You are on page 1of 26

8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Ang kabihasnang Minoan,
Mycenean at kabihasnang klasiko
ng Greece
Araling Panlipunan– Ikawalo na Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga
Klasikal na Lipunan sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific.
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul
na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Merlyn Labrador Jose, Arlinda B. Macarayan
Jhona Mae L. Jabajab, Maria Amparo B. Claro
Marnel D. Gealon
Editor: Merlyn Labrador Jose
Tagasuri: Merlyn Labrador Jose, Arlinda B. Macarayan, Maria Amparo B. Claro
Tagalapat: Jhona Mae L. Jabajab, Marnel D. Gealon
Tagapamahala: Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio – Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Leila L. Ibita – Education Program Supervisor- Araling Panlipunan
Lorna C. Ragos- Education Program Supervisor
Learning Resources Management

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Division of Tagum City

Office Address: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504


E-mail Address: tagum.city@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Ang kabihasnang Minoan,
Mycenean at kabihasnang
klasiko ng Greece
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Self


Learning Module (SLM) para sa araling Ang Kabihasnang Minoan, Mycenean at
Kabihasnang klasiko ng Greece, Kabihasnang Klasiko ng Africa, America, at ang
mga Pulo sa Pacific, Kabihasnang Roma, at Pagbabagong naganap sa Europa sa
Gitnang Panahon sa Politika, Ekonomiya at Socio-kutural.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang 21st century skills habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalamn ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukid dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 Self Learning Module (SLM)


Modyul -Ikalawang markahan ukol sa Kabihasnang Klasiko, Kabihasnang Roma
at Transisyunal na Panahon.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oprtunidad sa pagkatuto.

1
Alamin Natin
Ang modyul na ito ay mauunawaan mo ang mga pangyayari sa
kasaysayan ng daigdig sa klasikal at transisyonal na panahon. Inaaasahang
sa pagtatatapos ng iyong paglalakbay panahon masasagot mo ang
katanungang ito: Paano nakaimpluwensiya ang mga kontribusyon ng
klasikal at Transisyonal na Panahon sa paghubog ng pagkakakilanlan ng
mga bansa at rehiyon sa daigdig?

Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong


inayos upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral.

May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging


makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang
lahat ng gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay tungkol sa klasikal at


transisyonal na panahon na nahahati sa sumusunod na paksa:

• Aralin 1 – Kabihasnang Minoan at Kabihasnang Mycenean


• Aralin 2 – Kabihasnang klasiko ng Greece
AP8DKT-ll-a-1

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

• Nasusuri ang kabihasnang klasiko ng Greece

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:

• Mailalarawan ang heograpiya ng sinaunang Gresya


• maihahambing ang pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Minoan at
Mycenean
• matatalakay ang mahahalagang pangyayaring nagbigay-daan sa pag-
usbong, at pag-unlad at pagbagsak ng klasikal na kabihasnang Greece

2
Subukin Natin
Unawain at sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang papel.

______1. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa Crete.


Ito ang nagpasimula sa:
a. klasikal na kabihasnan ng Greece
b. sinaunang kabihasnan ng Greece
c. Pagpapalawak ng teritoryo ng Greece
d. Organisadong pamumuno sa Greece
______2. Nagwakas ang kabihasnang Minoan dahil sa
a. sagupaan ng mga lungsod-estado
b. pananakop ng Mycenean
c. pananakop ng Knossos
d. pananakop ng tribong Dorian
______3. Ang mga Minoan ay yumaman sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing
dahilan nito?
a. Mapalakas ang sandatahang panlakas
b. Napapalibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang
lokasyon nito
c. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produkto mula sa
Crete
d. Napapalibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete
______4. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagkakatatag ng
hiwahiwalay na lungsod-estado sa sinaunang Greece?
a. Iba-iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan
ng Greece na naging dahilan ng pagtatag ng hiwa-hiwalay
na lungsod-estado
b. Ang Greece ay nasa Timog na dulo ng Balkan Peninsula sa
Silangan ng Europe na isang mabundok na lugar
c. Mahahaba ang mga daungan ng Greece na naging dahilan

