You are on page 1of 2

Pangalan:

Baitang at Pangkat:
Panuto: Tukuyin kung kaninong programa ang mga sumusunod na proyekto sa ibaba.
Isulat ang A kung kay Ramos, B kung kay Estrada, C kung kay Arroyo, D para sa
proyekto ni Aquino at E naman kung ito ay program ani Duterte.

______1. Pagpapaunlad ng Sistema ng paniningil ng buwis upang mas kumita ang


pamahalaan mula rito at magamit sa mga mamamayan at mga proyekto.
_______2. Pagkakaloob ng scholarship sa mga mag-aaral sa mga unibersidad at
kolehiyo.
_______3. Nagdagdag ng 2 taon sa highschool upang mas malinang ang kalidad ng
edukasyon sa bansa.
_______4. Upang mapababa ang bilang ng mga mahihirap ay ipinatupad niya ang
Pantawid Pamilya Program.
_______5. Paglikha ng taunang trabaho na hindi bababa sa 1.7 milyon
_______6. Pagpapaunlad ng agribusiness sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga
magsasaka at pagpapaunlad sa dalawang milyong ektaryang lupa.
_______7. Ipinakilala ang Angat Pinoy lalo para sa mga mahihirap.
_______8. Tinulungan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng programa direkta para
sa kanila (MAGSASAKA)
_______9. Nais maging Tiger Economy ang bansa
_______10. Pagyaya sa mga foreign investors mula sa madalas niyang pagbiyahe na
nagpakilala rin ng programang Pilipinas 2000.

Sa Mathematics, inyong mapag-aaralan ang tungkol sa Angles of Elevation and


Depression. Ipinapaliwanag doon ang pagtingin sa datos ayon sa patag na linya o
horizontal line. Ginagamit natin ang angle of elevation kung sinusukat natin ang isang
bagay mula sa “floor” or sa ground samantalang ang angle of depression naman ay
kung sumusukat ka mula sa itaas o sa “ceiling”.

Sa nakaraang aralin ukol sa implasyon, natutunan natin ang tungkol sa ceiling


price at floor price. Paraan ito upang makontrol ng pamahalaan ang presyo sa
pamilihan mula sa posibleng pagmamalabis ng prodyuser. Makikita natin na ang mga
prodyuser ay maaaring magtaas ng presyo (Angles of elevation) kung nakatingin sila sa
mababa at may layunin na pataasin ang presyo bunsod ng mga salik tulad ng hilaw na
sangkap, bayad sa manggagawa, gastos sa transportasyon ng produkto.

Sa pananaw kung bakit nagtatakda ng floor price ay maiuugnay natin ang angle
of depression na dahil nasa mababang antas ang kakayahan ng ating pera gayundin
ang mababang sahod, hindi na dapat pang dumagdag ang pagtaas ng presyo ng bilihin.
Mula sa pagkukumparang ito, tukuyin kung ang sitwasyon sa ibaba ay magreresulta sa
elevation o pagpapataas ng presyo, isulat ang E kung makaaapekto sa pagbaba, at
isulat naman ang D.
_______11. Nagkaroon ng African Swine Flu outbreak sa maraming probinsya na
pinanggagalingan ng suplay ng baboy.
_______12. Dahil sa mataas ng demand ng facemask, maraming suplay mula sa ibang
mga bansa ang nagbagsak ng kanilang produkto sa pamilihan kaya
maraming pagpipilian ang mga tao.
_______13. Nagkaroon ng pagpapatupad ng pagtaas ng 1.25 na karagdagang presyo
ng langis.
_______14. Ipinatupad ng pamahalaan ang prize freeze sa mga karne na ibinibenta sa
pamilihan.
_______15. Nagkaroon ng malakas na bagyo at labis na naapektuhan ang mga
pananim na dapat ay aanihin na ng mga magsasaka para maibenta.

You might also like