You are on page 1of 10

1

Ang pagkilala sa Diyos ay nangangahulugan ng buhay na walang


hanggan.

Juan 17:3 Para magkaroon sila ng buhay na walang hanggan, kailangan nilang makilala ka, ang tanging
tunay na Diyos, at ang isinugo mo, si Jesu-Kristo.

Ang ibig sabihin ng Makilala ka-Dapat na pamilyar na pamilyar sa mga gawa at katangian ni Jehova

Hindi sapat na maniwala lang na may Diyos

Sant. 2:19

Naniniwala kang may isang Diyos, hindi ba? Mabuti naman iyan. Pero kahit ang mga demonyo ay
naniniwala at nangangatog.

Ipinapakita sa nabasang texto na hindi sapat na maniwala lang na may Diyos, para magkaroon ng Buhay
na walang hanggan. kahit ang mga demonyo ay naniniwala sa Diyos, pero sila ay nakatalaga na sa
pagkapuksa.

Hindi sapat na basta maniwala lang kay Jesus

Maraming mga tao ngayon ang naniniwala na kapag tinanggap nila si Jesus sa Puso nila sapat na iyon
para tanggapin ng Diyos ang kanilang pagsamba. Pero ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa mga taong ito

Mateo 7:21-23 “Hindi lahat ng nagsasabi sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa Kaharian ng
langit, kundi ang gumagawa lang ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.22 Marami ang magsasabi sa
akin sa araw na iyon: ‘Panginoon, Panginoon, hindi ba nanghula kami sa pangalan mo, nagpalayas ng
mga demonyo sa pangalan mo, at gumawa ng maraming himala sa pangalan mo?’23 At sasabihin ko sa
kanila: ‘Hindi ko kayo kilala! Masama ang ginagawa ninyo. Lumayo kayo sa akin!’

Ibang iba ang ginawa ng mga nag aangking lingkod ni Jesus na ito, kaysa inutos nya.

Hindi sapat ang kaunting kaalaman

Kumusta naman kung ang pagkakilala ng isa sa Diyos ay nakabase lamang sa ilang bahagi ng bibliya.
May mga paniniwala sa ngayon na nakabase sa Bagong tipan, at sa unang 4 na aklat nito. Pwede na
bang sabihin na kilala na ng isa Diyos?

Ganyan din ang Samaritano noon Tanging ang unang limang aklat ng Banal na Kasulatan ang
tinatanggap nila bilang kinasihan—at ang limang ito na ayon lamang sa kanilang sariling salin, ay
tinatawag na Samaritan Pentateuch

Juan 4:22-24 Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nakikilala; sinasamba namin ang aming nakikilala, dahil
unang ipinaalám sa mga Judio ang tungkol sa kaligtasan.23 Pero ngayon, nagsisimula na ang panahon
kung kailan sasambahin ng tunay na mga mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan, dahil ang
totoo, hinahanap ng Ama ang mga gustong sumamba sa kaniya sa ganitong paraan.24 Ang Diyos ay
Espiritu, at ang mga sumasamba sa kaniya ay dapat sumamba sa espiritu at katotohanan.”

Samantalang hindi talaga kilalá ng mga Samaritano ang Diyos, ipinagkatiwala naman sa mga Judio ang
kaalaman sa Kasulatan.

Kayat dahil sa kakulangan ng mapagkukuhanang impormasyon ang pagsamba ng hindi nagging


katanggap tanggap, at dahil kulang ang impormasyon sinabi ni Jesus na Sinasamba nila ang hindi nila
kilala.

Kaya ang life saving Question.


2

Paano mo makikilala si Jehova

1) Regular na basahin ang bible.

Sa pag-aaral at pagbubulay bulay natin sa bibliya makikilala natin Ang Diyos pati ang mga
katangian ,damdamin, desisyon at paraan ng pagkilos ng Diyos.

Katangian, hindi lang basta alam natin na siya maibigin, mapagpakumba.alamin natin kung paano nya ito
ipinakita para matularan ang kaniyang mga halimbawa.

Damdamin, alam natin na si Jehova ay basta nakamasid lang, meron syang damdamin at maari syang
matuwa o masaktan sa mga desisyon natin.

Napakahalaga ng personal na pag-aaral para maging pamilyar tayo sa kaisipan ni Jehova.

Ang paggawa nito ay nangangailangan ng ating buong pagsisikap. ang Bibliya ay gaya ng isang
mahalagang liham para sa atin mula sa ating makalangit na Ama. Kaya ang pagbabasa nito ay hindi
dapat ituring na isang pabigat sa halip Dapat na gawin nating buháy ang Kasulatan kapag binabasa natin
ito.

