You are on page 1of 8

https://noypi.com.

ph/ibong-adarna-buod-ng-buong-kwento/

Ang Ibong Adarna na sinasabing isinulat ni José de la Cruz ay nakasentro sa isang ibon na
may angking kakayahan na magpagaling ng may sakit sa pamamagitan ng kaniyang awit.
Ipinapakita sa kwentong ito ang mga pagsubok na kayang pagdaanan ng isang tao
alang-alang sa pagmamahal, sa pamilya, at sa taong iniibig.

Ang aklat na Ibong Adarna ay mahaba kung babasahin at kailangang paglaanan ng ilang
oras para matapos. Upang mas mabilis na maintindihan ang koridong ito, ginawa namin ang
pinaikling bersyon ng Ibong Adarna buod ng buong kwento na iyong mababasa sa ibaba.
BUOD NG IBONG ADARNA
Nagkaroon ng malalang sakit ang hari ng Berbanya na si Don Fernando dahil sa isang
masamang panaginip. Nakita niya sa kaniyang panaginip na pinaslang ng dalawang buhong ang
bunso niyang anak na si Don Juan at pagkatapos ay inihulog ito sa balon. Ayon sa isang medikong
paham, tanging ang awit lamang ng Ibong Adarna ang makakapagpagaling ng karamdaman ng hari.

Inutusan ng hari ang panganay na anak na si Don Pedro na magtungo sa bundok Tabor at hanapin
ang puno ng Piedras Platas dahil dito dumadapo ang Ibong Adarna. Nabigo itong mahuli ang Ibong
Adarna dahil naging bato ito nang mapatakan ng dumi ng ibon. Sunod na inutusan ng hari si Don
Diego ngunit nabigo rin ito. Natulad lamang siya sa sinapit ng panganay na kapatid. Huling inutusan
ni Haring Fernando ang paborito niyang anak na si Don Juan. Sa kaniyang paglalakbay ay tinulungan
siya ng isang matandang ermitanyo kaya nailigtas niya ang kaniyang mga kapatid na naging bato.

Nang pabalik na sa Berbanya ay pinagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan. Binugbog
nila ito at iniwang nakahandusay sa daan habang sila ay umuwi sa kaharian dala ang ibong Adarna.
Muling tinulungan ng ermitanyo si Don Juan kaya ito nakabalik sa Berbanya.

Nagalit si Don Fernando nang malaman ang pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego. Napatawad
naman ito ng hari dahil inihingi ito ng tawad ni Don Juan. Dahil sa anking ganda ay nawili ang hari sa
ibon. Sa takot na mawala ang ibon ay inutusan niya ang tatlong anak na magbantay. Nakatulog si
Don Juan habang nagbabantay sa ibon at pinakawalan ng dalawang magkapatid ang Ibong Adarna.
Dahil sa takot na baka maparusahan ng ama ay tumakas ito at naglakbay hanggang sa makarating
sa Armenya upang doon manirahan. Doon ay sinundan naman siya ng kaniyang mga kapatid.

May natuklasan sila doon na mahiwagang balon. Lahat sila ay nagtangkang bumaba ngunit si Don
Juan lang ang nakapagpatuloy hanggang sa pinakailalaim na bahagi. Nang maabot ang kailalimang
bahagi ay natuklasan niya ang isang lugar na malaparaiso sa ganda.

Nakilala niya doon sina Donya Juana at Prinsesa Leonora. Natalo niya ang mga tagapag-bantay ng
mga prinsesa katulad ng higante at serpyente na may pitong ulo. Inilabas niya ang mga ito sa balon
ngunit biglang naalala ni Prinsesa Leonora ang naiwang singsing.
Muling bumalik si Don Juan sa balon upang kuhanin ang singsing. Nang makarating sa baba ng
balon ay pinutol ni Don Pedro ang lubid.

Inutusan ni Prinsesa Leonora ang kaniyang alagang lobo upang iligtas si Don Juan. Nang makaligtas
at gumaling ang kanyang mga sugat ay muling nagkita si Don Juan at ang Ibong Adarna. Inutusan
ng ibon na pumunta ang prinsipe sa Reyno delos Cristales.

Ginabayan siya ng mga ermitanyo at inihatid siya ng isang olikornyo papunta sa reyno. Inabot siya
ng isang buwan sa paglalakbay bago tuluyang makarating sa banyo na paliguan ni Maria Blanca, isa
sa mga prinsesa ng Reyno delos Cristales na anak ng tusong hari na si Salermo.

Doon ay humarap siya sa iba’t-ibang pagsubok ni Haring Salermo upang payagan na mapasakanya
ang anak na si Maria Blanca. Sa huling pagkakataon ay naisahan ng hari si Don Juan. Nalaman ni
Maria Blanca ang plano ng ama kaya tumakas siya kasama si Don Juan. Dahil sa galit ay isinumpa ni
Haring Salermo na makakalimot si Don Juan at pagtataksilan si Maria Blanca.

Nang makabalik sa kaharian ng Berbanya ay nakalimot nga si Don Juan at inibig si Prinsesa Leonora.
Hindi ito matanggap ni Maria Blanca kung kaya’t nagpanggap siya bilang emperatris na panauhin sa
kasal nina Don Juan at Prinsesa Leonora.

Gumawa ito ng paraan upang ipaalala sa prinsipe ang mga pagsubok na napagdaan at ang
pag-iibigan nilang dalawa ngunit nanatiling tapat si Don Juan kay Prinsesa Leonora. Paglaon ay
muling bumalik ang alaala ni Don Juan at humingi ng tawad. Nangako ito na hindi na muli
magtataksil. Ipinamana kay Don Pedro at Prinsesa Leonora ang kaharian ng Berbanya samantalang
si Don Juan at Maria Blanca naman ang namuno sa Reyno delos Cristales.
PAGLINANG SA TALASALITAAN:

PANUTO: Bilugan sa loob ng bawat pangungusap ang dalawang salitang magkasingkahulugan.

