You are on page 1of 32

I.

Kabanata I
I.1. Panimula
Ang sex education ay isang pag-aaral tungkol sa mga isyu tungkol hinggil sa
sexualidad ng tao, importansya at kahalagahan nito. Ang sex education ay isang pag-
aaral tungkol sa mga isyu tungkol hinggil sa sexualidad ng tao, importansya at
kahalagahan nito. Ang sex education ay ang pagtuturo ng pribado tungkol sa
pakikipagtalik tinatalakay din dito ang mga makukuhang sakit sa sobrang
pakikipagtalik o sanhi ng maling pakikipagtalik. Ang ugat ng sex education ay ang
pre-marital sex ay isang uri ng sexual intercourse na kinasasangkutan ng isang tao o
mga taong hindi pa naikasal ito ay pangkalahatang katawagan na pangtukoy sa mga
kabataan na ikakasal din naman balang araw. Subalit maagang nasasangakot sa isang
sexual na aktibidad bago pa man din sa tamang panahon. Mayroon itong iba't-ibang
epekto sa piling mag aaral ng sekondarya kung saan maaring maging maganda o
hindi ang kalabasan.

Marami ngayon sa mga kabataan ang nasasangkot sa " premarital sex " na naging
dahilan ng maagang pagbununtis dahil sa kawalan ng sapat na kaalaman tungkol sa
sex education. Ayon sa isang artikulo sa pahayagang Abante noong ika-4 ng Abril
2003, ang sex education ang susi sa pag-iwas sa maagang pag-talik, pagbubuntis ng
dalaga at pagpapakasal. Hindi totoong mas magiging mapusok ang kabataan kapag
natutunan ang ukol sa pag tatalik. Sa pag-aaral na ito natatalakay ng maigi ang mga
negatibong epekto ng mga sitwasyong ito sa mga kabataan. Nabibigyan ng
kapangyarihan ng kaalaman ngkabataan at ito ang gumagabay sa kanila tungo sa
responsableng aksyon. Sa kadahilanang may magiging malaking epekto ito sa mga
mag aaral nais naming malaman ang iba't-ibang persepsyon ng mga kabataan tungkol
sa malawak na na usapin ng sex education.
I.2. Batayang Teyoretikal
Marami nagayon sa mga kabataan ang nasasangkot sa premarital sex na nagiging
dahilan ng pagbubuntis dahil sa kawalan ng sapat na edukasyon ang Pilipinas tungkol
sa sex. Ayon sa pahayagang abante noong 2003, april 4, ang "sex education" ang susi
sa pagiwag sa maagang pagtatalik, magbubuntis at pagpapakasal.

Sa pahayag ni Maci Norenz Golez Ilicito, ibat ibang kahulugan ang ibinibigay ng
ibat ibang sector sa sex education para sa mga pilipinong guro, ito ay intsruksyon at
pagsasanay tungkol sa sex at sexualidad upang matutulungan ang mga kabataan na
makabuo ng ng mabuting pananaw tungkol sa sex (fontanilla, 2003) Ang sex
education ay pinaniniwalaang mahalaga dahil sa mga isyung bumabagabag sa lipunan
lalo na sa maagang pakikipagtalik at pagbubuntis ng mga kabataan lalo na sa mga
estudyanteng pang sekundarya. Ayon sa young adult fertility and sexuality study
(YASF3), ang mga trend sa PMS at pagbununtis ng kabataan ay lumaku mula noong
1994 hanggang 2002. Ayon kay Batangan et al (2001)pormal na sex education ay
dapat na magsimula sa oras na nag matured na ang magaaral. Samantala sa pahayag
naman nina Henrick Apuyan, Dave Balabat, Carl Corarchea at Jeko Remonte ay mas
tumaas ang bilang ng kabataang babaeng pilipino nay may edad 11-14 ang maagang
pagbubuntis dahil sa kakulangan sa sex education.

Ayon kay Dr. Lulu Marquez, mahalagang matalakay sa bahay pa lamang ang
tungkol sa sex education dahil base sa datos sa mga kaanak parin kumukuha ng
impormasyon ang mga teenagers tungkol sa ganitong usapin.

Layunin ng DepEd na palalimin pa ang ang pagtuturo sa sex education sapagkat


tinututukan nila ang tungkol sa teenage pregnancy na ngayon ay isa sa mga dapat
bigyan ng atensiyon at solusyon kung paano ito mapipigilan ang paglaganap.
I.3. Konseptwal na Balangkas
Naisagawa ang pananaliksik sa konseptong nais bigyang kasagutan ng mga

mananaliksik ang isang katanungan na tumutukoy sa mga persepsyon ng mga

kabataan hinggil sa Sex Education. Ang batayang konseptwal na ito ay magpapakita

ng sistematikong pananaw sa naging daloy ng pananaliksik.

Pinagbabatayan Pamamaraan Kinalabasan ng Pag-aaral

1. Sino-sino ang mga partikular na


respondante:
1.1 Studyante mula sa ikapitong 1. Pagsusumite at pagpapasagot
Maing bukas at maging
baitang hanggang sampu ng mga talatanungan o
1.2 Kasarian at edad gaya ng malawak ang isipan o persepyon
babae at lalaki na umaabot ng 12-16 surbey.
na edad 2. Pananaliksik ng mga datos. ng mga magaaral may
2. Ang mga pinagdadaanang karanasan 3. Pakuhang buong resulta ng
ng mga estudyante kung bakit sila kaugnayan ang mga partikular na
nakikipagtalik. mga taong sumangayon at
2.1 Maging tama ang pananaw hindi sumang-ayon. respondante.
nila sa paksa
2.2 Maaakit sila upang subukan
ito.
2.3 Para maiwasan ang
pagkakaroon ng maduming isipan.
2.4 Upang magabayan at i-tama
ang pagkakaintindi ng mga
estudyante
3. Ang mga Pinagdadaanang
karanasan ng mga estudyante kung
bakit sila ay nakakagawa ng mali na
sa pananaw nila ay tama.
3.1 Kuryosidad
3.2 Pagiging malaya
3.3 Walang sapat na patnubay o
gabay ng mga magulang
3.4 Pagiging mapusok
I.4. Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral ito ay pinili ng mga mananaliksik upang malaman ang persepsyon
ng mga kabataan hinggil sa Sex Education sa piling mag-aaral ng Sekondarya sa
Saint John Parocial School.