3
ng paglalarawan ng maraming mangangalakal sa bawat
lungsod-estado
d. Iba-iba ang kulturang nabuo sa Greece na naging dahilan
ng iba’t ibang kabihasnang umusbong dito
_______5. Ano ang pangunahing gawaing pangkabuhayan ng
kabihasnang Minoan na naging dahilan ng pag-unlad nito?
a. Pagsasaka c. pagtatanim
b. pagmimina d. pakikipag-lakalan
_______6. Sino ang kinikilalang diyosa ng pag-ibig?
a. Athena b. Ares c. Aphrodite d. Hera
_______7. Tinutukoy nito ang mataas na bahagi ng lungsod-estado
a. Polis b. metropolis c. acropolis d. agora
_______8. Itinuturing na “Ama ng kasaysayan”.
a. Phidias b. Herodutos c. pericles d. Hippocrates
_______9. Mataas ang kaalaman ng mga Greek sa larangan ng
Astronomiya. Anong konklusyon ang maaaring mabuo rito?
a. Nagsilbing batayan ng kaalaman sa astronomiya ng mga
Greek ang paniniwala sa iba’t ibang diyos
b. Nagmula sa mga Greek ang lahat ng kaalaman tungkol sa
Astronomiya
c. Natutuhan ng mga Greek ang kaalaman sa Astronomiya
mula sa mga Roman
d. Naitatag ng mga Greek ang pundasyon ng kaalaman sa
astronomiya noong Panahong Hellenistic
______10. Umusbong ang kabihasnang Minoan sa isla ng Crete. Alin sa
sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang
heograpikal na lokasyon sa pag-unlad ng kabihasnan sa
islang ito?
I. Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong-tubig
upang maging ligtas ang isla sa mga mananakop
II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa
Europe, Africa at Asya ang isla ng Crete

4
III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling
kabihasnan dahil nakahiwalay ito sa Europe
IV. Naimpluwensiyahan ng mga sinaunang kabihasnan ng
Africa at Asya ang kabihasnang Minoan
a. I at IIb. II at III c. II at IV d. I,II at III
______11. Ano ang pinakamahalagang ambag ng Athens sa daigdig?
a. Phalanx b. demokrasya c. arena d. wrestling
_______12. Paano nakaimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe
sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan?
a. Nabago ang kultura sa daigdig
b. Ang kaayusan at kaunlaran sa lipunan ay halaw mula sa
klasikal na panahon ng Europe
c. Batayan sa mga pangunahing kaalaman ang
kontribusyong Europeo sa iba’t ibang larangan
d. Nananatili at patuloy pa ring ginagamit at pinagyayaman
ang kontribusyong Europeo
______13. Isa ito sa pinakamagandang arkitekturang nagawa sa Gresya
at kilala rin bilang templo ni Athena.
a. Acropolis b.colosseum c. Olympic stadium d. parthenon
______14. Pinagsanib na kultura ng Gresya at Asya na nagging bunga
ng pananakop ni Alexander the Great
a. Macedonia b. heleniko c. helenistiko d. persiano
_______15. Ito ang tawag sa mga lungsod-estado ng Gresya
a. Acropolis b. metropolis c. polis d. stoa

ARALIN 1

ANG KABIHASNANG MINOAN AT KABIHASNANG MYCENEAN

Aralin Natin

Negosyante Politiko Artist


Mandirigma Pilosopo Kababaihan
5
Makikita sa itaas ang mga karaniwang tao sa isang lungsod-
estado sa Europe noong Panahong Klasikal. Bawat isa ay may
ginagampanan.
Kung ikaw ay nabuhay sa panahong ito. Alin sa sumusunod na
tungkulin ang nais mong gampanan? At Bakit? Pumili ng
isa__________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________.
Ano ang kaibahan sa tipikal na tagpo sa mga lungsod
sakasalukuyang panahon? Maari mong
Patunayan.__________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________________________________________________.
Mapa ng Gresya

Dbachmann, Homeric Greece, https://commons.wikimedia.org/wiki/


File:Homeric_greece.png. Creative Commons Attribution-Share Alike 3.0 Unported

Suriin at pag-aralan ang mapa ng Greece. Hanapin sa mapa ang


Crete. Pagkatapos, sagutin ang mga katanungan.

