You are on page 1of 2

College of Education

FIL 103- Panitikan ng Rehiyon


Ulat sa
[YUNIT- II: Anyong Tuluyan at ang mga Halimbawa]
Shanly B. Astorias

Alamat
Ang Alamat ay isang uri ng tuluyang ang mga pangyayari ay likhang isip lamang at hindi
totoo sa tunay na buhay. Karaniwan na ang paksa’y nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang
bagay, kalagayan, pook at katawagan. Ang halimbawa ng Alamat ay “ Alamat ng Lansones”
at “Alamat ng Bundok Makiling”.

Sanaysay
Ang sanaysay ay pagpapahayag ng kurokuro o opinion ng may akda tungkol sa isang
suliranin o pangyayari. Ito’y isang paglalahad at may dalawang uri.
(1) Pormal na Sanaysay- Ang paksa nito’y hindi karaniwan at kailangan ang matiyagang
pag-aaral at pananaliksik ng sulat.
(2) Impormal na Sanaysay- Ang mga paksa ng impormal na sanaysay ay yaong mga
karaniwan lamang at hindi na nangangailangan ng lubusang pag-aaral upang makasulat ng
ganitong uri ng sanaysay. Kadalasan ng mga paksa’y hugot sa karanasan ng sumulat, dili
kaya’y bunga ng kanyang obserbasyon o pananaw.

Talumpati
Ito’y isang akdang pampanitikang ang layunin ay bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
Ang mga layunin ng talumpati ay humikayat, magpaliwanag, magbigay ng impormasyon,
mangatuwiran at magbigay ng opinion o paniniwala.

Balita
Ito’y isang paglalahad ng mga pang- araw- araw na pangyayari sa Lipunan, pamahalaan,
paaralan, sa mga sakuna, sa industriya, sa agham at sa mga iba’t – ibang paksa sa buong
bansa at sa ibayong dagat man.
College of Education
Talambuhay
Ang talambuhay ay kasaysayan ng buhay ng isang tao, Ito’y may dalawang uri.
(1) Talambuhay na Pansarili- Ang may akda ang sumulat ng kanyang sariling buhay,
ngunit sa kanyang kamatayan ay iba na ang magtatapos.
(2) Talambuhay na Paiba- Ito’y kasaysayan ng buhay ng isang taong sinulat ng iba.

Sangunian:
Lalic,Erlinda D. et al.

You might also like