Ang pananaliksik na ito ay tugon sa mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang demograpikong profayl ng mga respondante:


1.1. Edad
1.2. Kasarian
1.3. Baitang
2. May kaugnayan ba ang demograpikong profayl ng mga respondent sa pag-
aaral ng sex education?
3. Nalalaman ba nila ang mga maaaring epekto nito sa buhay nila?
4. Sapat ba ang paggabay at patnubay na ginagawa ng mga magulang sa kanilang
anak?
5. Sapat na ang pansin na ibinibigay ng gobyerno sa problemang ito?

I.5. Kahalagahan ng Pag-aaral


Ang pagsasaliksik na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral dahil
mag bibigay ito ng kaalaman tungkol sa usaping sex o anu pa mang may kinalaman
dito.

I.6. Saklaw at Limitasyon


Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang persepsyon ng mga kabataan na nasa edad 13
hanggang 16 tungkol sa Sex Education. Layunin din nito na mapatupad ito sa buong
Pilipinas upang mabigyan ng solusyon o mabawasan ang patuloy na pagtaas ng
maagang pagbubuntis ng mga kabataan. Ginamit sa pag-aaral na ito ang ilang piling
mag-aaral ng sekondarya sa Saint John Parocial School.
II. Kabanata II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-
AARAL
Makikita sa kabanatang ito ang mga publikasyong may kinalaman sa pananaliksik
na ito, kasama na ang mga pahayagan, aklat, web page, gayundin ang ibang mga
kaugnay na pag-aaral tulad ng tesis at disertasyon at iba pang sanggunian na
magagammit na batayan sa pagsusuri.

II.1. Mga Kaugnay na Literatura


İsa ang Pilipinas sa mga bansang may malaking populasyon at sa pagdaan ng
panahon ay patuloy ang paglobo nito. Ayon sa census, an g populasyon ng Plipinas
noong taong 2000 ay nasa 76.50 milyon at umabot ito ng 88.57 milyon ng taong
2007. İsang salik nito ay ang pabilang ng mga kaabataan sa “Premarital Sex” o ang
pakikipagtalik ng hindi pa kasal ng hindi gumagamit ng artipisyal na family planning,
naging sanhi nito ay ang maagng pagbubuntis ng mga babae na nasa edad pa lamang
na 13-16 taong gulang. Naging malaking suliranin ito sa ating populason at sa
pagdaan ng panahon ay ang pagtaas pa ng porsyento nito. Ang maagang pagbubuntis
ng kabataan ay masasabing isang malaking suliranin ng bansa dahil sa patuloy na
paglaganap ng populasyon ng mga kabtaang maagang nabubuntis ayon kay Creer,
Veronica P.

Ayon sa mga pag-aaral, isang importanteng dahilan na dapat pagtuunan ng pansin


sa maagang pagbubuntis ng kabataan ay ang ”mass media”. Ayon naman sa ”2002
Young Adult Fertility and Sexuality”, isang pag-aaral ang ginawa ng University of the
Philippines at Demographic Research and Development Foundation, 26% ng mga
kabataang Pilipino na may edad 14 - 18 ang nag sabing nagkaroon na sila ng pre-
marital sex habang 38% ng mga kabataan naman ang nag sabing sila ay nasa live
arrangement. Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging ”conservative” o mahinhin
kumilos ngunit masasabi ba nating totoo ito kung karamihan sa nasa murang edad na
babae ay nabubuntis na at napabilang na sa pre-marital sex, kalimitan sa mga babaeng
ito ay ni hindi man lang napanagutan sa kadahilanang walang sapat na kaalaman ang
ama ng kanilang dinadala. Ang kawalan ng kaalaman ng mga kabataan tungkol sa
usaping ito ang nagdudulot ng malaking suliranin sa kabataan sa panahon ngayon.
Ayon kay Maylewe Mariano, kung dito sa Pilipinas pagbabasehan, mataas ang
porsyento ng pre-marital sex kung saan isa sa apat na Pilipino na edad 15 – 24 ang
nasasangkot dito.

Ang kakulangan ng mga kabataan tungkol sa pag-aaral sa mga isyu tunngkol sa


sexualidad ng tao, importansya at kahalagahan nito ay malaking suliranin hindi lang
dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang sulok ng mundo. Isa na sa mg isyung
kabilang dito ay “teenage pregnancy” o maagag pagbubuntis ng mga babae sa edad
12 hanggang 19, ito ay suliranin ng Pilipinas maging ng ilang ibang bansa. İsa sa mga
maituturong dahilan ng maagag pagbubuntis ay kawalan ng sapat na kaalaman ng
mga kabataan tungkol sa pakikipag talik.

A. Sanhi ng maagang pagbubuntis

Isa sa mga dahilan ng pagbubuntis ng mga batang babae ay ang kanilang


kakulngan sa kaalaman tungkol sa pagtatalik. Partikular sa pilipinas, ang
pagtuturo ng sex education sa mga paaralan ay isang isyu na patuloy na
pinagdedebatihan. Bagamat malakas ang panawagan ng ibat ibang sektor ng
lipunan para sa sex education. Ang simbahang katoliko at ibang konserbatibong
grupo ay mahigpit itong tinututulan. Dahil likas na konserbatibo ang mga pilipino,
ang sex ay isang paksa na hindi napag uusapan ng magulang at anak. Dahil dito,
hindi ma magagabayan ng mga magulang ang mga anak lalo na sa panahon ng
puberty kung kailan ang mga kabataan ay likas na interesado at mapusok sa mga
bagay na patungkol sa sex.

