You are on page 1of 30

Ang Bagong Daan ng Krus

Pambungad na Awit
Hirap at pagdurusa ang kanyang nadarama
Ang sugat sa katawan pag ibig ang dahilan
Dugong pumapatak tumbas ay kaligtasan
Si Kristo anak ng Diyos nag alay ng buhay

Bawat sugat ni Kristo ay may pahayag


Ang sugat sa ulo’y pang unawang taglay
Sa dibdib ay pag ibig sa kamay ay pagdamay
Sa paa na laging nakasubaybay.

Pambungad na Panalangin

Panginoong Hesukristo, habang kami’y nagtitipon dito


ngayon upang pagnilayan ang iyong Misteryong
Pampaskuwa, pagkalooban mo kaming lahat ng biyaya na
kasuklaman ang kasalanan tulad ng iyong ginawa, at
gugulin ang aming buhay para sa aming kapwa ayon sa
iyong halimbawa. Sa gayon, kami ay maaaring makibahagi
hindi lamang sa iyong paghihirap, kundi maging sa iyo ring
Muling Pagkabuhay. Ikaw na nabubuhay at naghahari
magpakailanman.

Amen!
Ang Unang Istasyon
Ang Huling Hapunan

N: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong


Hesukristo.

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus ay


iniligtas mo ang sandaigdigan.

Pagbasa (1 Cor 11: 23-26)

Ang Panginoong Hesus, noong gabing siya’y ipagkanulo ay


dumampot ng tinapay, nagpasalamat, at pinagpira-piraso
ito, at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa
inyo.” Gayon din naman, matapos maghapunan ay
hinawakan niya ang kalis at sinabi, “Ang kalis na ito ang
bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo. Tuwing
iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin.”

Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa


kalis na ito ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng
Panginoon, hanggang sa muling pagparito niya.
(Pagninilay)

Ang larawan ng Huling Hapunan ang naghahanda sa atin


upang harapin ang hirap at sakit ng Krus patungo sa
luwalhati ng Pagkabuhay. Ang sakripisyo ni Hesus sa krus
ay ang sakripisyo sa Banal na Eukaristiya. Ang Eukaristiya
ang nagbibigay lakas sa atin habang pinapasan natin hng
mga krus ng ating buhay at nagdudulot sa atin ng pag-asa
para sa hinaharap. Sinusubaybayan natin ang landas ni
Kristo, at sasaksihan natin ang kanyang pagkilos mula sa
kanyang pakikipag-kapwa sa kanyang mga kaibigan
hanggang sa kanyang pag-iisa at kalungkutan sa kanyang
kamatayan patungo sa tagumpay at ligaya ng Pagkabuhay.

Panalangin

Panginoong Hesus, minahal mo kami nang lubus-lubusan.


Minahal mo kami hanggang sa katapusan. Ikaw ay
nananatili sa Eukaristiya upang maging pagkain at inuming
nagbibigay buhay na walang hanggan. Nananatili ka sa
aming piling upang maging patuloy na palatandaan ng
nagliligtas na pananatili ng Diyos sa lahat ng sandali ng
aming buhay.

Patawarin mo kami, Panginoon sa lahat ng sandali na kami


ay hindi nagpapahalaga sa iyong paghahandog sa amin ng
iyong sarili at sa iyong mapagmahal na pananahan sa Banal
na Eukaristiya.

Ama Namin…
Aba, Ginoong Maria…
Luwalhati…
Ang Ikalawang Istasyon
Ang Pagdurusa ni Hesus sa Halamanan

N: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong


Hesukristo.

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus ay


iniligtas mo ang sandaigdigan.

Pagbasa (Lu 22: 39-45)

Gaya ng kanyang kinaugalian, umalis si Hesus at nagtungo


sa Bundok ng mga Olibo; at sumama ang mga alagad.
Pagdating doo’ys sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo,
nang hindi kayo madaig ng tukso.” Lumayo siya sa kanila
nang may isang pukol ng bato, saka lumuhod at nanalangin.
“Ama,” wika niya, “kung maaari’y ilayo mo sa akin ang
kalis na ito. Gayunma’y hindi ang kalooban ko ang
masunod, kundi ang kalooban mo.” Tigib ng hapis, siya’y
nanalangin nang lalong taimtim; tumulo sa lupa ang
kanyang pawis na animo’y malalaking patak ng dugo.
Tumindig siya pagkapanalangin at lumapit sa kanyang mga
alagad. Naratnan niyang natutulog ang mga ito dahil sa
tindi ng dalamhati.
(Pagninilay)

Sa katauhan ni Kristo ng Getsemani na nakikibaka at puno


ng hapis nakikita natin ang ating mga sarili tuwing
dumaraan din tayo sa gabi ng sakit, ng pagkawalay sa mga
kaibigan, ng katahimikan ng Diyos. Sinasabi na si Hesus ay
"maghihirap hanggang sa wakas ng panahon: hindi tayo
puwedeng
magtulug-tulugan ngayon sapagkat naghahanap siya ng
kasama at karamay” tulad ng ilan sa atin na naghihirap dito
sa lupa. Sa kanya rin natin makikita ang ating mga mukha,
kapag ito ay basa ng luha at hinahagupit ng suliranin.
Ngunit ang pakikibaka ni Hesus ay hindi nagdudulot ng
kawalan ng pag-asa at pagsuko, bagkus nag-uudyok para sa
isang pagpapahayag ng pagtitiwala sa Ama at sa kanyang
plano. Sa tagpong ito ng buhay ni Hesus, tanging ang
panalanging "Ama namin" ang ipinapaalala sa atin ni Hesus:
"Manalangin kayo na huwag madarang sa tukso... Huwag
ang kalooban ko, kundi ang kalooban mo ang masunod." At
dumating ang anghel ng aliw at kalakasan na tumulong kay
Hesus na magsikap hanggang sa huling yugto ng kanyang
pakikipamayan sa atin.

