You are on page 1of 13

PORTFOLIO PARA

SA PILING LARANG

HUMSS -10

Isinumite ni:HAGUIAR A. ASI

Estudyante

Isusumite kay:G.RYAN PAUL E.VALLEJOS

Guro sa Asignatura
TALAAN NG MGA NILALAMAN

ABSTRAK..................................................................................................................1

BUOD.........................................................................................................................2

BIONOTE...................................................................................................................3

PANUKALANG PROYEKTO......................................................................................4

TAMLUMPATI...........................................................................................................5

KATITIKAN NG PULONG...........................................................................................6

POSISYONG PAPEL...................................................................................................7

REPLEKTIBONG SANAYSAY.....................................................................................8

PICTORIAL ESSAY.....................................................................................................9

LAKBAY SANAYSAY..................................................................................................10
ABSTRAK

Ang nilalaman ng portfolio na ito ay iba't ibang uri ng mga pang akademikong sulatin Ang
Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel
tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang bahagi
ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o
pahina ng pamagat. Naglalaman din ito ng pinakabuod ng boung akdang akademiko o
ulat.Ang Buod o summary ay ang mga pinagsama-samang mga pangunahing ideya ng mga
manunulat gamit ang sariling pangungusap. Ito ay kadalasang hindi ipinipresenta sa paraan
tulad ng sa orihinal.Ito rin ay mas maikli kaysa sa orihinal at naglalaman ng mga kabuuang
kaisipan ng pinagkunang matery.Ang Bionote ay isang maikling impormatibong sulatin
(Karaniwan isang talata lamang) na naglalahad ng mga klasipikasyon ng isang indibwal at ng
kaniyang kredibilidad bilang propesyunal. Taglay nito ang pinakamaikling buod ng mga
tagumpay,pag-aaral,pagsasanay ng may akda.ang Panukalang Proyekto ay uri ng dokumento
na kadalasang ginagamit para maipaliwanag at kumbinsihin ang namumuhunan o sponsor. Ang
mga pakay ng proyekto na ito ay kadalasang solusyon para sa mga iba’t-ibang oportunidad o
problema ng ating bayan. Mahalaga ang mainam na pagsulat ng panukalang proyekto dahil dito
binabase ang ideya na minsan ay umaabot sa milyun-milyong salapi.Ang Talumpati ay isang
buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran,
magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.Ang Katitikan ng
pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o pagdodokumento ng
mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong. So, para mas ma-gets mo, sa
wikang Ingles, tinatawag itong “minutes of meeting”.Ang isang posisyong papel ay isang
salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o
ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel sa
akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyoAng Replektibong sanaysay, o Reflective
Essay sa Ingles, ay isang uri ng sanaysay na patungkol sa mga isyu, opinyon, karanasan, o
pangyayaring naisusulat ng may-akda nang komprehensibo kahit na hindi masyadong pinag-
aralan ang isang paksa o isyu.Ang Pictorial essay ay naglalayong maipabatid ang nilalalaman ng
isang akda sa pamamagitan ng mga nakahanay na larawan na sinusuportahan ng mga
deskripsyon o kapsyon. Ang mga imaheng ito ang nagbibigay-kulay at kahulugan sa mga
kaisipang nais iparating ng teksto.Ang isang lakbay-sanaysay, o travel essay sa Ingles, ay isang
uri ng sanaysay na karaniwang nagpapahayag ng karanasan o paglalakbay ng may-akda na
kanyang nagawa sa isang punto ng kanyang buhay.

BUOD
HELLO LOVE GOODBYE
Ito ay kwento na umiikot sa buhay ni Joy at Ethan, parehas na OFW sa Hong Kong na namumuhay ng
magkaiba. Si Joy bilang isang masipag na anak na puno ng pangarap hindi lang para sa pamliya kundi
para rin sa kanyang sarili. Siya ay isang domestic helper sa Hong Kong na nagpapakahirap at nagsisikap
makaahon lang sa hirap ng buhay. Pinasok ang iba't ibang klase ng trabaho kahit na ilegal. Habang si
Ethan, isang happy go lucky na bartender na naghihintay na lamang ng kaniyang Hong Kong Residency.

Ang dalawa ay nagtagpo sa hindi inaasahan na sitwasyon at panahon. Sila ay nagkaunawan na nauwi din
sa pagiibigan. Ngunit dahil nga sa kanya-kanyang pangarap, ang kanilang relasyon ay nauwi sa walang
kasiguraduhan. Si Joy na malapit ng makamtam ang matagal ng pinapangarap na makalipat sa bansang
Canada upang doon na magtrabo kung saan mas maganda ang opurtunidad. At si Ethan na nais ay
permanente, tahimik, at maayos na buhay sa Hong Kong.