B. Pagtuturo ng Sex Education sa High School at Elementarya sa


Pilipinas

Manila Philippines - nais ng Alliance of Concerned Teachers na aprubahan ng


Department Of Education na isama bilang aralin sa high school at elementarya
ang sex education Sinabi ni Act Chairman Antonio Tinio, na sa pamamagitan nito
ay mabubuksan ng tama ang kuryosidad ng mga kabataan hinggkl sa sex at
mabatid na ito ay may kaakibat na responsibilidad Nilinaw ni Cubao Bishop
Honesto Ongtionco na hindi tinututulan ng simbahan ang sex education, dapat din
itong ikonsulta ng deped dito, bukod sa simbahang katoliko at hindi dapat na
gayahin ang paraan ng pagtuturo ng ibang bansa dahil iba ang kultura at
paniniwala sa pilipinas.

C. Ang Sex Education sa Kabataan

Pinag-uusapan kung dapat bang ituro ang sex education sa mga kabataan.
Hindi lamang ang mga opisyal ng Department of education at Department of
health ang nag-usap diti kundi maging pampublikong debatihan. Naging laman ng
dyaryo, telebisyon at balita. Ang mga konserbatibo ay hindi sang ayon na buksan
ang usaping ito sa mga kabataan dahil natatakot silang baka mabuksan agad ang
usaping tungkol sa pakikipagtalik sa kanilang mga isipan at nangangamba silang
matuto agad ang mga ito sa isang maselang bagay na wala sa panahon.
Naniniwala sila na hayaan na lamang matuto ang mga kabataan sa sarili nilang
pamamaraan kagaya ng mga edad na ngayon. Marami ang nagpapanukala na
kaagad itong ituro sa mga kabataan tungkol sa sex sapagkat lumalabas na
maagang nabubuksan ang kanilang mga isipan tungkol dito. Sinasabi ng social
scientist na mas mabute pang turuan kaagad ang mga bata upang hindi sila
malagay sa kalunos-lunos na kalagayan at magtungo sa maling desisyon. Hindi
naman maitatago sa mga bata ang tungkol dito, mas makabubuti pang alalayan
nalang natin ang mga kabataan tangan ang sapat at maayos na pqgtuturo at gabay
sa kanila.

II.2. Mga Kaugnay na Pag-aaral


Ayon kay Roland C. Molmisa, sa pinakahuling datos na inilabas ng UP Population
institute, ang young adult fertility and sexuality/study survey(YAFFS 4) o isang
nasyonal na surbey ng isang filipino youth na nagsimula noong 1982 ng UPPI, DOH
at demographic research and development foundation na kung saan tumaas ang
porsyento ng mga kabataaang pinoy na nasa edad na 15-24 na nakikipag-premital sex,
mula sa 23 percent noong 2002 at ito ay umangat ng 32 percent sa mga nagdaang
taon.

Ayon kay Dr. Lulu Marquez, mahalagang matalakay sa bahay pa lang bago sa
eskwelahan ang sex education dahil base sa datos, sa mga kaanak pa rin pangunahing
kumukuha ng impormasyon ang teenagers tungkol sa ganitong sensitibong usapin.
Dahil sa kultura nating mga Pilipino, parang masagwa ang dating ng salitang “sex
education.” ngunit ito ay may malaking tulong sa bawat kabataan at ang pagtuturo ng
sex education sa paaralan ay may negatibong at positibong epekto. Ang positibong
epekto ay makakapigil at magiging bukas ang isip nila sa mga nangyayari na hindi
dapat gawin ng mga kabataan sa murang edad. Sabi ng mga doktor, makatutulong ang
sex education sa teenagers para maiwasan ang lalong paglobo ng bilang ng teenage
pregnancy gayundin ang mga kaso ng sexually-transmitted infection subalit ang
negatibo naman ay muli nila itong masusubukan.

Kaya gayun na lamang ang pagtutol ng mga Katolikong Obispo sa proyekto ng


Department of Education na isama sa curriculum sa mga paaralan ang araling ito.
Pero kung tutuusin, mula pa sa pagkabata ay dapat nang imulat sa mga tao ang
kabuluhan ng sex. Kaya ang dapat ituro ay moral values na gagabay sa kabataan sa
layunin ng sex pero kailangang ma-educate ang kabataan sa panganib nang padalus-
dalos na sex. Ito’y bagay na dapat suportahan ng mga relihiyosong sector tulad ng
Simbahang Katoliko sa harap ng kabi-kabilang kaso ng mga kabataang nabubuntis
kundi man nagkakasa- kit ng HIV-AIDS. Dapat bumuo ng grupo tungkol sa sex
education sa pamahalaan,paaralan o kasama ang simbahan at iba’t ibang sector upang
bumalangkas ng epektibong kam-panya laban sa bumabagsak na moralidad sa
lipunan.
III. Kabanata III
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG
PANANALIKSIK
Isinakatuparan sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at
paglalarawan sa mga hakbang na isakatuparan sa pagsusuri at pagpapakahulugan sa
pakang sex eduction. Matatagpan dito ang disenyo ng pag-aaral, instrumentong
gagamitin at pamamaraan sa pangangalap ng mga datos o impormasyon pati na rin
ang bilang ng mga respondente na makilahok sa pag-aaral. Nakapaloob din dito ang
mga gagamiting tagatugon sa paksang sinisiyasat at gayundin ang uri ng estadistika
na angkop sa paksa.
III.1. Disenyo ng Pag-aaral
Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptib-sarbey sapagkat
naaangkop ito sa mga estudyanteng may pananaw tungkol sa sex education.
Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito
sapagkat mas mapadadali ang pangangalap ng datos mla sa maraming respondent.

Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga talatanungan ngunit ang uri
ng disenyong ito ay hindi lamang nakadepende sa dami ng sumagot sa mga
talatanungan. Kung kaya lubos na nauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay
ito sa pag-aaral kungsaan maaring magsagawa ng pakikipanayam at obserbasyon
upang makadagdag sa pagkalap ng mga datos at impormasyon. Marami itong epekto
sa pag-aaral, sa kalusugan at sa pakikipag-ugnayan nila sa ibang tao. Sisiskapin ng
mga mananaliksik na mailahad ang tunay na pananaw ng mga estudyante. Sa paraang
ito ng pananaliksik ay may mga magtatanong at sasagot at dahil dito malalaman ang
pananaw ng bawat isa. Susuriin ng pag-aaral na ito ang kasalukuyang kaalaman,
damdamin, kaisipan, at pananaw ng mga mag-aaral sa mga maaaring maging epekto
ng pagpapatupad ng sex education sa mga paaralan.

III.2. Respondente at Populasyon


Ang mga kalahok sa pananaliksik ay mga mag-aaral na nagmumula sa Junior
High School ng Saint John Parochial School. Ang mga respondente nito ay limitado
sa 100 na mag-aaral na maaaring sumagot sa bawat talatanungan na ipapamahagi ng
mga mananaliksik.
III.3. Teknik sa Pagpili ng mga Respondente
Ang ginamit bilang teknik sa pagpili ng mga respondente ay Convenience
Sampling. Ito ay sapagkat ang mga respondenteng pipiliin ay limitado lamang sa 100
na mag-aaral at hindi buong populasyon ng Junior High School kung saan kumuha
kami ng sampung respondante sa bawat seksyon. Ang populasyon ay masyadong
malaki at imposibleng isama ang bawat indibidwal. lto ang piniling teknik ng mga
mananalksik sapagkat ang mga pipiling respondente ay batay sa kanilang availabiity
at easy access.
III.4. Instrumento sa Pananaliksik
Ang mananaliksik ay gumagamit ng talatanungan o serbey kwestyuner bilang
pangunahing instrumento na sariling gawa ng mga mananalksik at ipanavaledeyt ito
sa aming guro na si G. Marc S. Tañyo. Ang talatanungan ay binubuo ng labing-lima
na mga katanungan at ipapasagot sa mga respondente kung saan sasagutin ng mga
kalahok ang bawat tanong sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek o ekis at pag shade
ng kanilang kasagutan. Ang serbey ay nagbigay ng iba't ibang persepsyon sa mga
mag-aaral kung sa papaanong paraan makatutulong ang sex education sa kanilang
pag-aaral. Sa kabuuan, ang instrumentong ginamit ay siyang magiging daan upang
makakuha ng mga datos na susuporta sa tesis o pag-aaral na ito.

III.5. Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos


Ang kabuuang pag-aaral ay nagsimula ng Pebrero 11 ng kasalukuyang taon. Ang
pagkolekta ng datos ay sinagawa ng tatlong araw kung saan maalwan na oras para sa
mga mag-aaral. Ang mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon
upang lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang
matiyak ang kalidad ng ipipresentang datos. Personal na pinamamahalaan ng mga
mananaliksik ang pagbibigay ng mga talatanungan sa bawat kalahok at ibibigay ang
tamang panuto sa pagsagot upang makuha ang nararapat na tugon. llilikom ang mga
instrumnto at ihahambing ang mga sagot ng bawat kalahok at bigyan ng kabuuan at
konklusyon.
III.6. Istatistikal na Pagsusuri ng mga Datos
Ang estatistikang pamamaraan na gagamitin ay pagkuha ng porsyento o bahagdan
upang makuha ang resulta ng pag-aaral na ito. Gumamit ng Descriptive Statistical
Analysis ang mga mananaliksik upang iprisinta ang mga datos kung saan gagamit ng
mga talaan upang suriin ang mga datos. Ito ang napili ng mga mananaliksik dahil mas
madaling maintindihan ang mga datos sapagkat nakabuod ang mga datos gamit ang
iba't ibang uri ng talaan gaya ng talahanayan, tsarts at graphs gayon din ay may
pagtatalakay sa mga resulta ng datos. Batay sa nabilang na tugon ng mga respondente
sa bawat katanungan, maaari nang makita ang prekwensi sa bawat bilang na tugon.
Ang pagkuha ng kabuuang bahagdan ay:

P = f / n x 100

Kung saan ang:

P ay nangangahulugang bahagdan

f ay nangangahulugang prekwensi o bilang ng tumugon

n ay nangangahulugang kabuuang bilang ng mga respondente


IV. Kabanata 4
PRESENTASYON NG MGA DATOS
Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik
mula sa mga mag-aaral sa Junior High School patngkol sa persepsyon nila sa sex
education.

Talahanayan 1

Narinig mo na ba ang tungkol sa sex education?

HINDI; 22.00%

OO; 78.00%

Ipinapakita sa talahanayan 1 na may bahagan ng pitumpu’t walo (78%) ang nag


sasabi na may alam tungkol sa usaping sex education. Dalawampu (20) mula sa ika-
pitong baitang, dalawampu't dalawa (22) naman ang nagsasabi nito sa ika-walong
baitang, ayon naman sa mga respondante namin sa ika-siyam na baitang labing-anim
(16) naman ang nag sabi na may alam sila dito at sa ika-sampu dalawmpu (20) mula
sa kanila ang may alam tungkol sa paksa kung saan makikita na lahat sila ay may
alam na tungkol sa sex education.
Mapapansin din dito na may bahagan na dalawampu't dalawa (22%) ang walang
alam tungkol sa usapin. Kung saan may sampung(10) tao mula sa ika-pitong baitang,
walo (8) naman sa ika-walong baitang at apat (4) naman sa ika-siyam ang sumagot
nito.
Talahanayan 2

May Pangunahing kaalaman ka na ba tugkol sa reproductive organ at kung


paano sila gumagana?

