Implasyon LP

You might also like

You are on page 1of 7

DAVAO DE ORO STATE COLLEGE

BANGHAY ARALIN
IKATLONG MARKAHAN

AY 2023-2024
Baitang-9 | 9:00 AM – 12:00 PM

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Ang mga mag-aaral ay

Naipapamalas ng mag-aaral ang


pagunawa sa pangunahing kaalaman
tungkol sa pambansang ekonomiya
bilang kabahagi sa pagpapabuti ng
pamumuhay ng kapwa mamamayan
tungo sa pambansang kaunlaran
PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mga mag-aaral ay

Nakapagmumungkahi ng mga
pamamaraan kung paanong ang
pangunahing kaalaman tungkol sa
pambansang ekonomiya at
nakapagpapabuti sa pamumuhay ng
kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
AP9MAK-IIId-9
Natataya ang mga dahilan sa
pagkakaron ng implasyon
I. LAYUNIN
Oras: 60 minuto
Pagkatapos ng 60 minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga dahilan sa pagkakaroon ng implasyon ;
b. nabibigyang halaga ang pag-aaral sa dahilan ng implasyon sa pamamagitan ng
pagtataya (repleksiyon papel); at
c. nailalahad ang mga dahilan at bunga ng implasyon sa pamamagitan ng paggawa ng skit
at paggamit ng graphic organizer.

II. NILALAMAN

a. Paksa: Implasyon (Dahilan ng Implasyon)

b. Sanggunian: Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery


Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Implasyon Unang Edisyon, 2020
Manunulat: Excel C. Aliawan, Cherry Mae N. Idahosa & Gail L. Mabilog

c. Mga Kagamitan: Mga cartolina, printed maaktibida, karton

d. Value(s): Pagpapahalaga

PANIMULANG GAWAIN

• Panalangin
• Pagbati
• Pagtatala ng mga lumiban sa klase
• Pagbabalik-aral
(Ano ang implasyon?)

III. PAMAMARAAN
PAGGANYAK
Gawain 1: LARAWAN-SURIIN
Magpapakita ang guro ng larawan tungkol sa implasyon.

PAGLALAHAD
Itatanong ng guro ang mga sumusunod na mga katanungan.
1. Ilarawan kung ano ang iyong nakikita.
2. Ano ang ipinahihiwatig ng larawang ito?
3. Batay sa larawan, ano kaya ang kaugnayan ng demand-pull at cost-push sa implasyon?
PAGLALAHAT
Tatalakayin ng guro ang mga dahilan ng implasyon, at ang sanhi at bunga nito.

 Demand Push
 Cost-Pull
Iba pang mga dahilan:
 Pagtaas ng suplay
 Pagdepende sa importasyon para sa hilaw na sangkap
 Pagtaas ng palitan ng peso sa dolyar
 Kalagayan ng pagluluwas (export)
 Monopolyo o Kartel

PAGLALAPAT
Gawain 2: Pangkatang Gawain (Skit o Graphic Orgnizer)

• Ipapangkat ng guro ang klase sa 4, at magpapagawa ng graphic organizer o skit tungkol sa


sanhi ng pagkakaroon ng implasyon ar maaring bunga nito.
• Sa pamamagitan ng apat na kulay sa harap na nagkakaloob ng mga sanhi ng implasyon, dito
pipili ang studyante ng magiging paksa nila.

PAGTATAYA
Gawain 3:
Ang guro ay magbibigay ng maikling pagsusulit sa pamamagitan ng worksheet.
A.Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ito ba ay Demand-pull (DP) o
Cost-push (CP). Isulat ang DP o CP sa patlang. Isulat sa sagutang papel.

1. Katatanggap lang ni Aling Nene ng kanyang Christmas bonus. Agad siyang nagpunta
sa grocery store at halos pakyawin na niya ang paninda doon.
2. Si Mang Juan ay gumagawa ng sinturon. Biglang nagmahal ang mga materyales na
ginagamit niya.
3. Tumaas ang dami ng gustong bumili ng cellphone ngayon dahil sa ito ay nauusong
gadget ng mga kabataan ngayon.
4. Sa kabila ng babala ng DOH ng pagbabawal ng paninigarilyo hindi parin maiiwasan
ang patuloy ng pagtaas ng bilang ng mga taong gumagamit nito.
5. Sa gitna ng mga nararanasan na suliranin natin ngayon na may kinalaman sa
pangkalusugan, nagkakaubusan na ng supply ng face mask sa buong bansa.
6.
B. Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ang mga ito ay dahilan ng implasyon
(DI) o bunga ng implasyon (BI). Isulat ang DI o BI.

1. Ang bahagi ng kinikitang buwis ng pamahalaan ay napupunta sa pambayad utang.


2. Pagpataw ng mataas na interes sa mga pautang.
3. Malaking bahagdan ng mga Pilipino ang walang kakayahang makabili ng mga
produktong kailangan nila sa araw-araw.
4. Paglaki ng bilang ng mga mag-aaral na hindi na kayang pag-aralin ng kanilang mga
magulang.
5. Nagkaubusan ng ilang produkto sa pamilihan dahil mas pinipili ng mga negosyante na
iluwas (export) ang mga ito.
6. Umaasa sa importasyon ang mga nagmamanupaktura ng mga produkto para sa hilaw
na sangkap.
7. Tumataas na palitan ng piso at dolyar.
8. Kulang ang mga pumapasok na dolyar sa bansa kaya bumaba ang halaga ng piso at
tumataas din ang presyo ng mga produkto.
9. Tumaas ang presyo ng mga sangkap na ginagamit sa pagbuo ng produkto kaya tumaas
din ang presyo nito.
10. Pagdami ng bilang ng mga monopolista ng mga produkto ng kartel sa bansa.

C. Gumawa ng repleksiyon papel tungkol sa dahilan ng implasyon at kung paano mo ito


matutugunan.

KASUNDUAN
Magsaliksik tungkol sa epekto ng implasyon.

Inihanda ni:
BB. AUBREY JANE B. BACARON
Mag-aaral

You might also like