You are on page 1of 6

SCHOOL Wakat Elementary School Grade Level THREE

GRADE 1 to 12 TEACHER ARNILYN A. PULLO Quarter 4


DAILY LESSON SUBJECT FILIPINO DATE MAY 24. 2023
PLAN

I. MELCS

A.PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN
(CONTENT STANDARDS)

B.PAMANTAYAN SA PAGGANAP
(PERFORMANCE STANDARDS)

C.MGA KASANAYAN SA Nagagamit ang mga salitang kilos o pandiwa sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang
PAGKATUTO gawain sa tahanan ,paaralan at pamayanan.
(LEARNING COMPETENCIES) F3WG – Ivef – 5
 Natukoy ang mga salitang kilos o pandiwa na ginagamit sa pag-uusap
tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan.
 Nasabi ang mga salitang kilos o pandiwa na ginagamit sa pag-uusap tungkol
sa iba’t ibang gawain sa tahanan.
 Napahalagahan ang paggamit ng mga salitang kilos o pandiwa sa pag-
uusap tungkol sa iba’t ibang Gawain sa tahanan.
II. NILALAMAN
(CONTENT)
SALITANG KILOS/ PANDIWA

III. KAGAMITANG PANTURO


(LEARNING RESOURCES)

A. SANGGUNIAN (References)

1.Mga Pahina sa Gabay ng Guro


Filipino 3, Patnubay ng Guro

2.Mga Pahina sa Kagamitang


Pangmag-aaral MELC, FILIPINO 3 WEEK 3

3.Mga Pahina sa textbook


Filipino 3 Learner’s Material pp.260

4.Karagdagang kagamitan mula


sa portal ng Learning
Resources Larawan mula sa internet,
https://www.youtube.com/watch?v=UF2Ci2ltDKE
https://www.youtube.com/watch?v=ra-DpF67ODw

B. IBA PANG KAGAMITANG


Activity cards, tsarts, flashcards, pictures, video, laptop and telebisyon
PANTURO
IV. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain 1. Panalangin


2. Pagbati

Pangkatang Gawain: Buuin niyo, ang sagot niyo!

B. Balik-aral
Bigyan ang bawat grupo ng tig-isang folder. Ito ay may lamang ginupit na
mga larawan. Kailangan nilang buuin ang mga larawan sa pamamagitan ng
pagtatagpi-tagpi ng mga ito. (mag-unahan sa pagtaas sa nabuo na larawan)

Integration: EsP (Pagsunod sa babala o


paalala sa kalsada/Batas Trapiko.
MELC-Nakatutukoy ng iba’t ibang
paraan upang mapanatili ang kalinisan
at kaayusan sa pamayanan) EsP3PPP-
IIIg-h-12

Anu-ano ang mga larawang inyong nabuo?


Anu-ano ang ipinapakita ng mga larawang inyong nabuo?
Dapat ba nating sundin ang nasa mga babala o paalaala? Bakit?

Integration; HEALTH-(Following Health


Protocols)
MELC-practices safely rules during
school days.H3IS-IV-9
C. Pagganyak Magpapakita ang guro ng isang video na nagpapakita ng tamang paghuhugas
ng kamay.
Integration: HEALTH (Following Proper
Handwashing Ano ang ipinapakita sa video?
MELC-practices safety rules during
school days) H3IS-IV-9 Anu-ano ang ginagawa natin habang nagsasayaw? Ito ba ay nagpapakita ng
kilos at pag galaw ng katawan?
Integration: EsP (paraan ng
pagpapanatili ng kalinisan, kalusugan at Dapat rin ba tayong maghugas ng kamay? Bakit?
pag-iingat sa katawan).

MELC- (Naisakikilos ang paraan ng


pagpapanatili ng kalinisan, kalusugan at Bago tayo magpatuloy sa ating talakayan
pag-iingat sa katawan) EsP3PKP-Id-10
Itatanong ng guro:

Anu-ano ang dapat gawin ng batang mababait sa panahon ng patatalakay?


1. Pagbibigay Pamantayan

Anu-ano ang nasa larawan? Ito ang dapat nating sundin sa panahon sa
pagtatalakay.

Pag-aaralan natin ngayon ang mga Salitang Kilos na ginagamit natin sa


pakikipag-usap.

D. Paglalahad Magpapakita ang guro ng isang dyalogo ng dalawang bata (Sina Jobert at
Sherilin)tungkol sa gawaing bahay at pagkatapos na nag-uusap silang dalawa
ipapakita ito ng guro at babasahin ng mga mag-aaral.
Integration: EsP (Pagtapos ng
mga gawaing bahay) Panuto: Basahin ng mga lalaki ang sinabi ni Jobert at sa mga babae naman
ang kay Sherilin.

MELC-Nakapagpapakita ng Si Jobert at Sherilin


pagsunod sa mga tuntunin at
pamantayan sa tahanan. Sherilin: Magandang umaga Jobert! Anu-anong gawaing bahay ang ginawa
EsP3PKP-Id-e-12 mo kahapon?

Jobert: Naglinis ako sa aming bakuran at nagdilig ng mga halaman.

Sherilin: Ako naman ay nagligpit ng aking higaan, naghugas ng pinggan at


nagwalis.

