Professional Documents
Culture Documents
Filipino 10 Q3 Reviewer
Filipino 10 Q3 Reviewer
PANIMULA
Ang panitikan ay nagpapakita ng pagbabago: pagbabagong mistikal, pagbabagong bunsod ng magiting na
pagkilos, pagbabago ng paniniwala, ng nakagawian, ng pagkatao at ng takbo ng pamumuhay.
PANIMULANG PAGTATAYA
Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin?
a. panlapi c. pagpapakahulugan
b.gramatika d. pagsasaling-wika
3. Ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas sa harap ng maraming tao.
a.tula c. talumpati
b.sanaysay d. balagtasan
4. Panitikan na may suliraning kinakaharap ang pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip
ng mambabasa.
a. nobela c. dula
b. karilyo d. maikling kuwento
6. Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa matatalinghagang pananalita.
a.pandamdamin c. blangko berso
b.malaya d. tradisyonal
7. Panitikang nasa anyong patula noong sinaunang panahon na kalauna’y naging tuluyan.
a.epiko c. sanaysay
b.anekdota d. mitolohiya
8. Gamit ang ekwe napabalita ang pagkamatay ni Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam ng kaunting sundot ng budhi
si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya si Ogbuefi Ezeudu ay noong bigyan siya nito ng babala
tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Ano ang ibig sabihin ng salitang may
salungguhit?
a. Ito ay malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria.
b. Ito ay yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Africano.Ginagamit din sa ritwal at
paniniwalang panrelihiyon.
c. Ito ay isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng kahoy. Isang uri ng tambol na
may iba’t ibang uri at disenyo.
d. Ito ay espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng maskara ang tribu at sumasanib sila kung may nais
lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan na ang mga Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng
Nigeria.
9. Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan dapat isaalang-alang sa pagsasalin?
10. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon. “A negative mind will never give you a positive
life”.
a. “Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.”
b. “Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.”
c. “Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang buhay.”
d. “Ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay.”
Para sa bilang 11 at 12
“Naalala ko pa noon kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang
tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran, kung saan ang bakya na gawa sa
kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip
ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang
kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito
ang kapares na tsinelas.Hango sa “Ang Tsinelas” ni Jose Rizal
11. Kung susuriin ang binasa, anong katangian ng isang mahusay na pagsasalaysay ang taglay nito?
a. Ito ay napapanahon.
b. Mahusay ang sumulat.
c. Kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat.
d. Pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na paraan ng pagpapahayag.
12. Sa bahagi ng kuwentong binasa, anong aral ang nais iparating nito?
a. katapatan sa bayan
b. pagpapahalaga sa kapwa
c. pagpaparaya para sa kapakanan ng iba
d. mahusay na pakikitungo sa kapwa kabataan
15. Ang isa sa maaaring maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa ay ang _________.
a. pagpapahirap sa mamamayan
b. pagkakaroon ng malupit na pinuno
c. pagpapairal ng kontrakwalisasyon sa mga manggagawa
d. di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa buhay
16. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal subalit nanatili siyang matatag at
nakakapit sa Diyos. Ang mga salitang may salungguhit ay nagpapahiwatig ng ____________.
a. paghihinuha c. panghihikayat
b.paglalarawan d. pangangatuwiran
18. Basahin ang kasunod na taludturan mula sa tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay,” ano ang ibig
sabihin ng salitang may salungguhit?
Ang poo’y di marapat pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
a. nais c. hangad
b. mithi d. pangarap
19. Ibaon mo na sa hukay ang kaniyang nagawang kasalanan sa iyo. Ano ang ipinahihiwatig ng
matalinghagang pahayag na may salungguhit?
a. itago c. kalimutan
b.ilibing d. magpatawad
Para sa bilang 20 at 21
Ayaw ni Okonkwo sa mahihina. Sa ganoong paraan niya pilit na iwinawaksi ang tumatak na pagkatao ng
kaniyang amang si Unoka sa kanilang pamayanan. Tamad, baon sa utang, mahina, at walang kuwenta
sapagkat ni isang laban ay walang naipanalo ang kaniyang ama. Mag-isang hinubog ni Okonkwo ang
kaniyang kapalaran. Nagsumikap maiangat ang buhay, nagkaroon ng maraming ari-ariang sapat upang
magkaroon ng tatlong asawa, titulo sa mga laban, at higit sa lahat pagkilala mula sa mga katribo.
