You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII – CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BOHOL

Daily Lesson Guide in English 6

Quarter 1 Date & Time September 13, 2022 (1:00-3:30)


Week No. 4 LAS Title Learning Activity Sheets in English 6, week 4
Day Tuesday Lesson/Topic Meaning Suggested in Visual Media through a Focus
on Visual Elements
I. Objective:
1. Identify examples of visual media
2. Interpret the meaning suggested in visual media
II. Subject Matter: Meaning Suggested in Visual Media through a Focus on Visual Elements
 Materials Needed – Learning Activity Sheets in English 6, Week 4
III. Procedure
A. Review/ Preparatory Do Warm Up exercise before the lesson proper.
Activity/ Motivation Recall: Show the pictures to the pupils. Ask if the image is a non-fact or a fact.
.
B. Presentation and Visual media is interpreted using primarily what humans see. It includes digital
Discussion of the Lesson and printed images, photography, graphic design, fashion, videos, architectural
structures, and fine arts.
Show examples of a visual media.

Discuss on the types of visual media.


Define images, video and infographics. Show some examples of each.

C. Generalization What is visual media?


What are the types of visual media?

D. Application Identify what visual media is presented. Arrange the jumbled letters to form the
type of media that corresponds to the picture. Write a phrase or a sentence to
describe such media type.

Answer Activity 1 & 2 in the Learning Activity Sheets, Week 4


E. Enrichment Refer to LAS in English 6, week 4

IV. Assessment Answer Activity 3 in the Learning Activity Sheets, Week 4


(Formative Test Only) Refer to LAS in English 6, week 4

dbague 1
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BOHOL
V. Assignment
(to be given every Monday)

Reflection:
a. No. of Pupils who got 80%
b. Remarks (may include notes
of teacher for not achieving
the lesson/target if any;
comments of principal and
other instructional
supervisors during their
announced/unannounced
visits)

Prepared by:
DESIE P. BAGUE
Teacher I

Noted:

MILAGROS M. TIANAN
ESP-I

dbague 2
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BOHOL

Banghay Aralin sa Filipino 6

Quarter 2 Date & Time


Module No. 4 Module Title Pagsulat ng Sulating Di-Pormal, Pormal, Liham
Pangangalakal at Panuto.
Week No. 4 LAS Title Mga Gabay sa Pagkatuto sa Filipino 6 Ikaapat na
Linggo
Day No. 2 Lesson/Topic Pagsusulat ng Sulating Di-pormal at Pormal
I. Layunin:
Nakasusulat ng sulating di-pormal at pormal
II. PAKSA: Pagsusulat ng Sulating Di-pormal at Pormal
 Mga Kagamitang Pampaturo – Mga Gabay sa Pagkatuto sa Filipino 6 Ikaapat na Linggo, Modyul 4: Pagsulat ng
Sulating Di-Pormal, Pormal, Liham Pangangalakal at Panuto
III. Pamamaaraan
A. Balik – Aral/ Basahin ang sulating di- pormal na sinulat ninyo kahapon na pinamagatang “Ang
Paghahanda/Pagganyak Aming Paaralan”

B. Paglalahad/Pagtatalakay Pag-aralan ang halimbawa ng sulatin o kathang di-pormal at pormal na sulatin.


Pagkatapos ay gawin ang panuto na nasa ibaba nito.