Jobert: Mabuti at pareho tayong may alam na gawaing bahay.

Sherilin: Tama ka. Dapat may alam tayong mga gawaing bahay para
matulungan natin ang ating mga magulang.

Itanong:

Tungkol saan ang pinag-uusapan ni Jobert at Sherilin?

Ginagawa nyo rin ba ang mga Gawain sa tahanan tulad ni Sherilin at Jobert?
Bakit?

Mahalaga ba ang pagsunod s autos ng mga magulang?


Anu-ano ang mga salitang may salungguhit?
Gawain: # Pipindutin ko, Gagawin mo!

Ang guro ay pipili ng isang mag-aaral at gawin ang nasa video sa screen na
nagsasaad ng kilos o galaw.

E. Pagtatalakay
(Modelling)

Integration: EsP
( Pagtapos ng mga
gawaing bahay)

MELC-Nakapagpapakita
ng pagsunod sa mga Itanong:
tuntunin at pamantayan Anu-ano ang ipinakita sa video o larawan?
sa tahanan) Anu-ano ang mga Gawain sa tahanan na ipinakita?
EsP3PKP-Id-e-12 Ito ba ay nagpapakita ng pagkilos at paggalaw ng katawan?

F. Pagtatalakay ng Bagong Aralin #Hulaan mo, Itaas mo!


(Guided Practice)

Integration: EsP Gawain 2 ( Isahang Gawain)


( Pagtapos ng mga
Papasagutan ng guro ang nasa screen kung ito ba ay salitang kilos o hindi sa
gawaing bahay)
pamamagitan ng pagtawag sa mga mag-aaral ng isa-isa. Itaas ang tsek (/)
kung ito ay salitang kilos at ekis (x) kung hindi.
MELC-Nakapagpapakita
ng pagsunod sa mga
tuntunin at pamantayan
sa tahanan)
EsP3PKP-Id-e-12

Itanong:

Anu-ano ang salitang kilos na nasa larawan?

Ano ang tawag sa mga salitang nagsasaad ng kilos?

G. Paglinang Kasanayan #Basahin mo, piliin mo!


(Independent Practice)
Pasasagutan ng guro sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtawag isa-isa.
Integration: EsP Ang gagawin ng mag-aaral ay basahin,piliin at sabihin ang salitang kilos na
( Paggawa ng mga nasa pangungusap.
gawaing bahay na may
kasiyahan)
1. Tupiin ng maayos ang mga damit.
2. Punasan ang mesa.
MELC-Nakapagpapakita ng 3. Diligan ang halaman.
pagsunod sa mga tuntunin 4. Hugasan ng maayos ang mga pinggan.
at pamantayan sa tahanan) 5. Magwalis sa bakuran ng bahay.
EsP3PKP-Id-e-12

H. Paglalapat Ang guro ay magpapakita ng video ukol sa tamang pagtatapon ng mga


basura.
Integration: EsP ( wastong
Itanong:
pagtatapon ng basura)
Ano ang ipinapakita sa video?
MELC-Nakatutukoy ng iba’t ibang
paraan upang mapanatili ang kalinisan Anu-ano ang mga kilos na ipinapakita sa video?
at kaayusan sa pamayanan) EsP3PPP-
IIIg-h-12 Bakit mahalaga na masunod ang mga tamang kilos sa pagtatapon ng basura?

Magbigay ng halimbawa ng pandiwa o mga salitang kilos.

I. Paglalahat Ano ang pandiwa o salitang kilos?

Bakit mahalaga na maunawaan ang mga salitang nagsasaad ng kilos?

J. Gawain Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong:


(Pagkikilatis)
Basahin ang sumusunod na pangungusap.
Integration: HEALTH
-(Pangangalaga sa sariling 1. Si Trina ay _________ ng masustansyang pagkain.
kalusugan) a. kumakain
b. naglalaro
c. nagtatanim

2. __________ si Isabel bago matulog sa gabi.


a. naglalaba
b. naghihilamos
c. naglalakad

3. Umiinom ng malinis na tubig si bunso. Anong salitang kilos ang


ginagamit sa pangungusap?
a. tubig
b. umiinom
c. malinis

4. Gusto mong umalis ng bahay na protektado. Alin sa pangungusap


ang tamang gawin at may angkop na gamit ng pandiwa?
a. Magsuot ng facemask bago lumabas ng bahay.
b. Ilagay sa bag ang facemask.
c. Umalis sa bahay na walang suot na facemask.
5. Mahalaga ba na maunawaan ang mga salitang nagsasaad ng kilos?
a. Oo, upang masunod ng tama ang mga gawain at tuntunin sa
tahanan.
b. Hindi, sapagkat hindi ako sumusunod sa aking magulang.
c. Hindi, dahil hindi ito mahalaga.

K. Takdang Aralin/Gawain Bumuo ng isang paalaala na gumagamit ng salitang kilos. Isulat ito gamit ang
pangmarka sa isang malinis bondpaper.

Halimbawa:

Magsuot lagi ng Facemask

Prepared by:

ARNILYN A. PULLO
TEACHER III

Checked by:
MANUEL M. PANTALEON JR.
Master Teacher - I

NOTED:

ROGELIO T. ODTOJAN JR.


PRINCIPAL II

You might also like