Hango sa Paglisan (Buod) Isinalin ni Juliet U. Rivera
20. Ano ang mahihinuha sa pagkatao ni Okonkwo batay sa kaniyang mga desisyon sa buhay?
a. mapaghiganti
b. may iisang salita
c. puno ng hinanakit
d. may determinasyon sa buhay
21. Sa iyong palagay, bakit gusto ni Okonkwo na makilala siya ng mga katribo?
a. mahina ang kaniyang ama
b. gusto niyang maghiganti sa kaniyang ama
c. dahil walang kuwenta ang kaniyang ama
d. gusto niya ng karangalan, pangalan, at katanyagan
24. Batay sa binasang anekdota, tama ba ang naging pasiya ng musikero na ipagpatuloy ang kaniyang
hapunan bago harapin ang panauhin?
a. Oo, sapagkat hindi siya dapat malipasan ng gutom.
b. Hindi, sapagkat hindi mainam na paghintayin ang panauhin.
c. Hindi, sapagkat baka maaaring mahalaga ang sadya ng panauhin.
d. Oo, sapagkat ang pagkain ng hapunan sa ganap na alas siyete ng gabi ay kaniyang nakagawian.
29. Ano ang maaaring maging bunga ng pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos ng isang ina?
a. katatagan ng buong pamilya.
b. panghihina ng espiritwal na aspekto.
c. pamumuhay ng masaganang materyal.
d. maraming pagsubok sa bawat miyembro ng pamilya.
30. Pinasusuri ng iyong kaibigan ang kaniyang isinulat na kuwento. Kung magmumungkahi ka sa kakulangan
ng detalye nito, alin sa sumusunod na pahayag ang iyong gagamitin?
a. Parang may kulang pang detalye
b. Ilagay mo ang detalye ng pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
c. Mas mabuti kung ilalagay mo ang ilang detalye ng pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
d. Maaari ring maingat mong ilagay ang detalye tungkol sa pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
31. Tinatapos mo ang huling saknong ng isinusulat na tula. Anong matatalinghagang pananalita ang iyong
ilalapat kung nais mong ipahiwatig ang salitang masipag?
a. bukas-palad c. sawimpalad
b.kapos-palad d. makapal ang palad
32. Anong simbolismo ang akmang ilapat sa dalawang tulang binasa batay sa talinghaga ng mga ito?
Para sa bilang 33
“Ika’y magtino, munting bata, baka pagliyabin ko ang iyong mga paa, dahil ako ang pula’t mainit na baga.”
“Datapuwat ako, ako ang ulan na papawi sa baga: Ako ang malakas na agos na tatangay sa iyo.” “Ako ang
makapangyarihang sutlang-puno ng bulak na matayog sa ibang puno.” “At ako, ako ang nananakal na baging
na gagapang sa tuktok ng higanteng kagubatan.” “Husto na ang pangangatuwirang ito. Hindi mo
mapapasakamay ang Mali.” “Tandaan, walang silid para sa dalawang hari sa isang reyno Soumaoro;
pahintulutan mo akong agawin ang iyong puwesto.” “Magaling, sapagkat digmaan ang iyong ninasa ika’y hindi
ko uurungan subalit itimo mong siyam na hari ang aking pinugutan ng ulo at inadorno sa aking silid. Tunay na
kaawa-awa, ang iyong ulo’y matatabi sa kapwa mo pangahas.” “Ihanda mo ang iyong sarili Soumaoro, ang
delubyo’y mananalasa, sasalpok at bubura sa iyo sa lupa.”Hango sa “Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali”Salin
sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
33. Batay sa tunggalian ng dalawang tauhan sa epiko, kaninong kilalang personalidad ng kasaysayan sa
bansa sila maihahambing?
a. Benigno Aquino II at Ferdinand Marcos
b. Ferdinand Magellan at Lapu-lapu
c. George W. Bush at Sadam Hussein
d. Nelson Mandela at Oliver Tambo
Para sa bilang 34 at 35
Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang interpreter na si G. Kiaga,
kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ng mga taga-Mbanta. Ipinaliwanag niya sa mga ito na ang
kanilang pagsamba sa diyos-diyosan ay isang malaking kasalanan. Hindi naman maunawaan noon ng mga
taga-Mbanta kung paanong ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos katulad ng ipinaliliwanag ng mga
misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa lamang na panginoon. Layunin naman ng mga misyonero na
dalhin ang Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev.
James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga taga-Mbanta. Habang
isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa, hinablot ni Enoch ang takip sa
mukha ng isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng
Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev. Smith.Hango sa Paglisan (Buod) Isinalin
ni Juliet U. Rivera
35. Ano ang nangyari habang isinasagawa ang taunang seremonya ng pagsamba sa Bathala ng Lupa?
a. Nagkasakit si G. Brown.
b. Sinunog ang tahanan ni Enoch.
c. Sumanib ang isang masamang espiritu.
d. Hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu.