Panalangin

Mahaba at kakila-kilabot ang gabing iyon, Panginoon. Ni isa


sa iyong mga alagad ay nagkaroon ng lakas na samahana ka
sa iyong pagdurusa. Ang tanging lakas mo ay ang iyong
matibay na hangaring tuparin ang kalooban ng Ama,
maging anuman ang halaga.

Patuloy kang mag-isang nagdurusa, maging hanggang sa


kasalukuyan, sa kalungkutan ng mga walang kaibigan, ng
mga walang tahanan, ng mga walang kinabukasan. Puno
ang aming lipunan ng katulad nila, ngunit patuloy kaming
nagkukunwaring walang malay at natutulog habang sila ay
namamatay na biktima ng kapabayaan.
Ang Ikatlong Istasyon
Si Hesus sa Harap ng Sanhedrin

N: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong


Hesukristo.

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus ay


iniligtas mo ang sandaigdigan.

Pagbasa (Mc 14: 60-64. 15: 1)


Tumindig ang pinakapunong saserdote sa harap ng
kapulungan, at tinanong si Hesus, “Ikaw ba ang Mesiyas,
ang Anak ng Kataas-taasan? “Ako nga,” sagot ni Hesus. “At
makikita ninyo ang Anak ng Tao, na nakaupo sa kanan ng
Makapangayarihan sa lahat. At makikita ninyong siya’y
dumarating, nasa alapaap ng langit.” Winasak ng
pinakapunong saserdote ang sariling kasuutan, at sinabi,
“Hindi na natin kailangan ang mga saksi! Kayo na ang
nakarinig ng kanyang kalapastanganan sa Dios! Ano ang
pasya ninyo?” Ang hatol nilang lahat at kamatayan.
Kinaumagahan, nagpulong agad ang mga punong
saserdote, ang matatanda ng bayan, ang mga eskriba, at ang
iba pang bumubuo ng Sanedrin. Ipinagapos nila si Hesus, at
dinala kay Pilato.
(Pagninilay)
Naudyokan ng opinyon ng marami, kumakatawan si Pilato
sa ugali na karaniwan na sa lipunan natin ngayon: kawalan
ng interes at pakialam at pagiging makasarili. Upung
makaiwas sa panganib, kadalasang handa ang marami sa
atin na yapakan at hamakin ang katotohanan at katarungan.
Ang pag-uugaling ito ang nagpapamanhid sa ating
kunsensya, kumikitil sa pagsisisi, at dumudungis sa pag-
iisip. Ang kawalan ng pakialam ang unti- unting
pagkamatay ng tunay na pagpapakatao.
Sa paghatol ni Pilato, nasaksihan natin ang masamang dulot
ng kawalan ng pakialam. Katulad ng sinasabi ng mga
Romano noong una, ang mali at walang pakialam na
katarungan ay tulad ng sapot ng gagamba na bumibitag at
pumapatay sa mga insekto, ngunit nakakayang sirain ng
mga ibon sa lakas ng hagupit ng kanilang bagwis." Si Hesus,
tulad ng mga mabababa sa daigdig na ito, walang
kapangyarihang magsalita ay nabitag. At katulad ng ating
nakagawian, si Pilato ay nakatingin sa malayo, naghugas ng
mga kamay at bilang pagpapalusot ay nagtanong: "Ano ang
katotohanan?"

Panalangin

Panginoong Hesukristo, ikaw ang hukom ng sangkatauhan,


ngunit tinanggap mong litisin ng mga hukom na di
makatarungan. Ikaw ang pinakabanal, tanging walang sala
sa daigdig, ngunit tiniis mo ang pagpaparatang ng mga sutil
na makasalanan.
Patuloy pa rin ang walang katarungang paglilitis na inuulit
sa bawat di-makatarungnang paghatol kung saan
pinarurusahan ang mga walang sala at pinalalaya ang may
sala. Ikaw pa rin ang biktima ng ganitong kawalan-
katarungan laban sa mga mahihina, mga walang lakas na
ipagtanggol ang sarili at ang mga walang tinig sa lipunan. Sa
kanila, patuloy kang nabubuhay at nagdurusa.
Ang Ika-apat na Istasyon
Ang Paghampas at Pagputong ng Koronang Tinik

N: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong


Hesukristo.

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus ay


iniligtas mo ang sandaigdigan.

Pagbasa (Mt 27:22-30, passim)

Sinabi sa kanila ni Pilato, “Kung gayon, ano ang gagawin ko


kay Hesus na tinatawag na Kristo?” Suamgot ang lahat,
“Ipako sa krus!” “Bakit, anong masama ang ginawa niya?”
tanong ni Pilato. Ngunit lalo pa nilang isinigaw, “Ipako sa
krus!”

