You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 5
LAYUNIN BILANG NG BAHAGDAN BILANG NG KINALALAGYAN
ARAW ITEM
Ngagamit ang pang abay sa 3 5 1-5
paglalarawan ng kilos
F5WG-IIIa-c-6
Nagagamit nang wasto ang pang 2 3 6-8
angkop sa pakipagtatalastasan
F5WG-IIIf-g-10
Nagagamit ang pang abay at pang 3 5 9 - 13
uri sa paglalarawan
Nasusuri kung ang pahayag ay 1 5 14 - 18
opinion o katotohanan
F5PB-IIIf-h-19
Nasasabi ang simuno at panag-uri 2 5 19 - 23
ng pangungusap
Nakapagbibigay ng mga salitang 2 5 24 - 33
magkakasalungat at
magkakasingkahulugan
Nakapag-uulat tungkol sa napanood 2 6 34 - 39
(F5PD-IIIb-g-15)
Nagagamit ang wastong sanggunian 2 1 40
na dapat gamitin sa pagsasaliksik
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

ANSWER KEY
FILIPINO 5
QUARTER 3

1. B 26. C
2. B 27. C
3. A 28. A
4. A 29. A
5. C 30. C
6. A 31. A
7. B 32. A
8. A 33. B
9. Pang abay 34. D
10. Pang abay 35. C
11. Pang uri 36. A
12. Pang-abay 37. D
13. Pang-uri 38. D
14. Katotohanan 39. D
15. Katotohanan 40. D
16. Katotohanan 41. Encyclopedia
17. Katotohanan 42. Diksyonaryo
18. Opinyon 43. Thesaurus
19. Simuno 44. Atlas
20. Panag-uri 45. Almanac
21. Simuno 46-50 – Depende sa sagot ng bata
22. Panag-uri
23. Panag-uri
24. C
25. C
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 5
I. Piliin ang titik nang tamang sagot.
1. Alin ang pang abay na panlunan sa pangungusap?
Masarap ang simoy ng hangin sa bukid.
a. masarap b. sa bukid c. ang simoy d. hangin
2. Alin ang pang abay na pamaraan sa pangungusap?
Nag-uunahang tumakbo ang mga bata patungo sa palaruan.
a. Sa palaruan b.nag-uunahang c.ang mga bata d. nag-uunahang tumakbo
3. Alin ang pang abay na pamanahon sa pangungusap?
Inaanyayahan akong magbakasayon ng aking mga pinsan sa darating na tag araw.
a. Sa darating na tag araw b.magbakasyon c. mga pinsan d. tag araw
4. Alin ang pang abay na pamanahon sa pangungusap?
Balang araw ay nais kong maging isang doctor.
a. Balang araw b. ay nais c. isang doctor d. ay nais ko
5. Alin ang pang abay na pamaraan sa pangungusap?
Maingat kong inakyat ang punong hitik sa bunga.
a. hitik sa bunga b. inakyat c. maingat d. ang punong
6. Aling parirala ang nagpapakita nang wastong gamit ng pang angkop?
a. pamilihang maunlad c. pamilihan ng mainlad
b. pamilihan na maunlad d. pamilihan ang maunlad
7.Anong pang ankop ang dapat gamitin sa pariralang “ bayani ____ marangal”?
a. na b. ng c. g d. nga
8. Ano ang wastong pang ankop para sa mga patlang?
Ang bayan ___ maunlad ay nagdudulot ng ginhawa sa kanya ___ nasasakupan.
a. g,ng b. ng, na c. ng,ng d. g,g

II. Isulat sa sagutang papel kung pang uri o pang abay ang gamit ng mga nakasalungguhit na salita
9. Nagmamadaling umalis ang aking ama patungo sa malayong lugar.
10. Nanalangin nang taimtim ang ina para kaligtasan ng kanyang asawa.
11. Taimtim ang aking panalangin para sa kanyang kaligtasan.
12. Mabilis na naglakad si John palabas ng silid-aralan.
13. Matitipuno at kagalang-galang ang mga sundalo.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

III. Isulat kung opinion o katotohanan ang mga sumusunod na pahayag


14. Ang araw ay sumisikat sa silangan at lumulubog sa kanluran.
15. Matiyagang hinintay ng mga botante ang resulta ng eleksiyon.
16. Nagdiwang ang mga mamamayan sa naging resulta ng eleksiyon.
17. Ang Penagbenga Festival ang ipinagdiriwang sa Baguio tuwing buwan ng Pebrero.
18. Mababango ang mga bulaklak sa Baguio.

