You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SILAY CITY

FILIPINO 10
IKALAWANG MARKAHAN
PASULAT NA PAGSUSULIT BLG. 1

I. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag.Tukuyin kung ano ang hinihingi sa bawat
pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Kahit batid ni Romeo na ang kaniyang pinakamamahal na si Juliet ay galing sa kanilang


kalabang angkan, ipinagpatuloy pa rin nito ang wagas na pag-ibig sa dalaga. Ipinakikita ng
pahayag na ito ang isang kaugalian ng isang mangingibig ang pagiging:
a. matapang b. duwag c. masunurin d. mabait

2. Siya ang orihinal na may akda ng Romeo at Juliet.


a. William Shakespeare c. Francisco Balagtas
b. Gregorio C. Borlaza d. Jose Corazon de jesus

3. Sa kabila ng hidwaan sa kanilang mga angkan ay nabihag ng pag-ibig ang puso ng binata at
dalaga. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a.di- pagkakasundo b.pagkakaunawaan c. pagkakaintindihan d. di-
malupig

4. Nagplano ang dalawa na muling magkita at doon ay gagawin nila ang kanilang pag-iisang
dibdib. Ano ang kahulugan ng pahayag na may salungguhit?
a.pagpapakasal b. paghihiwalay c. pagsama ng kanilang dalawang dibdib
d.pagpapakamatay

5. Si Juliet ay ipinagkasundo ng kaniyang mga magulang na ipakasal sa isang lalaking hindi niya
mahal at hindi lubusang kilala. Ipinakikita ng pahayag na ito ang kultura ng mga taga-England
na:
a. pagkakaroon ng arrange marriage
b. naniniwala na sa bandang huli sila ay magmamahalan pa rin
c. nakabatay sa antas ng kayamanan
d. wala sa nabanggit

6. Paano nagpakamatay si Romeo?


a.Uminom siya ng lason b. Nagpakamatay c. Sinaksak ng kalaban d. Nabaril

7. Sa kaniya dapat pakakasal si Juliet kung hindi siya umiibig kay Romeo.
a. Capulet b. Paris c. Romeo d. Tybalt

8. Siya ang anak ni Odin na nagpasiya para maglakbay patungo sa Utgard.


a. Thor b. Loki c. Logi d. Thjalfi

9. Ginamitan ng mahika ni Loki ang paligsahan nila ni Thor. Ano ang naging damdamin ni Thor
matapos niya itong malaman?
a. nagalit b. natuwa c. nagayak d. nalungkot
10. Ito ay salitang Griyego na “drama”na nangangahulugang gawain o kilos.
a. dula b. tula c. epiko d. mitolohiya
II. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salita para mabuo ang kahulugan ng
sumusunod na mga salita. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. kilay B. akyat C. palaka D. pagong E. sulong

11. Nagsusunog ng _____________ (Masipag mag-aral) A


12. _____________-bahay (Magnanakaw) B
13. Boses-______ (Sintunado o wala sa tono kung kumanta) C
14. Lakad-____________ (Mabagal maglakad) D
15.Urong-____________ (Nahihirapang magdesisyon) E

III. Panuto: Basahin at unawain ang diyalogo. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.

At nang makarating sa tahanan ni Venus si Pscyhe, agad nitong kinausap ang diyosa. “Mahal na
diyosa, ako ay nagkasala sa iyo at sa inyong anak. Lahat ay gagawin ko upang mapatawad
ninyo ako.” Buong pagmamakaaawang wika ni Psyche. “Ako ay labis na namumuhi sa iyo
mortal! Ngunit sige, kapag nagawa mo ang aking mga ipapagawang pagsubok, papatawarin kita
at baka sakaling mapatawad ka rin ng aking anak na lubhang nasaktan dahil sa iyo.”

16. Sino sa dalawang tauhan ang tagapagpadaloy ng usapan? A


a. Psyche b. Venus c. Parehong A at B d. Wala sa nabanggit

17. Sino sa dalawang tauhan ang tagatanggap sa usapan? B


a. Psyche b. Venus c. Parehong A at B d. Wala sa nabanggit

18. Ano ang sitwasyon sa nasabing usapan? D


a. Pagpunta ni Psyche kay Venus.
b. Paghingi ng tulong ni Psyche kay Venus.
c. Dumalaw si Psyche kay Venus upang makausap ang anak nito.
d. Paghingi ng tawad ni Psyche kay Venus.