1. Laging punong-puno ng kasiyahan at kasiglahan ang aming munting tahanan.

2. Ang buhay ay isang talinghaga kaya malaking palaisipan sa iba kung sa paano iba kung paano ito
patatakbuhin.

3. Ang pagdapo at paghimlay ng ibon sa puno ng Piedras platas ang hudyat ng aking pagkilos.

4. Lunong-luno at hinang-hina siya nang iwan namin sa kanilang bahay.

5. Pawiin ang takot na nararamdaman at alisin ang pagdududa sa iyong mahal upang kasiyahan ay
iyong makamtan.

6. Kalunos-lunos at kahabag-habag ang mga salitang binitawan ng dalaga.

7. Ako po ay hindi masamang tao sapagkat ako ay pinalaking hindi salanggapan ng aking mga
magulang.

8. Ayaw niyang magawis o matalo man lang ng isang dukhang katulad mo.

9. May ligalig na nagaganap sa nayong pinag-iwanan kay Donya Maria at ang kaguluhang ito ay
malinaw na nasaksihan ng donya.

10. Nagsara ang pinto ang mayaman sa mahirap na humihingi ng tulong at nagtikom naman ng
bibig ang mga taong nakasaksi sa pangyayaring ito.

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ilarawan ang mga anak ng hari ayon sa mga sumusunod:


Mga Tauhan Pisikal na Hangarin sa Buhay Pag-uugali
Kaanyuan

2. Sino sa mga pinuno ng bansa ang maituturing mong may pagkakahawig kay Haring Fernando?

3. Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang pag-uugali na dapat taglayin ng isang pinuno?

Isang mabuting tao at marunong mag-patawad.

4. Anong pangyayari sa kwento ang matuturing mong makatotohanan? Bakit?

5. Anong bahagi ng Ibong Adarna ang maituturing mong pinakamaganda? Bakit?

Nung muling bumalik si Don Juan at humingi ng tawad. Nangako ito na hindi na muli magtataksil.

DENOTASYON AT KONOTASYON

Mahalagang malaman ng mambabasa ang kahulugan ng mga salitang ginamit sa akdang


pampanitikan. Ang pagkilala sa mga salitang ginamit sa isang akda ay makatutulong upang
maunawaan ang kabuuang nilalaman ng akda.

DENOTASYON KONOTASYON

Ito ay ang literal o lantarang kahulugan Ito ay ang nakatago at ikinapit na


na taglay ng isang salita. kahulugan o asosasyon sa isang salita.
Mga Halimbawa: Mga Halimbawa:

Bulaklak- bahagi ng halamang Bulaklak- magandang dilag


karaniwang tinutubuan ng buto na siya
naming pinanggagalingan ng Araw- pag-asa
panibagong halaman.

Araw- panahon mula sa pagsikat ng


araw hanggang sa paglubog nito.

PANUTO: A. Ibigay ang kahulugan ayon sa denotasyon at konotasyon ng salita o pariralang may
diin (bold) sa loob ng pangungusap.

Denotasyon Konotasyon

isang mabango na Marikit na bulaklak 1. Ang isang sampaguita ng isang


bulaklak dalaga ay dapat na pakaingatan
upang hindi ito maglaho nang
tuluyan.

2. Naglaho na lamang na parang


bula ang binatang nagpatibok ng
aking puso.

3. Ang tanging nais ko lamang ay


makita ang makukulay na
bahaghari hanggang sa aking
pagtanda.

4. Maraming paruparu ang


naghahangad ng aking pag-ibig
noon ngunit iisa lamang ang aking
minahal.

5. Ang buhay ay parang daan,


minsan bako-bako, minsan naman
ay matuwid.

6. Ako ang ilaw ng aming tahanan


na nangangaakong magbibigay ng
liwanag hanggang ako ay
nabubuhay.

7. Ang tubig na patuloy na umaagos


sa aking mga mata ay tanda ng
aking kalungkutan nang ako’y iyong
nilisan.

8. Kailanman ay hindi nawala ang


tinik sa aking puso.

9. Patuloy na pinaghahanap ng mga


sundalo ang masasamang insekto
na unti-unting sumisira sa ating
lipunan.

10. Mahirap makipagsabayan sa


agos ng buhay.

PANUTO: B. Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng talata. Isulat
sa patlang ang titik ng tamang sagot.
Masaya kong pinakinggan ang (1) nagpapaalala sa aking kabataan.
Noon ay kapiling ko si Inay na matyagang nagbabantay sa aking pagtulog upang ako ay
hindi dapuan ng mga insekto. Habang naglalakbay ang (2) ko sa
panahong iyon, (3) ay bigla na lamang naramdaman. Wala na nga pala
si Inay, ang (4) sa aming tahanan ay kinuha ng Poong Maykapal noon
pang ako ay (5).

Kay saya ng mga panahong si inay ay nariyan. Walang puwang ang kalungkutan
panay (6). Ngunit mula nang siya’y lumisan, ang lahat ay nagbago. Wala
na ang (7) na nagniningning sa aming munting
(8), napalitan nang pamamanglaw. At ngayon, pilit mang pasayahin ng awitin ang aking
nararamdaman, ngunit naroon pa rin ang kalungkutan dahil sa (9)
kay Inay na ngayon ay masayang kasama si Itay dahil lahat kami ay (10)
gaya ng ninais nila.

You might also like