IV. Isulat kung ang nakasalungguhit na salita ay simuno o panag-uri


19. Maraming tao ang nakapila upang kumuha ng libreng gamot.
20. Nakahanda na ang gamot na ipapamahagi sa mga mamamayan.
21. Ang mga libreng gamot ay lubhang makakatulong sa mga may karamdaman.
22. Si G. Dela Merced ay bumisita sa paaralan.
23. Ang pamilya ni Mang Lando ay masayang nagtatanim sa kanilang bakuran.

V. Ibigay ang kasalungat ng nakasalungguhit na salita.


24. Ang armas ng mga mandirigma ay nakatulong sa kanilang tagumpay.
a. kaligayahan b. kaunlaran c. kasawian d. kapahamakan
25. Ang busilak na damdamin ng ina ang naging inspirasyon ng mag anak.
a. maputi b. malinis c. marumi d. sapat
26. Nagdudulot ng ibayong paghihirap sa bansa ang kamangmangan ng mga mamamayan.
a. kagalingan b. katamaran c. kalituhan d. kahinaan
27. Matuling tumakbo ang alagang kuneho ni Gabrian.
a. mabilis b. malalim c. mabagal c. maliksi
28. Ipinakita niya ang kanyang kabutihang loob sa mahihirap.
a. kasamaan b. kabaitan c. kasipagan c. katalinuhan

VII. Ibigay ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit na salita


29. Ang kapahamakan na sinapit ng mga mangingisda ay nagdulot na kalungkutan sa buong nayon.
a. Kasawian b. kaunlaran c. kaligayahan d. kabutihan
30. Ang kanyang mga supling ay itinuring niyang biyaya mula sa Diyos.
a. kamag anak b. kayamanan c. anak d. kaibigan
31. Pambihira ang kagandahan ni Prinsesa Criselda.
a. Natatangi b. Naiiba c. karaniwan d. payak
32. Dumating ang isang lalaking may matipunong pangangatawan.
a. makisig b. sakitin c. mahina d. payat
33. Sinama ni Dentor ang kanyang mga kapanalig.
a. kalaban b. kasama c. kasapi d. kaaway

VIII. Basahin ang teksto sa ibaba. Pagkatapos ay bumuo ng mga tanong batay sa binasa.
34. Napanood ni Ashley sa television ang kaguluhang nagaganap sa pagitan ng mga bansang Ukraine at Russia.
Nalaman niya mula rito ang ginawang pag-atake ng bansang Russia sa Ukraine. Nagdulot ito ng pangamba sa mga
Pilipinong naroroon at marami ang nagsilikas upang umiwas at hindi madamay sa kaguluhan. Ano ang angkop na
katanungan para sa teksyong iyong binasa?
a. Bakit nanood ng telebisyon ni Ashley?
b. Saan nanood ng telebisyon si Ashley?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

c. Ano ang ginagawa ni Ashley habang nanonood ng telebisyon?


d. Paano nalaman ni Ashley ang kaguluhan nangyari sa Russia at Ukraine?

35. Nakadama ng kalungkutan at awa si Ashley sa napanood na balita. Bago matulog ay isinama niya sa kaniyang
panalangin ang mga naging biktima at nasawi sa naganap na kaguluhan. Idinalangin niya na manaig ang kapayapaan
sa pagitan ng dalawang bansa. Ano ang angkop na katanungan para rito?

a. Bakit matutulog si Ashley?


b. Saan matutulog si Ashley?
c. Ano ang panalangin ni Ashley?
d. Anong oras matutulog si Ashley?

Suriin ang mga tauhan at tagpuan batay sa napanood na maikling pelikula.


