BARAYTI

You might also like

You are on page 1of 3

MISSION VISION

OLLCF is committed to provide Republic of the Philippines A locally responsible and globally
dynamic, excellent, and client- OUR LADY OF LOURDES FOUNDATION competitive learning institution capable
oriented services to ensure relevant OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR ACADEMIC AFFAIRS of producing highly competent, morally
and quality higher education upright, and productive citizenry.
Vinzons Ave., Daet,Camarines Norte
accessible to all.

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng

II. INTRODUKSYON
Ang balita ay isang mahalagang aspeto ng ating araw-araw na buhay. Ito’y nagbibigay sa atin ng
impormasyon tungkol sa mga pangyayari sa ating paligid, mula sa lokal hanggang sa pandaigdigang
antas. Sa pamamagitan ng balita, tayo’y napapalawak ang ating kaalaman at nauunawaan ang mga
kaganapan sa ating lipunan.
III. MOTIBASYON
Panuto: Hahatiin ang klase sa dalawang grupo. May ibibigay ang guro na mga katanungan
na kung saan ay mahahasa ang talas ng inyong isip sa pamamagitan ng pag daragdag sa bawat
numero. Ang bawat sagot ay my katumbas ito na mga letra upang kayo ay makabuo ng isang salita
maliwanag po ba? Meron lang kayo limang minuto sa pagbuo ng mga salita.

A - 2 B - 4 C - 6 D - 8 E- 10 F - 12 G - 14 H - 16 I - 18 J - 20
K - 22 L - 24 M - 26 N - 28 O - 30 P - 32 Q - 34 R - 36 S - 38 T - 40
U - 42 V - 44 W - 46 X - 48 Y - 50 Z - 52

IV. TALAKAYAN
Pagsulat sa Katawan ng Balita

Pamatnubay
 Ang tawag sa una at pangalawang talata ng balita. Nagsisilbi itong pang-akit sa mga
mambabasa dahil ito ang pinakabu od ng balita. Sa akdang lathalain o pabalitang lathalain, ito
ay maaaring isang salita, parirala, pangungusap o isang talata.
Mga Uri ng Pamatnubay
1. Kombensyonal o Kabuuurang Pamatnubay
 Sinasagot nito ang mga tanong na Ano?, Sino?, Saan?, Kailan?, Bakit? at Paano? Ang balita ay
inilalahad sa baligtad na piramide kung saan ang mga mahahalagang ay nasa una at
pangalawang talata. Karaniwang ginagamit ito sa tuwirang balita.
2. Makabagong Pamatnubay
 Ginagamitan ng pangganyak na panimula ang akda upang akitin ang mambabasang basahin
ang kabuuan nito. Karaniwang ginagamit ito sa pagsulat ng Pabalitang Lathalain.
Mga Uri ng Kombensyonal na Pamatnubay
1) Pamatnubay na Ano - Kung ang pinakatampok sa balita ay ang pangyayari.
Halimbawa

Isang lindol ang yumanig sa lalawigan ng Sorsogon at Masbate na ikinamatay ng tatlong tao at
ikinasira ng mga bahay at g usali kahapon ng madaling araw.
2) Pamatnubay na Sino- Kung higit na pinakatampok ang tao o organisasyong kasangkot sa
pangyayari.

PAGE \* MERGEFORMAT 2 | College of Teacher Education


MISSION VISION
OLLCF is committed to provide Republic of the Philippines A locally responsible and globally
dynamic, excellent, and client- OUR LADY OF LOURDES FOUNDATION competitive learning institution capable
oriented services to ensure relevant OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR ACADEMIC AFFAIRS of producing highly competent, morally
and quality higher education upright, and productive citizenry.
Halimbawa: Vinzons Ave., Daet,Camarines Norte
accessible to all.

Binawi ni Nueva Vizcaya Rep. Rodolfo Agbayani, kasapi ng LDP ang kaniyang pirma sa
impeachment complaint na inihain ng oposisyon, kahapon, matapos itong katayin sa komite.
3) Pamatnubay na Saan - Kung higit na mahalaga ang lugar na pinangyarihan kaysa sa gawain o tao na
kasangkot dito.
Halimbawa:

Sa Naga City ginanap ang 2009 National Schools Press Conference na dinaluhan ng mga batang
manunulat sa buong bansa.
4) Pamatnubay na Kailan - Hindi gaanong gamiting pamatnubay dahil ginagamit lamang ito kung higit
na mahalaga ang petsa kaysa sa iba pang aspeto ng mga pangyayari.
Halimbawa:
 Hanggang sa Abril 18 na lamang ang palugit na ibinigay ng BIR para sapagababayad ng buwis
sa taunang kita.
5) Pamatnubay na Bakit - Kung ang dahilan o sanhi ng pangyayari ang pinakamahalaga.
Halimbawa:

 Upang mapalawak at madaling maipaabot sa mga mamamayan ang mga serbisyo ng


pamahalaan, inilunsad ng Sangguniang Panlunsod ng Quezon sa pamumuno ni Mayor Sonny
Belmonte ang “City Hall sa Barangay”.
6) Pamatnubay na Paano- Kung ang kaparaanan ng pangyayari ang pinakamabisang ang gulo na dapat
itampok.
Halimbawa:

 Nagkunwaring naghahanap ng mapapasukan, isang babae ang tumangay ng malaking halaga ng


salapi at mga alahas ng isang ginang sa Lunsod ng Baguio, pagkatapos itong tanggapin bilang
katulong.