Mga gabay na tanong:


1. Ano ang mga anyong tubig na malapit sa Greece?
2. Saang direksiyon ng Greece makikita ang Isla ng Crete?
3. Kung pagbabatayan ang pangheoprapiyang katangian ng Crete. Ano
kaya ang pangunahing kabuhayan ng mga sinaunang mamamayang
nanirahan dito?

Gawin Natin
Magbasa at Matuto
Heograpiya ng Sinaunang Gresya

6
Sentro ng sinaunang Greece ang mabundok na bahagi ng tangway ng
Balkan sa timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean. Samantala, ang
karagatan ng Mediterranean ang naging tagapag-ugnay ng Greece sa iba pang
panig ng mundo
Para sa mga sinaunang Greek, ang karagatan ang pinakamainam na
daanan sa paglalakbay. Karamihan sa mga pamayanan nila ay matatagpuan
lamang mula sa baybay-dagat.
Likas na mabato at bulubundukin ang Greece. Isa sa mga pangunahing
naging sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan nila
at naging mabagal ang paglago ng mga kaisipan at teknolohiya. Ngunit ito
rin ang naging dahilan upang ang bawat lungsod-estado ay nagkaroon ng
kani-kanilang kakaibang natatanging kultura.
Naging mainam na daungan na nakapaligid sa Greece at ito’y nagbigay-
daan sa maunlad na kalakalang pandagat na naging dahilan na
napgpapaunlad ng kabuhayan. Ito rin ang dahilan upang magkaroon ng
kaugnayan sa iba’t ibang uri ng tao na nagbigay daan upang mapayaman
nila ang kanilang kultura at naibahagi sa iba’t ibang larangan ng
pamumuhay sa sandaigdigan.

Ang mga Minoans


Batay sa mga arkeologo, ang pinakaunang sibilisasyong Aegean ay
nagsimula sa Crete mga 3100 B.C.E. . Tinawag itong Kabihasnang Minoan
hango sa pangalan ni Haring Minos, ang haring sinasabing nagtatag nito.
Mahuhusay silang gumamit ng metal at iba pang teknolohiya. Sila ay nakatira
sa mga bahay na yari sa laryo (bricks) at mayroon na silang sistema ng
pagsulat. Sila’y magagaling na mandaragat.
Sa kalaunan nakilala ang Knossos isang makapangyarihang lungsod
at sinakop nito ang kabuuan ng Crete. Matatagpuan dito ang isang
napakataas na palasyo at napapaligiran ng mga bahay na bato. Ang palasyo
ay nasira dahil sa sunog at iba pang mga kalamidad.
Tinataya noong 1600 hanggang 1100 BCE narating ng Crete ang
kanyang pag-unlad. Umunlad nang husto ang kabuhayan dulot ng
pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa silangan at sa paligid ng Aegean.
Naging marami ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang naging
pinakamalaki at pinakasentro.
May apat na pangkat ng tao ang pamayanang Minoan: una ang mga
maharlika, pangalawa ang mga mangangalakal, ang pangatlo ang mga
magsasaka, at ang pinakamababa sa lipunan ay ang mga alipin. Sila ay
masayahing mga tao at mahiligin sa magagandang bagay at kagamitan.
Maging sa palakasan ay di nagpahuli ang mga Minoan. Sila na siguro ang
unang nakagawa ng arena sa buong daigdig kung saan at dito isasagawa ang
labanan sa boksing.