1. Sulatin o di-kathang pormal

Magtipid sa enerhiya. Ito ay paulit-ulit nating narinig sa radio at mababasa


sa pahayagan. Hinuhulaan ng mga namumuno sa Kagawaran ng Enerhiya ng
Pilipinas na ang bansa ay lalong lalakas sa konsumo ng langis sa darating na mga
taon. Dahil dito, maraming suliranin ang kakaharapin. Una, tayo ay umaangkat
lamang ng langis sa mga bansa sa Asya tulad ng Indonesia, Malaysia, Tsina,
gayundin sa Iran, Qatar, at Abu Dhabi. Ikalawa, ang pagtataas ng halaga sa langis
ay hindi mapipigilan dahil ang pagtatakda nito ay pinamamahalaan ng mga
bansang tagatustos ng langis. Magpapahirap sa ating mga pangangailangan sa
pananalapi ang pagtaas ng halaga ng langis ng mga bansang ito.
Nangangahulugan din ito ng pagtaas ng halaga sa mga bilihin. Ikatlo, ang reserba
ng langis ay magtatagal lamang ng ilang taon. Kung ang pangangailangan ng
daigdig ay tumataas ng apat na porsyento taun-taon, ang reserba ng langis ay

dbague 3
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BOHOL
tatagal lamang ng 22 taon. Kailangan natin ang pagtitipid sa enerhiya. Tayo mismo
ay dapat makipagtulungan sa ating pamahalaan.
Ikaw, ano ang magagawa mo upang makatipid sa enerhiya?

2. Pormal na sulatin

Alisin kamo ang dyip sa daan?


Baka nasisra na ang isip mo? Ang dyip ang pangunahing
sasakyang makikita saan mang dako ng bansa. Mahirap at mayaman ay
sumasakay dito. Kung aalisin ang dyip sa mga daan, ano ang alternatibong
sasakyan na maihahalili natin dito?
Bahagi ng ating buhay ang dyip. Tulad ng isang bahay, makikita sa
dyip ang ugali nating mga Pilipino. Samut-samot, lahuk-lahok ang makikita
sa loob nito. Nariyan ang santo at imahen, kasama ng mga plorera at bote
ng beer na nakadisplay. Kasama rin dito ang larawan ng mga dalaga at
binatang artista at mang-aawit.
Nakasabit ang makukulay na kurtina at palawit sa mga bintana.
May stereo at iba’t-ibang ilaw na nagpapaligsahang tila Christmas Tree. Sa
mga tao, ang dyip ay tila pansarili nilang gamit. Pinapara ito kahit saan at
bumababa rito kahit sa gitna ng daan. Sakit ng ulo ang trapik na ginagawa
ng mga dyip sa daan. Ngunit maaalis mo ba ito sa kulturang Pilipino?

C. Paglalahat
Ano-ano ang dalawang uri ng sulatin?

Una ay ang sulatin o kathang di- pormal. Ang ikalawa ay ang pormal na sulatin

D. Paglalapat Sumulat ng isang sulatin tungkol sa isa sa sumusunod na mga paksa.


 Mga Paksang Pagpipilian:

 Sulating Di-Pormal
1. Mga Larong Pilipino
2. Sa Aming Paaralan
3. Panonood ng Basketbol

Sumulat ng isang sulatin tungkol sa isa sa sumusunod na mga paksa.

dbague 4
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BOHOL
E. Pagpapayaman  Mga Paksang Pagpipilian:

Sulating Pormal
1. Hamon sa Kinabukasan
2. Pilipino-Saan Patutungo?
IV. Pagtataya (Refer Gabay sa Pagkatuto 6 o Learning Acitvity Sheet 6-Ikalawang araw)
(Formative Test Only) Panuto: Sumulat ng lima hanggang anim na pangungusap sa linyang ibinigay na
sulating pormal.
Ang Aming Pamilya
Pamagat

V. Takdang Aralin
(to be given every
Monday)

Pagninilay:
Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80%
Remarks (may include
notes of teacher for not
achieving the
lesson/target if any;
comments of principal
and other instructional
supervisors during their
announced/unannounced
visits)