At ipinahagupit si Hesus at ibinigay sa kanila upang ipako


sa krus. Si Hesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa
pretoryo, at nagkatipon ang buong batalyon sa paligid niya.
Naglikaw sila ng halamang matinik at ipinutong sa kanya,
saka pinaghawak ng isang tambo sa kanyang kanang
kamay. At palibak siyang niluhud-luhuran at binati:
“Mabuhay ang Hari ng mga Judio!”
(Pagninilay)
Si Hesus av hinamak tulad ng isang batang tinutuya sa
paglalaro ng hari-harian. Ngunit ang katotohanan, ang
tinutuya ay tunay na Hari na ang dulot av kaligtasan.
Katulad ng sinasabi ni Mateo sa kanyang Ebanghelyo (25:37-
46), darating muli ang Hari ng mga hari at hahatulan ang
lahat ng mga nagpapahirap, at titipunin niya sa
kaluwalhatian hindi lamang ang mga pinahirapan, bagkus
pati na rin ang mga dumalaw sa piitan, nagpagaling sa mga
sugatan nagpakain sa mga nagugutom,nagpa-inom sa mga
nauuhaw, at iba pa.
Ngunit ngayon ang mukha na nagbagong-anyo at
nagliwanag sa Tabor ay puno na ng pasa at sugat; Siya na
"larawan ng kaluwalhatian ng Diyos"ay niyurakan at
nawalan ng dangal. Ang Lingkod ng Panginoon ay
itinalikod at sinugatan ng latigo habang ang nagdurugong
mukha ay pinaglulurhan. Sa Kanya, sa Diyos ng luwalhati,
ang kahinaan ng bawat nilalang ay nahahayag. Sa kanya,
ang Manlilikha ng daigdig, nagkaroon ang bawat nilalang
ng boses.
Panalangin
Natangay sa sulsol ng iyong mga kaaway ang malaking
pulutong kaya’t ninais nilang ikaw’y ipapatay, mahal na
Hesus. At hindi rin naisip ni Pilato na mahalagang
panindigan ang katarungan at ipagtanggol ang iyong
pagiging walang sala. Kaya’t nagtagumpay ang mga hibang.
Gayundin naman ang mga kawal na Romano, habang
binatbat nila ng sugat ang iyong katawan at pinutungan ang
iyong ulo ng koronang tinik at pag-aalipusta.
Ngunit hindi ka man lamang dumaing. Tiniis mong lahat
iyon, tulad ng isang maamong tupang kakatayin; walang
imik tulad ng milyun-milyong mga simpleng taong
pinagsasamantalahan, inaapi ng mga halang ang kalooban,
habang marami sa amin ang nagbubulag-bulagan sa harap
ng walang pakundangang paglapastangan sa katarungan.
Ang Ika-limang Istasyon
Tinanggap ni Hesus ang Kanyang Krus

N: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong


Hesukristo.

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus ay


iniligtas mo ang sandaigdigan.

Pagbasa (Mt 27:31)


At matapos kutyain, kanilang inalisan siya ng balabal,
sinuutan ng sariling damit, at inilabas upang ipako sa krus.
(Pagninilay)
Sa tagpong ito napisimula ang daan na ginugunita natin
ngayon, ang Daan ng Krus na patungo sa bundok ng
pagpapakasakit. Unti-unting binabagtas ni Hesus ang daan.
Duduang at nanlulupapay ang katawan niyung binuhat ang
bigat ng Krus. Ayon sa Tradisyon, tatlong beses nadapa si
Hesus. Sinasalamin nito ang walang-hanggang kuwento ng
mga kalalakihan at kababaihan na nakagapos sa gutom at
kahirapan: mga mahihinang mga kabataan, ang matatanda
at may sakit ang mahihina at mahihirap, sila na tila ba
ninakawan ng kalakasan at pangarap.
Ang hirap na binagtas ni Hesus at ang kanyang ilang ulit na
pagkadapa ay naglalaman din ng mga kuwento ng mga
taong nag-iisa at nalulumbay, mga taong hindi binibigyan
ng pagpapahalaga ng lipunan. Kay Kristo, pasan ang bigat
ng krus, natin makikita ang sangkatauhang tinawag ni
propeta Isaias na "daraing mula sa lupa, maririnig mo ang
iyong tinig na nakakapangilabot, nakakatakot na parang
tinig ng isang multo, at parang bulong mula sa alabok."

Panalangin

Minamahal kong Panginoon, ang krus ay siyang parusa para


sa mga kriminal at mga manghihimagsik. Sino ang
maniniwala na ipinatong ito sa balikat ng Anak ng Diyos,
ang puno ng lahat ng kabanalan at kabutihan?
Sa kabila ng lahat, tinanggap mo ito nang buong kababaang-
loob sapagkat alam mo na ito lamang ang paraan upang
kami ay mailigtas sa walang hanggang kaparusahan.
Krus namin ang krus na tinanggap mong pasanin — ang
krus ng aming mga kasalanan, ang krus ng aming mga
kahinaan, ng aming mga pagkasira ng loob, ng aming mga
pagkabigo at ng aming kasamaan.

Hanggang sa mga araw na ito, pasan ng mga walang-malay


na kalalakihan, kakababaihan, at kabataan ang krus ng mga
pagkakamali, kasakiman, pagmamataas, kahalayan.
Ipagkaloob mo sa amin, mahal na Panginoon, ang biyayang
di kailanman magbigay ng mga pasanin sa aming kapwa
dahil sa aming mga pagkukulang. Magiting nawa namin
pasanin kasama mo ang krus ng aming mga pang-araw-
araw na tungkulin.