Ilarawan sa isip ang mga salaysay sa Bibliya habang nagbabasa ka. Gamitin ang imahinasyon, at huwag
basta pasadahan ang bawat talata. pag-isipang mabuti ang iyong binasa, habang tinatanong mo ang
iyong sarili nang ganito: ‘Ano ang itinuturo sa akin ng ulat na ito tungkol kay Jehova? Alin sa mga
katangian niya ang aking nakikita? Anong simulain ang nais ni Jehova na matutuhan ko, at paano ko ito
maikakapit sa aking buhay?’ ‘Paano ko maikakapit ang impormasyong ito sa aking pamilya? Saan ko ito
maikakapit? Sa loob ng tahanan? Sa trabaho? Sa paaralan? Sa ministeryo?’ Kapag nalaman na natin
kung saan ito puwedeng ikapit, magiging mas madaling maunawaan kung paano natin ito maikakapit.

Anuman ang ating katayuan sa ngayon, matagal ng lingkod ni Jehova, bible study, o interesado pa lang,
upang makinabang ng lubos sa pagbabasa ng Bibliya Kailangan nating taglayin ang saloobin na katulad
ng sa salmistang si David, na umawit: “Ipaalam mo sa akin ang iyong mga daan, O Jehova; ituro mo sa
akin ang iyong mga landas. Palakarin mo ako sa iyong katotohanan at turuan mo ako, sapagkat ikaw ang
aking Diyos ng kaligtasan. Sa iyo ako umaasa buong araw.” (Awit 25:4, 5) oo mga kapatid yan yung
inawit natin kanina

2) Tularan si Jehova sa paggawa ng Desisyon

Efeso 5:1 Kaya tularan ninyo ang Diyos, bilang minamahal na mga anak

Lagi nating isaisip kung ang saloobin ng Diyos na Jehova kapag gumagawa ng mahahalagang desisyon.

Ang ating Panginoong Jesus ang isang napakagandang halimbawa nito.

Tingnan natin kung paano naunawaan ni Jesus kung ano ang gusto ng kaniyang Ama na gawin niya. Sa
dalawang pagkakataon, nanalangin muna si Jesus at pagkatapos ay makahimalang naglaan ng pagkain
sa malalaking pulutong. (Mat. 14:17-20; 15:34-37) Pero noong magutom siya at tuksuhin ng Diyablo sa
ilang, tumanggi siyang gawing tinapay ang bato. (Basahin ang Mateo 4:2-4.)

Dahil pamilyar siya sa paraan ng pag-iisip ng kaniyang Ama, alam ni Jesus na hindi niya dapat gawing
tinapay ang bato.Alam na alam ni Jesus na hindi kalooban ng Diyos na gamitin niya ang kaniyang
kapangyarihan sa pansariling kapakinabangan. Dahil dito, ipinakita niyang umaasa siya sa patnubay at
paglalaan ni Jehova.

Paano natin ito matutularan?

Binigyan tayo ng Diyos na Jehova ng kalayaang pumili, kapag napapaharap tayo sa mahahalagang
desisyon sa ating buhay isang magandang halimbawa ang ating panginoong Jesus hindi niya ginamit ang
3

bigay diyoss na kapangyarihan para sa ssariling kapakinabangan kung tutularan natin ito, hindi rin natin
gagamitin ang ating bigay Diyos na Kalayaan para sa sarili nating kapakanan, sa halip lagi nating
isinasaisip kung ano ang magiging epekto ng mga desisyon natin sa ating kaugnayan sa Diyos na Jehova

habang unti-unti tayong nagiging pamilyar sa kaisipan at daan ni Jehova, mas nauunawaan natin kung
ano ang gusto ng ating makalangit na Ama na gawin natin sa iba’t ibang kalagayan.Syempre pa, sisikapin
nating gawin kung ano ang makapagpapasaya sa kanya.

Kapag Nakita mo ang kapakinabangan ng pag sunod ayon sa kaisipan ng Diyos mauunawaan mo kung
bakit gusto ni Jehova na mamuhay tayo sa paraang gusto nya

3) Kausapin ng madalas si Jehova sa panlangin

Nagiging mas malapít ang magkaibigan kapag lagi silang nag-uusap. Sa ngayon, usung-uso na ang
pagte-text at social networking video call. Kumusta naman ang komunikasyon natin sa ating
pinakamatalik na Kaibigan, si Jehova? Ang panalangin ay isang paraan para makipag communicate sa
kanya. Totoo, siya ang “Dumirinig ng panalangin.” (Awit 65:2) Pero gaano kadalas ba tayong nakikipag-
usap sa kaniya?