Aralin 3.1
A. Panitikan: Liongo (Mitolohiya mula sa Kenya)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
B. Gramatika at Retorika: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika
C. Uri ng Teksto: Naglalahad
Panimula
Ang Republika ng Kenya ay isang bansa sa Silangang Africa.
Napalilibutan ito ng: Mayaman ang bansa sa mga akdang
Ethiopia sa Hilaga pampanitikan:
Somalia sa Hilagang-Silangan sining sa inukit na bato
Tanzania sa Timog arkitektura ang mga palasyo
Uganda sa Kanluran museo na yari sa putik
Sudan sa Hilagang Kanluran. may musika
Karagatang Indian sa Timog-Silangan. sayaw na ritmo ng pananampalataya ng
kanilang lahi
Masasalamin natin ang kanilang mga literatura sa pamamagitan ng kanilang mga mitolohiya na higit na
magpapakilala sa atin ng kultura at tradisyon ng bansang Kenya.
MGA AKDA
MITO (AFRICA) MITOLOHIYA (NIGERIA)
Mashya at Mashayana: Mito ng Pagkalikha Maaaring Lumipad ang Tao
MITOLOHIYA (KENYA) Naisalaysay ni Virginia Hamilton
Liongo Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Walang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang
kasangkapan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng ibang bansa.
Gabay sa Pagsasaling-wika
1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit, o
pagbabago sa orihinal na diwa ng isinasalin nang walang napakalaking dahilan ay isang paglabag sa tungkulin
ng tagapagsalin.
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Ayusin ang bahaging hindi malinaw at
nagbibigay ng kalituhan. Bigyang-pansin din ang aspektong panggramatika ng dalawang wikang kasama sa
pagsasalin.
Kung gagamit ng diksiyonaryo ay isaalang-alang ang iba’t ibang kahulugan ng isang salita. Kakailanganin ng
isang mag-aaral ang pagsasanay upang makuha ang kahulugang angkop sa konteksto ng pangungusap.
Panimula
Sa Persia (Iran), ang kanilang mga lupain, mga tao na binabanggit kasama ng Medo, at mga Persiano
ay magkakaugnay na mga bayan ng sinaunang Tribong Aryano.
Mayaman sa sining pagpana at pangangabayo.
Ang pagsasabi ng katotohanan ay makikita sa literaturang naiambag nila sa maraming bansa sa
daigdig.
Masusuri rin ang:
Ang Aralin 3.2 ay tungkol sa anekdota ng Persia matapat na pakikipamuhay sa kapwa
(Iran) na kakikitaan ng mga: mga naiambag ng kanilang mahusay na
Kasabihan mga manunulat sa mundo ng pilosopiya at
relihiyon sa paniniwalang Sufism paniniwala
pagpapaunlad ng isang indibiduwal sa pagpapaunlad ng iyong kasanayan sa
pamamagitan ng pandama pagsasalaysay
MGA AKDA
ANEKDOTA (PILIPINAS) ANEKDOKTA (PERSIA)
Akasya o Kalabasa Consolation P. Conde Mula sa mga Anekdota ni Saadi (Persia)
ANEKDOTA (IRAN) Mongheng Mohametano sa kaniyang pag-iisa.
Mullah Nassreddin Ni Idries Shah
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Alam mo ba na...
Anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isang tao. Layon
nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang
kung ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.
Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat pangungusap ay kukuha ng interes ng
mambabasa. Dapat na ang panimulang pangungusap ay kapana-panabik. Ang isang magandang panimula ay
magbibigay ng pagganyak sa mambabasa at mahihikayat na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.
Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa mga
mambabasa. Di dapat mag-iwan ng anumang bahid ng pag-aalinlangan na may susunod pang mangyayari.
A. Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilig sa pangungusap. Piliin sa loob ng
kahon at isulat lamang ang titik ng iyong sagot sa patlang.
NALITO Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan.
SAYANGIN Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag itong aksayahin.
NAPAHIYA Nangimi ang mga nakikinig sa kaniyang Homilya.
NAIMBITAHAN Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan.
LUMISAN Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao.
Aralin 3.3
A. Panitikan: Nelson Mandela: Bayani ng Africa
(Talumpati mula sa South Africa)
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum
B. Gramatika at Retorika: Paggamit ng Tuwiran at Di-tuwirang Pahayag sa Paghahatid ng Mensahe
C. Uri ng Teksto: Naglalahad
Panimula
Ang Aralin 3.3 ay nakatuon sa isang sanaysay, partikular ang isang talumpati na binigkas ni G. Nelson
Mandela sa kaniyang inagurasyon o pasinaya bilang pangulo ng Africa. Nilalayon ng talumpati niyang ito na
gisingin ang damdamin ng mga taga-Africa sa pagsulong ng kapayapaan, katarungan, at kalayaan.
