Mula kay: Sampayan, Jessa Mae M., May-ari ng Kompanya
Petsa: Enero 04, 2024
Paksa: Pagsagawa ng Employee Training
Ang memorandum na ito ay naglalayong ipaalam sa lahat ng
kawani hinggil sa darating na pagsasagawa ng training para sa lahat ng empleyado. Alin sunod sa aming mga layunin na mapabuti ang kasanayan at kaalaman ng aming mga kawani, ipatutupad ang isang buwang training program simula Enero 08, 2024.
Ang training ay magaganap sa loob ng oras ng trabaho at hindi
makaaapekto sa regular na oras ng bawat kawani. Ang mga kawani ay inaasahang makikilahok sa lahat ng sesyon ng training batay sa kanilang mga tungkulin. Ang mga supervisor ay inaasahang magbibigay ng suporta at tatangkilikin ang kanilang mga kawani sa buong panahon ng training. Ang mga kawani ay inaasahang maging bukas sa pagsusuri at pagsasanay.
Sa pamamagitan ng training na ito, inaasahan namin na mapalakas
ang kasanayan ay kakayahan ng bawat kawani, na naglalayong mapabuti ang kabuuang kakayahan ng kumpanya. Nagpapasalamat kami sa inyong kooperasyon at pag-unawa sa mga darating na pagbabago. Para sa mga katanungan o karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnay sa Human Resource.