Prepared by:
ARGIE H. LAPUT
Master Teacher I

dbague 5
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BOHOL

Banghay Aralin sa Filipino 6

Quarter 2 Date & Time


Module No. 4 Module Title Pagsulat ng Sulating Di-Pormal, Pormal, Liham
Pangangalakal at Panuto.
Week No. 4 LAS Title Mga Gabay sa Pagkatuto sa Filipino 6 Ikaapat na
Linggo
Day No. 3 Lesson/Topic Pagsusulat ng Liham Pangangalakal
I. Layunin:
Nakasusulat ng liham pangangalakal (F6WC-II-f-2.11)
II. PAKSA: Pagsusulat ng Liham Pangangalakal
 Mga Kagamitang Pampaturo – Mga Gabay sa Pagkatuto sa Filipino 6 Ikaapat na Linggo, Modyul 4: Pagsulat
ng Sulating Di-Pormal, Pormal, Liham Pangangalakal at Panuto
III. Pamamaaraan
A. Balik – Aral/ Ano-ano ang dalawang uri ng sulatin?
Paghahanda/Pagganyak

B. Paglalahad/Pagtatalakay Basahin ang liham ni Linda Bueno.

Mababang Paaralan ng Abad


Santos
Rizal St., Parañaque
Marso 15, 1999
Gng. Paula Reyes
Adoracion Flower Shop

dbague 6
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BOHOL
12 Rizal Avenue, Manila

Gng. Paula Reyes:

Mangyari lamang pong padalhan ninyo kami ng sumusunod na


bulaklak na aming kailangan sa pagtatapos sa Sabado, Marso 21,
1999:
2 dosenang gladiolang dilaw
1 dosenang puting rosas
2 dosenang African daisy
2 basket na may dekorasyong bulaklak

Kalakip po rito ang money order na isang libong piso


(₱1,000.00). Ang karagdagang kabayaran ay ibibigay po pagtanggap
ng mga bulaklak.

Sumasainyo,

Linda Bueno
Mga tanong:
1. Tungkol saan ang liham?
2. Bakit naiiba ito sa mga liham na karaniwang ginagawa mo tulad ng liham sa
kaibigan, liham pagbati, o paanyaya?

C. Paglalahat Ano ang liham pangangalakal?


Ang liham pangangalakal ay isinusulat kung umoorder ng mga bagay na
gagamitin o ititinda, humihingi ng tulong, nag-aaplay ng trabaho, o
nagtatanong.
Mag-iiwan ng espasyo sa pagitan ng bawat bahagi ng liham na binubuo ng:
a. Pamuhatan
b. Patunguhan
c. Bating Pambungad o Panimula
d. Katawan ng Liham
e. Bating Pangwakas
f. Lagda
Ginagamit nang wasto ang malaking titik at bantas sa iba’t- ibang bahagi ng
liham. Sinisimulan sa palugit ang patunguhan sa gawing kaliwa. Pormal ang
dbague 7
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BOHOL
bating pambungad/pangwakas. Tutuldok ang ginagamit pagkatapos ng bating
pambungad. Maikli at tuwiran ang nilalaman ng liham. Inililinya ang bating
pangwakas sa pamuhatan. Inilalagda ang buong pangalan ng sumulat.

D. Paglalapat Sumulat ng isang liham pangangalakal batay sa sitwasyon na ito:


Nais mong bumili ng mga halamang pananim.

Sumulat ng isang liham pangangalakal na nag-aaplay sa trabaho batay


E. Pagpapayaman sa sumusunod na patalastas

Kumita Tuwing Hapon


- Magdeliver ng mga produkto sa mga tindahan
- Magaan lang ang trabaho
- May bisikletang gagamitin

IV. Pagtataya (Refer Gabay sa Pagkatuto 6 o Learning Acitvity Sheet 6-Ikatlong Araw)
(Formative Test Only)
Basahin ang sumusunod na liham pangangalakal at sumulat ng kaparehong
liham tungkol sa pag-oorder ng pagkain sa isang restawran.

1826 Jose Rizal St.


Guinobatan, Albay
Enero 6, 1999
Ang Patnugot
Magasing Liwayway
P.O. Box 1153
Maynila

Ginoo:

Nais ko po sanang magkaroon ng lingguhang sipi ng magasin simula


sa unag linggo ng Pebrero. Kalakip po ng liham ko ang money order sa
halagang dalawang libong piso. (₱2, 000.00) para sa isang taon.