Kapag may mabibigat tayong problema, sundin natin ang kinasihang payo ni Pablo sa mga taga-Filipos:
“Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay, kundi sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalangin at
pagsusumamo na may kasamang pasasalamat ay ipaalam ang inyong mga pakiusap sa Diyos.” Sa
gayong pakikipag-usap sa ating pinakamatalik na Kaibigan, gagaan ang ating loob at mapapanatag tayo,
dahil sinabi pa ni Pablo: “Ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ay magbabantay
sa inyong mga puso at sa inyong mga kakayahang pangkaisipan sa pamamagitan ni Kristo Jesus.” (Fil.
4:6, 7)

Nagiging malapit ang magkaibigan kapag nagsasabihan ng problema at nagtutulungan, pinatitibay nito
ang tiwala sa isat isa.

Humingi ng kaalaman

Hilingin na tulungan kang sumulong ang kaalaman mo sa kanya at maikapit ang natutuhan mo.

Luc 11:13b Magbibigay siya ng banal na espiritu sa mga humihingi sa kaniya.”

Inuudyukan at pinapatnubayan ng aktibong puwersa ng Diyos ang puso’t isip ng mga taong handang
magpaakay sa patnubay nito.

Ano ang dapat mong gawin para akayin ka nito sa tamang landas?

Laging manalangin kay Jehova na bigyan ka niya ng kaniyang banal na espiritu at tulungan kang
magpasakop sa impluwensiya nito. (Basahin ang Efeso 3:14-16.)

Pero hindi tayo basta mananalangin at maghihintay ng sagot.

Kumilos kaayon ng iyong panalangin sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa mga payong masusumpungan


sa nasusulat na Salita ng Diyos, ang Bibliya—na kinasihan ng banal na espiritu. (2 Tim. 3:16, 17) may
mga pagkakataon na hindi ito laging madali baka nangangailangan ito ng malaking pagbabago, pero
makikinaabng tayo sa pag akay ng banal na Espiritu ng susundin natin ito

Sa paggawa nito, ipinakikita mong nananampalataya ka sa kakayahan ni Jehova na gabayan ka sa


balakyot na sanlibutang ito.

Tulong sa ministeryo
4

Napakalaking bahagi ang ginagampanan ng banal na Espiritu sa ating ministeryo

Nang malapit na siyang mamatay, tiniyak ni Jesus sa kaniyang mga apostol na hindi sila pababayaan.
Bibigyan sila ng Ama ng isang “katulong, ang banal na espiritu.”

Juan 14:26 26 Pero ang katulong, ang banal na espiritu, na ipadadala ng aking Ama sa pangalan ko, ang
magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalaala ng lahat ng sinabi ko sa inyo.+

Ang tagumpay nila sa pagsasagawa ng kanilang ministeryo ay matibay na patotoo ng pagkilos ng banal
na espiritu. Ano pa nga ba ang makapagpapaliwanag kung paano naipangaral ng mga taong “walang
pinag-aralan at pangkaraniwan” ang mensahe ng Kaharian sa buong sanlibutan na kilala noon?
Binigyang-kapangyarihan ng espiritu ring iyon ang mga Kristiyano noong unang siglo upang patuloy na
mangaral nang may katapangan sa kabila ng lahat ng uri ng pagsalansang.

At makakaasa tayo na kahit sa panahon natin ngayon ang banal na Espiritu pa ring iyan ang tumutulong
upang maging matagumpay ang ating ministeryo.

Paano makakatulong ang madalas na pananalangin para higit na makilala ang Diyos na Jehova?

Kung madalas tayong ng nanalangin ng buong puso lalo tayong nagiging mas malapit sa kanya.

Kung espesipiko ang mga panalangin mo, mas makikita mo ang sagot ni Jehova, kahit hindi iyon
masyadong halata. Kapag nasagot ang mga panalangin mo, nagiging mas totoo sa iyo si Jehova.

4) Linangin ang isang malapit na kaugnayan kay Jehova

Ang paglilinang ng malapít na kaugnayan kay Jehova ay panghabambuhay. Dapat tayong gumawa ng
mga hakbang para mapalapít sa Diyos kung gusto nating lumapit din siya sa atin. Kaya gawin natin ang
lahat para manatiling regular ang ating komunikasyon sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya
at pananalangin.

Kung tayo ay matagal nang naglilingkod kay Jehova patuloy pa rin tayong kukuha ng kaalaman tungkol
sa kanya sa pamamagitan ng personal study

Kung ikaw ay isang bible study, pakisuyong ipagpatuloy mo ang pag-aaral sa salita ng Diyos, at
pagkakapit ng mga natutuhan mo.