Ang Ika-anim na Istasyon


Si Hesus ay Nadapa sa Bigat ng Krus

N: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong


Hesukristo.

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus ay


iniligtas mo ang sandaigdigan.

Pagbasa

Habang sumusuray ang hakbang ni Hesus patungo sa


Kalbaryo halos madurog si Hesus sa bigat ng Krus na
kanyang pasan-pasan. Higit pa marahil, napuspos si Hesus
sa panunuya at panlilibak ng mga tao na para bagang siya
ay isang kriminal. Halos igupo ng pagod dahil sa kawalan
ng tulog sa magdamag at pagpapahirap na kanyang
dinanas, si Hesus ay nalugmok sa bigat ng Krus at pag-
aalipusta na kanyang dinanas.

(Pagninilay)
Sa ating pag-iisip, kailanman ay hindi madarapa ang Diyos.
Ngunit sa pagkakataong ito, nasubasob si Hesus. Bakit?
Hindi ito tanda ng kahinaan; ito ay tanda ng labislabis na
pagmamahal para sa atin. Ang pagkasubasob ni Hesus sa
bigat ng Krus ay nagpapa-alala sa atin na ang kasalanan ay
mabigat
na pasanin. Ang kasalanan ang nagpapababa at sumisira sa
atin. Ang kasalanan ang nagpaparusa at nagdudulot ng
kasamaan sa atin. Ang kasalanan ay masama!

Sa kabila ng lahat, mahal pa rin tayo ng Diyos at ninanais


niya na tayo ay mapabuti. Ang Kanyang pag-ibig ang nag-
uudyok sa kanya na isigaw sa mga bingi, sa atin na hindi
marunong makinig: "Talikdan ang kasalanan sapagkat ito
ang sumisira sa iyo!Ninanakaw nito anq kapayapaan sa iyo,
ang ligaya sa iyo; inihihiwalay ka nito sa buhay."
Panalangin
Di malayo ang Kalbaryo mula sa pretoryo, iilang daang
metro lamang. Ngunit, natagalan ka, Panginoon, na tahakin
ang daang iyon, hirap na hirap at bigung-bigong umaasang
may tutulong. Matagal nang naglaho ang iyong lakas.
Lubak-lubak ang daan. Malupit ang mga tao. Pabigat nang
pabigat ang krus hanggang di mo na ito makayanan, at
ikaw’y nalugmok na sa lupa!
Tulad mo, Panginoon, napakarami sa amin ang nadarapa at
napapasubasob dito sa mahirap na daan ng krus ng buhay
dahil sa mga pagsubok at kabiguang dumadagok sa amin.
Kapag kami ay nadarapa at nalulugmok, Panginoon,
tulungan mo kami!
At kapag hindi na kayang pasanin ng aming mga
kapatidang maraming pagsubok na dumarating, Panginoon,
pagkalooban mo kami ng pusong mahabagin upang kami’y
di na makabigat pa sa kanilang pasanin.
Ang Ika-pitong Istasyon
Tinulungan ni Simon si Hesus sa Pagpasan ng Krus
N: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong
Hesukristo.

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus ay


iniligtas mo ang sandaigdigan.

Pagbasa (Mc 15:21)

Nakasalubong nila ang isang lalaking galing sa bukid, si


Simon na taga-Cirene, ama nina Alejandro at Rufo. Pilit
nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Hesus.

(Pagninilay)

Ang Diyos ay patuloy na naghihintay sa atin sa daan ng


buhay Kung minsan, kumakatok siya sa ating pintuan at
humihiling na makibahagi sa ating hapag. Kung minsan,
nakakasalubong natin siya, tulad ni Simon na taga-Cirene, at
ito'y nagiging daan tungo sa pagbabagong buhay natin. Ito
marahil ang dahilan kung bakit pinangalanan ni Marcos ang
mga anak ni Simon na sina Alexander at Rufo,
mga Kristiyano. Ito ay upang ipakita sa atin. ang biyaya ng
pagbabago na tinanggap ni Simon sa 'di
inaasahang pagkasalubong niya sa Panginoon: ang biyaya
ng pananampalataya. Si Simon ang kumakatawan sa
pagsasama ng makalangit na biyaya at ng gawain ng tao. Sa
huli, ipanakita sa atin ni Marcos ang isang tunay na alagad:
"pinasan niya ang Krus ni Hesus."

Panalangin

Napadaan lamang si Simon habang pauwi na siya mula sa


bukid. Napilitan siyang mag-iba ng landas isang paglihis na
nagbago ng takbo ng kanyang buhay. Napilitang pasanin
ang iyong krus, siya man ay biktima ng pang-aapi at
kawalan ng katarungan. Naranasan niya ang iyong sakit,
Panginoon, kung kaya’t natuklasan niya ang ibig sabihin ng
buhay, kapag nagnanais na tumulong sa kapwa.