MGA AKDA
SANAYSAY/TALUMPATI (SOUTH SANAYSAY (PILIPINAS)
AFRICA) Ako ay Ikaw
Nelson Mandela: Bayani ng Africa Ni Hans Roemar T. Salum
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum
Balangkas
plano ng paksang isusulat kahalagahan
iskeleton ng susulatin kahulugan
mapa ng impormasyon mapag-iisipang mabuti ang paksa
mapipili mo ang mga ideya o konsepto mas magiging madaling ayusin ang mga ideya
Alam mo ba na...
Sanaysay ay ginagamit upang makapagbigay ng mahahalagang kaisipan tungkol sa paksang nais
nitong talakayin. Ang mahahalagang kaisipan sa sanaysay ay tumutukoy sa mahahalagang
impormasyong ibinibigay nito sa mambabasa. Ang mahahalagang impormasyong ito ay maaaring isulat
nang pabalangkas.
Balangkas ay isang lohikal o kaya’y kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan ng paksang isusulat.
Ito rin ay isang panukalang buod ng komposisyon.
Talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay.
Sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan,
kuro-kuro, saloobin, at damdamin na kapupulutan ng aral, at aliw ng mambabasa.
SANAYSAY FACTS
Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang sanay.”
Noong 1580, isinilang ito sa Pransiya at si Michel de Montaigne ang tinaguriang “Ama ng
Sanaysay.”
Ito ay tinawag niyang essai sa wikang Pranses na nangangahulugang isang pagtatangka, isang
pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat.
Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o personal. Naririto ang pagkakaiba ng dalawa:
Pormal Di-Pormal o Personal
May mga pang-ugnay na nagpapatibay o nagpapatotoo sa isang argumento upang makahikayat. Kabilang dito
ang sa katunayan, ang totoo, bilang patunay, at iba pa.
Halimbawa:
1. Sa totoo lang, maraming magagandang lugar sa Pilipinas na dapat munang pasyalan bago ang ibang
bansa.
2. Si Ranidel ay nanalo ng Ulirang Kabataang Award, bilang patunay, narito ang kaniyang sertipiko.
Tuwirang pahayag ay mga pahayag na may pinagbatayan at may ebidensiya kaya’t kapani-paniwala.
Di-tuwirang pahayag ay mga pahayag na bagaman batay sa sariling opinyon ay nakahihikayat naman sa
mga tagapakinig o tagapagbasa.
Anyo ng Balangkas
Ang balangkas ay maaaring gumamit ng paksa o pangungusap.
Sa anyong salita o parirala, hindi ginagamitan ng bantas. Madaling mailahad ang maikling kabuuan
ng paksang tatalakayin at mabilis pa itong isulat kaysa pabalangkas na pangungusap.
Ang pabalangkas na pangungusap ay gumagamit ng buong pangungusap sa lahat ng entrada at
nilalapatan ng wastong bantas. Kung sisimulan nang patanong ang balangkas, dapat ay patanong din
ang iba pang bahagi nito.
Halimbawa:
Mga Karapatan ng Mamamayan
I. Karapatang Likas
a. Karapatang mabuhay
b. Karapatang maging maligaya
c. Karapatang umibig
II. Karapatang Konstitusyonal
a. Karapatan sa Saligang Batas
1. Kalayaan sa paghalughog
2. Kalayaan sa komunikasyon
3. Karapatan sa pamamahayag
4. Kalayaan sa relihiyon
5. Kalayaan sa paninirahan
b. Karapatang itinatakda ng batas
1. Karapatan sa pagmamana
Aralin 3.4
A. Panitikan: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
(Tula mula sa Uganda)
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula sa Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg ng
A Song of a Mother To Her Firstborn
B. Gramatika at Retorika: Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinghagang Pananalita
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
Panimula
Sa lumipas na dantaon, ang kababaihan ng Africa ay lumikha ng mga tula na kanilang inaawit. Hitik ito sa
matatamis at magigiliw na pananalita at oyaying inuulit-ulit upang ipahayag ang pagmamahal ng ina na
nagsisilbi ring pang-aliw at pampaamo sa anak. Ito’y isa sa nakaugalian ng tribong Lango o Didinga ng
Uganda na naniniwalang ang kanilang mga supling ay tila imortalidad ng kanilang magulang.