Sa gayon, lalong titibay ang kaugnayan natin kay Jehova at tutulong ito para makayanan natin ang mga
pagsubok.

larawan

At hindi lang niya tayo ituturing na kakilala, ituturing nya tayong kaibigan.

Pwede bang ang isang di sakdal na tao ay maging kaibigan Diyos?

halimbawa

Abraham

Sant. 2:23 at natupad ang kasulatan na nagsasabi: “Si Abraham ay nanampalataya kay Jehova, at dahil
dito, itinuring siyang matuwid,” at tinawag siyang kaibigan ni Jehova.

Paano naging malapít na kaibigan ni Abraham ang kaniyang Maylalang? Dahil sa kaniyang
pananampalataya.

Bakit sya nagkaroon ng gayong kalaki at matibay na pananampalataya? Dahil kilalang kilalang nya ang
Diyos Jehova.
5

Matutularan natin si Abraham kung patuloy kukuha ng kalaman tungkol sa Diyos na Jehova, sumunod sa
kanyang mga payo, at agad na ikinakapit o isabuhay ang ating mga natutuhan, hindi iyan lang laging
madali,dahil meron tayong kalaban si satanas at ang sanlibutan, pero alam natin na hindi tayo
papabayaan ng ating maibiging Diyos, tutulungan nya tayo na mapagtagumpayan ang hamon at
pagsubok, at sa tuwing magtatagumpay tayo lalong lumalakas at tumitibay ang ating pananampalataya,
nalilinang ang kaugnayan sa Diyos na Jehova.

Paano makakatulong ang paglinang ng malapit na kaugnayan sa Diyos para makilala sya?

Habang mas nakikilala mo si Jehova, lalong tumitibay ang pananampalataya at pag-ibig mo sa kaniya.,
Naging malinaw sa iyo na ang ating maibiging Ama sa langit ay madaling lapitan at nagmamalasakit sa
atin.Tinutulungan tayo nito maging mapaghintay at laging umasa sa Diyos na Jehova,

Tinalakay natin ang 4 na paraan para makilala si Jehova.

Kung nagawa natin ito pwede na talaga nating makilala ang Diyos na Jehova.Pero Higit pa rito ang
kailangan. Para masabing kilala natin ang Diyos kailangang ipakita natin ito sa paraan ng ating
pamumuhay.

Ipakitang kilala mo ang Diyos

Mahalagang bahagi ng pagkilala sa Diyos ang pagsunod sa mga utos nya

1 Juan 2:4 Ang nagsasabing “Kilala ko siya” pero hindi sumusunod sa mga utos niya ay sinungaling at
ang katotohanan ay wala sa taong iyon.

Madalas sumuway ang bansang Israel, kaya nagtakda siya ng araw para parusahan sila,binigyan sila ni
Jehova ng sapat na panahon para magbago, pero kumilos ba sila para magsisi?

Os 4:1,6 Pakinggan ninyo ang salita ni Jehova, O bayang Israel, Dahil si Jehova ay may kaso laban sa
mga nakatira sa lupain, Dahil wala sa lupain ang katotohanan o tapat na pag-ibig o kaalaman sa
Diyos.Patatahimikin ang bayan ko dahil hindi nila ako kilala. Dahil ayaw mo akong kilalanin, Itatakwil
din kita bilang saserdote ko; At dahil nilimot mo ang kautusan ng iyong Diyos, Lilimutin ko ang mga
anak mo.

Sa anong diwa masasabing kulang sa kaalaman sa Diyos ang mga Israelita?Hindi ito dahil sa hindi nila
kailanman narinig ang mga salita ng Diyos, yamang dapat itong ituro ng mga magulang na Israelita sa
kanilang mga anak. Malamang na narinig ng karamihan ang mga ulat ng Bibliya mula sa kanilang mga
magulang, sa pakikipag-usap nila sa iba, o sa pampublikong mga asamblea.

Halimbawa, narinig nila ang nangyari nang gumawa si Aaron ng ginintuang guya samantalang si Moises
ay nasa Bundok Sinai upang tanggapin ang Sampung Utos.

Saan nagkulang ang mga Israelita anupat itinakwil sila ni Jehova?

naging matiisin si Jehova sa kanila kaya binigyan sila ng mahabang panahon para magbago.

Maaari sanang ginamit ng maunlad na mga Israelita ang kanilang panahon upang manumbalik kay
Jehova sa pamamagitan ng pagkilala sa kaniya nang higit at ng pagsisikap na gawin ang sinasang-
ayunan niya. Sa halip, labis ang pagtitiwala nila sa kanilang sarili, anupat inaakala nilang ‘ang
kapahamakan ay hindi lalapit o aabot hanggang sa kanila.’