Magsugo ka pa ng maraming tulad ni Simon ng Cirene,


Panginoon. Padalhan mo kami ng mga taong may lakas ng
loob upang pasanin ang krus ng iba nang may pakikiisa at
pagtitiyaga tulad ng magkakapatid. Gawin mo kaming tulad
ni Simon, Panginoon. Bigyan mo kami ng lakas at
kagandahang-loob na magdamayan, sapagkat ang aming
lipunan ay puno ng nagdurusang Kristo na hindi na
makaagapay sa bigat ng kanilang pasang krus na may iba’t
ibang hugis at bigat.

Ang Ika-walong Istasyon


Nasalubong ni Hesus ang mga Kababaihan ng Herusalem
N: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong
Hesukristo.

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus ay


iniligtas mo ang sandaigdigan.

Pagbasa (Lu 23: 27-31)

Sinusundan si Hesus ng maraming tao, kabilang ang mga


babain nananaghoy at nananambitan dahil sa kanya.
Nilingon sila ni Hesus at sinasabi sa kanila, “Mga
kakabaihan ng Jerusalem, hiwag ninyo akong tangisan. Ang
tangisan ninyo’y ang inyong sarili at ang inyong mga anak.
Tandaan ninyo: darating ang mga araw na sasabihin nila,
‘Mapapalad ang mga baog, ang mga sinapupunang hindi
nagdalantao, at ang mga dibdib na hindi nagpasuso.’ Sa mga
araw na iyo’y sasabihin ng mga tao sa mga bundok,
‘Gumuho kayo sa amin!’ at sa mga burol, ‘Tabunan ninyo
kami!’ Sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy na
sariwa, ano naman kaya ang gagawin sa tuyo?

(Pagninilay)
Hindi nangangahulugan na hindi pinansin ni Hesus ang
mapagmahal na pananangis ng mga kababaihan, katulad ng
kanyang pagkilala sa mga mabubuting gawa na kanyang
tinanggap nang siya ay nangangaral pa. Sa pagkakataong ito, si
Hesus pa ang nagpakita na pagmamalasakit sa paghihirap na
sasapitin ng mga "kababaihan ng Jerusalem. Sa di kalayuan ay
may naghihintay na unos na nanganganib na maminsala sa banal
na lungsod.

Ang mga titig ni Hesus ay nakatuon sa makaiangit na paghahatol


na darating sa kasamaan at kawalan ng katarungan. Nababahala
si Hesus sa dalamhati na sasapitin ng mga kababaihang ito sa oras
na kumilos ang Diyos sa kasaysayan ng tao. Ngunit ang kanyang
mga salita na naghuhudyat ng naiimbing lagim ay hindi
nagdudulot ng paghihirap at kamatayan ayon sa mga propeta,
bagkus pagbabago at buhay: "Lumapit kayo kay Yahweh at
kayo'y mabubuhay... Kung magkagayon, sasayaw sa katuwaan
ang mga dalaga, makikigalak pati mga binata't matatanda; ang
kanilang dalamhati ay magiging tuwa, aaliwin ko sila at papalitan
ng kagalakan ang kanilang kalungkutan"

Panalangin
Panginoong Hesus, tunay ang pagdadalamhati ng mga
babae ng Jerusalem para sa iyo. Buong tapang silang
sumunod sa iyo sa daan patungong Kalbaryo. Subalit
tinawag mo ang kanilang pansin sa dahilan ng kanilang
pagdurusa — ang KASALANAN at ang kaparusahan na
dulot sa lahat ng hindi pagsisisi. Sana’y naging tapat din
kaming tulad nila sa pagdadalamanhati sa hindi
makatarungang pagpapahirap sa iyo. At sana’y kaawaan din
ang aming puso sa mga pagdurusa ng aming kapwa — lalo
na ng mga iskwater, walang hanapbuhay, walang tahanan,
at ng lahat ng mga biktima ng kawalan ng katarungan at
pagsasamantala. Ang lahat ng uri ng mga kasalanng ito ang
nagdadala ng mga karapat-dapat na pagpaparusa ng Diyos
sa ating lipunan.

Ang Ika-siyam na Istasyon


Si Hesus ay Ipinako sa Krus

N: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong


Hesukristo.

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus ay


iniligtas mo ang sandaigdigan.

Pagbasa (Lu 23: 33-35)

Nang dumating sila sa dakong tinatawag na Bungo, ipinako


nila sa krus si Hesus. Ipinako rin ang dalawang salarin, isa
sa gawing kanan at isa sa gawing kaliwa. sinabi ni Hsus,
“Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang
kanilang ginagawa.” At nagsapalaran sila upang malaman
kung alin sa kanyang kasuutan ang mapupunta sa isa’t isa.
Ang mga tao’y nakatayo roon at nanonood; nililibak naman
siya ng mga pinuno ng bayan. Anila, “Iniligtas niya ang iba;
iligtas naman niya ngayon ang kanyang sarili, kung siya nga
ang Mesiyas, ang hinirang ng Diyos!

