You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Kidapawan City Division
J.P. Laurel Corner Quirino Street, Kidapawan City
Paaralan GINATILAN-NHS Baitang 10

Guro/ JAYPEE THYMOTIE S. Asignatura ARALING PANLIPUNAN


CONTINEDO

Petsa/Oras Markahan IKATLO

I – Layunin

A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay nakakagawa ng mga


Pangnilalaman malikhaing hakbang na pagsusulong ng
pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian
upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng
mga tao bilang kasapi ng pamayanan.

B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga


Pagganap epikto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan
sa kasarian at lipunan upang maging aktibong
tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at
paggalang sa kapwa bilang kasapi ng
pamayanan.

C. Mga Kasanayan sa Nasusuri ang diskriminasyon sa kababaihan,


Pagkatuto kalalakihan at LGBT (Lesbian, Gay, Bi-sexual,
Transgender)
(Isulat ang code ng bawat
kasanayan}

D. Tiyak na Layunin: Natutukoy ang diskriminasyon sa kababaihan,


kalalakihan at LGBT (Lesbian, Gay, Bi-sexual,
Transgender)

II. NILALAMAN
Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT
III. KAGAMITANG PPT, Mga larawan mula sa internet
PANTURO

A. Sanggunian

1. Mga pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa AP10 Learner’s Module, Pahina 285-286
Kagamitang
Pang-Mag-aaral

3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
IV. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa 1. Sino ang mag asawang nagtungo sa rehiyon ng


nakaraang aralin o Sepik sa Papua New Guinea?
pagsisimula ng
bagong aralin 2. Sa kanilang pananatili sa New Guinea ano ang
tatlong kultura na kanilang pinag-aralan?

B. Paghahabi sa May larawan na ipapakita sa mga mag-aaral na


layunin ng aralin may kinalaman sa paksa sa araw na ito.

C. Pag-uugnay ng mga Batay sa larawan, ano ang inyong napansin?


halimbawa sa
bagong aralin
D. Pagtalakay ng Papangkatin sa tatlo ang klase, bawat pangkat ay
bagong konsepto at bibigyan ng kaukulang tahas.
paglalahad ng
bagong kasanayan Pangkat A. LGBT
#1 Pangkat B. Babae
Pangkat C. Lalaki

(Isusulat lamang ng mga miyembro ng bawat


pangkat ang mga trabahong sa tingin nila ay
angkop sa napili o naitalagang paksa.)
Pamantayan:
Pagpapaliwanag 10 puntos
Nilalaman 10 puntos
Kooperasyon 10 puntos
Kabuuhan 30 puntos

E. Pagtalakay ng Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT


bagong konsepto at
paglalahad ng Sa bahaging ito ng aralin makikilala mo ang
bagong kasanayan ilang mga babae, lalaki at LGBT na kilala sa iba’t
#2 ibang larangan sa bansa at maging sa buong
mundo. Maaari ring mangalap ng iba pang
impormasyon tungkol sa mga personalidad na ito
upang mas malawak na makilala ang kanilang
buhay bilang myembro ng lipunan, bukod sa mga
personalidad na ito inaasahan din na magsaliksik
ang mag-aaral ng iba pang mga personalidad na
kinikilala sa kanilang larangan.

ELLEN DEGENERES (lesbian)


Isang artista, manunulat, stand-up comedian at
host ng isa sa pinakamatagumpay na talk- show
sa Amerika, ang “The Ellen Degeneres Show”.
Binigyang pagkilala rin niya ang ilang Pilipinong
mang- aawit gaya ni Charice Pempengco

TIM COOK (gay)


Ang CEO ng Apple Inc. na gumagawa ng iPhone,
iPad, at iba pang Apple products. Bago mapunta
sa Apple Corporation nagtrabaho rin si Cook sa
Compaq at IBM, at mga kompanyang may
kinalaman sa computers.

CHARO SANTOS-CONCIO (babae)


Matagumpay na artista sa pelikula at telebisyon,
nakilala siya sa longestrunning Philippine TV
drama anthology program Maalaala Mo Kaya,
simula pa noong 1991. Siya ay nagging
presidente at CEO ng ABS-CBN Corporation
noong 2008-2015.
DANTON REMOTO (gay)
Isang propesor sa kilalang pamantasan,
kolumnista, manunulat, at mamamahayag.
Nakilala siya sa pagtatag ng Ang Ladlad, isang
pamayanan na binubuo ng mga miyembro ng
LGBT.

MARILLYN A. HEWSON (babae)


Chair, Presidente, at CEO ng Lockheed Martin
Corporation, na kilala sa paggawa ng mga armas
pandigma at panseguridad, at iba pang mga
makabagong teknolohiya. Sa mahigit 30 taon
niyang pananatili sa kumpanya, naitalaga siya sa
iba’t ibang matataas na posisyon. Taong 2017
siya ay napabilang sa Manufacturing Jobs
Initiative sa Amerika.

