You are on page 1of 2

KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO

1521
Dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas upang ipalaganap ang Kristiyanismo sa mga sinaunang
Pilipino gamit ang mga katutubong wika.
Disyembre 29, 1972
Nilagdaan ni Carlos IV ang isang kautusan na nagsasaad ng paggamit ng wikang Kastila sa mga
paaralang itatatag at sa mga pamayanan ng mga Indio.
1897
Sa Panahon ng Himagsikan, pinagtibay ng Saligang Batas ng Biak na Bato na nagsasabing ang
wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng mga Pilipino
1901
Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa bansa, ipinasa ng Philippine Commission ang
Act no. 74 na nag-uutos ng paggamit ng wikang Ingles bilang tanging wikang panturo sa mga
itatatag na paaralan
Pebrero 8, 1935
Sa panahon ng Pamahalaang Komonwelt na pinangungunahan ni Pangulong Quezon, sa Saligang
Batas 1935, Artikulo XIV, Sekyon 3, ang pambansang kapulungan ay naatasang gumawa ng
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng pambansang wika batay sa isa sa umiiral na
katutubong wika.
Nobyembre 13, 1936
Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) (na ngayo'y Komisyon sa Wikang Filipino)
upang piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng
wikang pambansa ng Pilipinas.
Disyembre 30, 1937
Ipinahayag ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas ang
Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng Wikang Pambansa.
Abril 1, 1940
Inilabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 kung saan ito ay
nagbibigay pahintulot sa paglilimbag ng “Diksyunaryong Tagalog-Ingles” at ang “Barilala ng
Wikang Pambansa”
Hulyo 24, 1942
Noong panahon ng mga Hapones, sila ay nagpatupad ng ordinansa na kung tawagin ay
“Ordinansang Militar Blg. 13” na nag-uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at
Nihonggo.

Hulyo 8, 1946
Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagsasabing ang Wikang Pambansa na tatawaging
Wikang Pambansang Pilipino ay maging isang wikang opisyal ng bansa.
Marso 26, 1954
Ang Proklamasyon Blg. 12 na nilagdaan ni Pangulong R.Magsaysay ay nagsasaad ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambans
1955
Ngunit dahil sa Prokalamasyon Blg. 186, inilipat ang Linggo ng Wika sa Agosto 13-19
(kapanganakan ng Ama ng Wika)
Agosto 13, 1959
Sa pamamahala ng Kalihim ng Edukasyon Jose Romero, ipinatupad ang pagtawag sa Wikang
Pambansa na Pilipino gamit ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
1973
Ipinatupad ang Saligang Batas Artikulo XV, Seksiyon 3 na nagsasabing ang Opisyal na Wika ay
Ingles at Pilipino.
Hulyo 10, 1974
Itinakda ng Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang
PAngkagawaran Blg. 25 na nag-uutos na hiwalay ang ang paggamit ng Pilipino at Ingles bilang
wikang panturo at pagkatuto sa lahat ng antas
Pebrero 2, 1987
Pinagtibay ng bagong Konstitusyon ng Pilipinas ang Artikulo XIV, Seksiyon 6 na nagsasabing
ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
2009
Isinainstitusyon ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusan Blg. 74 ang paggamit ng Inang
Wika o Mother Tongue sa Elementarya o Multilingal Language Education.

You might also like