You are on page 1of 4

SEMI-DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA PILIPINO V

I. Layunin

Pagkatapos ng 40 minuto, ang mag-aaral ay inaasahang:


a. nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan;
b. napahahalagahan ang mga pahayag na opinyon at katotohanan; at
c. nakakalahok sa mga gawain batay sa paksang tinalakay.

II. Nilalaman
Paksa: Opinyon o Katotohanan
Stratehiya: Kolaborasyon at Kooperasyon
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa Katotohanan o Opinyon
Kagamitan: Powerpoint Presentation
Sanggunian: https://youtu.be/w2uNEkYlkdg?si=fTj_MWrf48X890qP

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

A. Panimulang gawain
1. Panalangin
“Magsitayo ang lahat at tayo’y manalangin”
Panginoon maraming salamat po sa araw na ito, patawarin niyo po kami sa
aming nagawan kasal-anan sa isip at sa gawa.
Amen!
2. Pagbati
“Magandang umaga sa lahat”
Bago kayo umupo, ayusin muna ang inyong upuan at manatiling tahimik.

3. Pagtala ng liban sa klase


“Meron bang lumiban sa klase nating ngayon?”
Mahusay! Maganda ang pinapakita ninyo na kayo ay masisipag pumasok at
handing matuto.
At dahil diyan tapikin mo ang katabi mo at sabihin mong “Masaya ako at ikaw
ay naririto”

4. Pamamahala sa silid aralan


“Sa ating klase mayroon tayong mga alintuntunin na dapat ninyong sundin sa klase!
▪ Umupo ng maayos
▪ Tumahimik
▪ Makinig ng mabuti
▪ Ipataas ang kanang kamay kong may katanungan o nais
sumagot

B. Balik aral

Bago tayo magsimula sa bagong talakayin natin ngayon. Naalalala niyo ba ang
huli nating tinalakay? Ano ba ang huling paksang tinalakay natin?

C. Pagganyak

Ang guro ay magpapakita ng sayaw sa tatlong grupo (Akoy’y gising, hindi


tulog, nakikinig, Wow!) Pagalawin natin ang ating katawan.

D. Paglalahad

Sa hapon na ito, ang paksa na ating tatalakayin ay tungkol sa opinyon at


katotohanan.

F. Pagtatalakay

Sa pagpapahayag ng mga argumento, nagagamit natin ang ating mga opinyon


batay sa ating paniniwala o karanasan na maaaring makaantig sa iba. May mga
pahayag namang talagang makatotohanan dahil ito ay napatunayan na ng nakarami.
Ngunit anupaman, kailangan din nating matukoy kung aling pahayag sa argumento
ang opinyon o katotohanan.

Opinyon - mga pahayag ayon sa paniniwala o ideya ng isa o iilang tao lamang
batay sa kanilang karanasan o napapansin sa mga bagay at mga pangyayari sa
paligid na hindi pa lubusang napatunayan at walang mabigat na pruweba o
ebidensya.

Mga pahayag sa ginagamit sa pagbibigay ng opinyon

* Sa aking opinyon * Naniniwala akong

* Sa aking pananaw * Kung ako ang tatanungin

* Sa palagay ko * Para sa akin


* Sa tingin ko * Daw at Raw na idinaragdag

Halimbawa ng opinyon

1. Para sa akin, mas masarap kumain sa Mang Inasal kaysa Jollibee.

2. Sa palagay ko, tama ang aking desisyon na huwag ng magmamahal ulit.

Katotohanan- ay mga tunay na kaganapan, bagay at kaalaman na napatunayan na


ng nakararami o ng siyensya. Ito ay masusing pinag- aralan at napatunayan ng mga
propesyunal at mga eksperto na may mabigat na pruweba.

Mga pahayag na ginagamit sa pag bibigay ng katotohanan

* Mula sa / kay * Tinutukoy na

* Magbaba sa * Pinatutunayan

* Batay sa / Kay

* Ayon sa / kay

Halimbawa ng katotohanan

* Ayon sa Philippine Corona Virus Covid 19 statistic, mayroong mahigit 3 milyong


kompirmadong kaso ng covid 19.

* Ang Valencia City ay kilala bilang the City of Golden Harvest.

* Ang matematika ay isa sa mga asignatura sa elementarya.

F. Pagsasanay

(Ang guro ay magbibigay ng Gawain)

Hahatiin ng guro sa dalawang pangkat ang klase. Sa gawain na ito ay madidibate


ang dalawang pangkat, ang isang pangkat at pag dedebatihan niya ang Opinyon at
ang isang pangkat naman ay katotohanan batay sa nasabing paksa na ibinigay.

Paksa: Pagsusuot ng unipormi sa loob ng paaralan.

G. Paglalapat

(Ang guro ay magbibigay ng Gawain)


Panuto: Basahin ang mga pahayag. Suriin kung ito ay opinyon o
katotohanan. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Ang mga prutas ay may iba’t-ibang bitamina at mineral.


2. Para sa akin, ang pamilya ko ang pinakamasayang pamilya sa mundo.
3. Ang Presidente ng Pilipinas ay si Bong-bong Marcos.
4. May pitong araw sa isang linggo.
5. Para sa akin, mas magandang magtrabaho sa ibang bansa kaysa sa
Pilipinas

H. Paglalahat

Bakit mahalagang matukoy ang katotohanan at Opinyon ng isang tao?

IV. Pagtataya

Panuto: Iguhit ang bulaklak kung ang mga pahayag ay opinyon, star naman kung
katotohanan. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Sa tingin ko mas masaya ang pasko kaysa sa bagong taon.


2. Sa loob ng isang taon merong 365 araw at 12 na buwan.
3. Sa aking pananaw, mas Maganda ako kaysa sa aking kaklase.
4. Si Andres Bonifacio ang ama ng Katipunan.
5. Para sa akin, mas Maganda kapag nakalugay ang buhok kaysa nakatali.

V. Takdang Aralin

Gumawa ng mga statement na naglalaman ng katotohanan at Opinyon. Limang


statement para sa katotohanan at lima rin para sa opinion. Isulat sa isang buong
papel.

Inihanda ni:
Marivel S. Acope
Student Teacher

Observed and checked by: _________________

You might also like