Ang relasyong walang kasiguraduhan ay nauwi pa din sa masayang wakas sapagkat tinanggap na nila sa
kanilang mga sarili ang kanilang tadhana. Natutong pagbigyan at hayaang abutin ang kanya kanyang
pangarap. At umaasa na lang na pagtagpuin sila ulit ng tadhana sa hinaharap.

BIONOTE
Si Francisco Baltasar (ipinanganak na Francisco Balagtas y de la Cruz; 2 Abril 1788–20 Pebrero
1862), mas kilala bilang Francisco Balagtas, ay isang tanyag na Pilipinong makata, at malawakang
itinuturing na isa sa mga pinakadakilang Pilipinong pampanitikan na laureate para sa kanyang epekto sa
panitikang Filipino. Ang sikat na epiko, ang Florante at Laura, ang kanyang pinakakilalang obra maestra.

Kinikilala siya bilang “Prinsipe ng Manunulang Tagalog” at tinuturing na William Shakespeare ng


Pilipinas para sa kanyang kontribusyon at impluwensiya sa panitikang Pilipino.Siya ay nagtapos ng Crown
Law, Spanish, Latin, Philosophy, Physics, Christian Doctrine at Humanities. Tinuruan siyang magsulat ng
tula ni Jose Dela Cruz (Huseng Sisiw).Mayroon siyang tatlong kumpletong sulatin na nagsisilbing
kulturang yaman ng bansa. Ito ay ang dula na “La India elegante y el negrito amante”, ang komedyang
“Orosman at Zafira”, at ang kanyang obra maestrang “Florante at Laura” na bahagi rin ng
kurikulum ng Filipino. May mga sulatin din siyang isinaayos ng mga kasulukuyang manunulat, tulad ng
“Rodolfo at Rosemonda”, “Nudo Gordeano”, Abdol at Misereanan”, at “Bayaceto at
Dorcelica”. Mayroon ding nakatalang mga tulang nilimbag niya mula sa mga nadiskubre ng mga
manunulat ngayon, tulad ng “Pangaral Para sa Binibining Ikakasal” at “Paalam na sa iyo…” .

Naging katulong din siya ng Katarungan ng Kapayapaan noong 1840. Naging pangunahing tenyente rin
siya at punong tagasalin ng hukuman.Lubos siyang pinahahalagahan ng Pilipinas. Nanggaling ang
terminong “Balagtasan” sa kanyang pangalan. Ipinangalan sa kanyang karangalan ang Francisco
Balagtas Elementary School, na matatagpuan sa Alvarez Street, Santa Cruz, Manila.

PANUKALANG PROYEKTO

I. Pamagat: Solid Waste Management

II. Proponent ng proyekto: Haguiar Asi


III. Kategorya:Ang proyektong pagkakaroon ng maayos na tapunan

IV. Petsa:Ang mga sumusunod na araw ang itinakdang araw at hakbangin upang masimulan at matapos
ang pagkakaroon ng maayos na tapunan ng basura sa paaralan ng Kabacan National High School .

Petsa Mga gawain Lugar/Lokasyon

Hunyo 5 ,2023 Pag aaproba ng punong guro ng Kabacan National High School

Hunyo 7, 2023 Maghahanap ng donasyon para sa gagawing proyekto

Hunyo 10, 2023 Paghahanap ng mga mabibilhan ng drum na lalagyan ng mga basura sa Kabacan
National High School

Hunyo 15,2023 Inaasahang pagsisismula ng proyekto ng pagkakaroon ng maayos na


tapunan ng basurahan sa paaralan ng Kabacan National High School

Hunyo 30,2023 Pagtatapos ng proyekto Sa Kabacan National High School

Hulyo 1,2023 Pormal na maayos na ang tapunan ng basurahan sa paaralan ng Kabacan National
High School

V. Rasyonal:Ang kahalagahan ng proyektong ito ay makapagbigay ng pakinabang sa pagkakaroon ng


maayos at organisadong tapunan ng basura sa loob ng paaralan

VI. Deskripsyon ng Proyekto:Ang proyektong ito ay aabutin ng isang buwan upang maisakatuparan ang
nais matamong pag babago sa loob ng paaralan.

VII. Badget:Sa Proyektong ito kunti lng ang magagasto rito dahil drum lng ang bibilhin para
mapaglagayan ng basurahan ang kabuuang magagastos dito ay Php 4,000

Kinakailangang Badyet para sa proyekto ( 4,000)

Mga drum 3,000


Walis at dustpan 1,000

VIII. Pakinabang:

Ang mga mag aaral ng Kabacan National High School makikinabang sa proyektong ito upang hindi na sila
mag tapon ng basura kung saan saan At makatulong din ito sa mga guro , administrasyon at iba pang
makikinabang sa loob ng paaralan para hindi na mag kalat ang mga basura sa loob ng paaralan at
mapanatili ang kalinian sa loob ng Paaralan ng Kabacan National High School.