36. “Juan, Juan, nasaan ka nanaman?” “Sandali lang po, Inay, babagsak na ang biyaya oh.”
Batay sa pahayag ng tauhan mula sa pelikulang Juan Tamad, alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalarawan k
Ay Juan?

a. Siya ay tamad.
b. Siya ay masipag.
c. Siya ay malambing.
d. Siya ay mapagmahal.
37. Pagtingin ni Juan sa bungang bayabas ay pinitas ng isang babae. Napatingin si Juan sa babae. “Hmmm, akin iyan
eh,” wika ni Juan. “Walang napapala ang walang ginagawa. Adios!” wika ng babae sabay alis at kagat sa bayabas.
Batay sa pahayag, paano mo ilalarawan ang tagpuan?

a. Si Juan ay nakahiga sa isang duyan.


b. Si Juan ay nasa silid at nakahiga sa papag.
c. Si Juan ay nasa palengke at nagtitinsa ng palayok.
d. Si Juan ay nakahiga sa ilalim ng maliit nap uno ng bayabas na maraming bunga.

38. Basahing Mabuti ang sitwasyon. Sagutin ang tanong na makapagbabahagi sa pangyayaring iyong nasaksihan.
Pauwi na galing sa paaralan si Zaila nang mapansin niya ang mahabang pila ng mga tao sa kabilang kanto. Pagsapit
niya sa kanto, Nakita niya na may bitbit na malaking supot ang bawat tao na nanggaling sa pila. Napag-alaman niya
na may bigayan pala ng ayuda sa kanilang lugar. Kung ikaw si Zaila na nakakita ng naganap sa inyong lugar, paano mo
ibabahagi ang nasaksihang pangyayari?

a. Itatago ko na lang ito sa aking sarili.


b. Sasabihin ko ito sa aking mga kalaro.
c. Ipagsisigawan ko ito para marinig ng lahat.
d. Sasabihin ko ito sa aking mga magulag at kapitbahay upang mamkuha rin sila ng ayuda.

39. Basahin ang teksto. Bigyan ng angkop na pamagat ang tekstong binasa.
Maraming natanggap na mga aginaldo si Marey noong kaniyang kaarwan. Ngunit higit sa lahat, pinakaiibig
niya ang Maganda at malaking manikang nagsasalita na ibinigay ng kaniyang Ninang Rosie. Mahaba at malantik ang
pilik-mata nito, maliit ngunit matangos ang ilong, mamula-mula ang mga pisngi at maybiloy sa baba.
Nakadamit ang manika ng pula at nakabotang itim. Ito na ang pinakamagandang manikang Nakita I Marey sa
kaniyang buhay. Ano ang angkop na pamagat para sa tekstong iyong binasa?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN

a. Ang kaarawan ni Marey


b. Ang mga Handog kay Marey
c. Ang mga Manika ni Marey
d. Ang Pinakapaboritong Aginaldo ni Marey

40. Basahin ang sumusunod na pahayag. Matapos ay tukuyin kung anong sanggunian ang dapat gamitin sa
pagsasaliksik tungkol sa isang isyu o paksa. Anong sanggunian ang gagamitin mo kung nais mong malaman ang paksa
tungkol sa paglalakbay ni Magellan sa Pilipinas?

a. Almanac
b. Atlas
c. Diksiyunaryo
d. Encyclopedia

IX. Piliin sa kahaon ang angkop na sanggunian na angkop gamitin sa sumusunod na pahayag.

Thersaurus Atlas Encyclopedia

Diksyonaryo Almanac

_______________ 41. Mga tiyak na detalye o impormasyon tungkol sa Covid 19.

_______________ 42. Kahulugan ng salitang pandemia.

_______________ 43. Kasingkahulugan ng salitang malala, masakit, nakatatakot.

_______________ 44. Tiyak na lokasyon/luagar na tinatawag na “hot spot” sa Covid 19 sa Luzon.

_______________ 45. Panahon o petsa kung kailan nagsimulang lumaganap ang Covid 19 sa Pilipinas.

Punan ang pormularyo ng wastong datos na hiningi.

PORMA NG PANSARILING IMPORMASYON

PANGALAN:

EDAD:

KASARIAN:

PETSA NG KAPANGANAKAN:

TIRAHAN:

You might also like