Kaya naman ipakikita sa tulang tatalakayin ang:
maingat na pagpili ng ina sa pangalan ng anak
mga pangarap ng ina para sa kaniyang anak
panghuhula ng ina sa magandang kinabukasan ng anak
ang positibong pagbabagong hatid nila sa kanilang magulang.
MGA AKDA
TULA (UGANDA) Tulang Malaya
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay TULA (PILIPINAS)
A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ang Matanda at ang Batang Paruparo
Ingles ni Jack H. Driberg Rafael Palma
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
Alam mo ba na...
Tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o taludtod.
Ang saknong naman ay binubuo ng mga taludtod o linya at ang bawat taludtod ay nahahati sa mga pantig.
Ang mga pantig ng taludtod o mga salita o paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, may mga tayutay o
mayaman sa matatalinghagang pananalita, at simbolismo, at masining bukod sa pagiging madamdamin, at
maindayog kung bigkasin kaya’t maaari itong lapatan ng himig.
Sa pagsulat ng tula kailangang masusing isaalang-alang ang mga elemento nito. Ito ay ang sumusunod:
3. Kariktan- ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang kabuuan nito.
4. Talinghaga- ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o ang ipinahihiwatig ng may-
akda.
Ang matatalinghagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi lantad na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito
ang kagandahan at pagkamalikhain ng anumang wika.
Halimbawa:
1. butas ang bulsa - walang pera 5. bahag ang buntot – duwag
2. ilaw ng tahanan - ina 6. salapi silaw- mukhang pera
3. kalog na ang baba - gutom 7. kapus-kapalaran- mahirap
4. alimuom – tsismis
Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga
at metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay, pangyayari, tao, o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan.
Halimbawa:
1. silid-aklatan- karunungan o kaalaman
2. gabi- kawalan ng pag-asa
3. pusang-itim-malas
4. tanikalang-bakal-kawalan ng kalayaan
5. bulaklak- pag-ibig
Palay siyang matino, Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa taong
Nang humangi’y yumuko, dumaan sa pagsubok na kaniyang nilampasan at
Nguni’y muling tumayo: nagsilbing susi sa kaniyang pagtatagumpay.
Nagkabunga ng ginto!
(Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos)
Pagsasanay 1: Basahin ang mga pahayag sa mga piling saknong o taludtod ng tula. Hanapin ang
matalinghagang pananalita at simbolismo na ginamit at isulat ang kahulugan nito sa sagutang papel.
Paglinang sa Talasalitaan
Isaayos mula bilang 1-5 ang mga salita batay sa sidhi ng damdaming ipinahahayag ng bawat isa, ang 5 ang
pinakamataas na antas. Gamitin ang tsart at gawin ito sa sagutang papel.
lungkot
lumbay
dalamhati
pighati
pagdurusa
Aralin 3.5
A. Panitikan: Ang Alaga (Maikling Kuwento mula sa East Africa)
ni Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni Magdalena O. Jocson
B. Gramatika at Retorika: Mga Salitang Naglalahad ng Opinyon
C. Uri ng Teksto: Naglalarawan
Panimula
Nilalaman ng araling ito ang maikling kuwento ni Barbara Kimenye, “Ang Alaga” na isinalin sa Filipino ni Prof.
Magdalena O. Jocson. Inilalahad sa akdang ito ang tungkol sa pagmamahal na inukol ng isang tao sa
kaniyang alaga. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa mga salitang nagsasaad ng paghihinuha na
makatutulong sa pag-unawa sa tatalakaying paksa at sa paglalahad.
MGA AKDA
MAIKLING KWENTO (EAST AFRICA)
Ang Alaga
Ni Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson
Alam mo ba na…
Maikling kuwento o maikling katha ay nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa isip at
damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng
mahahalagang pangyayari.
Taglay nito ang pagkakaroon ng:
(1) iisang kakintalan;
(2) may isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang bigyan ng solusyon;
(3) tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay;
(4) may mahalagang tagpuan;
(5) may kawilihan hanggang sa kasukdulan na agad susundan ng wakas.
Patalastas
Ang patalasatas ay maaaring pasalita at pasulat.
Ang pagsasahimpapawid ay ginagamit sa pagbibigay ng patalastas sa paraang pasalita tulad ng ginagawa
sa radyo at sa telebisyon. Ipinakikita rito ang mga produktong maaaring magustuhan ng mga tao o kaya’y mga
paligsahang ipinababatid sa publiko.