(Pagninilay)
Sa ilalim ni Hesus na nakabayubay sa krus ay ang mga taong-
bayan na nagkatipon upang masaksihan ang malagim na
pagpapako sa krus. Sila at tanawin ng kababawan, ng maling
kuryosidad, ng paghahanap ng makapagpapasabik. Ito ay
larawan na maihahalintulad din natin sa ating lipunan ngayon:
isang lipunan na naghahanap ng makapagpapasabik sa kanila
tulad ng isang droga na maaaring makapagpagising sa nanamlay
na kaluluwa, sa namamanhid na puso, sa nagdidilim na pag-iisip.
Sa ilalim ng krus, naroon din ang karahasan ng mga lider at kawal
na sa kanilang katigasan ng puso ay may kakanyahan na bastusin
ang paghihirap at kamatayan sa pamamagitan ng kanilang
panunuya: "Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang
iyong sarili!" Hindi nila batid na ang nakauuyam na panlilibak
nila at ang titulo na nilagay nila sa taas ng krus - Ito ang Hari ng
mga Judio"-ay ang katotohanan. Subalit hindi bumaba si Hesus.
Hindi niya hahayaan na nagbubulag-bulagang sumunod sa
panghihimok na gumawa ng himala; gagawin lamang niya ito sa
pamamagitan ng pananampalatayang malaya at pag-ibig na totoo.
At sa nakapanghihilakbot na kahihiyang sinipit niya at sa
kanyang kawalan ng kapangyarihan sa kamitayan, binuksan niya
ang pinto ng luwalhati at buhay at inihahayag ang kanyang sarili
bilang Panginoon at Hari ng kasaysayan at daigdig.
Panalangin
Panginoon, ang mga kamay mong dati’y humahaplos sa mga
bata, nagbabasbas sa mga maysakit, at nagpapalayas sa mga
demonyo, ngayo’y nakapako na sa krus. Ang iyong mga paa na
nagdala sa iyo sa maraming bayan upang ihatid ang Magandang
Balita ng Kaharian sa lahat, ngayo’y di na maaaring makagalaw
pa magpakailanman. Hinahamon ka ng iyong mga kaaway na
bumaba sa krus. Subalit di mo pinansin ang kanilang panunukso.
Hindi dahil sa ikaw ay nakapako, kundi dahil sa pag-ibig mo sa
mga makasalanan. Pag-ibig ang naghatid sa iyo roon. Pag-ibig
ang pumipigil sa iyo roon. Panginoong Hesus, pagkalooban mo
kami ng biyaya na makatupad sa maing tungkulin nang buong
pagmamahal, kahit na ang mga ito ay magdulot pa sa amin ng
pait tulad ng pagkapako sa krus.

Ang Ika-sampung Istasyon


Ang Mapalad na Magnanakaw

N: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong


Hesukristo.

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus ay


iniligtas mo ang sandaigdigan.

Pagbasa – (Lu 23: 39-43)

Tinuya siya ng isa sa mga salaring nakabitin, at ang sabi,


“Hindi ba ikaw ang Mesiyas? Iligtas mo ang iyong sarili,
pati na kami!” Ngunit pinagsabihan siya ng kanyang
kasama, “Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw ma’y
pinarusahang tulad niya! Matuwid lamang na tayo’y
parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit
ang taong ito’y walang ginawang masama.” At sinabi niya,
“Hesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.”
Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa iyo: ngayon di’y isasama
kita sa Paraiso.”

(Pagninilay)
Umaalingawngaw sa ating mga puso ngayon ang kahilingan
ng salarin:Hesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na."
Tila ba ipinapaalala niya sa atin ang ating kahilingan:
"Alagaan mokami Panginoon. Huwag mo kaming
pababayaan' Magingtunay na kaibigin ka namin nanakikinig
at gumagabay sa amin!"

Makahulugan ang tugon ng nakapakong si Hesus: Isasama


kita ngayon sa Paraiso. Sa orihinal na konteksto, ang Paraiso
ay naglalarawan sa atin ng malago at mabungang hardin. Ito
ay naglalarawan sa Paghahari ng liwanag at kapayapaan na
ipinangaral ni Hesus. Ito ang hantungan ng ating
pagpapagal sa kasaysayan, ito ang kaganapan ng buhay
natin sa kasaysayan. Ito ang huling kaloob ni Hesus na
bunga ng kanyang sakripisyo sa krus na nagbubukas sa atin
tungo sa luwalhati ngpagkabuhay.

Panalangin

Panginoong Hesus, puspos ng katapatan sa pagsisisi ang


nagtitikang makasalanan sa harap ng marami, punung-puno
ng panananampalataya at pagtitiwala ang kanyang mga
sinabi sa iyo. Naniniwala siya sa iyong Kaharian, at hindi
mo siya binigo.

Madalas na kami ay makatagpo ng mga taong nagkamali at


nagnanais na magbagong-buhay, Panginoon. Ipahintulot
mong kami ay maging bukas sa kanila, katulad mo sa
nagtitikang magnanakaw. Sa ganitong paraan, kami rin ay
papanaw sa mundong ito nang may pananampalataya at
pagtitiwala tulad ng mabuting magnananakaw, at nakikinig
sa pngako ng buhay na walang hanggan.

Ang Ika-labing Isang Istasyon


Si Maria at Juan sa Paanan ng Krus

N: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong


Hesukristo.

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus ay


iniligtas mo ang sandaigdigan.

Pagbasa (Jn 19: 25-27)

Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang


kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas.
Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang
kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito,
kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi
sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y
pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

(Pagninilay)
Si Maria ay muling naging isang ina. At ang kanyang mga anak
ay ang mga taong tulad ng "minamahalna alagad," ang lahat na
sumusukod sa mantel ng mapanligtas na biyaya ng Diyos ang
sumusunod kay Kristo na puno ng pananampalataya at pag- ibig.