Gayunpaman, ang kanilang kaalaman ay walang kabuluhan sa diwa na hindi nila hinayaang udyukan sila
nito na sambahin ang Diyos sa paraang nais niya

Pwede nating sabihin na nakalimutan nila si Jehova sapagkat “sila ay nabusog at ang kanilang puso ay
nagsimulang magmalaki.”
6

Pero hindi naman lahat ng mga Israelita ay nagging masama, kinilala ni Jehova si Haring Josias na
naglapat ng katarungan at katwiran. Kayat sinabi ni Jehova sa Jer 22:15-16: Ipinagtanggol niya ang
karapatan ng naaapi at ng dukha, At mabuti ang ibinunga nito. ‘Hindi ba ganiyan ang nakakakilala sa
akin?’ ang sabi ni Jehova.,

Nakita natin ang 2 halimbawa kung paano ipinakita ng ibang mga isarelita kung gaano nila kakilala si
Jehova, at ipinakita rin ni Josias kung gaano niya kakilala ang Diyos na Jehova.

Israelita- kilala si Jehova pero hindi sinusunod, itinakwil sila

Josias- kilala si Jehova sinusunod nya ang Diyos na Jehova, kinilala sya ng Diyos na Jehova.

Ipinakikita ng halimbawang ito na hindi sapat na makilala lang ng isa ang Diyos na Jehova, kailangan
nating ipakita na kilala nating si Jehova sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang patnubay sa bawat
aspekto ng ating buhay, sa personal na mga bagay gaya ng buhay pampamilya.

Sa isang maunlad na bansa halos 40 percent ng pag-aasawa ay nagwawakas sa divorce, at yan ay sa


ibat ibang dahilan, 73 % dahil sa pagiging pabaya ng kabiyak, 56 % percent dahil lagi silang nag-aaway,
55 % dahil sa hindi katapatan sa asawa.

Para sa maligayang buhay pampamilya naglaan si Jehova ng mga guide, angkop lamang dahil si Jehova
ang may may akda o author ng pamilya at gusto nya na maging matagumpay at maligaya ito.

Kapag bumili ng bagong gadget o appliances, may manual from manufacturer. Para saan?

Kaya nagbigay si Jehova ng manual, ito ay ang Bibliya. Itinuturo nito ang role ng bawat isa sa pamilya,
Ama, asawa, anak. At napakahalaga nito sa ngayon dahil napakaraming pamilya sa buong mundo ang
nawawasak dahil hindi nila alam, o hindi nila kinikilala ang mga pamantayan ni Jehova sa isang pamilya.

Kaya nagbigay si Jehova ng tagubilin sa bawat indibidwal sa pamilya, asawang lalaki,asawang babae,
anak.

Asawang lalaki

Halimbawa para asawang lalaki nagbigay ang Diyos na Jehova ng mga pamantayan na dapat niyang
sundin nakasulat ito sa efeso 5:28,29

Efeso 5:28,29 Sa katulad na paraan, dapat mahalin ng mga asawang lalaki ang kanilang asawang babae
na gaya ng sarili nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kaniyang asawang babae ay nagmamahal
sa sarili niya,29 dahil walang sinumang napopoot sa sarili niyang katawan, kundi pinakakain niya ito at
inaalagaan, gaya ng ginagawa ng Kristo sa kongregasyon.

Ang mga asawang lalaki at ama ang binigyan ng awtoridad bilang ulo ng pamilya. Ipinakikita ng asawang
lalaki na iginagalang niya ang kaniyang Ulo, si Kristo Jesus, sa pamamagitan ng pagtulad kay Jesus
bilang ulo ng kongregasyon

Kaya naman, hindi dapat magpabaya sa kaniyang mga responsibilidad ang asawang lalaki, kundi dapat
na seryoso niya itong gampanan. Hindi rin siya dapat maging mapaniil o malupit, kundi sa halip, dapat
siyang maging maibigin, makatuwiran, at mabait. Lagi niyang tinatandaan na ang kaniyang awtoridad ay
may limitasyon—hindi ito nakahihigit sa awtoridad ni Jehova.

Kapag sinusunod ng asawang lalaki ang pamantayan ni Jehova, ipinapakita nya kung gaano nya kakilala
ang Diyos na Jehova. Resulta? Masayang pamilya.

Kumusta naman sa mga asawang babae?