Sa paraang pasulat ay maaaring ipakita o ilathala sa pahayagan, billboards, poster, at magasin. Nakalimbag
dito ang nais ianunsyong mga gawain o hanapbuhay na kailangan ng isang tao o kompanya; mga larawan o
hitsura’t katangian ng produkto o kaya’y panawagan para sa mga nagnanais lumahok sa paligsahan.
1. Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng ilog sa Kalansanda.
2. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay lamang sa alaga niyang baboy.
3. Karaniwang nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa ilog.
4. Ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya hindi niya ito maipagbibili.
5. Si Kibuka, ang alagang baboy at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang direksiyon.
6. Habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di inaasahang pangyayari ang
naganap.
Aralin 3.6
A. Panitikan: Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali
(Epiko mula sa Mali, West Africa)
Mula sa Sundiata: An Old Epic of Mali ni D.T. Niane salin sa Ingles ni G.D. Pickett
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
B. Gramatika at Retorika: Mga Ekspresiyon sa Pagpapahayag ng Layon o Damdamin
C. Uri ng Teksto: Nangangatuwiran
Panimula
Imperyong Mali/ Imperyong Manding ay naging makapangyarihan sa West Africa noong 1230 hanggang 1600
na siglo. Ang imperyo’y higit pang malawak sa Western Europe. Dito’y umusbong ang isang epiko na kabilang
sa maituturing na dakilang kayamanan ng panitikang pandaigdig, maihahanay ito sa epiko ng Hindu na
Ramayana at Mahabarata at epikong Griyego na Iliad at Odyssey. Ang epikong pag-aaralan ay taal na
tulang pasalaysay na pinagsalin-salin ang mga berso ng mahuhusay na mananalaysay na sinasaliwan ng
instrumentong musikal. Itatampok dito ang mabuting pagbabagong dala ng pagtatagumpay laban sa
kasamaan.
Pinakatanyag na epiko ng Africa sa kasalukuyan, ang Sundiata: An Epic of the Old Mali. Layon ng araling
ipakita ang kaugnayan ng epiko sa kasaysayan at malinang ang kasanayan sa mga ekspresiyong sa
pagpapahayag ng damdamin o layon.
MGA AKDA
EPIKO (MALI)
Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali
Sundiata: An Epic of the Old Mali salin sa Ingles ni J.D. Pickett
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
Alam mo ba na…
Paninindigan ay isang paraan ng pagmamatuwid o pangangatuwiran. Layon ng naninindigan na mahikayat
ang tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan o katotohanan ng pinaniniwalaan sa pamamagitan ng
paglalatag ng sapat na katibayan o patunay upang ang panukala ay maging katanggap-tanggap o kapani-
paniwala. Gayundin sa paninindigan ay maaaring gumamit ng iba’t ibang ekspresyon upang maipaabot ang
layon o damdamin ng pagpapahayag.
Ang epiko ay maihahambing sa tulay na nagdurugtong ng nakaraan sa hinaharap. Ito ay salaysay ng buhay
ng mga naglahong bayaning kalahati’y tao at kalahati’y supernatural. Masasalamin sa epiko ang mataas na
pagpapahalaga ng lipunan, kasaysayan, at napapaunawa sa kultura at tradisyon. Kaya mainam na basahin at
unawain mo ang akda upang masuri at mapagtibay mo na ang bayani ng epiko ng Africa ay hinahalaw sa
kanilang magigiting na bayani ng kasaysayan.
Alam mo ba na…
epikong Sundiata
naitala sa Guinea noong 1950
isinalaysay ng griot (mananalaysay) na si
Djeli Mamoudou Kouyate na mahusay na alagad ng kuwentong-bayan na si D.T. Niane
Isinalin niya ito buhat sa Mandigo sa wikang Pranses.
naging batayan sa paglilipat sa Ingles.
Sundiata Keita o Mari Diata (Mari Jata),
ang bayani’t pangunahing tauhan ng epiko ay totoong nabuhay.
Isa siya sa labindalawang magkakapatid na lalaki na tagapagmana ng trono.
Siya’y isang makapangyarihang pinuno na tumalo sa estadong Sosso sa Kanlurang Africa noong
1235.
Itinatag niya ang Imperyong Mandingo ng Matandang Mali.
Ang kaniyang pamamayagpag ay tumagal nang mahigpit 250 taon
1. Ginagamit ang mga initiman sa kasunod na mga pangungusap sa pagpapayo at/o pagmumungkahi.
Kung ako ikaw, mas pipiliin ko ang magpahinga muna.
Ano kaya kung pumanig ka na sa amin?
Mas makatutulong sa iyo ang masusing pag-aaral.
Siguro makabubuting ibahin mo ang iyong panimula.