HINDI; 7.00%

OO; 93.00%

Ipınapakıta sa pie chart na may siyam na pu’t tatlo (93) na mag aaral ang nag
sasabi na mayroon na silang pangunahing kaalaman tungkol sa reproductive organ at
kung paano ito gumagana na may katumbas na siyam na pu’t tatlong porsyento (93)
din. Kung saan may dalawampu't anim (26) ito na respondanteng nagmula sa ika-
pitong baitang, tatlongpung (30) estudyante naman mula sa ika-walong baitang,
labing–pito (17) ang nagmula sa ika-siyam na baitang habang, dalawampu (20)
naman sa ika-sampung baitang ang nagsasabi nito.

Ngunit, may pitong (7) mag-aaral parin ang walang pangunahing kaalaman
patungkol sa paksa na may katumbas na pitong porsyento (7) din. Apat (4) mula sa
ikapitong baitang at tatlo (3) naman ang nagsabi nito sa ikasiyam na baitang.
Talahanayan 3

Sa iyong palagay, nakakaapekto ba ang pagtuturo ng sex education sa takbo ng


buhay ng bawat kabataan?

HINDI; 13.00%

OO; 87.00%

Ang kulay pink na bahagi ng pie chart ay may walumpu’t pitong porsyento (87%)
ng isang-daang bahagdan na kumakatwan sa dami ng nagsabi na nakakaapekto ang
pagtuturo ng sex education sa takbo ng bawat buhay ng kabataan. Dalawampu’t apat
(24) na respondanteng nagmula sa ika-pitong baitang, dalawampu't pito (27) naman
ang nanggaling sa ika-walong baitang, labing-pito (17) sa ika-siyam na baitanng at
labing-siyam (19) naman sa ika-sampung baitang ang sumagot nito.

Samantala, ang kulay berde naman na bahagi ng pie chart ay may labing-tatlong
porsyento (13%) ng isang-daang bahagdan ang nagsasabing hindi nakakaapekto ang
pagtuturo ng sex education sa takbo ng buhay ng mga kabataan. Kung saan may anim
(6) mula sa ika-pitong baitang, tatlo (3) naman ika-walong baitang at tatlo (3) din sa
ika-siyam na baitang habang may isa (1) naman respondanteng nagmula sa ika-
sampung baitang ang nagsabi nito.
Talahanayan 4

Sumasangayon ka ba sa kurrikulum na may sex education?

HINDI; 31.00%

OO; 69.00%

Aninapu’t siyam na porsyento (69%) ng isaang daan na kasangkot sa aming pag-


aaral ang sumasangayon sa kurikulum na may sex education. Kung saan may labing
dalawa (12) mula sa ika-pitong baitang, dalawampu't apat (24) naman sa ika-walong
baitang, labing lima (15) sa ika-siyam na baitang at sinasabi ng labing walong (18)
respondanteng nagmula sa ika-sampung baitang na sila ay sumasangayon dito.

Ngunit may labing-walong (18) estudyante naman sa ika-pitong baitang, anim (6)
sa ika-walo, lima (5) sa ika-siyam habang, dalawa (2) naman ang sa ika-sampu ang
nagsasabing hindi sila sangayon dito. Ito ay may tatlumpu’t isang porsyento (31%)
naman ng isaang daan na kasangkot sa aming pag-aaral ang hindi sumasangayon sa
kurikulum na may sex education.
Talahanayan 5

Sang-ayon ka ba sa pagpapatupad ng sex eduction?

HINDI; 32.00%

OO; 68.00%

Sa pie chart na ito ay makikita mo na mayroong animapu’t walong bahagdan


(68%) ang sumasangayon sa pagpapatupad ng sex education. May tatlumpu’t
dalawang porsyento (32%) naman ang hindi sumangayon sa pagpapatupad nito.
Mayroon itong labing dalawang (12) estudyante mula sa ikapitong baitang ngunit,
may labing walong (18) hindi sumangayon. Dalawampu't apat (24) naman sa
ikawalong baitang ang sumasangayon sa pagpapatupad at anim (6) naman ang hindi
Labing lima (15) naman ang sangayon sa ikasiyam na baitang at lima (5) ang hindi
sumangayon. May labing pitong (17) sumangayon mula sa ikasampung baitang
habang tatlo (3) naman sa kanila ang hindi sangayon sa pagpapatupad ng sex
education.
Talahanayan 6

Sa tingin mo ba may magandang maidudulot ang pagtuturo ng sex education sa


ating paaralan?

HINDI; 22.00%

OO; 78.00%

Ang talahanayan 6 ay tungkol sa persepyon ng mga estudyante kung may


magandang maidudulot ba ang pagtuturo ng sex education sa kanilang paralan. May
labing anim (16) na mula sa ika-pitong baitang, dalawampu't pito (27) sa ika-walong
baitang, labing pito (17) naman mula sa ika-siyam na baitang at mayroong labing
walo (18) ang nanggaling sa ika-sampung baitang na sinasabi nila na may magandang
maidudulot ang pagtuturo ng sex education sa kanilang paralan.

Subalit, may iilang nag saad na wala daw itong magandang idudulot sa ating
paralan. Labing apat (14) mula sa ika-pitong baitang, tatlo (3) sa ika-walo, tatlo (3)
din naman ang humindi sa ika siyam at dalawa (2) naman ang sumagot nito sa ika-
sampung baitang.
Talahayan 7

Sa iyong palagay maaari rin bang magkaroon ng negatibong epekto ang sex
education sa mga estudyante?