 Sa pagpapasya kung aling uri ng kombensyonal na pamatnubay ang itatampok, dapat munang alamin
ng manunulat kung aling ang gulong balita ang higit na mahalaga. Kapag parehong matimbang ang
Ano at Sino, unang itatampok ang Sino dahil higit na mahalaga ang tao kaysa sa mga bagay at
pangyayari.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng mabisang Pamatnubay:
1. Gumamit ng payak na pangungusap.
2. Huwag isulat ang lahat ng kasagutan sa mga tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, Paano at
Bakit sa isang pangungusap lamang, kung ito ay makasisira sa kaisipan ng talata at makalilito
sa mambabasa. Alalahaning ang pangalawang talata ay pamatnubay rin.
3. Huwag uliting gamitin ang mahalaga o di-karaniwang salita sa isang pangungusap.
4. Iwasan ang pag-uulit ng mga sugnay, parirala at mga iba pang katulad nitong gramatikong
kayarian
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita
1. Isulat kaagad ang balita matapos makalap.

PAGE \* MERGEFORMAT 2 | College of Teacher Education


MISSION VISION
OLLCF is committed to provide Republic of the Philippines A locally responsible and globally
dynamic, excellent, and client- OUR LADY OF LOURDES FOUNDATION competitive learning institution capable
oriented services to ensure relevant OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR ACADEMIC AFFAIRS of producing highly competent, morally
and quality higher education upright, and productive citizenry.
2. Itala
ang mga datos ayon sa pababang
Vinzons Ave., Daet,Camarines Norte kahalagahan.
accessible to all.
3. Unahing itampok ang pinakamahalagang datos bilang pamatnubay.

4. Ibigay ang buong pangalan ng taong awtoridad o pinagkunan ng datos at kaniyang


katungkulan. Sa muling pagbanggit sa kanya ay gamitin na lamang ang G. at apelyido ng lalaki
at Bb. o Gng. at apelyido ng babae o anumang titulo na angkop sa kanya.
5. Iwasang magbigay ng opinyon sa balita.
6. Maging tumpak sa paglalahad ng datos.
7. Gawing maikli ang talata.
8. Gumamit ng mga payak na salita.
9. Gawing maiikli ang pangungusap at pag-iba-ibahin ang haba nito.
10. Gamitin ang pangungusap na tukuyan kaysa sa balintiyak.
11. Isulat ang tuwiran at di tuwirang sabi sa magkahiwalay na talata.
12. Ilahad ang dalawang panig ng mga taong sangkot sa balita.
13. Gawing pasalita ang bilang 1 hanggang 9 at gawing tambilang ang 10 pataas.
Kaayusan ng Balita

 Ang kaayusan ng paglalahad ng mga datos sa balita ay sumusunod sa baligtad na piramide.


Ang kaayusang baligtad na piramide ay nakatutulong sa mga sumusunod na dahilan:
1. Napapadali ang pagbabasa. Karaniwan sa mga mambabasa ay abala, kung kaya ang paglagay ng
mga mahahalagang datos sa unahan ng balita, ay nakapagpapatipid sa kanila sa panahon, dahil sa
pamatnubay pa lang ay nakukuha na n ila ang buod ng istorya.
2. Napapadali ang pag-aayos ng ispasyo, dahil kung kulang ang ispasyo, maaari nang putulin ang huling
bahagi ng balita na hindi nawawala ang mahalagang datos nito.
3. Napapadali ang pagsulat ng ulo ng balita dahil sa unang dalawang talata na naglalaman ng
mahahalagang datos ay maaari nang mapagkunan ng itatampok sa ulo ng balita.
Mga Tuntunin sa Pagtatalata ng Balita
1. Ang talata ay hindi sumusobra sa 75 na salita.
2. Ilagay ang mahahalagang datos sa unahan ng talata.
3. Iwasan ang paggamit ng mga magkatulad na mga salita o mga sugnay sa simula ng
magkasunod na talata.
4. Huwag ilagay ang tahasang sabi at buod nito sa isang talata.
5. Isaayos ang mga talata ayon sa pababang kahalagahan upang kung kukulangin sa espasyo
ay maaaring putulin ang mga huling talata na hindi naaapektuhan ang nilalaman nito
V. ACTIVITY

PAGE \* MERGEFORMAT 2 | College of Teacher Education

You might also like