CHARICE PEMPENGCO (lesbian)


Isang Pilipinang mang-aawit na nakilala hindi
lamang sa bansa maging sa ibang panig ng
mundo. Tinawag ni Oprah Winfrey na “the
talented girl in the world.” Isa sa sumikat na awit
niya ay ang Pyramid.

ANDERSON COOPER (gay)


Isang mamamahayag at tinawag ng New York
Time na “the most prominent open gay on
American television.” Nakilala si Cooper sa
Pilipinas sa kaniyang coverage sa relief
operations noong bagyong Yolanda noong 2013.
Kilala siya bilang host at reporter ng Cable News
Network o CNN.

PARKER GUNDERSEN (lalaki)


Siya Chief Executive Officer ng ZALORA, isang
kilalang online fashion retailer na may sangay sa
ingapore, Indonesia, Malaysia, Brunei, the
Philippines, Hong Kong, at Taiwan.

GERALDINE ROMAN (transgender)


Kauna-unahang transgender na miymebro ng
Kongreso. Siya ang kinatawan ng lalawigan ng
Bataan. Siya ang pangunahing taga-pagsulong ng
Anti -Discrimation bill sa Kongreso.

F. Paglinang sa Opinyon At Saloobin, Galangin!


Kabihasaan
(Tungo sa Formative Sa parehas na pangkat, kayo ay bibigyan ng
Assessment) pagkakataong makipanayam ang ibang grupo
upang alamin ang kanilang opinyon at saloobin sa
mga karapatan ng mga LGBT. Matapos ang
panayam, ibahagi ang resulta sa inyong pangkat.
Ang mga ito ay binubuo ng mga babae, lalaki at
LGBT.

Pamantayan:
Pagpapaliwanag 10 puntos
Nilalaman 10 puntos
Kooperasyon 10 puntos
Kabuuhan 30 puntos

G. Paglalahat ng Aralin 1. Paano mo pinili ang mga taong iyong


nakapanayam?
2. Naging madali ba sa kanila na sagutin ang mga
tanong?
3. Ano kaya sa tingin mo ang dahilan ng
pagkakaiba-iba ng kanilang mga sagot?

H. Paglalapat ng aralin May pagkakaiba ba ang resulta ng iyong


sa pang-araw araw panayam sa resulta ng iyong mga kamag- aral?
na pamumuhay Ibigay kung mayroon.

I. Pagtataya ng Aralin Sa isang ¼ na papel, sagutin at suriin ang tanong.


1.Siya ang CEO ng Apple Inc. na gumagawa ng
iPhone, iPad, at iba pang Apple products.
a. DANTON REMOTO
b. CHARICE PEMPENGCO
c. TIM COOK
d. CHARO SANTOS-CONCIO
2. Sino Pilipinang mang-aawit na nakilala hindi
lamang sa bansa maging sa ibang panig ng
mundo. Tinawag ni Oprah Winfrey na “the
talented girl in the world.” Isa sa sumikat na awit
niya ay ang Pyramid.
a. DANTON REMOTO
b. CHARICE PEMPENGCO
c. TIM COOK
d. CHARO SANTOS-CONCIO
3. Siya ay nakilala sa pagtatag ng Ang Ladlad,
isang pamayanan na binubuo ng mga miyembro
ng LGBT.
a. DANTON REMOTO
b. CHARICE PEMPENGCO
c. TIM COOK
d. CHARO SANTOS-CONCIO
4. Bakit mahalaga ang pakikilahok natin bilang
isang indibidual laban sa diskriminasyon sa
kasarian?
a. Dahil sa kagustuhan ng mga kalalakihan na
maging hero ng kasarian
b. Upang makamtan ang pantay-pantay na
karapatan para sa lahat
c. Para mabawasan ang kanilang responsibilidad
sa lipunan
d. Dahil ito ang ipinag-uutos ng batas sa ilalim ng
gender equality act
5. Ano ang pinakamainam na paraan para
labanan ang diskriminasyon sa kasarian sa
kumunidad?
a. Pagsasagawa ng mas maraming seminar ukol
sa kasarian
b. Pagpapatupad ng mas mahigpit na patakaran
laban sa diskriminasyon
c. Pagbibigay ng dagdag na benepisyo sa isang
kasarian
d. Pagsuspinde ng mga taong nahuling nagdi-
diskrimina
J. Takdang Aralin Panuto: Sa isang ½ na papel, magbigay ng mga
bagay na tungkol kay Malala Yousafzai.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral
na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan
ng iba pang Gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial?Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ng aking
nadibuho na nais
kong ibahagi sa
mga kapwa ko
guro?

Petsa: ___________________ Iniwasto: VENUS T. CARBON

You might also like