HINDI; 20.00%

OO; 80.00%

Ayon sa nakalap na resulta, nasuri ng mananaliksik na karamihan sa mga


respondante na may bahagdan na walumpu (80%) ay sinasabi nila na maaari ring
magkaroon ng negatibong epekto ang sex education sa mga estudyante. Kung saan
ang mga estudyante mula sa ika-pitong baitang na may dalawampu't limang (25)
bilang, dalawampu't isa (21) sa ika-walong baitang, sa ika-siyam na--- baitang naman
ay may bilang na labing anim (16) at sa ika-sampung baitang ay may labing walong
(18) estudyante ang nagsabi nito.

Sa palagay naman ng lima (5) mula sa ika-pitong baitang, siyam (9) sa ika-walo,
apat (4) naman sa ika-siyam at dalawa (2) sa ika-sampung baitang ay wala naman
itong maaaring maging negatibong epekto sa mga estudyante. Bmubuo ito ng
dalampung bahagan (20%) ng isaang daan na kasangkot sa aming pag-aaral.
Talahayan 8

Para sa iyo sapat na ba ang iyong kaalaman tungkol sa sekswal na usapin at hindi
na ito dapat pang dagdagan?

OO; 35.00%

HINDI; 65.00%

Base sa nasuring resulta ng mga mananaliksik, mas malinaw na ayon sa mga mag-
aaral hindi pa sapat ang kanilang kaalaman tungkol sa sekswal na usapin at dapat pa
itong dagdagan. Labing walo (18) naman sa mga ika-pitong baitang, dalawampu't
apat (24) naman sa ika-walo, sampu (10) sa ika-siyam at mayroon ring labing tatlo
(13) ang nagsabi ng hindi pa sapat ang kanilang alam tungkol sa usapin. Ito ay may
animnapu’t limang porsyento (65%) naman ng isaang daan na kasangkot sa aming
pag-aaral na marapat lang talaga itong dagdgan upang mag karoon tayo ng sapat na
kalaman kung saan magagamit natin ito sa hinaharap at malalaman natin ang mga
tama at dapat natin gawin.

Subalit, may iilang nag saad na ayaw na nilang madagdagan an kanilang kaalaman
patungkol dito na bumubuo ng tatlumpu’t limang porsyento (35%). May bilang na
labing dalawa (12) mula sa ika-pitong baitang, anim (6) naman sa ika-walong baitang,
habang may sampu (10) naman sa ika-siyam na baitang, at mayroon namang bilang
na walo (8) sa ika-sampung baitang ang nagsasaad na sapat na ang kanilang kaalaman
tungkol sa sekswal na usapin at hindi na ito dapat pang dağdağan.
Talahayan 9

Sa tingin mo ba kailangan ituro ang sex education sa mga batang edad 13 hanggang
16?

HINDI; 28.00%

OO; 72.00%

Ayon sa talahayan 9, makikita na sa ika-pitong baitang kalahati ang sumangayon


na may bilang na labing-lima (15) at kalahati din ang hindi. Sa ika-walong baitang
naman makikita natin na dalawampu’t siyam (29) ang nag sasabi na kailangan ituro
ang sex education sa mga batang edad 13 hanggang 16 at may isa (1) namang hindi
sumangayon dito. Subalit, sa ika-siyam at ika-sampung baitang naman pumaparehas
sila na may labing-apat na mag-aaral na sumangayon dito at anim (6) naman ang
hindi.

Base sa mga impormasyon na nakalap, masasabi ng mga mananaliksik na halos


lahat ng respondante ay sumangayon na kailangan ng ituro ang sex education sa mga
batang edad 13 hanggang 16 na may bahagdan na 72%. Marapat lang itong ituro sa
mga junior haysul sapagkat, sila ay nasa wastong gulang na upang maintindihan ang
mga ganitong bagay at upang mabawasan na din patuloy na pagtaas ng teenage
pregnancy.
Talahayan 10

Bakit sa tingin mo kailangan ituro ang sex education sa mga estudyanteng ng junior
high?

Iba pa; 3.00% Dahil may karapatan


silang malaman;
8.00%

Dahil makakatulong
ito para malaman at
protektahan nila
ang kanilang mga
sarili laban sa pang-
aabuso; 89.00%

Ipinapakita sa mga nakalap na impormasyon na may tatlong (3) sumagot mula sa


ika-pitong baitang na dapat ituro ang sex education sa mga junior hayskul dahil may
karapatan silang malaman. May sumagot din nito mula sa ika-walong baitang na isa
(1) at parehas naman (2) mula sa ika-siyam at ika-sampung baitang.

Mapapansin din dito na lagpas kalahati na may bahagdan na walumpu’t siyam


(89%) ang nag sasabi na dahil makakatulong ang sex education para malaman at
protektahan nila ang kanilang mga sarili laban sa pang–aabuso. Dalawampu’t pito
(27) mula sa ika-pito at ika-walong baitang ang sumangayon dito. Habang labing-pito
(17) naman ang nag sabi nito mula sa ika-siyam na baitang at labing-walo (18) naman
sa ika-sampu.

Subalit, may nag sabi naman na tatlong (2) respondante mula sa ika-walong
baitang at isa (1) naman sa ika-siyam na may iba pa silang rason kung bakit kailangan
ituro ang sex education sa junior hayskul. Ayon sa kanila kaya dapat ituro ang sex
education sa junior hayskul ay dahil wala pa silang ideya sa paksa at para na din
maiwasan ang maagang pagbubuntis o ilang problema kaugnay dito

Talahayan 11

Bakit sa tingin mo kailangan ituro ang sex education sa mga estudyanteng ng junior
high?

Bago mag binata at


dalaga (10-12);
7.00%
Sa edad ng labing-
walong taong gulang;
25.00%
Bago magpakasal;
4.00%
Kapag mayroon silang Sa kasalukuyang
mga katanungan; 1.00% pagbibinata at
pagdadalaga; 63.00%

Nakasaad sa itaas na pinaka maraming mag-aaral ang sumagot na ang tamang


edad para ituro ang sex education ay sa kasalukuyang pagbibinata at pagdadalaga na may
animnapu’t tatlong porsyento (63%). Labing anim (16) mula sa ika pitong baitang ang
nagsasabing sa kasalukuyan ng pagbibinata at pagdadalaga habang sa ika walong baitang
naman ay may dalawampu't isang( 21) resopondanteng nagsabi. Mayroon namang
namang labing dalawang (12) respondante ang nagsabi nito na nagmula sa ika siyam na
baitang at labing apat (14) naman mula sa ika sampung baitang.