Tumagal ang kabihasnang Minoan hanggang mga 1400 B.C.E. At


sila’y nagwakas nang salakayin ang Knossos ng mga di nakikilalang
mga mananalakay na sumira at nagwasak sa buong pamayanan.
Hanggang sa, ang iba pang mga lungsod ay tuluyang bumagsak at
Gabay na Tanong:
nawala.

7
1. Saan nagsimula ang Kabihasnang Minoan?
_______________________________________________________
2. Ano ang nagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Minoan?
______________________________________________
3. Anu-ano ang mga pangkat ng tao sa lipunang Minoan?
Isulat ng magkakasunod-sunod ang tamang sagot?

1.
2.

3.

4.

Ang mga Mycenaean


Nang salakayin at sakupin ng mga Mycenaean ang Crete,
napaunlad na nila ang ang ilang pangunahing kabihasnan sa Timog
Greece. Ang Mycenaea ay matatagpuan sa aplaya ng karagatang
Aegean ang naging sentro ng kabihasnang Mycenaean. Ang mga
lungsod dito ay may maayos na daanan at mga tulay. Napapalibutan
ng makapal na pader ang lungsod upang nagsilbing tanggulan sa mga
lumusob dito. Noong 1400 B.C.E. napakalakas na mandaragat ang mga
Mycenaean at ito ay nasakop at natalo nila ang Crete. May mga salitang
Minoan ang naidagdag sa wikang Greek. Ang sining ng mga Greek ay
naimpluwensiyahan ng mga istilong Minoan. Ilan sa mga alamat ng
Minoan ay kabilang sa mga kuwento at alamat ng mga Greek.
Walang naiwang mga nakasulat na kasaysayan, hanggang sa
pagsasalin-salin na lamang ang mga kwento ng mga hari at bayaning
Mycenaean ay lumaganap. Sa kalaunan ang mga kuwentong ito ay
naibahagi sa mga tao at sa mga diyos-diyosan. Simula noon ito na ang
sinasabing naging batayan ng mitolohiyang Greek. Dahil sa
pananalakay di nailigtas ang mga pader na kanilang ginawa.
Sa pagsapit noong 1100 BCE,may mga pangkat ng tao mula sa
hilaga ang pumasok sa Greece at tinalo ang mga Mycenaean. Kinilala

8
silang mga Dorian. Samantala, isang pang pangkat ng tao na mayroon
din kaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog ng Greece na
nagtatag sila ng kanilang pamayanan at tinawag itong Ionia. At sila’y
nakilala bilang mga Ionian.
Nararanasan ng mga Mycenaen ang tinaguriang dark age o
madilim na panahon tumagal nang halos 300 taon ang kaguluhan.
Pangkaraniwan na lamang ang digmaan sa iba’t ibang kaharian. Natigil
ang kalakalan, agrikultura, at iba pang gawaing pangkabuhayan pati
ang sining at pagsulat ay natigil din.

Gabay na Tanong:
1. Paano naglaho ang kabihasnang Mycenean?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________.

Aralin 2 - Pagbuo ng klasikong kabihasnang Greece

Ang mga Greek ay nakilala sa kanilang sarili bilang mga Hellenes,


hango sa salitang Hellas na tumutukoy sa kabuuang lupain ng sinaunang
Greece. Ang Panahong Hellenic ay panahon ng pag-unlad ng kabihasnang
Greek na ang yunit ng samahang pampolitika at panlipunan sa Greece ay ang
polis. Ang Polis ay lungsod-estado na karaniwang pinamumunuan ng isang
hari. May pinakatanyag na mga polis ang Athens at Sparta.

Dulot ng mabundok na heograpiya, maliliit at hiwa-hiwalay ang mga


polis, Iba-iba rin ang lawak ng lupain at populasyon ng mga polis
Ang demokrasya o pamahalaan ng marami ay nagsimula sa Athens.