Sa mga sandaling ito, hindi na nag-iisa si Maria. Siya ay magiging


Ina ng Simbahan na binubuo ng iba't ibang lahi sa iba't ibang
panahon.Kasama siya, tayo ay patuloy na maglalakbay sa buhay
na ito.

Panalangin

“Tulad ng isang sibat, ang paghihirap ay tatarak sa iyong


puso.” Ito ang hila ng matandang Simeon. Sa Kalbaryo,
naranasan ni Maria ang katuparan ng huland ito. At muli
niyang binigkas sa kanyang puso: “Maganap nawa sa aking
ang iyong salita.”

Walang sinuman sa balat ng lupa ang umibig sa iyo nang


higit pa sa iyong Ina, Panginoon. Gayundin naman, wala
kang inibig sa balat ng lupa nang higit pa sa kanya.
Naroroon siya, saksi at kabahagi ng iyong pagdurusang
naghatid ng kaligtasan. Sa paghahabilin mo sa kanya kay
Juan, binigyan mo ng katiwasayan ang mga nalalabi pa
niyang araw dito sa lupa; sa paghahabilin mo naman kay
Juan sa kanya, binigyan mo kami ng katiwasayan habang-
buhay, sapagkat ibinigay mosa amin ang lahat, ang iyong
ina at amin ding Ina.

Maging mapagmahal nawa kami sa kanya tulad mo.

Ang Ika-labing Dalawang Istasyon


Si Hesus ay Namatay sa Krus

N: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong


Hesukristo.

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus ay


iniligtas mo ang sandaigdigan.

Pagbasa (Jn 19: 28-30; Lu 23: 44-46)

Nang mag-iikalabindalawa ng tanghali, nagdilim sa buong


lupain at nawalan ng liwanag ang araw hanggang sa ikatlo
ng hapon. Sinabi ni Hesus, “Nauuhaw ako!” May isang
mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinubog nila
rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit
sa kanyang bibig Nang masipsip ni Hesus ang alak ay
kanyang sinabi, “Naganap na!” Sumigaw nang malakas si
Hesus, “Ama, sa mga kamay mo’y ipinagtatagubilin ko ang
aking espiritu!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang
hininga.

(Pagninilay)
Kahit sa tayog ng krus, habang inihihinga ni Hesus ang
kanyang huling hininga, hindi pa rin naniniwala ang
kanyang pagiging Anak ng Diyos. Sa sandaling ito, ang
lahat ng makalupang karanasan ng paghihirap at kamatayan
ay aakuin ng Diyos. Ito ay pagniningningin ng walang-
hanggan, ang binhi ng pangako ng buhay na walang
hanggan ay ipapaloob dito at mangingibabaw.
Bagaman isang trahedya ang kamatayan, ito ngayon ay
nagkaroon ng bagong mukha: ito ngayon ay may mga mata
na natutulad sa ating Ama sa langit. Ito ang dahilan kung
bakit sa huling yugto ng kanyang hininga, nawika ni Hesus:
"Ama, sa iyong mga kamay inihahabilin ko ang aking
espiritu!" Akuin din natin ang panawagang ito; ang
panawagan na winika sa atin sa tula ng isang manunula:
"Ama, hayaan mong ang mga daliri mo ang magpapikit sa
aking mga mata. Ikaw na aking Ama, masdan mo ako tulad
ng isang Ina na nasa tabi ng kanyang nahihimbing na anak.
Ama, kunin mo ako at yakapin."
Panalangin
Kaming lahat ay hinatulang mamatay dahil sa aming mga
kasalanan, at inako mo ang parusang ito, ikaw na hindi
karapat-dapat na tumanggap nito
Iisa lamang ang iyong buhay, Panginoon, tulad naming
lahat, ngunit malaya mo itong inialay upang kami’y
magkaroon ng buhay na walang hanggan. Pinatay ka ng
mga kasalanan namin, dahil sa labis mong pagmamahal sa
amin, pinakamamahal na Hesus.
Bago ka nalagutan ng hininga, sinabi mong ikaw’y nauuhaw
— uhaw sa pagibig. Tanggapin mo ngayon ang aming
nagtitikang pag-ibig sa iyo, Panginoon. Nais ka namin
mahalin alang-alang sa mga ayaw magmahal sa iyo. Nawa,
sa katapusan ng aming pagkikibaka sa buhay, kami ay
mamatay na nagtitiwala habang inuulit namin ang iyong
winika, “Ama, inihahabilin ko sa iyo ang aking kaluluwa!”
Ang Ika-labing Tatlong Istasyon
Si Hesus ay Inilibing

N: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong


Hesukristo.

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus ay


iniligtas mo ang sandaigdigan.

Pagbasa (Mt 27: 57-60)

Bago magtakipsilim, dumating ang isang mayamang taga-


Arimatea, na ang ngala’y Hose. Siya’y alagad din ni Hesus.
Lumapit siya kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Hesus.
Iniutos naman ni Pilato na ibigay ito sa kanya. Kaya’t kinuha
ni Jose ang bangkay at binalot ng bagong kayong lino.
Inilagay niyo ito sa sariling libingan na di pa nalalaunang
ipinauka niya sa bato. Pagkatapos, iginulong niya sa pintuan
nito ang isang malaking bato, saka umalis.