Mayroon din namang nasgsabing sa edad ng labing walong taong gulang na


lamang ito ituro at labing isang (11) respondante ang nagmula sa ika pitong baitang
habang dalawa (2) naman sa ika walong baitang. Pito (7) sa ika siyam na baitang ang
nagsasabing sa edad ng labing walo at at lima (5) naman mula sa ika sampung baitang.
Mula sa ika pitong baitang, dalawa (2) sa kanila ang nagsasabing ang tamang edad
upang ituro ang sex education ay bago pa magbinata at magdalaga (10 - 12 taong gulang)
habang lima (5) namang respondante naman ang nagmula sa ika walong baitang.
Samantala, wala naman ni isang nagsabi na bago mag binata at magdalaga (10-12 taong
gulang) ang nanggaling sa ika siyam at ika sampung baitang.

Sa palagay naman ng iilang mga respondante na dapat ituro ito bago magpakasal
na may bahagdan ng apat (4%). Isa(1) sa ika pitong baitang, dalawa (2) sa ika walong
baitang, isa (1) rin sa ika siyam na baitang ang nasasabing bago magpakasal at wala
naman mula sa ika sampung baitang ang nagsasabi nito.

Ayon sa isang (1) respondante ay kapag mayroon lamang silang katanungan dapat
ituro ang sex education at wala rin sa kanila ang nagsaad ng iba pang opinyon.
Talahayan 12

Sinasabi sa batas ng Pilipinas na ang sex education ay dapat na ituro sa mga bata na
may edad labing-dalawang taong gulang, sumasangayon ka ba sa sinasaad?

HINDI; 45.00%
OO; 55.00%

Ayon sa talahanayan 12, sinasabi ng labing-tatlo (13) na respondate na mula sa


ika-pitong baitang, dalawanpu’t pito (27) sa ika-walong baitang, samantalang, pito (7)
lang sumangayon sa ika-siyam at bukod dito, walo (8) naman ang nag sabi na pwede
ipatupad ang batas na ito sa ating bansa.

Gayon pa man, mapapansin din dito na lampas sa kalahati ang hindi sumangayon
sa sinabing batas na may bahagdan na limangpu’t lima (55%). Labing-pito (17) ang
nagsaad nito sa ika-pitong bitang, tatlo (3) naman sa ika-walong baitang, mas marami
naman ngayon ang hindi sumangayon sa ika-siyam na baiang na may bilang na labing-
tatlo (13) at labing dalawa (12) naman hindi sumangayon sa sinaad na batas sa ika-
sampung baitang.
Talahayan 13
Ang ating bansa ay hindi pa handa sa mga usaping patungkol sa sex education?

OO; 43.00%

HINDI; 57.00%

Ang kulay berde na bahagi ng pie chart ay may limampu’t pitong porsyento (57%)
ng isang-daang bahagdan na kumakatwan sa dami ng nagsabi na ang bansa natin handa
na sa mga usaping patungkol sa sex education. Labing isa (11) ang nagsaad nito ika-
pitong baitang, dalawapunt isa (21) naman na respondante ang mula sa ika-walong
baitang, labing tatlo (13) naman na katao ang nagsabi mula sa ika-siyam na baitang, at
labing dalawa (12) naman mula sa ika-sampu ang nagsasabing ang sex education ay dapat
ng pagusapan sa buong bansa ukol sa mga nangyayari ngayon sa mala modernong
panahon.

Samantala, ang kulay baylet naman na bahagi ng pie chart ay may apatnapu’t
tatlong porsyento (43%) ng isang-daang bahagdan ang sumang-ayon na ang ating bansa
ay hindi pa handa sa mga usaping patungkol sa sex education dahil ang iba rito ay
nagkakataong pinagtatawanan lamang ang nasabing paksa. Ang ika-pitong baitang at may
labing siyam (19) na katao na sumang-ayon, ayon naman sa ika-walong baitang
nagpapakita ng mayroong siyam (9) na tao na sumang-ayon dito, sa ikaw-siyam na
baitang na kung saan pito (7) ang sumagot na hindi pa handa ang basa, at ang ika-
sampung baitang naman na binubuo ng dalawampung respondante na merong walong(8)
tao na nagsasabing ang bansa ay hindi pa gaanong handa upang pagusapan ang sex
education.

Talahayan 14

Kung hindi ka nakakatanggap ng anumang sekswal na education mula sa iyong


paaralan, ano ang mga epekto nito sayo?

Iba pa; 10.00%


Sapat na sakin na
hindi magkaroon ng
Nakikita ko ang aking sex education;
sarili na walng alam sa 22.00%
usaping ito kaya naman
gusto kong malaman
ang tungkol sa sex
education; 26.00%
Tinutulungan ko ang
aking sarili na
magkaroon ng
karagdagan pang
impormasyon tungkol
sa sex education;
42.00%

Ipinapakita dito sa mga datos na aming nakuwa na ang mga nag sasabi na sapat na
sakanila na hindi magkaroon ng sex education. Kung saan labing isa (11) sa ika-pitoong
baitag, dalawa (2) sa ika-walo, sa ika-siyam naman ay walo (8) at sa huling baitang
naman na ika-sampu ay isa (1) lamang.