Pag-unlad
Umunlad ang ganitong uri ng pamahalaan sa Athens dulot ng
mga pagbabago na isinagawa nina:
1. SOLON – binigyang diin niya ang karapatan ng pagiging mama-
mayan ang mga mangagawa at nilikha niya ang Council
of 400 na binubuo ng tig-100 kinatawan mula sa pangu-
nahing tribo ng Athens.
2. PISISTRATUS – Ipinagtatanggol niya ang katayuan ng mahihirap.
Ipinamahagi niya ang mga lupain at ari-arian ng
mayayaman sa mahihirap at walang lupa.

9
3. CLEISTHENES – sinimulan niya ang Sistema ng ostracism, na
kung saan palayasin ang sinumang opisyal na sa
kanilang paniniwala ay mapanganib para sa
Athens.
4. PERICLES – Pina-iiral niya ang demokrasya sapagkat kahit ma-
hirap ay maaaring maglingkod sa pamahalaan. Direct
Democracy ang ipinatupad tuwirang nakibahagi ang
Mamamayan sa pamamahala ngunit hindi kabahagi
Ang kababaihan at banyaga. Naging pinuno si Pericles
sa Athens nagpatayo siya ng magagandang gusali
tinawag na Parthenon at nagtatag siya ng imperyong
komersiyal at paglikha ng malalakas na plota sa Me-
ditteranean Sea

Higit na binigyang-halaga ng Sparta ang pagkakaroon ng


malalakas at magagaling na sundalo. Oligarkiya ang naging uri ng
pamahalaan nito, kaya binansagan ang Sparta bilang isang
mandirigmang polis.
Pangunahing layunin nito ay lumikha ng magagaling na sundalo.
Lahat ng mahihinang bata, may kapansanan ay pinapatay tanging
malalakas at malulusog lamang ang pinapayagang mabubuhay. Bahagi
ng pagsasanay, mula 7 taong gulang batang lalaki dalhin na sa kampo
militar isinailalim na sa mahigpit na pagsasanay tulad ng gymnastics
at pagsasanay na militar. Pagsapit ng ika- 20 taong gulang ganap nang mga
sundalo at pwede nang mag-asawa ngunit manatiling manirahan sa mga
kampo militar at maari nang kasapi ng Assembleya at bigyan ng
tungkulin sa pamahalan. Kilala rin ang Athens na isang
Demokratikong Polis naging sentro ng kalakalan.

Ginintuang Panahon ng Athens

Ipinamalas ng Greece ang kagalingan ng kabihasnan nito sa iba’t


ibang larangan:
LARANGAN AMBAG PERSONALIDAD
Matematika Pythagoras
Edukasyon pagbabasa
palakasan at musika
Politika Demokrasya Pericles
Ekonomiya Pagsasaka
Pakikipagkalan
“The Republic” Plato
(aklat)

10
Pilosopiya “Politics”
“Poetic” Aristotle
“Rhetoric”

Thales

(Know Thyself)
Socratic Method Socrates
Sining Estatuwa ni Athena Phidias
Zeus sa Olympia (dakilang iskultor)

Collossus of Chares
Rhodes
Scopas Praxiteles
Iliad at Odyssey Homer (manunulat)
(tula)
Arkitektura Ionian,Doric at
Corinthian (estilo)

Parthenon Ictinus at Calicrates


Ama ng Medisina Hippocrates
Agham
Ama ng Biyolohiya Aristotle
Ama ng Kasaysayan
Kasaysayan “Kasaysayan ng Herodotus
Digmaang Persian”