Paano magagampanan ng mga asawang babae at ina ang kanilang papel sa paraang makalulugod kay
Jehova?
7

Ang mga asawang babae at ina ay gumaganap bilang katulong, o kapupunan, ng asawang lalaki.
Pinagkalooban din sila ng awtoridad sa pamilya, yamang binabanggit ng Bibliya ang pananalitang
“kautusan ng iyong ina.” (Kawikaan 1:8) Siyempre pa, nakahihigit sa kaniya ang awtoridad ng kaniyang
asawang lalaki. Ipinakikita ng Kristiyanong asawang babae na iginagalang niya ang awtoridad ng
kaniyang asawa kapag tinutulungan niya ito na magampanan ang papel nito bilang ulo ng pamilya. Hindi
niya hinahamak, ni minamanipula ang kaniyang asawang lalaki, o inaagaw ang posisyon nito. Sa halip,
handa siyang makipagtulungan sa kaniyang asawa. Kapag hindi siya sang-ayon sa desisyon ng kaniyang
asawang lalaki, maaari niyang sabihin dito ang kaniyang niloloob sa magalang na paraan, pero dapat pa
rin siyang maging mapagpasakop. Kung ang asawang lalaki ay hindi mananampalataya, maaaring
mapaharap sa mahihirap na situwasyon ang asawang babae. Ngunit kung mapagpasakop ang asawang
babae, maaaring maudyukan ang kaniyang asawa na kilalanin si Jehova.—1 Pedro 3:1.
Ibang-iba ang saloobin ni Eva sa awtoridad! Hindi naging magandang halimbawa si Eva. Si Adan ang
inatasang maging ulo niya. Naglaan si Jehova ng mga tagubilin sa pamamagitan ni Adan. Pero hindi
iginalang ni Eva ang kaayusang ito. Hindi niya sinunod ang tagubilin ng Diyos kay Adan.

Totoo, nalinlang si Eva. Pero dapat sana’y tinanong muna niya ang kaniyang asawa kung dapat niyang
pakinggan ang tinig na nagsasabing alam nito kung ano ang “nalalaman ng Diyos.” Sa halip, naging
pangahas siya at pinangunahan ang kaniyang asawa.

Ano ang bunga? Kapahamakan sa buong sangkatauhan.

Sigurado mga kapatid naming asawang babae, hindi ninyo gustong tularan si Eva.

Isaalang-alang natin ang isang halimbawa kung paano niya ito magagawa.

Humihingi ng pahintulot sa kaniya ang anak niya para gawin ang isang bagay. Dahil hindi pa nila napag-
usapang mag-asawa ang tungkol dito, angkop lamang na itanong niya sa kaniyang anak, “Nagpaalam ka
na ba sa tatay mo?” Kung hindi pa ito nagagawa ng kaniyang anak, dapat muna niya itong ipakipag-usap
sa kaniyang asawa. Bukod diyan, hindi dapat kontrahin ng asawang babae ang kaniyang asawa sa harap
ng kanilang mga anak. Kung hindi siya sang-ayon sa pasiya ng kaniyang asawa, makabubuting pag-
usapan nila ito nang silang dalawa lamang.

Kung sinusunod ng asawang babae ang mga pamantayang ito ni Jehova, ipinapakita nya kung gaano
nya kakilala ang Diyos na Jehova, Resulta? Masayang pamilya.

Anak

Kumusta naman kayong mga anak?

May payo sa inyo ang bibliya sa Efeso 6:1-3 Mga anak, maging masunurin kayo sa inyong mga
magulang, ayon sa kalooban ng Panginoon, dahil ito ay matuwid.2 “Parangalan mo ang iyong ama at
ina.” Iyan ang unang utos na may kasamang pangako:3 “Para mapabuti ka at humaba ang buhay mo sa
lupa.

Ano ang payo ng texto? Maging masunurin kayo sa inyong mga magulang, ayon sa kalooban ng
Panginoon,Sinisikap ng mga magulang na kristiyano na palakihin kayo ayon sa kalooban ng Diyos na
Jehova. Kung susundin ninyo sila maiiwasan na magkaroon ng Dobleng?

Bukod sa dobleng katawan, dobleng paraan ng pamumuhay.

Ano ba ito dobleng paraan ng pamumuhay,

Ikaw ba ay umiinom ng alak?

Pakikisama sa mga taong para sa mga magulang mo ay hindi mabuting kaibiganin□

Pakikinig sa masamang musika□


8

Pagpunta sa maingay at magulong mga parti□

Patagong pakikipag-date□

Panonood ng marahas o imoral na mga pelikula o paglalaro ng marahas na mga video game□
Pagmumura o malaswang pananalita

Ginagawa mo ba ang mga ito? Itinatago mo ba ito sa iyong mga magulang? Kung oo, alam mo naman
sigurong mali ang mga gawaing ito. Baka nga nakokonsiyensiya ka pa habang ginagawa mo ang mga ito.
(Roma 2:15) Pero natatakot ka namang ipagtapat ang kasalanan mo sa iyong mga magulang. At dahil
nag-aalala ka sa malamang na maging reaksiyon nila, baka ikatuwiran mo, “Mas mabuti sigurong huwag
na lang nilang malaman para wala na lang problema.

