You are on page 1of 1

Magandang araw sa inyong lahat, Isang taos pusong pagbati

sa inyong lahat sa pagtatapos ngayong taon.


Narito ako sa inyong harapan upang pasalamatan ang Caritas sa walang
sawang pagsuporta sa mga kabataang nais makamit ang kanilang mga
pangarap. Isa ako sa mga magulang na mapalad dahil sa kasipagan ng
aking mga anak sa pagsisilbi sa simbahan ng 14 years kasama ang
kanyang ate. Lagi ko sinasabi na okay lang umuwi ng gabi ang aking
anak basta alam kong sa simbahan sila panatag ako. Ang laking amabag
ng simbahan sa aking mga anak espirituwal man at kanilang
personalidad. Ang caritas po ay tumulong din sa aking unang anak
noong High school pa lamang sya at taos pusong ipagmamalaki sa inyo
na sya ay nakatapos ng Accountancy sa TIP noong 2014 at ngayo’y nasa
ibang bansa na, Ikalawa ang aking bunsong anak na kanina ay nagsalita
sa inyong harapan ay nakapagtapos na rin. Ang mga anak ko ay
nakapagtapos Dahil sa tuylong caritas at bilang ganti sa kanilang
mabuting pagtulong kahit na nakagraduate na sila ay patuloy pa rin ang
kanilang pagsisilbi sa simbahan.
Ang aking maipapayo lamang sa inyo ay kahit kayo ay nakagraduate na
Nawa’y ipagpatuloy nyo parin ang pagsisilbi sa simbahan hindi nyo man
nakikita ang ganti ng panginoon sa inyo ay mararamdaman nyo ito sa
inyong buhay. Maraming salamat at Pagbati muli sa inyong pagtatapos.

CHERYLYN URETA

You might also like