19. Patungkol saan ang usapan ng dalawang tauhan? A


a. Si Venus ay may galit kay Psyche at humihingi ito ng kapatawaran.
b. Pagpapakumbaba ni Psyche sa diyosa upang tulungan siya nito.
c. Nais makausap ni Psyche ang kaniyang asawa upang humingi ng kapatawaran
d. Pagpapakita ng pagnanais ng dalaga na matanggap siya ni Venus para sa kaniyang anak.
VI. Panuto: Basahin at piliin ang pangunahing paksa o ideya batay sa usapan ng mga tauhan sa
mga sumusunod na pahayag. Isulat sa inyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

20. “Ako ang pinakamabilis kumain sa buong mundo at walang sinoman ang mas mabilis pa kaysa
sa akin.” “Kung gayon, aking itatapat sa iyo ang aking alagad na pinakamabilis kumain sa aking
kaharian.” Tinawag ni Utgard-Loki ang kaniyang alagad na si Loki. Ayon sa pahayag ano ang
pangunahing ideya? A
a. Kung sino ang pinakamabilis sa larangan ng pagkain.
b. Kung sino ang makakaubos ng pagkain.
c. Kung sino ang mauuna sa pagkain.
d. Kung sino ang mabubusog sa pagkain.

21. Sinabi ni Utgaro-Loki kay Thor, “Sa aking salita, ni hindi ka makakapasok dito kung alam ko
lang kung gaano ka kalakas, muntik ka nang magdulot ng kapahamakan sa aming lahat. Ngunit
nilinlang kita gamit ang aking mahika.” Ayon sa pahayag ano ang pangunahing ideya? B
a. Nasiyahan si Utgaro Loki sa pagdating ni Thor kaya gumamit siya ng mahika.
b. Natakot si Utgaro Loki sa sobrang lakas ni Thor kaya ginamitan niya ng mahika para
malinlang ito.
c. Nabigla si Utgaro Loki sa pagdating ni Thor.
d. Hindi nagpasindak si Utgaro Loki kay Thor.

22. “Ipinakikita lamang na ang lakas mong taglay ay hindi kasintindi tulad ng aming iniisip,” tanong
ni Utgaro-Loki kay Thor. Ayon sa pahayag ano ang pangunahing ideya? A
a. Maling akala b. Tamang hinala c. Hambog d. Malakas

23. Bibigyan ko kayo ng mabuting payo. Huwag kayong magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro
Loki,” sabi ni Skymir. Ayon sa pahayag ano ang pangunahing ideya? B
a. Gustong magbanta c. Gustong magpahamak ng kapwa
b. May malasakit sa kapwa d. May taglay na kapangyarihan

24. “Tawagin mo na akong maliit kung gusto mo pero tumawag ka ng sinumang makikipagbuno sa
akin, galit na ako ngayon,” sabi ni Thor. Ayon sa pahayag ano ang pangunahing ideya? C
a. Matapang b. duwag c. hambog d. makapangyarihan

25. “Nais kong subukan ang aking angking bilis sa pagtakbo. Ako ang pinakamabilis na tumakbo sa
mga mortal.” “Kung gayon, aking itatapat ang pinakamabilis na tumakbo sa aking kaharian.”
Wika ni Utgard-Loki. Ayon sa pahayag ano ang pangunahing ideya? B
a. Kung sino ang pinakamabilis sa larangan ng paglakad.
b. Kung sino ang pinakamabilis tumakbo.
c. Kung sino ang mauuna sa finish line.
d. Kung sino ang pinakamahina sa pagtakbo.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SILAY CITY

TALAAN NG ISPESIPIKASYON
(Ikalawang Markahan, Linggo 1-2)

KALAGAYAN NG BILANG
LAYUNIN NG AYTEM
AYTEM
1. Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya
batay sa napakinggang 20,21,22,23,24,25 6
usapan ng mga tauhan. (F10PN-IIa-b-71)
2. Naisasama ang salita sa iba pang salita upang
makabuo ng ibang kahulugan 11,12,13,14,15 5
(collocation). (F10PT-IIa-b-71)
3. Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay sa
3,4 2
pinagmulan nito (etimolohiya). (F10PT-IIa-b-72)
4. Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng
kuwentong-bayan/dula sa napakinggang usapan ng 1,5 2
mga tauhan. (F10PN-IIa-b-72)
5. Nalalapatan ng tamang paghihinuha ang bawat
2,6,7,8,9,10 6
katanungan.
6. Nailahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay
sa napakinggang usapan ng mga tauhan ( F10PN-IIa- 16,17,18,19 4
b-71)

KABUOAN 25

You might also like