Ang ganyang paglilihim ay umaakay sa dobleng paraan ng pamumuhay.

Ang ilan sa mga israelita noon ay nagkaroon din Dobleng paraan ng pamumuhay sa Isaias 29:15 sinabi
nila ‘Sino ang nakakakita sa atin, at sino ang nakakakilala sa atin?’” Nakalimutan ng mga Israelita na
nakikita ng Diyos ang kanilang ginagawa. Nang dumating ang takdang panahon, pinarusahan sila ni
Jehova sa kanilang mga kasalanan.

Ganiyan din sa ngayon. Maitatago mo sa iyong mga magulang ang ginagawa mong kalokohan, pero hindi
sa Diyos na Jehova. “Walang nilalang na hindi hayag sa kaniyang paningin,” ang sabi ng Hebreo 4:13,
“kundi ang lahat ng bagay ay hubad at hayagang nakalantad sa mga mata niya na pagsusulitan natin.”

Kaya niloloko mo lang ang sarili mo kapag may itinatago kang kasalanan. Tandaan, hindi mo puwedeng
dayain ang Diyos sa pamamagitan ng pakitang-taong debosyon kapag dumadalo ka sa mga pulong ng
kongregasyon.

Alam ni Jehova kung sino ang ‘nagpaparangal sa kaniya sa kanilang mga labi, ngunit ang puso ay
malayung-malayo sa kaniya.’

At isa pa. Alam mo bang nasasaktan si Jehova kapag ang mga mananamba niya ay may dobleng
pamumuhay? Si Jehova, masasaktan? Oo! Nang maghimagsik laban sa Kautusan ng Diyos ang mga
Israelita noon, “pinasakitan nila maging ang Banal ng Israel.” (Awit 78:41) Tiyak na nasasaktan si Jehova
sa ngayon kapag ang mga kabataan na pinalaki “sa disiplina at pangkaisipang patnubay ni Jehova” ay
patagong gumagawa ng kasalanan!

Ngayong alam mo na Walang maitatago kay Jehova, at nasasaktan ang Diyos na Jehova, paano
makakatulong ang pagkakilala mo sa Diyos para makagawa ng tamang Desisyon?

Ang pagkakilala mo sa Diyos na Jehova ang magpapakilos sa iyo ituwid ang bagay bagay.

Syempre hindi iyan laging madali. Pwede kang mapahiya o madisiplina kapag umamin ka na. At ano ba
ang sabi ng Bibliya sa Disiplina?

Hebreo 12:11 Totoo, hindi tayo masaya kapag dinidisiplina tayo, kundi nasasaktan tayo; pero
pagkatapos nito, nagbubunga ito ng kapayapaan at katuwiran sa mga sinanay rito.
Halimbawa, kung namihasa ka na sa pagsisinungaling at panlilinlang, ikaw mismo ang sumisira sa tiwala
ng iyong mga magulang. Kaya huwag kang mabibigla kapag naging mas mahigpit sila sa iyo kaysa dati.
Anuman ang mangyari, pinakamabuti pa ring ipagtapat mo ang iyong kasalanan.

Bakit? dahil buhay mo ang nakataya.

Pag-isipan ang ilustrasyong ito: Ipagpalagay na namamasyal kayong pamilya sa gubat. Nang malingat
ang iyong mga magulang, sinuway mo ang utos nila na huwag kang lumayo, kaya hindi mo nasundan
ang rutang dinaraanan nila at naligaw ka. Nahulog ka ngayon sa kumunoy at unti-unti ka nang lumulubog.
9

Mahihiya ka bang humingi ng tulong? Matatakot ka ba na baka mapagalitan ka ng iyong mga magulang
dahil hindi ka nakinig sa kanila? Hindi! Sisigaw ka nang ubod-lakas para humingi ng tulong.

Sa katulad na paraan, kung mayroon kang dobleng pamumuhay, kailangang-kailangan mo ng tulong. Oo,
hindi mo na maibabalik ang kahapon at ang nangyari ay nangyari na. Pero nasa mga kamay mo pa rin
ang iyong kinabukasan. Gaano man kasakit at kahirap ang magtapat sa mga magulang, isang
katalinuhan na humingi ng tulong bago pa tuluyang masira ang iyong buhay at ang iyong pamilya. Kung
talagang pinagsisisihan mo ang iyong mga ginawa, kaaawaan ka ni Jehova.