Meron naman nagsagot sa ika pitong baitang na tinutulungan nila ang kanilang
sarili na magdadagdagan ang kaalaman pang impormasyon tungkol sa sex education na sa
mahigit pito (7) ang nagsabi, sa walong baitang naman ay labing isa (21), sa siyam na
baitang naman naman ay dalawa (2) lamang at sa ika-sampung baitang naman ay humigit
labing-dalawa (12) ang sumagot nito.
Ayon naman sa ibang respondante ay sila ay nagsagot ng "nakikita ko ang aking
sarili na walang alam sa usaping tungkol sa sex education" na umabot ang bilang sa ika-
pitong baitang ng siyam(9) na respondate, sa ika-walo naman ay anim lamang(6), sa ika-
siyam na baitang naman ay anim (6) din at sa panghuli naman at ito ang ikasampu na
nakakuwa ng limang (5) katao na nagsagot nito na sa kabuoang 26 na respondante sa
lahat ng baitang na nabanggit.

Sa huli, tatalo (3) sa ika-pitong baitang ang sumagot ng iba pa. May isang (1)
respondante naman mula sa ika-walong baitang ang naag sasabi na ang epekto nito ay
hindi nila malalaman kung paano nila iiwasan ang pagbubuntis ng maaga. May mga nag
sabi naman na may magndang epekto ang sex education sa kabataan upang maging handa
tayo sa hinaharap at sa mga posibleng epekto nito sa buhay. Sapagkat, mayroon ding
sumagot na mas maganda naman daw na sa tamang edad nalang ito matutunan kung saan
may sapat na silang disiplina sa sarili upang hindi madala sa tukso. Ang mga respondante
na nagbigay ng kanilang mga opinyon na mula sa ika-siyam na baitang ay may bilang na
apat (4).

.
Talahayan 15

Ang iyong personal na opinyon sa pagkakaroon ng sex education sa paaralan?

Naniniwala ako na ang


komprehansibong sex
education ay dapat na
magamit sa lahat ng
paaralan ngunit
humahadlang ito sa
relihiyosong at personal Naniniwala akong
na paniniwala ng mga kaylangan magkaroon ng
estudyante; 17.00% sex education sa mga
Wala akong opniyon paaralan; 39.00%
tungkol sa pagpapatupad
ng sex education; 18.00%

Naniniwala ako na ang mga


paaralan ay hindi dapata nag
tuturo ng kahit na anong
Naniniwala ako na walang
usapin patungkol sa sex;
paaralan ang dapat mag turo ng
7.00%
sekswal na edukasyon ngunit sa
hulip ay “abstinence-only”;
9.00%

Iba pa; 10.00%

Para sakanilang personal na opinyon sa pagkakaroon ng sex education sa paaralan,


may sampung (10) respondanteng mula sa ika-pitong baitang ang naniniwalang kailagan
magkaroon ng sex education sa paaralan. Labing-anim (16) naman ang respondanteng
nagmula sa ikawalong baitang, habang apat (4) naman ang naniniwala sa pagkakaroon ng
sex education na nagmula sa ika siyam na baitang at siyam (9) naman galing sa
ikasampung baitang.

May naniniwala namang walang paaralan ang dapat magturo ng sekswal ng


edukasyon ngunit sa halip ay abstinence only at lima (5) sa aming respondanteng mula sa
ika pitong baitang ang naniniwala dito, dalawa(2) naman mula sa ika walong baitang,
isa(1) sa ika siyam na baitang at isa (1) rin sa ika-sampung baitang.
Mayroong tatlo (3) mula sa ikapitong baitang ang naniniwalang ang
komprehensibong sex education ay dapat na magamit sa lahat ng paaralan ngunit
humahadlang ito sa relihiyoso at personal na paniniwala ng mga estudyante at anim (6)
naman ang mga respondanteng nagmula sa ikawalong baitang ang naniniwala dito
habang apat (4) naman sa ikasampu at ika-siyam na baitang.

Mayroon din namang naniniwalang ang mga paaralan ay hindi dapat magturo ng
kahit anong usaping patungkol sa sex at pito (7) mula sa ikapitong baitang ang naniniwala
dito habang wala namang respondanteng naniniwala dito mula sa ika-walo, ikasiyam at
ikasampung baitang.

Lima (5) naman ang nagsasabing wala silang opinyon tungkol sa pagpapatupad ng
sex education mula sa ikapitong baitang habang tatlo (3) sa ikawalong baitang , pito (7)
sa ikasiyam na baitang at tatlo (3) rin ang walang opinyon patungkol dito mula sa
ikasampung baitang .

Ayon sa tatlo (3) mula sa ikawalong baitang na nagsasabing kailangang ituro at


magkaroon ng sex education sa paaralan upang maprotektahan ang sarili, maging bukas
ang isip sa mga bagay na ito upang hindi magbuntis ng maaga. Habang sa ika-siyam ay
may apat (4) nag saad ng kanilang opinyon na ayos lamang kung magkaroon ng sex
education ngunit dapat ay nasa tamang edad at disiplinado na ang mga bata, para din ito
sa ikabubuti ng mga estudyante upang sila ay maprotektahan at maging handa.
Samantala, ang opinyon naman ng tatlong (3) mga respondanteng nagmula sa
ikasampung baitang ay makatutulong ito upang mamulat sa mga isyu ng teenage
pregnancy ngunit dapat itong magsimula sa tahanan.
V. Kabanata 5
BUOD, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON
V.1. Buod

V.2. Konklusyon
V.3. Rekomendasyon
St. John Parochial School

Tiaong, Quezon

“Persepsyon ng mga kabataan na nasa edad ng

13 hanggang 16 tungkol sa Sex Education mula

sa Saint John Parocial School”

Isang papel pananaliksik na Inihahain kay G. Marc S. Tañyo

sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Tekso tungo sa Pananaliksik

sa Saint John Parocial School

Tejada, Hanz Jerald D.

Umali Jr.,Clemente I.

Villareal, Micheal Adrian A.

Bihis, Nicolle V.

Largodizimo, Angelica Marie S.

Marso, 2019

You might also like