G.Ryan Paul E.VALLEJOS


TAMLUMPATI

Mga Pangarap para sa Magandang Kinabukasan

Mga minamahal kong ka mag-aral.

Ako po ay narito upang ibahagi ang aking mga pangarap. Bilang isang mag-aaral, nais kong magkaroon
ng magandang kinabukasan para sa akin at para sa aking pamilya.Ang aking pangarap ay makapagtapos
ng pag-aaral at magkaroon ng maayos na trabaho. Gusto ko rin na makatulong sa aking mga magulang at
makapagbigay ng magandang buhay sa kanila. Sa ganitong paraan, mapapakita ko sa kanila ang aking
pagmamahal at pasasalamat sa kanilang pag-aalaga sa akin.Pero hindi lamang sa aking sarili at pamilya
nakatuon ang aking mga pangarap. Gusto ko rin na makatulong sa aking mga kababayan at sa ating
bansa. Gusto kong magkaroon ng mga proyekto at programa na makakatulong sa pagpapaunlad ng ating
komunidad at bansa.Isa sa mga pangarap ko ay ang magkaroon ng libreng edukasyon para sa lahat.
Gusto kong magkaroon ng pantay-pantay na oportunidad para sa lahat upang makapag-aral at makamit
ang kanilang mga pangarap. Gusto ko rin na magkaroon ng mas magandang mga pasilidad sa mga
paaralan at hindi na kailangan pang magdusa ang mga mag-aaral sa mga dilapidated na paaralan.Higit sa
lahat, gusto kong mabigyan ng boses ang ating mga kababayan, lalo na ang mga nasa mahihirap na
sektor. Gusto ko na marinig ang kanilang mga hinaing at matulungan silang maabot ang kanilang mga
pangarap.Mga minamahal kong kababayan, hindi man natin agad-agad makamtan ang ating mga
pangarap, huwag tayong mawalan ng pag-asa. Sa patuloy na pagtutulungan at pagbibigayan, makakamit
natin ang isang bansa na magkakaisa at nagtutulungan para sa iisang layunin.

Salamat po sa inyong pakikinig.


KATITIKAN NG PULONG

PAMAGAT: Paghahanda sa darating na defense

PETSA /ORAS: June, 20, 2023

TAGAPANGUNA :Haguiar Asi

BILANG NG TAONG DUMALO:20

MGA DUMALO :Norzana Ibrahim

Normaida Guiama

Norsida Galmak

Wahida Aloy

Ashrea Adam

MGA LUMIBAN: Gumbela, Gromio, Digandang, Aro, Palanggalan, Sagasag, Bandila R, Bandila , Elevazo,
Baningin, Gatcho, Tampipi, Mama, Abdullah, Aban

Ang pagpupulong na ito ay Pinangunahan ni Ms.Haguiar Asi na lider ng grupo ng Pananaliksik at PR1
sa ganap na 8 : 00 ng umaga pinasimula ito sa pamamagutan ng pambungad na panalangin na
ipinagkaloob ng mga mag aaral .kasunod ng panalangin ay ang pambungad na pananalita ng lider ng
grupo.

POSISYONG PAPEL

Ipatupad muli Ang death penalty


Sa panahon ngayon parami ng parami Ang nababalitaan natin tungkol say mga krimen katulad ng Rape,
Murder, Kidnapping,drugs at iba pa. Upang matigil Ang mga krimen na ito kailangan ipatupad Ang Death
Penalty dito sa ating bansa.

Ano nga ba Ang death penalty? Ang Death Penalty ay Ang parusang binibigay sa mga gumawa ng
karimbalrimbal na krimen. Merong ibat ibang paraan ng parusang kamatayan katulad na na lamang
noong panahon ng kastila Ang ginamit nila ay pagsunog,pagpugot ng ulo,paglunod,pagbitay at marami
pang iba.

Kinakailangan ipatupad Ang death penalty dahil marami ng kriminal Ang Hindi natatakot Sa pag gawa ng
krimen o sa ating bansa. Hanggat nabubuhay sila o hanggat Hindi sila natatakot gumawa ng krimen
patuloy lang Ang pagawa ng krimen sa ating bansa,patuloy lang na may nababalitaan tayong
nararape,pinapatay at marami pang krimen, patuloy silang dadami at gagawa ng panibagong krimen
hanggat Hindi sila natuturuan ng leksyon, nagsisi sa kanilang ginagawa at natatakot Sa ating batas.