Sa Isaias 1:18 “Halikayo ngayon at ituwid natin ang mga bagay-bagay sa pagitan natin,” ang sabi ni
Jehova. “Kahit na ang mga kasalanan ninyo ay gaya ng iskarlata, Mapapuputi ang mga ito na gaya ng
niyebe; Kahit na simpula ang mga ito ng telang krimson, Magiging simputi ng lana ang mga ito.
Kaya ipagtapat ang totoo sa iyong mga magulang. Ihanda mo ang iyong sarili sa magiging reaksiyon nila
dahil talagang masasaktan sila. Tanggapin ang kanilang disiplina. Kung gagawin mo ito,ipinapakita mo
kung gaano mo kakilala ang Diyos at mapagagalak mo ang iyong mga magulang at ang Diyos na Jehova.
Makakahinga ka rin nang maluwag dahil alam mong malinis na ang iyong konsiyensiya.

paglilibang

Ipinakikita rin natin ung gaano natin kakilala ang Diyos kung nakikipagsamahan lang tayo sa nakakikilala
at umiibig sa kanya.

Sa Awit 15:1-5 pinipili ng Diyos na Jehova ang mga taong maaring maglingkod o magiging sakop nya.

Kung makikisama o makikipagkaibigan tayo sa mga taong may mga pag uugaling kinapopootan ni
Jehova, inilalayo nating ang ating sarili sa kanya.

Pero hindi lang ang mga taong nasa paligid natin ang sangkot dito. Kabilang dito ang mga pinapapasok
natin sa ating tahanan sa pamamagitan ng mga libangang pinipili natin.

Halimbawa ayaw nating ng may nagmumura o nagsasalita ng malaswang pananalita lalo na sa loob ng
ating pamamahay pero kumusta ssa mga pinanonood nating pelikula? Nagtatampok ba ito ng mga bagay
na kinapopootan ng Diyos na Jehova?Gaya ng karahasan at mahalay na paggawi?baka hindi natin
namamalayan, nakakapasok na sa ating tahanan ang ganitong mga bagay dahil sa ating mga libangan.

Ganun din sa mga online games, chat rooms, o social media. Baka sa takot nating mabash sumasang-
ayon na rin tayo sa mga sinasabi nila kahit alam nating ito ay mal isa Diyos na Jehova.

Anong payo ng Bible ang makakatulong sa ating para maging determinadong iwasan ito

Ang sabi ng Awit 97:10 O kayong umiibig kay Jehova, kapootan ninyo ang kasamaan. Binabantayan niya
ang buhay ng mga tapat sa kaniya; Inililigtas niya sila mula sa kamay ng masasama.

Sa kabilang banda kung iibigin natin ang mga iniibig ni Jehova, ipinakikita natin ang pag-ibig natin sa
Diyos.

1 Juan 4:8 Ang sinumang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Diyos, dahil ang Diyos ay pag-ibig.

Makikita sa mga taong umiibig sa Diyos ang Pag-ibig. Dahil ito ang katangian ng Diyos na Jehova na
kailangang makita sa kanyang mananamba.

Kaya sikapin nating maging regular sa pakikipagsamahan sa mga sumasamba kay Jehova, sa
pamamagitan ng regular n pagdalo sa mga pulon at regular na pakikibahagi sa ministeryo

At kung ang mga taong ito ang laging nating kasama pinalalago ang ating pagkakilala at pag-ibig sa
Diyos na Jehova.

Nakita natin hindi sapat na maniwala lang na may Diyos, hindi sapat na sabihing naglilingkod kay
Jesus,at hindi sapat na magkaaroon ng kaunting kaalaman sa Diyos.
10

Nakita rin natin na makikilala natin ang Dios sa pamamagitan ng regular na pag-aaral ng bible at
pagbubulay bulay sa pinag aralan natin.

Pero hindi sapat na basta makilala ang Diyos kailangang ipakita natin sa pang-araw araw nating
pamumuhay na kinilala natin ang Diyos. Kailangang ipakita natin ang pagsunod at pananampalataya sa
Diyos.

Anong mga pagpapala ang tatamasahin ng mga taong tunay nakakakilala sa Diyos?

Kikilalanin di nya tayo, ibig sabihin, sinasang-ayunan nya tayo.

2 cr. 16:9a Dahil ang mga mata ni Jehova ay nagmamasid nang mabuti sa buong lupa para ipakita niya
ang kaniyang lakas alang-alang sa nagbibigay ng buong puso nila sa kaniya.

Kapag winakasan na ni Jehova ang sanlibutang ito ni satanas, iligtas ni Jehova ang lahat ng kilala nya.

Dahil kikilala natin si Jehova sa ngayon,sa malapit nang hinaharap may pag-asa tayong kilalanin sya ng
higit magpakailanman sa isang maligayang buhay sa Paraisong lupa.

You might also like