Anabis Thucydides

Digmaang Kinasangkutan ng Sinaunang Greece

Makailang ulit na tinangka ng Persia na sakupin ang Greece. Sa unang


pagkakataon nagbanta ang Persia hanggang sa umabot sa pangalawang
pagkakataon ang mainit na labanan sa pagitan ng Digmaang Graeco-
Persia(499-479 B.C.E.) naganap ang madugong labanan naganap sa pulo ng
Salamis sa pangunguna ni Themistocles. At tuluyang tinalo ni Pausanias ng
Sparta ang hukbo ni Xerxes ng Persia na anak ni Darius I at inapo ni Cyrus
the Great.Kabilang sa alyansang tuluyang nagpatalo ng Persia ay ang Athens,
Sparta, Corinth at Megara.
Ang Digmaang Peloponnesian ay digmaan sa pagitan ng Athens at
nang mga kaanib nito laban sa Sparta at mga kaalyansa nito. Ang Delian
League(Athens) laban Peloponnesian League(Sparta)

11
Nagtapos ang Panahong Hellenic nang sakupin ni Philip ng Macedonia
ang Greece. Ipinagpatuloy ni Alexander the Great ang pagiging pinuno
pagkatapos namatay ang kanyang ama na si Philip.
Sinalakay niya ang Persia, Egypt at sinakop ang Afghanistan at hilagang
India. Nagtatag siya ng isang imperyo at pinalaganap ang kaisipang Greek sa
silangan.

Alam mo ba kung saan nagmula ang mga salitang ito? Subukin mong piliin

ang tamang sagot mula sa kahon sa ibaba.

GAWAIN : PILIIN MO AKO

Agora Acropolis Polis

Solon Ostracism Tyrant


s

___________________ 1. Mataas na lungsod

___________________ 2. Mapang-abusong pinuno ng pamahalaan

___________________ 3. Pagtatakwil sa isang tao

___________________ 4. Lungsod-estado

___________________ 5. Tagapagbatas

___________________ 6. Pamilihang bayan

Pagkatapos mong nabasa ang teksto ng araling ito, Maaaring ihambing mo


ang iyong mga sagot sa itaas sa nilalaman ng aralin. Mapapansin mo na ang mga
salitang agora, acropolis, metropolis, solon, ostracism at tyrants ay pawang galing
sa sibilisasyong Heleniko.

GAWAIN: IKAW ANG IDOL KO!

Panuto: Isulat ang mga nagawa ng sumusunod na pinuno ng lungsod


estado ng Athens.

Pinuno Pinuno Pinuno


Pinuno

Nagawa Nagawa Nagawa


Nagawa

1. Anong katangiang taglay ang iyong masasabi sa lahat ng namumuno sa

12
lungsod estado ng Athens?
2. Ipaliwanag sa inyong sariling salita ang mga puwersa ng pagkakaisa at
tukuyin kung ito’y nakatulong o nakakasama.

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang pangunahing katangiang pisikal mayroon ang kabihasnang klasiko ng


Greece?
2. Paano sinasanay ang mga batang Spartan upang maging isang dakilang
mandirigma?
3. Bakit tinawag na Ginintuang Panahon ng Athens?
4. Sa iyong palagay, Ano kaya ang pinakamahalagang kontribusyon na higit
nakakatulong sa iyo bilang mag-aaral? Bakit? Patunayan.
5. Ano ang naging epekto sa sinaunang Greece dulot ng mga hidwaan at digmaang
kinasangkutan?

Sanayin Natin
Sa tulong ng Diagram. Paghambingin ang kabihasnang Minoan at
Mycenean. Isulat ang limang katangian ng bawat isa .
Minoan

KATANGIAN KATANGIAN
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
Mycenean

13
GAWAIN: SCRAMBLED LETTERS

Panuto : Buuin ang mga salita sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga titik.


1. EPRICELS - ____________ 11. PHIPOCARTSE - ____________
2. RAPNONTEH - _________ 12. RASOCTES - _______________
3. EHLLSA - ______________ 13. LATPO - ____________________
4. INMOS - _______________ 14. EOLNIADS - ________________
5. RECTE - _______________ 15. OLOSN - ____________________
6. LYOMUPS - ____________ 16. AROAG - ____________________
7. THAENS - ______________ 17. OIGLARIKYA - _______________
8. ONIIAN - _______________ 18. MORHE - ____________________

GAWAIN: INTERCONNECTED RINGS


Panuto: Paghambingin ang dalawang lungsod estado ng Greece. Isulat sa loob ng
rings ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba na katangian.