Higit na mabuting ito ang unahin mo.
Inaakala kong mas makabubuti kung hindi susunugin ang mga hindi natutunaw na basura.
Alam mo ba na…
Pagtatalo ( Arrogante, 2000 ) ay isang sining ng gantihang katuwiran o matuwid ng dalawa o higit pang
magkasalungat na panig tungkol sa isang kontrobersiyal na paksa. Isinasagawa ito pamamagitan ng
pagpapahayag ng mga katuwiran at naaayon sa itinatakdang alituntunin at pamantayan. Ang gawaing ito ay
nakasalalay sa masining at maingat na pagbibitiw ng mga salita, gayundin kung pasulat.
Di-pormal na pagtatalo ay hindi maayos na pagpapalitang-kuro at palagay matapos ihayag ng tagapangulo ang paksang
pagtatalunan.
Aralin 3.7
A. Panitikan: Paglisan (Buod)
Nobela mula sa Nigeria
Ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
B. Gramatika at Retorika: Pang-ugnay na Gamit sa Pagpapaliwanag
C. Uri ng Teksto : Naglalahad
Panimula
Nigeria - bansa sa Africa na may malaking ambag sa panitikan.
Panitikan ng Nigeria - sadyang nakapagpataas ng kamalayan ng mamamayan ng bansa pagdating sa isyu
ng uri ng pamumuhay, kultura, tradisyon, suliranin sa politika at tungkol sa kasarian at kalagayan ng
kababaihan sa lipunan. -- Mga akdang pampanitikan din ang nakatulong upang maiangat ang kanilang
kalagayan tungo sa pagkakaroon ng makabagong talakay sa mga akda na aagapay sa makabagong uri ng
pamumuhay ng mga taga-Nigeria.
Sinasabing ang kakaunting mga akda na nasusulat sa ilang diyalekto ng Nigeria ay mas tumatalakay sa kung
ano ang nakaraan, lumipas, o naglaho na.
Kabilang ang nobela sa mga genre na nalinang ng Nigeria. Gayunpaman, ang tuon ng kanilang panitikan ay
sa mga prosa, tulad ng drama at tula kung saan sadyang kinilala at nagbigay sa Africa ng pagkakakilanlan
pagdating sa panitikan.
Sa nobela ni Chinua Achinebe na pinamagatang Things Fall Apart, ipinakita sa atin ang kumplikadong mga
batas at gawi ng angkang pinagmulan ni Okonkwo, sa pagpapanatili ng maayos na ugnayan. Halimbawa nito
ay ang pagsasalo o pag-aalok ng lambanog at kola nuts na binabanggit sa kabuuan ng nobela ang isang
paraan ng mga Igbo ng mapayapang pakikiharap sa sino mang tatanggaping bisita sa tahanan o sino mang
taong pakikiharapan. Ang gayong gawi ay pagpapakita ng maayos na paraan ng pagtanggap o pagtanggi sa
kung ano man ang pakay o layon ng paghaharap. Isang paraan ng pakikipagkapwa-tao ng mapayapa para sa
mga Igbo ang nasabing gawi. Kapag nakapanghiram ng pera at sisingilin na, mahusay namang hinaharap ng
mga Igbo ang nasabing maniningil. Bumabanggit sila ng mga sawikain na angkop sa nais nilang ipabatid na
mensahe. Tulad na lamang halimbawa kapag hindi sila makababayad agad, sasambitin ang mga kasabihang
maaaring makapagpabago ng isip ng maniningil upang ipagpaliban muna ang paniningil. Malinaw na sinasabi
ng mga kultura at nakagisnang tradisyon ng mga Igbo ang kanilang pagiging payapa sa pagharap ng ganitong
suliranin.
Alam mo ba na…
Nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan. Naglalahad ito ng mga pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay
na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng tauhan at ng hangarin ng
katunggali sa kabila. Isang masining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang
mga pangyayaring ito ay may kaniya-kaniyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling
balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
Cowrie – Yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Afrikano. Ginagamit din sa ritwal at paniniwalang
panrelihiyon.
Ekwe – Isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng kahoy. Isang uri ng tambol na may iba’t ibang
uri at disenyo.
Egwugwu – Espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng mascara ang tribu at sumasanib sila kung may nais lutasin na isang
krimen. Pinaniniwalaan na ang mga Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria.
Ogene – Malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria.
Igbo – Katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria. Karamihan sa kanila ay magsasaka at mangangalakal.
Alam mo ba na...
sa pagsusuri o pagbibigay ng ebalwasyon sa isang iskrip may mga bagay tayong dapat bigyan ng pansin?
