You are on page 1of 1

“ Huling

Pagpatak ng Luha “ Ni G. Cahndi T. Santos (Piyesa sa Madulang


Pagkukwento)

Pilipinas ang aking bayan, ang bayang aking sinilangan. Ang bayan ng
mga ninunong marangal. Marangal sa anumang lahi… ngunit minsan ang
bayang ito ay pinagtaksilan ng tunay na kalayaan. Layang kinalmot ng mga
dayuhan…mga dayuhan na inanod ng kung anong mala-demonyong alon
mga dayuhang uslak … na sumaklob sa buong katawan ng ating inang
bayan. Na walang habag ang sinapit sa kamay ng mga dayuhan na
nanirahan sa ating bayan… Upang gawing alila ang ating angkan at
lapastanganin ang mga karapatan bilang mga Pilipino. ( Makararamdam ng
hapdi mula sa mga latigo) “Maawa na kayo…wala akong kasalanan na
ginawa sa inyo” (Makikita ng Pilipino ang isang dayuhan na dala ang isang
babae). Hwag ninyong saktan ang aking ina… ako na lamang… mahina na
ang katawan ng aking ina... Ako na lamang ang inyong parusahan, matitiis
ko pa. (Sinaksak ng espada ang ina) H’wag! tama na…ako na lamang ang
patayin nyo. Huwag ang aking ina! (hahagulgol ng iyak) Ina ko…!
Kaawaawa naman ang aking Ina, Mabuti syang tao, para bawian ng maaga
ng buhay… dina kayo nahabag sa aking Ina. Kung alam nyo lang kung
gaano kasakit ang pinaslang nyo sya sa aking harapan… ang aking ina,
ang kahabag-habag kong ina…na walang tanging ginawa sa kaniyang
buhay kundi arugain ako…sana ako na lang ang inuna nyo. Di na kayo
nalunos sa pagtangis ng aking mahal na Ina… na nagmamakaawa ang
kaniyang panaghoy. Hirap na hirap na ako rito sa bilangguan…paslangin
nyo na rin ako ng makapiling ko na ang pinakamamahal kong Ina…
sapagkat hanggang ako ay inyong bihag ay hindi magaganap ang huling
pagpatak ng aking luha…

You might also like