SPARTA ATHENS

PAGKAKATU
LAD

Tandaan Natin
Punan ng angkop na impormasyon ang chart batay sa paksang tinalakay.

Ang aking mga natutuhan sa araling ito Madali kong naisakatuparan ang mga
ay: gawain tulad ng:
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

14
Ang aking mga tanong sa araling ito ay: Nahirapan ako na mapagtagum-
1. payan ang mga gawain tulad ng:
2. 1.
3. 2.
4. 3.
5. 4.
5.

GAWAIN: COMPLETE IT!

A. Panuto: Kumpletuhin ang salitang tinutukoy. Isulat ang mga tamang letra
sa patlang.

1. __ P __ __ __ A - ang pamayanan ng mga mandirigma


2. A __ __ __ N __ - isang demokratikong polis
3. __ A __ T __ __ __ __ __ - pinakatanyag na templong Greek
4. __ O __ __ __ - isa sa mga istilo ng arkitekturang Greek
5. __ __ L __ N – magaling na lider sa Gresya

B. Isulat ang impormasyon upang makumpleto ang pangungusap.

1. Ang bansang Gresya ay itinuturing na kabihasnang klasikal


sapagkat__________________________________________________.
2. Ang mga polis ay mga lungsod-estado o city-state, tinawag itong
lungsod-estado dahil______________________________________.
3. Nahati ang Greece sa dalawang kampo dulot nang__________.
4. Sa panahon ni Pericles naganap ang _______________________.
5. Nagwakas ang kapangyarihan ng mga Greeks nang_________.

Suriin Natin

Ilarawan sa tatlong pangungusap ang mga bagay na nabanggit sa sibilisasyon


Minoan at Mycenaean kung saan ito ay nakaimpluwensiya sa kanilang pang -araw-
araw na pamumuhay.
1.________________________________________________________________
2.________________________________________________________________
3.________________________________________________________________

15
GAWAIN: Pagsulat ng Sanaysay

Panuto: Magsulat ng isang maikling sanaysay na may temang


“Ang klasikal na kabihasnang Greece at ang makabagong Pilipino”
____________________________________
_____________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Rubriks sa Pagsagot :
➢ Pagkakaroon ng kaugnayan sa paksang pangungusap – 25%
➢ May kaisahan ang isinulat na pantulong na mga kaisipan- 50%
➢ Pagpili ng mga angkop na salita - 25%
100%

Payabungin Natin
Panuto: Isulat sa patlang ang salitang Minoan kung ang pahayag ay
naglalarawan sa sibilisasyong Minoan at Mycenaean kung
naglalarawan sa sibilisasyong Mycenaean.

__________1. Magagaling na mandaragat


__________2. Matatagpuan malapit sa aplaya ng karagatang Aegean
__________3. Tanyag na hari nito si Haring Minos
__________4. Napapaligiran ng makakapal na pader ang lungsod
__________5. Kilala bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang
teknolohiya.

GAWAIN: MAY TAMA KA!

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng tama at isulat
ang MALI kung ito ay nagpapahayag ng mali at ibigay ang tamang
sagot.

_______1. Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa


Peloponnesus.
_______2. Pinalawak ng mga Spartan ang kanilang mga lupain sa
pamamagitan ng pangangalakal sa ibat-ibang panig ng daigdig.
_______3. Ang mga magsasaka mula sa mga nasakop na lugar ay dinadala
sa Sparta upang maging alipin at sila ay tinatawag na Helot.
_______4. Ang pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay
makipagkalakalan.
_______5. Ang mga sanggol na ipinanganak na mahihina ay dinadala sa
paanan ng kabundukang Olympus at inaalagaan doon.
_______6. Sa edad ng pitong taon, ang mga batang lalaki ay dinadala sa
kampo-militar upang sumailalim sa pagsasanay sa serbisyong
militar.