Ricky Lee: Trip To Quiapo Scriptwriting Manual
o una, kailangang maging malinaw muna ang konseptong pinag-uusapan
o Ikalawa, malaman ang major concepts ng material
o Ikatlo, dapat konektado ang lahat ng gustong sabihin ng sumulat ang kung tungkol saan ba talaga ang
istorya. Kailangang masagot ang anomang mga tanong tungkol dito.
o Kailangang ang bawat bahagi ay magkakaugnay.
o Makakamit naman ang maayos na paghahanda ng iskrip kung masusing bibigyang-tuon hindi lamang
ang pagkakaugnay ng mga pangyayari kundi sa pagbuo ng mga diyalogo.
o Malaki ang maitutulong ng mga pang-ugnay sa pagbuo ng mga diyalogong ito.
Sa pagsusuri naman ng isang pelikula, bumubuo ka ng pagpapaliwanag sa mga detalyeng nais na bigyan
ng pansin. Maaaring pagpapaliwanag sa magandang nakita sa iskrip at o sa pelikulang pinanood gayundin
naman sa pagpapaliwanag ng mga naging kahinaan ng iskrip at/o ng pelikulang pinanood.
Makatutulong nang malaki ang paggamit ng mga pang-ugnay upang maging mabisa ang pagpapaliwanag.
Ilan sa mga ito ay ang mga pang-angkop na ginagamit bilang pang-ugnay upang mapadulas ang pagbigkas
ng salita.
Pang-angkop Pangatnig
o na kapag ang salitang aangkupan ay o bagamat
nagtatapos sa katinig, o upang
o g naman ay ginagamit sa mga salitang o at
nagtatapos sa n o tulad ng
o ng sa mga salitang aangkupan na o kapag
nagtatapos sa patinig. o kung
Puppet na Supot
Pamamaraan:
1. Kumuha ng isang supot na papel.
2. Gumuhit ng mukha ng tao sa isang puting papel, gupitin sa paligid at idikit sa dakong ilalim ng supot.
3. Itapat ang bibig ng larawan sa lupi ng supot.
4. Gupitin nang pahalang ang bahagi ng larawan na nakatapat sa bibig at lupi ng supot upang huwag magkahiwalay ang
nguso at labi. Huwag gugupitin ang supot.
5. Ibuka ang dakong bibig at dikitan ng papel na hugis bilog upang mag-anyong loob ng bibig. Maaari mong dikitan o
guhitan ng maliit na dila.
6. Isuot ang kamay sa supot na ang palad ay nakaharap sa larawang idinikit. Iaros ang apat na daliri sa dakong itaas at
ang hinlalaki sa ibaba. Sa pamamagitan ng mga daliri ay maaari mong pagsalitain ang “puppet” habang ikaw ay
nagkukuwento.
Puppet na Medyas
Puppet na Gumagalaw
1. Gumawa ng isang manika sa pamamagitan ng mga retaso o sirang stockings na binalumbon at itinali sa mga
hugpungan.
2. Lagyan ng mga mata, ilong, at bibig sa pamamagitan ng mga butones at patapong mga bagay.
3. Lagyan ng buhok na binigkis na estambre o sinulid.
4. Balutan ng ibang retaso ang dakong ibaba upang magkaroon ng damit.
5. Lagyan ng tig-iisang pisi o sinulid ang mga lugar na nais pagalawin at itali ang kabilang dulo sa pinag-ekis na patpat.
Maaari mo itong pagalawin sa pamamagitan ng paggalaw sa patpat.
6. Isipin kung paano pa maaaring pagalawin ang puppet at kung saan pang bahagi ng katawan maaari itong talian.
Ang patalastas o anunsiyo ay isang mabisang instrumento ng komunikasiyon na nanghihimok sa mga manonood,
tagapakinig at mambabasa na patuloy na kumilos o gumawa. Nakatutulong din ito sa pagpapalaganap ng mahalagang
impormasiyon at nakaiimpluwensiya sa mga mamimili na tangkilikin ang produktong iniaalok.
Ang mga Egyptian ang nagpasimula nito sa pamamagitan ng paglalathala ng mga paskil o karatula sa mga bato o haligi
gamit ang papyrus at ang katibayan nito’y matatagpuan sa Pompeii at matandang Arabia. Samantalang isang
karaniwang anyo ng patalastas ang pagpipipinta sa mga tabike o bato sa Asia, Africa at South America hanggang sa ito’y
lumaganap at sumikat kasabay ng modernisasiyon. Tunay na hindi mapasusubalian ang ambag ng patalastas o anunsiyo
sa ekonomiya.