabayaan na ng iyong kapitbahay ang kanyang palaisdaan, ano ang gagawin mo?
A. hindi ko siya pakikialaman
B. hikayatin si Tatay na bilhin ang kanyang palaisdaan
C. tatanungin ko kung bakit niya pinabayaan ang kanyang palaisdaan
D. sasabihin ko sa kanya ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng mga isda

Direksyon: Lagyan ng tsek TAMA kung karapatdapat ibahagi ang isinasaad ng bawat
pahayag at ekis MALI kung hindi.

6. Ang pag-aalaga ng hayop ay nakakawala ng inip at nakapagbibigay kasiyahan sa tao.


7. May mga hayop na nakapagbibigay ng mga masustansiyang produkto tulad ng itlog at
karne.
8. Tunay na kapaki-pakinabang ang pag-aalaga ng hayop dahil ito ay nakapagbibigay ng
dagdag na kita sa pamilya
9. Nasasayang lamang ang oras ng isang tao sa pag-aalaga ng hayop.
10. Walang ibang dala ang hayop sa tao kundi perwisyo at dagdag gasto.
11.Ang dumi ng mga hayop ay mabisang pampataba ng halaman- ginagawang organikong
pataba.
12. Sadyang maraming kabutihan ang naidudulot ng pag-aalaga ng hayop sa tao.
13. Nakadarama ng kasiyahan ang isang tao na may mga alagang hayop sa bahay.
14. Hindi pwede gamitin palamuti ang balat ng hayop.
15. Nakakatulong sa mga gastusin ang pag-aalaga ng hayop.
5 pountos

You might also like