(Pagninilay)
May mga pagkakataon na ang buhay ay parang isang
mahabang Sabado de Gloria. Tila ba dumating na ang
wakas, nagtagumpay na ang kasamaan, at naging mas
makapangyarihan ang kasamaan kaysa kabutihan. Ngunit
pinatatanaw sa atin ng mata ng pananampalataya na
sulyapan ang darating na bagong umaga. Pangako ng
pananampalataya na ang huling salita ay sa Diyos: sa Diyos
lamang! Ang pananampalatayang ito ang maliit na lampara
na nagbibigay sa atin ng liwanag sa dilim ng gabi; at ang
liwanag nito ang unti-unting hahalo sa liwanag ng bagong
araw, ang Araw ng Nabuhay na Kristo. Kung kaya, ang
kuwento ng Biyernes Santo ay hindi natatapos sa libingan,
ito ay muling sisiklab tungo sa Linggo ng Pagkabuhay.

Panalangin

Panginoong Hesus, binalot ka ng kadiliman ng kamatayan.


Ang tangi mong maliwanag na tanglaw ay ang malambing
na pagmamahal ng iyong Ina, ang katapatan ni Juan, ang
pakikipagkaibigan ni Jose ng Arimatea, at ng ilan pa.
Inihimlay ka sa libingan tulad ng isang napagkahalagang
kayamanang itinago sa baul, tulad ng isang butil na ibinaon
sa lupa.

Binigyan ng kahulugan at pag-asa ng iyong libing ang


aming libing. Salamat sa iyo, naging isang mapayapang
pamamahinga ito sa kandungan ng inang lupa, na
naghihintay ng isang masayang paggising sa pagdating ng
bukang-liwayway na muling pagkabuhay na wawasak sa
mga tanikala ng kamatayan magpakailanman.

Ang Ika-labing Apat na Istasyon


Ang Muling Pagkabuhay ni Hesus
N: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong
Hesukristo.

B: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus ay


iniligtas mo ang sandaigdigan.

Pagbasa (Mt 28: 1-6)

Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, pagbubukang-


liwayway ng unang araw ng sanlinggo, pumunta sa libingan
ni Hesus si Maria Magdalena at ang isa pang Maria. Biglang
lumindol nang malakas Bumaba mula sa langit ang isang
anghel ng Panginoon, iginulong ang batong nakatakip sa
libingan, at naupo sa ibabaw niyon. Ang kanyang mukha ay
nakasisilaw na parang kidlat at kasimputi ng busilak ang
kanyang damit. Nanginig sa takot ang mga bantay at
nabulagtang animo’y patay nang makita ang anghel.
Ngunit sinabi nito sa mga babae, “Huwag kayong matakot;
alam kong hinahanap ninyo si Hesus na ipinako sa krus.
Wala na siya rito, sapagkat siya’y muling nabuhay tulad ng
kanyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan sa
kanya.”
(Pagninilay)

Ang mga babae na dumalaw sa libingan noong Linggo ng


Pagkabuhay ang unang nakabatid ng mabuting balita ng
Pagkabuhay. Ito marahil ay dahil sila ang huling nanindigan
sa paanan ng Krus at huli sa mga nawalan ng pag-asa.
Hanggang sa ang huling nakabatid ay ang nagdududang si
Tomas na naniwala na sa mabuting balita ng Pagkabuhay.
Hindi sila nakakita ng multo o bunga lamang ng kanilang
imahinasyon' Nahawakan nila ang mga sugat sa kamay ng
Panginoon.

Hindi binabanggit ng mga ebanghelvo na si Hesus ay


nagmula sa libingan. Ibinabalita lamang nila ang mga
pagkikita ng mga alagad at ng Panginoon. Dala ng
masidhing kaligayahan, ang mga alagad ang nagbalita sa iba
hinggil sa Nabuhay na Kristo. At dahil sa kanila,
magpahanggang ngayon nakikilala natin ang Panginoong
muling nabuhay. Dahil dito, makahulugan para sa atin ang
sinabi ni San Agustin, "Si Hesus ay naglaho sa ating mga
puso."
Panalangin

Hesus, hindi maaring mabulok ang iyong banal nabangkay


sa libingan. Hindi ka maaaring pigilan ang higit pa sa
kinakailangan sa loob ng iyong libingan. Ngayon,
pinatutunayan ng naigulong na malaking bato na nagpinid
sa iyong libingan at ng pagpapatunay ng anghel na ang
iyong muling pagkabuhay ay totoo. Pinagtitibay rin nila ang
katotohanang kami man sa darating na panhon ay
babangong muli sa kamatayan.

Ang iyong muling pagkabuhay, Panginoon, ay ang huwaran


ng aming muling pagkabuhay, maging ngayon pa man.
Isang hamon ito para sa aming lahat na bumangon mula sa
kamatayang dulot ng kasalanan para sa pinagpalang buhay.

Panalangin para sa Intensiyon ng


Santo Papa
Ama Namin…
Aba, Ginoong Maria…
Luwalhati…

Pangwakas na Panalangin

Makapangyarihan at walang hanggang Diyos,


namatay at matagumpay na muling nabuhay ang Iyong
Bugtong na Anak
para iligtas kami sa aming mga kasalanan.
Sa Iyong kabutihan, muli mong buhayin ang Iyong mga
tapat na nananampalataya
upang makiisa sa kanya sa buhay na walang hanggang sa
langit,
kung saan nabubuhay siya at naghahari
kasama Mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen

You might also like