Kung Hindi ipapatupad ang death penalty paano na lamang Ang mga susunod na hinerasyon? Paano na
lamang Ang kinabukasan ng ating magiging anak ? Papayag kaba na may mang yari sa kanila, hihintayin
mo pa ba na may mang yari sa pamilya,kapatid,kaybigan,kamag anak mo? Kaya naman kinakailangan
ipatupad Ang death penalty dahil ito lamang Ang paraan upang masugpo Ang krimen sa ating bansa.

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Pelikulang Anak
Sa napanood kong pelikula matututunan natin dito kung paano magmahal at magpatawad gaya ng
ginawa ni Carla sa kanyang ina . Sa pelikulang “Anak” matututunan natin ang tunay na halaga ng
pamilya. Pinupunto sa storyang ito ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak.

Nagsimula ang pamilya ni Josie sa masaya yung tipong walang problema at di na maghihiwa-hiwalay
dahil buo sila at samasama. Pero sabi nga nila walang perpektong relasyon kung kaya’t kinailangan
mag-abroad ng asawa nya para magtrabaho, pero di ito nag tagal dun kung kaya’t si Josie na lang ang
nangibang bansa. Nalayo siya sa pamilya nya lalong-lalo na sa mga anak niya. Nagdaan ang mga panahon
namatay ang asawa ni Josie ngunit ang masakit doon ay di siya pinayagan ng amo na umuwi sa Pilipinas
para man lang makita ang asawa. Masakit na masakit man para sa kaniya pero wala siyang magawa.
Kung kaya namatay ang asawa niya na wala siya dito. Doon nagsimula ang pagkagalit ng mga anak sa
kaniya. Umuwi siya sa Pinas na sira na ang pamilya at ang masakit pa doon ay nag rebelde pa ang anak
nito na si Carla. Masakit para kay Josie bilang ina ang mga nangyari sa pamilya. Napatawad naman na
siya ng kaniyang dalawang anak na si Michael at Daday pero ang panganay niya na si Carla ay matigas
ang puso mas pinili nitong mag rebelde at sirain ang buhay. Ginawa ni Josie ang lahat dahil bilang ina
mahirap na makita na hindi kumpleto ang pamilya kaya ginawa niya ang lahat para mapatawad ni Carla.
Hanggang sa napagtanto ni Carla na kailangan niya ng patawarin ang ina at magbago. Sahuli nagka ayos
silang pamilya at namuhay ng maayos at tahimik.

Ang napagtanto ko sa pelikulang ito ay dapat matutunan natin ang magpatawad na kahit gaano man
kaliit o kalaki ang isang kasalanan gumagaan kapag natuto tayong pakawalan ito. Dahil hindi habang
buhay makakasama natin yung tao na gumawa sa atin ng mali, hindi natin hawak ang oras at panahon
kaya habang nandiyan pa siya nakakasama mo pa patawarin mo na. At ang akin ring natutunan ay
mahalin natin ang ating pamilya lalong-lalo na ang ating mga magulang na siyang nagluwal at nagpalaki
sa atin sa mundong ito. Huwag pairalin ang pride dahil dadalhin lamang tayo nito sa ikasasama natin.
Patuloy tayong mag patawad at magmahal laong-lalo na kung para sa ating pamilya.

PICTORIAL ESSAY

KAIBIGAN
Ito yung araw ma gumawa kami nang vlog para sa performance task namin nagluto kami dito ng
lumpia .pagkatapos naming magluto at kumain nag laag laag din kami at ginawa na naming bonding time
yong natirang oras namin bago umuwi.

Ito yung araw nang awarding namin sa second sem.lahat kaming magkakaibigan ay nakakuha ng
certificate of awarding ang sarap sa
pakiramdam magkakaroon ng kaibigang sama-
sama sa lahat ng gawain , nagdadamayan sa
tuwing may problema at higit sa lahat
nagmamahalan ano man ang mangyari
hinding hindi maghihiwalay.

LAKBAY
SANAYSAY
Ito yung
araw na pumunta kami sa buluan dahil sport fest ng unypad sobrang saya ng araw na ito dahil nakasama
ko ang aking mga kaibigan at pinayagan din akong gumala .sobrang ganda ng view dito .may matatas na
bato at makakalanghap ka dito ng sariwang hangin walang masyadong mga bahay ditp kaya sobrang
tahimik ng paligid .mababait din yung mga tao dito kaya hindi ka nahihirapang makipag kumunikasyon
sa kanila.kahit natalo kami sa mga larong naganap masaya parin kami kasi nag enjoy kami sa laro.

You might also like