16
_______7. Sa edad na animnapu’t lima. ang mga sundalo ay maaari ng mag-
retiro sa hukbo.
______8. Limitado lamang ang ginagampanan ng mga kababaihang Spartan
sa lipunan.
______9. Ang taga-Athens ang responsable sa pagkakaroon ng pinaka-
mahusay na sandatahang lakas ng hukbo sa buong daigdig.
______10. Ang phalanx ay may labing-anim(16) na hanay ng mandirigma.

Pagnilayan Natin

Mula sa loob ng kahon ay mga ambag ng sibilisasyong Minoan at


Mycenaean.Pumili ng isa na sa palagay mo ay pinakikinabangan hanggang sa
kasalukuyang panahon?Ipaliwanag.

Pangangakal Pangingisda Palakasan


Sining Panitikan

_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________.

GAWAIN: ANG AKING SUPERHERO

Panuto: Pumili ng isang kilalang personalidad na may malaking kontribusyon sa


panahon ng kabihasnang klasiko ng Greece at gawan mo ng isang jingle

Pamagat
________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

17
Rubriks para sa pagsulat ng Jingle
15 10 5
Pagkakabuo Angkop at wasto May iilang salitang Walang
ang mga salitang ginamit na hindi kaugnayan at
ginamit sa angkop at wasto hindi wasto ang
pagbubuo mga salitang
ginamit
Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag
naipahayag ang naipahayag ng nang mabisa ang
mensahe ng jingle mabisa ang nilalaman ng jingle
mensahe ng jingle

Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN Aralin Natin Gawin Natin


NATIN Tanong 1:
1. a A. Nasa guro ang 1. Crete
2. b pagpapasya 2. pakikipagkalakalan
3. b 3. maharlika
4. b Mga gabay na mangangalakal
5. d tanong magsasaka
6. c 1. Sea of Crete alipin
7. c Mediterranean Tanong 2:
8. b Sea sagot: pananalakay ng
9. d 2. Timog mga Dorian
10. d 3. mandaragat
11. b Aralin 2
Aralin 2 Nasa guro ang
12. d
1. acropolis pagpapasya
13. d
2. tyrants
14. c 3. ostracism
15. c 4. polis SURIIN NATIN
5. solon
6. agora Nasa guro ang
SANAYIN NATIN pagpapasya
Nasa guro ang B. Aralin 2
pagpapasya Nasa guro ang
pagpapasya Nasa guro ang
Aralin 2 pagpapasya
TANDAAN NATIN
1. Pericles 11. Hipocrates
2. Parthenon 12. Socrates Nasa guro ang PAYABUNGIN NATIN
3. Hellas 13. Plato pagpapasya
4. Minos 14. Leonidas
18 1. Minoan
5. Crete 15. Solon
Aralin 2 2. Mycenaean
6. Olympus 16. Agora 3. Minoan
7. Athens 17. Oligarkiya
8. Ionian 18. Homer
1. Sparta 4. Doric 4. Mycenaean
Sanggunian

A. Aklat

Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco,


Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, KalennaLorene S. Asis
Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz
Modyul ng Mag-aaral Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig
ph. 133 – 137
Department of Education, K to 12 Most Essential learning
Competencies with corresponding CG codes, 2020,55.
Dr. Sonia M. Zaide ,Workbook ng Mag-aaral Kasaysayan ng Daigdig,
pahina 14 – 15
Eliseo D. Manaay,Jr., Patrocenia D. Taguinod Kasaysayan ng Daigdig,
ph. 109-112, 126
Grace Estela C, Kasaysayan ng Daigdig, Mateo,Phd. ph. 115-123

B. Modyul
Project Ease – Araling Panlipunan III Modyul 4 ph. 14-15

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax:

Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

20

You might also like