Lubos na nagpapasalamat,
Lydia dela Cruz

dbague 8
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BOHOL

V. Takdang Aralin
(to be given every Monday)

Pagninilay:
Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80%
Remarks (may include notes of
teacher for not achieving the
lesson/target if any; comments of
principal and other instructional
supervisors during their
announced/unannounced visits)

Prepared by:
ARGIE H. LAPUT
Master Teacher I

Banghay Aralin sa Filipino 6

Quarter 2 Date & Time


Module No. 4 Module Title Pagsulat ng Sulating Di-Pormal, Pormal, Liham
Pangangalakal at Panuto.
Week No. 4 LAS Title Mga Gabay sa Pagkatuto sa Filipino 6 Ikaapat na
Linggo
Day No. 4 Lesson/Topic Pagsusulat ng Panuto
I. Mga Layunin:
Nakasusulat ng panuto(F6WC-II-f-2.11)
II. PAKSA: Pagsusulat ng Panuto
 Mga Kagamitang Pampaturo – Mga Gabay sa Pagkatuto sa Filipino 6 Ikaapat na Linggo, Modyul 4: Pagsulat
ng Sulating Di-Pormal, Pormal, Liham Pangangalakal at Panuto
III. Pamamaaraan
A. Balik – Aral/ Ano ang liham pangangalakal?
Paghahanda/Pagganyak Basahin ang sinulat ninyo na liham pangangalakall kahapon.

dbague 9
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BOHOL

B. Paglalahad/Pagtatalakay Isulat at sundin ang panutong aking sasabihin


1. Kumuha ng isang buong papel.
2. Gumuhit ng isang malaking puso sa gitna.

C. Paglalahat Paano sumulat ng panuto?


Sa pagsulat ng panuto, kailangang malinaw ang pagkasulat nito.
Mahalaga ang maayos na pagbibigay ng direksyon. Narito ang mga dapat
tandaan sa pagbibigay ng direksyon o panuto:
1. Gawing malinaw at maikli ang bawat panuto.
2. Gumamit ng mga salitang tiyak at tuwiran.

D. Paglalapat Sumulat ng isang panuto kung paano gagawin ang pagsaing ng kanin gamit ang
panggatong.

Isulat ang mga panuto at sundin ito.


E. Pagpapayaman 1. Isulat ang buong pangalan sa kaliwang itaas na bahagi ng papel.
2. Sa ibaba ng pangalan, isulat ang baitang at seksyon.
3. Sa tapat ng pangalan, sa kanang bahagi ng papel isulat naman ang petsa
ngayon.
4. Iguhit ang larawan sa pinakagitnang bahagi ng papel at ikulong ito sa
kahon
pagkatapos maiguhit. (nasa pisara ang larawan) - (ulap)
5. Lagyan ng angkop ma pamagat ang larawan sa ibabang gitnang bahagi nito.

IV. Pagtataya (Refer Gabay sa Pagkatuto 6 o Learning Acitvity Sheet 6-Ikaapat na Araw)
(Formative Test Only)
Panuto: Sumulat ng angkop na panuto para sa mga sumusunod na
pangyayaring ibinigay.

Pangyayari Panutong Maibibigay


Pagpunta ninyo sa bahay
Gagawin kapag may sunog
Pagtawid sa daan

V. Takdang Aralin
(to be given every
Monday)

dbague 10
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BOHOL

Pagninilay:
Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80%
Remarks (may include notes of
teacher for not achieving the
lesson/target if any; comments of
principal and other instructional
supervisors during their
announced/unannounced visits)

Prepared by:
ARGIE H. LAPUT
Master Teacher I San Jose ES

Checked and approved by:

WILFREDA O. FLOR PhD


EPSvr Filipino / MTB-MLE

dbague 11

You might also like